You are on page 1of 3

akala (by Reymel Ramiscal Arizo ) Natulog ako sa pag-asang Nakangiti akong gigising At matatanggap ko nang Hindi ka na makakapiling

Pikit-mata, bukas-palad Hinarap ko ang umaga Hiniling na saking paglalakad Ay mabubura ka na sa ala-ala Naghanap ako ng masisisi Nang di magalit sa iyo Hinanap ko ang aking sarili Ngunit naiwan ko siya sa palad mo Sana may litrato ang kahapon Para maitago ko saking pitaka O kahit sana maisilid sa kahon Ang tamis ng iyong ala-ala Humiga ako sa ilalim ng buwan Dinama ang hamog na nakakumot sa akin Nawala ang kalungkutan Ng biglang sumagi sa isipan Na kailangan nang itapon Ang kalungkutan at pag-iisa Sayo na nga ang aking kahapon Pati ba ngayoy idadamay pa? Nahimbing ako sa tiwalang Hindi ako nag-iisa Na bukas may magandang nakaabang Kahit pa hindi na kita kasama

Hahanapin muli ang sarili ko At kung sira nay aayusin

Upang muling maialay nang buo Sakaling tadhanay dumating

Hinihintay ang isang umagang Pag-ibig biglang darating Natulog ako sa pag-asang Nakangiti akong gigising

Kaibigan lang ang turing Nung una kitang makilala Akala ko wala lang Nung una kitang makita Ang sabi ko hayaan mo lang Ngunit bakit nagkaganito Ang nararamdaman ko para sayo Tumigil yata ang oras sa pagtakbo Dahil sa gandang taglay mo Hindi nagtagal tayo'y naging magkaibigan Magkasama sa tawanan, kulitan, at iyakan Minsan pa nga may unting tampuhan Pero sa kalaunan balik sa tawanan Ngunit nang dumating yung panahon na ika'y kanyang iniwan Nakita kitang malungkot at luhaan dahil sa kanyang paglisan Lumapit ako sayo at sinamahan para mapawi ang kalungkutan At mapalitan ng kasiyahan ang mukha mong may kalungkutan

At sa tuwing makakasama kita Hindi maipaliwanag aking nadarama halos tumalon ang aking puso sa tuwa Sana'y hindi na ito magwakas pa

Sa wakas dumating din ang pagkakataon Na masasabi sayo ang nilalaman ng puso Ngunit ng aking sinabi sabi mo ay kaibigan lang ang turing Dahil mayroon na palang ibang kapiling Nalungkot ako ng sabihin mong kaibigan lang ang turing Ang puso ko'y nawasak at nadurog sa iyong sinabi Ngunit ako'y hindi tumigil sa pagsinta, Umaasa pa ring baka may pag-asa Ngunit wala na talagang pag-asa Nang makitang may ibang kasama Ang puso'y muling nanamlay, At sinabi sa sarili na hanggang kaibigan lang talaga Pero di ko inaasam na mahalin mo rin ako Ang nais ko lamang pakinggan mo naman ako Di ko rin naman pinipilit na pansinin mo ako Ang akin lang naman lingunin mo naman ako

Lagi mong iisipin na ako'y maghihintay sayo, Kahit alam kung mayroong, ibang mahal ang puso mo, Marahil nga sadyang ganyan, Siya ang higit mong kailangan

Dahil nga ang turing mo sa akin ay kaibigan lang....

You might also like