You are on page 1of 1

Bicol, Meryll Mae G. Magandang Umaga sa inyong Lahat!

ARC - 2101

Lubos kong ikinagagalak ang magkaroon ng pagkakataon na akoy makapagsalaysay ng aking mga saloobin hinggil sa isang usapin. Ang arkitektura sa mapanghamong panahon, ito ang paksang nais kong bigyan ng sariling interpretasyon at hangad kong mapagnilayan din ng inyong mga kaisipan. Hindi mababaw ang paksang ito sa halip itoy isang katha na malalim ang nais ipabatid. Arkitektura ay ang agham ng pagdididbuho ng kaisipan lalot ang pinaguusapan ay mga gusali o anumang infrastraktura. Maari ring sa pagdididsenyo at pagsasaayos ng kapaligiran. Sa tulong ng kaalamang mayroon ito, ang mga pagplaplano ay dumaraan sa masusi at malikhaing nilalaman ng isang taong nakatalaga sa ugnayang ito. Ang taong tinutukoy ko ay ang isang arkitekto. Arkitekturang maituturing ang kamangha-manghang paglikha ng Diyos sa mundo. Patunay na ang mga tanawin sa kalupaan, mapatubig at mapahimpapawid. Walang sinumang nilalang ang makakakapantay lalot hindi makakaangat sa husay na Kanyang ipinamalas. Sa mundong ating ginagalawan, marahil ito mismo ang magmumulat sa katatayuan ng arkitektura ngayon. Nasaan na ito? Kasalukuyang nasa mapanghamong panahon. Dito sa Pilipinas masasabing hindi pa rin ganoong kaepektibo ang arkitektura. Sapagkat aminin nating hanggang ngayon hindi pa rin lubusang naiintindihan ng ilang mamamayan kung ano ang kahalagahan nito. Alam kong nasa kalalagayan rin ng pamumuhay ang masasabing dahilan kung bakit ganito ang kinatatayuan ng arkitektura sa ating bansa. Kaugany nito, ang bawat bagay ay may pinagmulan gayun din ang pagsubok itoy may pinanggalingan. Kaya akoy patuloy na naniniwalang darating ang panahong nakalaan dito. Hindi nais ipahiwatig ng arkitektura na perpekto ang kalalabasan ng pagdidisenyo at pagplaplano ng isang gusali. Mayroon din itong negatibong resulta. Maaring maapektuhan ang kalikasan at ang pangangailangan ng mga mamayan dito. Kung may negatibo may positibo rin. Alam nating nasa pagiisip din ng arkitekto ang magbibigay solusyon sa bawat problema bago maitayo ang isang gusali. Isa pa ring lalong nagpapahamon sa mundong ginagalawan ng arkitektura ay ang pagsakop ng kahalagahan nito ng ilang syensyang may ugnay rito. Ito ang nagiging dahilan sa ilang di pagkakaunawaan at pagkakapantay-pantay. May ilan ding isinasawalang bahala ang arkitektura ngunit kaylan man ay hindi ito matitibag. Dahil sintibay ng moog ang arkitektura. Bilang mag-aaral ng kursong arkitektura, ramdam ko ang nagaalab na hamong aking tinatahak. Hindi magiging madali and daan sa pagtamasa ng aking tagumpay. Sa kabilang banda, ipinahihiwatig pa rin ng mga pagsubok na mapupunan ng galak ang aking pusong uhaw sa panahong makamit ko na ang aking ninanais. Kaya nais nyo bang sa tuwinay ganito pa rin ang kalagayan ng arkitektura? Hindi. Simulan natin ang solusyon sa ating mga sarili. Alamin ang kontribusyon at maipapamalas nating galling. Ang pagkakaroon ng simula ay syang nagiging daan patungo sa wakas at wagas na tagumpay!

You might also like