You are on page 1of 4

7/11/13

Ibahagi 1

Panitikang Pinoy: Mga Kwentong Bayan / Folktales


Higit Pa Susunod na Blog Bumuo ng Blog Mag-sign in

Panitikang Pinoy
Mga koleksyon ng mga Panitikang Pilipino.
Home Mga Epiko / Epic Mga Bugtong / Filipino Riddles Mga Tula / Poems Mga Salawikain / Proverbs Mga Kwentong Bayan / Folktales

Mga Talumpati / Filipino Speeches

Mga Pabula

Sea rch T h is Blog

Mga Kwentong Bayan / Folktales


Ang kuwentong-bayan (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhangisip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

Search

SI MARIANG MAPANGARAPIN
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya. Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pagaalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog. Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap. At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito
panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html 1/4

There was an error in this gadget


F ollow ers

7/11/13

Panitikang Pinoy: Mga Kwentong Bayan / Folktales

sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG! Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong. Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay maisakatuparan. Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp. 84-85.

Join this site


w ith Google Friend Connect

Members (1)

Already a member? Sign in

Blog A rch iv e

2011 (2) November (2) Ano ang Panitikan Mga Koleksyon

Sub scrib e T o

Posts

Ang Punong Kawayan

All Comments
A b out M e

Graxa Enjoying life :) View my complete profile

F ollow b y Em a il

Email address...

Submit

F eedjit

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan. Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy. "Tingnan ninyo ako," wika ni Santol. "Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata." "Daig kita," wika ni Mangga. "Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga." "Higit akong maganda," wika ni Kabalyero. "Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na." "Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga," wika ni Niyog. "Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa." Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan. Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta. Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang dulot. Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp. 77-78.

panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html

2/4

7/11/13

Panitikang Pinoy: Mga Kwentong Bayan / Folktales

Nakalbo ang Datu

Live Traffic Feed

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila. May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya. Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala siyang itulakkabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga. Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa. Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. magmumukhang kasinggulang ko lamang siya. Sa ganito,

A visitor from Bagumbayan, Albay viewed "Panitikang Pinoy: Mga Kwentong Bayan / Folktales" 0 secs ago A visitor from Pasig, Pampanga viewed "Panitikang Pinoy: Mga Kwentong Bayan / Folktales" 1 min ago A visitor from Luisiana, Laguna viewed "Panitikang Pinoy: Mga Epiko / Epic" 5 mins ago A visitor from San Pedro, Laguna viewedTrust "Panitikang Pinoy: Mga Rating Kwentong / Folktales" 5 Not Bayan Yet Rated mins ago panitikangpnoy.blogspot.com A visitor from Olongapo City, Olongapo viewed "Panitikang Pinoy: Mga Kwentong Bayan / Folktales" 9 mins ago A visitor from Las Pias, Rizal viewed "Panitikang Pinoy: Mga Kwentong Bayan / Folktales" 15 mins ago A visitor from San Juan, Batangas viewed "Panitikang Pinoy: Mga Kwentong Bayan / Folktales" 16 mins ago A visitor from Manila viewed "Panitikang Pinoy: Mga Kwentong Bayan / Folktales" 23 mins ago A visitor from Sucat, Rizal viewed "Panitikang Pinoy: Mga

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa. Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda. Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa. Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili. "Kalbo! Kalbo, ako!" sigaw ng datu. Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida. Mensahe: Ang pagmamahal ay naipakikita sa iba't-ibang paraan.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp. 80-81. (source: http://kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-literature-mgakuwentong-bayan-folktales.190)
+1 Recommend this on Google

panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html

3/4

7/11/13
Home Subscribe to: Posts (Atom)

Panitikang Pinoy: Mga Kwentong Bayan / Folktales

Kila la ng M ga Post

Ano ang Panitikan Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pin...

Mga Koleksyon Mga koleksyon ng Panitikang Pilipino na magagamit sa mga proyekto at takdang aralin ng mga mag-aaral at iba pa.

L a b els

philippine literature Panitikang Pilipino Mga koleksyon ng mga Panitikang Pilipino Epiko Epic Bugtong Filipino Riddles Salawikain Proverbs Kwentong Bayan Folktales Talumpati Tula Pabula (1) philippine literature Panitikang Pilipino Mga koleksyon ng mga Panitikang Pilipino Epiko Epic Bugtong Filipino Riddles Salawikain Proverbs Kwentong Bayan Folktales Talumpati Tula Poems Pabula (1)
Video Ba r

Carol Banawa - Iingatan Ka Mp3


Musicaddict.com

T ota l Pa gev iew s

107,348

pow ered by

graxa. Simple template. Template images by luoman. Powered by Blogger.

panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html

4/4

You might also like