You are on page 1of 12

Monolog ni Autumn

Sige mauna na ako!sigaw ko sa aking mga kamiyembro habang mabilis na tumatakbo pabalik sa aming silid aralan.

Maabutan ko pa kaya siya???

Di ko na alintana ang pawis na tumatagaktak sa aking mukha,basta ang mahalaga sa akin ngayon ay ang maabutan sya kahit na magkandarapa pa ako dito sa pagtakbo.

Pardz!nakita ko sya!naabutan ko sya!Halos magtatalon sa tuwa ang puso ko ng batuhin nya ako ng ngiti.Kung si Superman,ang batong Kryptonite ang kahinaanako naman ay ang ngiti at presensya ng taong nasa harapan ko ngayon.

Buti naabutan pa kita!Tila sa isang iglap nawala ang kapaguran ng aking katawan bagkus ay napaltan pa ng milyong milyong paruparong biglang naglaro sa aking tiyan.

Iiwan ko ba naman ang Pardz ko?Inakbayan nya ko at dahil doon,nagsimula ng makuryente ang bawat hibla ng laman ko.Haay sana palagi na lang uwian!

Patuloy lang kaming naglakad papauwi.Kahit na wala syang ginagawaewan ko ba kung paano nya nabubuo ang araw ko?Kung bakit sa bawat oras na kasama ko sya para bang tumitigil ito?Kahit wala akong pakpak eh pakiramdam ko nalutang ako?Ang masaklap nga lang bakit parang umiikli ang daan pag kasama ko sya?

Pardz malapit na akong umamin sa kanyapara akong binuhusan ng malamig na tubig.Oo nga palanakalimutan kong kaibigan nya lang ako este nakakabatang LALAKING kapatid.Sabi nya kasi sa akin noon Alam mo komportable akong kasama ka,Parang kapatid na lalaki na kasi ang turing ko sayo ehKelan man hindi nya kong nakitang babae sa paningin nyasabagay paano nya ko makikita kung sa iba sya nakatingin?Kung ang mga mata nya ay nakalaan lang sa babaeng minamahal nya

Bakit kasi hindi ko kasingganda yung babaeng mahal nya eh?Bakit kasi manlalaro pa ako ng volleyball eh?Yan tuloy laging babad ang balat ko sa arawan!Tapos madalang pa akong magsuklay kaya laging nakacap ang buhok ko!Haaay kaya siguro lalaki ang tingin nya sa akin kasi bukod sa itsurang lalaki eh kilos lalaki na rin ako.Haaay.Kailangan ko na atang magbagoOo kailanganHuli na naman to ehbago man lang ako gumaradweyt ng hayskul eh gusto ko namang maranasan ang maging maganda kahit papaano

Huy Pardz?nakikinig ka ba sa akin?sa sobrang lalim ng iniisip ko,nakalimutan kong may kasama nga pala ako.

Ah pasensya na.Teka ano ba yung sinasabi mo?sabi ko habang nagkakamot ng ulo.

Kako sabi ko tutulungan mo ko sa kanya ha?sabi nya habang nakangiting nakatingin sa aming dinaraanan.Iba talaga ang ngiti nya pag yung babaeng gusto nya ang pinaguusapansayang hindi na lang akoHaaay.

Ah syempre naman!pinilit kong ngumiti.Kailangang ikubli ang nararamdamang lungkot.Syempre tutulungan ko syakahit na maging malungkot pa koang mahalaga naman ay masaya syaOo na uso ang martir! :/ Bakit sino ba ako para sabihin sa kanyang Hoy mahalin mo ko kundi sasapakin kita! Kalapastanganan naman kung ipagsisiksikan ko ang sarili ko.Ang tao dapat makuntento kung anong meronpag naghangad ka kasiits either makukuha mo ang hinahangad mo or babagsak ka sa kawalan.

Kinabukasan.

Baklaaaaaaaa!nagtatalon kong sigaw kay Jeremy este Jeremiah!Isa syang ahmmmKatawang lalaki ngunit pusong babae!Masaya ako ngayon kasi lumipat na sya sa paaralan namin!kababata ko kasi yan eh. Shhhhh!maharot ka!Wag ka ngang maingay!ay oo nga pala!Hindi pa lumalantad tong kaibigan kong to eh! Oo na!Tekatulungan mo naman ako oh!nilapitan ko sya at niyugyog ang kanyang mga braso.

Ano ba yang kacheverness na yan?sabi nya habang tinataasan ako ng kilay. Samahan mo naman akong magquit sa volleyball tapos diretso tayo sa parlor!pinilit ko syang higitin para makaalis na kami ngunit pinalo nya lang ang kamay ko. Ano magqquit ka para magpaparlor???!Bakla ka na rin ba??!sabi nya habang pinanlalakihan ako ng mata.WAAAAA babae ako!Babae ako!!!Purong puro!!! Tutulungan mo ba ko Jeremy o Jeremiah BOOM ka sa universe?!sabi ko na may tonong pagbabanta.Pasensya na Jere!kailangan ko lang talaga eh! Charing!to naman di mabiro tara na!hinawakan nya ang mga kamay ko at dumiretso kami sa aking coach.

Mula sa malayo natanaw ko syaMalabo ang mata ko pero ewan ko kung paano nito nagagawang sa isang tingin ay malamang sya na talaga yun

Napahigpit ang kamay ko kay Jeremy.Pisil pisil ko na nga halos yun dahil pinipigilan kong kiligin.

Charot ka masakit ha!piniga naman ni Jeremy ang kamay ko.Haaay baklang to kahit kailan walang konsiderasyon!

Binilisan ko ang paglakad para maabutan siya ngunit

Sana pala bumalik na lamang ako :(

Nakita ko kasing pinapanuod nya si StepanieYung babaeng gusto nyaYung babaeng kahit kuko nya wala akong binatbat.Kung ako volleyball player,si Stepanie naman cheer leaderSyempre pag cheerleader asahan nyo nang magandamaputibabaeng babae kung kumilos!Walang wala sa katangian koKaya siguro kahit kailanmalunod man ako sa make-up eh hinding hindi ako magugustuhan ng taong lihim kong minamahal.Minamahal mula sa malayoHaaay

Marahang tinapik ni bakla ang balikat ko at nginitian ako.

Ako ang Fairy Gay Mother mo girl!Tara!!!I swear!!!Bago pa dumating ang araw ng prom eh matatalbugan mo pa ang kahit sinong Disney princess!!!bongga!!!napangiti ako at niyakap ang bakla ngunit maasahan kong kaibigan.

Isang linggo ang lumipas.Malungkot kasi hindi ko na nakakasabay ang gusto kong makasabayPero Masaya rin ako kasi mukhang may pinatutunguhan ang makeover na ginagawa sa akin ni Jeremy.Ang mga patay kong buhok,aba nabuhay na sila!Tapos nauubos na ang populasyon ng tagyawat ko!Tapos maayos na kong gumalaw!hmmmkaso medyo maitim pa rin ako ehMagkulong kaya ako sa ref?Haaay pag maputi kasi maganda na agad sa paningin eh!Tsaka isa yun sa nakita nya kay Stepaniekaso ang hirap naman kasing pumuti ehpaano ba yan?Prom na mamayang gabi!

Kinagabihan.

Sige po mauna na kami!Ako na pong bahala kay Autumn!magalang na sinabi ng aking matipunong escort sa aking mga magulang.

Lumabas na kami sa aming bahay at sumakay ng taxi.

Girl!Walanjo ka sumakit lalamunan ko ah!reklamo ni Jeremy habang nagpapaypay.Nanakit kasi yung lalamunan nya kakapilit na palakihin ito sa harapan ng mga magulang ko eh. Ano ka ba kahit ngayong gabi maging lalaki ka muna ha?Please?Pagkatapos ireregalo ko sayo tong gown na suot ko!sa sinabi kong iyon nagningning ang mga mata nya.Matagal nya nang gustong bilhin ang gown na ito eh kaso nga lang baka mahuli sya ng mga magulang nya kaya ako na lang ang bumili.

Teka??Hindi ko pa nga pala nakikita ang sarili ko ngayon ehnatatakot akong malinlang ng salaminSan ba kasi nakakabili ng salamin kung saan makikita ko ang mga bagay na gustong makita ng taong gusto ko???

Nakarating na kami sa pagdarausan ng Prom.

Sabay kaming pumasok ni Jeremy pero bigla naman itong nawala sa paningin ko?Hay naku baka naghanap na yun ng lalaki eh!

Nagulat ako ng maramdamang may nagtakip sa aking mga mata.

Jeremy!San ka ba nagsusuot ha----Bleu???nagulat ako ng SYA ang tumambad sa akinMatagal tagal ko na rin syang di nakikitaPara bang 10 taon ang naging katumbas ng 1 linggong wala sya

Nakita kong bahagya syang nalungkot ngunit agad rin namang ngumiti na syang ikinasilaw at ikinatunaw nanaman ng aking puso.Pardz!Tsss nahiya naman akong tawagin kang Pardz!ang ganda mo!sabi nya habang nakangiting pinipisil ang ilong ko.Unti unti nanamang nabuhay ang mga paruparo sa aking tiyan kasabay ng pagsibol ng munting pag-asa sa narinig na salitang maganda na paulit ulit na tumunog sa aking isipan.Ayos nabago ka nyaMahal mo talaga sya ano?Nagulat na lang ako sa mga sumunod nyang sinabi.Teka alam ba nya???Buti ka pa Pardz!May Jeremy na!Samantalang ako hindi nya mapansin pansinHa???:( sabi na ehhinding hindi nya maiisip na maaring sya ang nakapagpabago sa akin.Kahit ano namang gawin ko ehkahit na takpan ko ang sarili ko sa gown na ito,kahit na nagsusuklay na ako at kahit ano pang ayusin ko sa sarili ko ang tanging makikita nya sa akin ay ang wala lang na si Autumn na nagpupumilit :(

Tumingin ako sa paligid at pilit kong hinanap si StepanieKaya naman palamay iba yung kasamaNAKAKAINIS!!!Gusto kong sabuyan ng asido ang babaeng yun!Naikuyom ko ang palad ko sa galit.Okay lang naman kasi na ako na lang ang makaranas ng sakit ehwag lang sya kasi pag sya yung nakikita kong nasasaktan mas dumodoble yung sakit!

Lumapit ako kay Stepanie at inilayo sya sa lalaking madikit nitong kasayawan.

Ano bang problema mo?!sigaw sa akin ni Stepanie na pilit nagpupumiglas sa mahigpit kong pagkakahawak.

Ikaw babae ka!Sadya ka bang walang puso???alam mo naman na matagal ka ng gusto ni Bleu diba???pero bakit mo sya binabalewala???ganyan ka ba kamanhid?! sabi ko sa kanya.Gusto ko na talagang manuntok sa inis ko pero luha ang lumabas sa aking mga mata.Bakit lagi na lang ganun ang kwento?!Mahal mo,iba mahal???Ang saklap lang kasi nararanasan ko pa ehAt eto pinagpipilitan ko pa sa babaeng mahal nya na mahalin syaang bayani ko naman,kahit nasasaktan

Nagulat na lang ako ng marinig ang pagtawa ni Stepanie. Uulitin ko ha?? Ikaw babae ka!Sadya ka bang walang puso???alam mo naman na matagal ka ng gusto ni Bleu diba???pero bakit mo sya binabalewala???ganyan ka ba kamanhid?!Nagulat na lang ako ng patuloy pa syang tumawa matapos gayahin ang sinabi ko.Teka may sayad ba tong babaeng ito???!

Steph tumigil ka na nga sa kakatawa jan!Mukha kang praning jan ehnapatingin ako sa nagsasalita sa likod ko at nagulat ng makita si Bleu.Haaay kahihiyan!

Kuya kasi tong si Autumn este soon to be Ate Autumn!HAHAHAHA patawa eh!Lumapit sya kay Bleu at pinaghahampas ito.Teka ano KUYA kamo?!!!Ano bang nangyayari dito??!!

Wag mo nga syang pagtawanan!Sige ka sasabihin ko kay mama pauwiin ka ng maaga!nakita kong namumula si Bleu.TEKA?!!Magkapatid ba sila????!!!!!!!

Matapos maproseso sa utak ko ang mga nangyayarina nagkamali ako ng ineskandalona mas pinairal ko ang katangahan koMinabuti kong takbuhan sila

Bakit kasi hindi ako nag-iisip???!Hay ang tanga ko naman!Nakakahiya talaga!WAAAAA!!!

Monolog ni Bleu

Apat na taon na ang nakakaraan noong makilala ko SIYA.

Tanda ko pa kung gaano kasakit ang pagkakatama nya sa akin ng bola ng volleyball noon na naging simula ng pag kakaibigan namin

Naiiba sya sa mga babaeng nakilala kong walang alam sa buhay kundi ang magpolbo at magsuklay

Dahil doon,nadiskubre kong hindi lang ako sa ulo tinamaanpati pala sa puso.

Hindi nagtagal naging mas malapit pa kaming magkaibigan.Sa totoo lang napakakomportable nyang kasama,yung tipo bang parehas na parehas kayo ng ugali at nagkakasundo sa mga bagay bagay?

Maraming beses ko na ring tinangkang aminin na gusto ko sya pero ewan ko ba kung bakit umuurong yung dila ko pag kasama ko sya Nung isang araw namang sinabi kong yung babaeng nasa likod nya ay matagal ko ng gusto eh inakala nya namang si Stephanie yunDi man lang sya tumingin sa mismong likod nyamay salamin kasi dun!sayang di nya nakita ang replaksyon nyana sya yung mismong tinutukoy ko

Kaya magmula noon di na ko nagtangka pa kasi mas naduwag na kong magtapat.Nakuntento na lang ako sa mga hapong kala ko ay wala ng katapusan pa.

Hanggang sa dumating yung Jeremy na yun!!!Madalang ko na syang nakakasama!Nung puntahan ko nga sya sa volleyball practice nya eh wala na syanatanaw ko na lang syang kahawak kamay si Jeremy na yun kaya mas minabuti ko na lang panuorin ang kapatid ko sa pagccheerdance nya.

Hanggang ngayong Prom ba naman sila ang magkakasama???Ang hirap talaga mahal mo,iba mahal.Hindi ba pwedeng ako na lang?

Nung mawala si Jeremy sa tabi nyaagad kong kinuha ang pagkakataonNilapitan ko sya at pilit sinorpresa kaso iba ang lumabas sa bibig nya

Jeremy!San ka ba nagsusuot ha----Bleu???nagulat sya at biglang nalungkot ng makita ako.Ang laki ng ginanda nya

Pardz!Tsss nahiya naman akong tawagin kang Pardz!Ang ganda mo!ang ganda mo pa rinPwede bang akin ka na lang?Ayos nabago ka nyaMahal mo talaga sya ano?Sabihin mong hindi?Mahal mo ba sya?Please wagButi ka pa Pardz!May Jeremy na!Samantalang ako hindi nya mapansin pansinMapait kong sabi at pilit na ngumiti.Hindi kasi sya nagsasalitaSiguro naiirita na to sa akin

Nagulat na lang ako ng bigla syang umalis.Parang galit na galit.Bakit???

Fafables!nakita kong nakatulala sa mga lalaki si JEREMY?!!! Jeremy!!!BAKLA KA?!nanlaki yung mga mata nya.So totoo?!bat mo naman niloko si Autumn ha?!Hanggang kailan mo sya lolokohin?! kinuwelyuhan ko sya.Nagiinit ang kamao ko sa kanya!!! Nooo!Fafa Bleu!shhhh!!wag ka maingay!!!Alam to ni Mareng Autumn!Chill!Tsaka duhh!!!Bakit ko sya lolokohin ano ba kami???nabitiwan ko sya at napawi ang lahat ng lungkot na napuno sa akin buong linggoIbig sabihin wala silang relasyon???ewan ko pero daig ko pa ang nanalo sa lotto!

Agad kong hinanap si Autumn at nagulat sa nadatnan kong sitwasyon.

Ikaw babae ka!Sadya ka bang walang puso???alam mo naman na matagal ka ng gusto ni Bleu diba???pero bakit mo sya binabalewala???ganyan ka ba kamanhid?! narinig kong sigaw nya kay Stephanine habang patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata.Teka bakit sya naiyak???Ano bang sinasabi nya???

Uulitin ko ha?? Ikaw babae ka!Sadya ka bang walang puso???alam mo naman na matagal ka ng gusto ni Bleu diba???pero bakit mo sya binabalewala???ganyan ka ba kamanhid?!Patuloy syang pinagtawanan ng kapatid ko.AY!!!kailangan ko tong pigilan!!!mukhang ilalaglag ako eh!

Steph tumigil ka na nga sa kakatawa jan!Mukha kang praning jan ehMariin kong sambit kay Stephanie.

Kuya kasi tong si Autumn este soon to be Ate Autumn!HAHAHAHA patawa eh!Lumapit sya sa akin at pinaghahampas ako.Lokong to!Ibubuking pa talaga ako!!!

Wag mo nga syang pagtawanan!Sige ka sasabihin ko kay mama pauwiin ka ng maaga!Pagbabanta ko sa kanya.Hindi pwede!!!Kung sa iba nya rin lang malalaman wag na lang!

Nagtinginan lang kami ng masama ng kapatid ko bago pa sya tuluyang umalis.

Huminga ako ng malalim.Eto naaamin na talaga akoHindi ko na hahayaang kainin pa ako ng katorpehan kong ito.Autumnsabi ko habang dahan dahan syang hinarap.

Teka nasaan na SYA?????

Monolog ni Autumn

Isuot nyo na ang mascara at simulan na ang sayawan!

Malakas ang hiyawan ng mga tao ngunit hindi pa rin nito mapukaw ang atensyon ko.

Naliligaw pa rin ang aking isipan.Ano nga ba talaga ang nangyayari dito???

Nagulat na lamang ako ng abutan ako ng mga estudyante ng maskara.Para san ba ito?aanhin ko pa ba ito kung kahit wala naman ito ay nakakaya kong magbalat kayo?

Isuot mo nay an magsisimula na ang masquerade ballInabot nya sa akin ang kulay gintong maskara.Muntik ko ng makalimutan kung nasaan ako.HaayUmuwi na lang kaya ako?Hindi naman ako

nababagay sa kasayahang ito ehNalulungkot ako paano ako makakahalubilo sa mga taong nagsasaya sa paligid?

Nagsimula na akong maglakad papalayo ng haltakin ako ng isang lalaking naka-asul na maskara.

Nagulat ako ng bigla nya akong ituro.

Ikawnaituro ko ang sarili sa kanyang sinabi.Ha ako ba daw??? Kailan ka ba naging ganyan kaganda?sinabi nya bago nya ako mahigit papalapit pa sa kanya.

Hindi ako maganda..mapait kong sabi.Edi kung maganda ako edi sana napansin mo na ako???napatakip ako ng bibig ng maisip na naibulong ko pala ang mga salitang iyon.

Ni minsan hindi ko naging basihan ang panlabas na anyo ng tao para lamang mapansin ko sila,Alin ba ang tumitibok mukha ba o itong puso?nakita ko sa mga mata nya ang sinseridad ng banggitin ang mga katagang ito.Kahit anong impit koHindi ko mapigilang mapangiti sa kanyang sinabi,tinamaan kasi ako doon eh.Napaka negatibo ko naman!bakit ngayon ko lang to nalaman?!Hindi nga pala lahat ng lalaki kagandahan lang ang nahahanapat isa na sya doon sa mga malapit ng maubos na lalaki.AAH!!!Hindi ko na dapat sya pakawalan!

Ngumiti syaang ngiting iyonTila ba binigyan ako ng lakas ng mga ngiti nya ngunit bigla namang nanlambot ang aking tuhod ng akoy simulan nyang isayaw.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.Ayoko!Ayoko!Ayoko!Masyado kasing nakakasilawTeka dapat rin ba akong gumalaw???Ayoko!Ayoko!Ayoko!Baka maapakan ko lang ang paa nya!

Nagtatalo ang isipan ko.Hindi ako sanay sa mga ganitong sitwasyon!Kinakabahan ako na baka bigla na lang akong magkamali at maisipan nyang umalisAyoko naman ng ganun :(

At kahit mahal kitawala akong magagawatanggap ko oh aking sintapangarap lang kitanarinig kong sumasabay sya sa kanta at nakatingin sa malayo.Pinagmasdan ko lamang syaTotoo kaya ito???Sya nga ba itong nasa likod ng asul na maskara?

Namula ata ako ng bigla syang mapatingin sa akin.Matagal na kong nagtatago sa maskarang itosinabi nya sa akin ng nakangiti.Pangarap kita noonnalungkot ako sa sinabi nya.Noon?Hindi nab a pwede ngayon???

Nagsisimula ng mamasa ang mata ko.Teka kailan pa ba ako naging iyaken???Nakakainis naman kasi!!!Nakakapanghinayang ang salitang noon!

Buti na lang natupad na ang pangarap ko at hindi ko na kailangan pang magtagounti unti nyang inaalis ang kanyang maskara.Nagsimula na ring umagos ang luha koMarahil hindi na sa lungkot kundi sa pagkasaya

Kasabay ng paglantad ng lalaki sa likod ng asul na maskaraUnti unti na ring naalis ang pagbabalat kayo ko.

Mahal kitadi namin namalayang sabay pala naming nabigkas ang makapangyarihang salitang iyon.

SYA na nga talaga ang mismong nagsabiAng nagiisang SYA sa buhay ko

Sana naman wag munang tumunog ang Alarm clock ko!Ayaw ko paayoko pang magising sa panaginip na ito.

You might also like