You are on page 1of 37

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON

DIVISION OF BATANGAS
SAN JUAN WESTT DISTRICT

FIRST GRADING PERIOD

Lesson 1
I.Layunin 1. Natatamo ang kaalaman, kasanayan at wastong saloobin sa pagtatanim ng halamang ornamental. 2. Nakasasali ng buong sigla sa talakayan. II.Paksang Aralin Ang Paghahalaman: Ibat ibang uri ng Halaman Sanggunian: PELC B 1.2 sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV Kagamitan: tsart at larawan Pagpapahalaga: Pagkamaparaan III.Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pagkilala ng bagong asignatura ( EA ) 2. Balik-aral Magbalik aral sa magandang dulot ng pagtatanim. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sinu-sino sa inyo ang may malawak na bakuran sa inyong tahanan? Anu-ano ang nakatanim sa paligid nito? 2. Talasalitaan Halamang-ornamental Halamang-gulay Punong-kahoy Binhi Punla 3. Pagbubuo ng Suliranin Ano ang halamang-ornamental?Punongkahoy?At halamang gulay? Ano ang kagandahan ng pagtatanim nito? 4. Karanasan sa Pagkatuto Ipabasa sa mga bata ang aralin sa pahina 116-118. 5. Talakayan Talakayin ang bawat isa. Hayaang makibahagi sa talakayan ang mga batang magaaral. C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ano ang kabutihang dulot ng pagtatanim ng ibat ibang halamang ornamental?

2. Paglalapat A.Magbigay ng mga halimbawa ng halamang-ornamental at punongkahoy. B. Pangkatin ang klase at hayaang lumabas ang bawat pangkat upang magtala ng ibat ibang uri ng halaman na makikita sa loob ng bakuran ng paaralan. IV.Pagtataya Ilagay sa angkop na grupo ang sumusunod na halaman: San Francisco Daisy Pako Ube Five fingers Kamoteng-kahoy Zinnia Dapo Kamoteng baging Mirasol Gabi Bawang Rosas Patatas Labanos Kerots Luya Halamang Dahon Halamang Namumulaklak Bungang-ugat V.Takdang Aralin Natutukoy ang wastong kahalagahan ng ibat ibang gulay.

Lesson 2
I. LAYUNIN Natutukoy ang mga halamang gulay sa pamayanan na maaaring itanim II. PAKSANG ARALIN Mga Halamang Gulay Sanggunian: PELC B1.2 Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan, ph. 107 108 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, ph.131-133 Kagamitan: larawan ng gulay, tsart III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Pagganyak: Anu-ano ang kahalagahang naidudulot ng pagtatanim ng gulay? 2. Pagwawasto ng takdang-aralin B. Paglalahad: 1.Pangkatang Gawain Pangkat 1- Isulat ang mga pangalan ng mga dahong gulay na alam ninyo 2- Isulat ang mga pangalan ng bulaklak gulay 3- Isulat ang mga pangalan ng mga butong gulay 4- Isulat ang mga pangalan ng mga bungang- gulay 2. Pag-uulat ng bawat pangkat C. Pagtatalakayan Anu-ano ang mga halamang gulay na matatagpuan sa loob ng paaralan? Bakit mahalaga ang pagtatanim ng mga gulay? Ano ang mga naidudulot ng mga halamang-gulay sa ating katawan? D. Paglalahat Anu ano ang mga uri ng halamang gulay na maaaring itanim sa pamayanan?

E. Paglalapat Sabihin kung anong uri ng mga halamang gulay ang babanggitin ng guro Talong gabi sigarilyas Karot okra cauliflower Sibuyas labanos mustasa IV. PAGTATAYA Isulat sa patlang ang uri ng mga sumusunod na gulay ( dahong- gulay, bungang gulay, bulaklak ng gulay, butong- gulay, bungang- ugat) 1. patatas ___________________ 2. bulaklak ng kalabasa ___________________ 3. kangkong ___________________ 4. pipino ___________________

5.sibuyas 6. gabi 7. repolyo 8. munggo 9. patani 10. petsay

___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________

V. TAKDANG ARALIN Gumupit ng tig- dadalawang larawan ng uri ng halamang- gulay. Ikapit sa kwaderno at pangalanan ito.

Lesson 3
I.Layunin 1. Natatamo ang kaalaman, kasanayan at wastong saloobin sa paggamit ng kasangkapan sa pagtatanim. 1. Nakasasali ng buong sigla sa talakayan. II.Paksang Aralin Ang Paghahalaman: Ibat ibang uri ng Kasangkapan sa Pagtatanim Sanggunian: PELC B 1.3 sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV Kagamitan: tsart at larawan Pagpapahalaga: Pagkamalinis III.Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pagkilala ng ng mga uri ng magandang halaman sa pagtatanim. 2. Balik-aral Magbalik aral sa magandang dulot ng pagtatanim. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sinu-sino sa inyo ang may malawak na bakuran sa inyong tahanan? Anu-ano ang nakatanim sa paligid nito? Anong mga kagamitan ang inyong ginagamit sa pagtatanim? 2. Talasalitaan Asarol Pala Gulok Pisi Kalaykay 3. Pagbubuo ng Suliranin Ano ang mga kagamitan sa pagtatanim? Ano ang kabutihang maidudulot ng paggamit ng mga kagamitan sa pagtatanim? 4. Karanasan sa Pagkatuto Mga kagamitan sa Pagtatanim 1. Asarol- Ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa upang bumuhaghag bago taniman 2. Kalaykay- Ginagamit ito sa paglilinis ng bakuran. Tinitipon ng kalaykay ang mga kalat sa halamanan tulad ng mga dahong tuyo,, tuyong damo, at iba pang uri ng kalat. Maari rin itong gamitin sa pagaalis ng malalaki at matitigas na tipak ng lupa o bato sa lupang taniman. 3. Piko- Ito ay ginagamit upang durugin at pinuhin ang malalaking tipak ng lupa 4. Dulos- Ang dulos ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman.

5. Regadera- Ginagamit ito sa pagdidilig. 6. Pala- Ito ay ginagamit sa paglilipat ng lupa 7. Gulok- Kung may mga sanga ng punongkahoy at iba pang bahagi ng halaman na nakakasagabal 8. Tulos at Pisi- ang mga ito ay ginagamit sa gabay sa paggawa ng mga hanay sa kamang taniman at pagbubungkal ng lupa. 9. Kartilya- ito ay nahahawig sa kariton ngunit may isang gulong sa unahan at dalawang paa sa likuran kaya ito ay nakakatayo. 10. Metro- Ginagamit sa pagsukat ng layo o luwang sa isat ng mga halamang itatanim sa kamang taniman. 5. Talakayan Talakayin ang bawat kagamitan at ang gamit ng bawat isa. 6. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ano ang kabutihang dulot ng kaalaman sa mga kasangkapan sa pagtatanim? 2. Paglalapat Anong maaaring gawin upang maging maayos at maganda ang ating mga ksangkapan sa paghahalaman? IV.Pagtataya Tukuyin kung anong uri ng kasangkapan ang sumusunod: 1. __________________________

2.

__________________________

3. ____________________________

4. ________________________________

5.

________________________________

V.Takdang Aralin Magsaliksik ng tamang paraan upang mapangalagaan ang mga kagamitan sa pagtatanim.

Lesson 4
I. LAYUNIN Naisasagawa ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahalaman II. PAKSANG ARALIN Mga Panuntunang Pangkaligtasan at Pangkalusugansa paghahalaman Sanggunian: Mga Panuntunang Pangkaligtasan at Pangkalusugansa paghahalaman PELC B 1.4 Kagamitan: tsart, mga larawan sa paghahalaman III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Pagganyak: 1.Paano ang wastong pangangalaga sa mga kasangkapan? 2.Pagwawasto ng takdang-aralin B. Paglalahad: 1. Kayo ba ay may mga halaman sa inyong bakuran? 2. Paano ninyo ito pinangangalagaan? 3. Pamamasyal sa halamanan ng paaralan 4. Hayaang itala ng mga bata ang kanilang namasid sa halamanan 5. Pangkatang-Gawain Pagbabahaginan sa kanilang namasid 6. Pag-uulat ng bawat pangkat C. Pagtatalakayan Ano ang dapat ilagay sa mga tanim upang lumaki itong malusog? Bakit kailangang bungkalin ang lupa sa paligid ng halaman? Bakit kailangang bunutin ang mga damong ligaw sa paligid ng mga halaman? .Ano ang kahalagahan ng pagbabakod sa nga tanim? D. Paglalahat Anu-ano ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pangangalaga ng halamang gulay? E. Paglalapat Sa iyong sariling pamamamaraan , paano mo mapapangalagaan ang mga halaman? IV. PAGTATAYA Pagsasagawa ng mga bata ng mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa halaman tulad ng mga sumusunod 1. Pagdidilig 2. Pagbubungkal ng lupa SA PALIGID NG HALAMAN 3. Pagbubunot ng mga damong ligaw sa paligid ng mga halaman. 4. Pagtatanggal ng mga tuyong dahon sa mga halaman. 5. Paglalagay ng organic fertilizer.

V. TAKDANG ARALIN Isagawa sa sariling bakuran ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahalaman.

Lesson 5
I. LAYUNIN Nakagagawa ng wastong plano/layout ng taniman II. PAKSANG ARALIN Plano Muna Sanggunian: MGPP 4: 117-118 PELC B 1.5 Kagamitan: tsart III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Pagganyak: Pagkwento ng karanasan kaugnay ng paghahalaman. B. Paglalahad: Ang guro ay magpapakita ng larawan ng halamanan. c. Pagtatalakayan Anu-ano ang mga dapat tandaaan sa paggawa ng kamang taniman? Paano makagagawa ng isang magandang plano ng paggagawa ng kamang taniman? D. Paglalahat Ano ang kahalagahan ng paggawa ng isang plano? Anu-ano ang nilalaman ng isang plano? E. Paglalapat Gumawa ng isang plano ng kamang taniman. IV. PAGTATAYA Buuin ang Plano sa pamamagitan ng paggamit ng mga sumusunod na datos. I. Layunin: II. Pangalan ng Proyekto: III. Mga Kailangan: IV. Paraan ng Paggawa: 1. Linisin ang lupang taniman 2. Sukatin at tulusan ang apat na sulok ng gagawing kamang taniman. 3. Talian ng pisi ang apat na tulos upang makulong ang kamang gagawin 4. Sa pamamagitan ng asarol o palang tinidor, bungkalin ang lupa. 5. Lagyan ng pataba ang lupa 6. Gumamit ng kalaykay upang lalong mapino at mapatag ang lupa 7. Diligan ang naihandang lupa 8. Ulitin ang mga nabanggit para sa iba pang kamang gagawin Makagawa ng kamang taniman Pala, piko, Tulos, pisi, metro, regadera, asarol, asada, kalaykay, dulos Paggawa ng Kamang Taniman

V. TAKDANG ARALIN Magtala ng mga lugar na maaaring taniman.

10

Lesson 6
I.Layunin 1. Natutukoy ang wastong paraan ng pagsasagawa ng kamang taniman. 2. Nakasasali ng buong sigla sa talakayan. II.Paksang Aralin Pagsasagawa ng Kamang Taniman. Sanggunian: PELC sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV Kagamitan: tsart at larawan Pagpapahalaga: Pagiging alisto at matulungin sa gawain. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pagkilala ng mga uri ng kagamitan na karaniwang natatagpuan sa isang sa tahanan na ginagamit sa paghahalaman. 2. Balik-aral Paraan ng pagtatanim. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Anu-anong mga kahalagahang dulot ng kaalaman sa paghahalaman? 2. Pagbubuo ng Suliranin Anu-ano ang mga maaring idulot ng paghahalaman sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kamang taniman? 3. Karanasan sa Pagkatuto * Pag-aaral ng leksyon. Paghahanda ng Lupang taniman 1. Linisin ang lupang taniman 2. Sukatin at tulusan ang apat na sulok ng gagawing kamang taniman. 3. Talian ng pisi ang apat na tulos upang makulong ang kamang gagawin 4. Sa pamamagitan ng asarol o palang tinidor, bungkalin ang lupa. 5. Lagyan ng pataba ang lupa 6. Gumamit ng kalaykay upang lalong mapino at mapatag ang lupa 7. Diligan ang naihandang lupa 8. Ulitin ang mga nabanggit para sa iba pang kamang gagawin * Mga paraan ng pagtatanim ng halaman o punla sa kamang taniman. 4. Talakayan Ano ang dapat nating unang isagawa sa pagplano ng pagsasawa ng kamang taniman?

11

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ano ang paghahalaman at paano ang wastong pagsasagawa ng kamang taniman at pagtatanim ng nararapat na halaman dito? 2. Paglalapat Pagsasagawa ng paggamit ng aktwal ng mga kasangkapan sa paghahalaman sa paggawa ng kamang taniman. IV.Pagtataya Isaayos ang mga hakbang sa paghahanda ng lupang taniman. Lagyan ng bilang ayon sa pagkakasunodsunod. ______ Bungkalin ang lupa ______ Pinuhin at patagin ang lupa ______Sukatin at lagyan ng tulos ang apat na sulok ng gagawing kamang taniman. ______ Linisin ang lupang taniman. ______ Lagyan ng pataba ang lupa. V.Takdang Aralin Alamin kung paano mapangangalagaan ang lupang taniman.

12

Lesson 7
I. LAYUNIN Naisasagawa ang wastong pangangalaga ng lupa at mga pananim II. PAKSANG ARALIN Pangangalaga ng mga halaman Sanggunian: PELC B. 1.6 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, ph. 121 - 126 Kagamitan: tsart, mga larawan , aktuwal na paggawa sa halamanan ng paaralan. Pagpapahalaga: Pangangalaga sa Halaman. III. PAMAMARAAN A. Pagganyak Paano kayo naghanda ng lupang taniman? Paano ninyo ilalarawan ang lupang taniman na inihanda ninyo? B. Paglalahad Kayo ba ay may tanim na halaman sa inyong bakuran? Anu-ano ang mga ito? Paano ninyo ito inaalagaan? C. Pangkatang gawain 1. Bawat pangkat ay mag-uusap kung paano nila aalagaan ang kanilang tanim ? 2. Pagsasagawa ng gawain sa lupang taniman at pagtatala sa kanilang ginawa. 3. Pag-uulat ng bawat pangkat. D. Pagtatalakayan Bakit kailangang alisin ang mga ligaw na damo? Paano ang wastong paraan ng pagpuksa sa mga kulisap at iba pang mga peste na sumisira sa mga pananim? Bakit kailangang diligin ang mga halaman gulay araw-araw? Tuwing kalian kailangang diligin ang mga ito? Anong pataba o abuno ang mabuting ilagay sa mga halamang gulay? E. Paglalahat Anu ano ang mga paraan ng pangangalaga sa mga pananim? Nais ni Mang Juan na maging malusog , mabunga at mabulaklak ang kanyang mga pananim, pero di niya alam ang gagawin. Ano ang maitutulong mo sa kanya? F. Paglalapat Napansin mong natutuyo na ang mga halaman sa inyong bakuran. Ngunit ikaw ay pagod na mula sa paaralan. Ano ang nararapat mong gawin sa mga halaman natutuyo na ang mga dahon? IV. PAGTATAYA Lagyan ng Tsek (/) ang pangungusap na nagsasaad ng tamang gawi, at ekis (x) kung hindi. ____________1. Bungkalin ang lupa ng isa o dalawang beses sa isang lingo.

13

________________2. Hayaang mabuhay ang mga ligaw na damo sa paligid ng mga halamang gulay na tanim. ____________3. Gumamit ng kasangkapang nasa maayos na kondisyon. ____________4. Diligan ang mga pananim tatlong beses sa isang araw. ____________5. Maglagay ng takip sa bibig at ilong kung gumagamit ng pambombang gamot. V. TAKDANG ARALIN Magsaliksik tungkol sa ibat ibang paraan ng pagpuksa sa mga kulisap at iba pang pesteng sumisira sa mga halamang tanim. Ibahagi sa klase ang kaalamang nasaliksik.

14

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON

DIVISION OF BATANGAS
SAN JUAN WESTT DISTRICT

SECOND GRADING PERIOD

Lesson 1
I. LAYUNIN Natutukoy ang mga palatandaan sa bunga o tanim na maaari nang ipagbili II. PAKSANG ARALIN Salik / palatandaan na dapat tandaan sa oras ng pag-aani Sanggunian: PELC B. 1.7.1 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, 6 ph. 132-135 Kagamitan: mga laraan ng mga halamang puwede nang anihin III. PAMAMARAAN A.. Anu-ano ang mga paraang pangangalaga sa mga halaman? Bakit dapat pagtuunan ng pansin ang wastong pag-aalaga sa mga halaman? B. Kailan dapat pinipitas ang mga bunga ng halamang gulay? Ano sa palagay ninyo ang dapat tandaan sa pag-aani ng gulay? C. Pangkatang gawain 1. Bawat pangkat ay magsusulat ng kanilang opinyon kung ano ang mga palatandaan na dapat anihin na ang tanim na gulay. Pangkat 1 - Petsay Pangkat 2 - kamatis Pangkat 3 - talong Pangkat 4 - okra 2. Pag-uulat ng natapos na gawain D. Pagtatalakayan: Ilan ang dahon ng mga madahong gulay bago anihin? Kailan dapat anihin ang mga madahong gulay? Kailan naman dapat anihin ang patola , upo, sayote at kalabasa? Ano ang dapat gawin kung ang tangkay ng kintsay, dahon ng sibuyas at unsoy ay malutong na at pumuputok? Ano ang dapat tandaan kapag lanta na ang mga dahon ng labanos, kamote at patatas? E.Anu- ano ang mga salik na dapat isaalang- alang sa pag-aani ng mga halamang gulay? F. Ano sa palagay mo at kailangang anihin ang mga pananim sa takdang panahon?

15

IV. PAGTATAYA Isulat palatandaan kung kalian dapat anihin ang mga sumusunod: 1. mustasa 2. sayote 3. patatas 4. letsugas 5. patola V. TAKDANG ARALIN Sumulat ng limang halamang gulay na di pa napapag-aralan at isulat ang paraan kung kalian dapat ito anihin

16

Lesson 2
I. LAYUNIN Nakasusunod sa mga alituntunin sa pagbibili ng mga inaning produkto II. PAKSANG ARALIN Pag-aayos at pagbibili ng mga inaning produkto Sanggunian: PELC B. 1.7.2 Makabuluhang Gawaing Pantahanan 4, ph. 132-134 Kagamitan: mga larawan ng inaning pananim, tsart Pagpapahalaga: Dagdag kaalaman at kita. III. PAMAMARAAN A. 1.Anu- ano ang mga paraan ng pag-aani ng gulay sa mga sumusunod: a. madahong gulay b. bungang gulay c. bungang- ugat 2. Pagwawasto ng takdang-aralin B. 1. Pagbigkas ng maiksing tula ANG PRODUKTO Kung may itinanim Tiyak may aanihin Kung ipagbibili Paano aayusin? Ilalagay sa sako Sa basket o kaing Timbangin at bungkusin Ibay pagbukod-bukurin. Kaya ating tandaan Produktoy ihanay Ilagay sa kahon Iayos at ingatan

17

Ano ang magandang mensahe na napulot ninyo sa tula? 2. Pangkatang gawain a.Kung ikaw ang may inaning pananim at iyong ipagbibili sa pamilihan, anuanong pagkilos o pamamaraan ang iyong gagawin? ( Pag-uusapan ito ng bawat pangkat, at iuulat ang kanilang pinag-usapan) b. Pag-uulat ng bawat pangkat 3. Pagtatalakayan: Saan dapat ibinabatay ang pagbibili sa mga inaning pananim? Saan kadalasan nakalagay ang mga inaning gulay? Paano ipinagbibili ang mga panindang gulay? Paano maiiwasan ang pagkalugi ng mga paninda? 6. Anu-anong mga alituntunin ang dapat isaalang- alang sa pagsasapamilihan ng Paninda? C.Role playing ng bawat pangkat ( Isadula ang mga alituntunin sa pagsasapamilihan ng mga paninda) IV. PAGTATAYA Lagyan ng tsek(/) kung tama ang isinasaad ng pangungusap at X kung mali. _______1. Maiiwasan ang pag-aaksaya kung magpaplano muna bago mag-ani ng produkto. _______2. Anihin ang mga gulay na madaling mabulok. _______3. Ang mga bungang gulay na may matitigas na tangkay ay inaani sa pamamagitan ng pagpitas. _______4. Ang mga gulay tulad ng kamatis, sibuyas at iba pa ay iniimbak sa tiklis, sako kahong yari sa kahoy at ipinagbibili ng por kilo. _______5.Tiyaking tama ang pagkakatimbang at maayos ang pagkakatangkas ng mga produkto upang makuha ang tiwala ng mamimili. V. TAKDANG ARALIN Bilang kasapi ng pamilya, anong kabutihan ang maibibigay sa iyo ng mga gawain sa pagsasaayos at pagbibili ng inaning produkto.

18

Lesson 3
LAYUNIN Nakapag-iingat ng talaan ng gastos at kinita.

II. PAKSANG ARALIN Pagtutuos ng gastos at kinita Sanggunian: PELC B. 1.9 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, ph. 135-137 Kagamitan: larawan, tsart ng halimbawa ng talaan Pagpapahalaga: Pahalagahan ang mga bagay na pinaghirapan. III. PAMAMARAAN A.1.Muling ipabigkas ang tulang Ang Produkto Anu-ano ang mga palatandaan na maaari nang anihin ang mga bunga o tanim? Magbigay ng halimbawa. Bakit mahalagang malaman o matutuhan ang paraan ng pag-aani ng mga gulay at prutas? 2. Pagwawasto ng takdang aralin B.1.Bakit sinasabi na magandang hanap-buhay ang pagtatanim ng mga halamang gulay? 2. Paglalahad ng aralin Nag-ani ka ng gulay at nais mo itong ipagtinda sa pamilihan, paano mo malalaman kung ikaw ay tumubo o nalugi? 3. Pangkatang- Gawain Bawat pangkat ay gagawa ng talaan ng kinita sa mga sumusunod: Gulay Puhunan Benta Kinita 50 tali petsay 5 kilo carrots 10 kilo labanos 10 kilo ampalaya 4. Pag-uulat ng natapos na gawain C.Pagtatalakayan Sa talaan, magkano ang gastos o puhunan? Magkano ang kabuuang pinagbilhan? Ilan ang kabuuang bilang ng tanim na naipagbili? Magkano ang kinita ng proyekto? Ano ang naitututulong ng paggawa ng talaan ng kinita at ginastos? D. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng talaan ng gastos at kinita ng proyekto? IV. PAGTATAYA Alamin ang gastos at kinita ni Mang Ben sa kanyang taniman Halaga ng pananim- Php 1,000
19

kada tali 20 pesos 80 pesos per kilo 20 pesos per kilo 40 pesos per kilo

Halaga ng pataba-300 Halaga ng pamatay peste- 100 Bayad sa serbisyo at paglilingkod- 600 Iba pang ginastos 400 Pinagbilhan sa: petsay 750 Mustasa 750 Karots 1,400 Labanos - 1000 V. TAKDANG ARALIN Punan ang kahon ng wastong paraan. Produkto A. 1. 2. 3. 4. B. 1. 2. 3. 4. Gulay Kamatis Sibuyas Bawang petsay Prutas Saging Melon Pakwan mangga Paraan ng pagiimbak Paraan ng Pagtatanghal Paraan ng Pagitinda

20

Lesson 4
I.LAYUNIN Natatalakay ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagnenerseri. II. PAKSANG ARALIN Salik ng Pagnenerseri Sanggunian: PELC B. 2.1 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, ph. 139 Kagamitan: larawan, tsart III. PAMAMARAAN A. Pagganyak Sino sa inyo ang nakakita na ng isang narseri? Ano ang hitsura nito? B. .Balik-aral Ano gagawin mo sa talaan ng ginastos at kinita. Bakit kailangang itabi ito? Paano mo masasabi na sulit ang hirap at pagod mo sa pagtatanim? C. Paglalahad Ipakita ang larawan ng isang narseri D. Pagtatalakayan Ano ang masasabi ninyo sa larawan? Sa paghahalaman, ano ang nerseri? Ano ang karaniwang makikita sa isang nerseri? Anu-ano ang mga naidudulot ng pagnenerseri sa mag-anak? Ano ang kinakailangan natin sa pagkakaroon ng nerseri? E. Paglalahat Anu-ano ang mga salik sa pagnenerseri? F. Paglalapat Sumulat ng maikling talata tungkol sa kahalagahan ng pagnenerseri.Basahin ito sa harap ng klase. IV. PAGTATAYA Isulat ang Tama kung wasto ang nakasaad sa pangungusap at Mali kung hindi. ___1.Ang pagnenerseri ay isang gawaing kapaki-pakinabang. ___2.Sa narsing ay maaalagaan ang mga halamang gulay, ornamental at punongkahoy mula sa murang gulang. ___3.Isang magandang libangan ang pagnenerseri. ___4. Nakadaragdag sa kita ng mag-anak ang pagnenerseri. ___5.Sa pagnenerseri ay makatitiyak na mataas ang uri ng produkto.

V. TAKDANG ARALIN Dumalaw sa isang nerseri. Magmasid sa paligid-ligid at itala sa kwaderno ang mga bagay na matatagpuan o makikita. Alamin rin ang katuturan ng mga bagay na nakita.

21

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON

DIVISION OF BATANGAS
SAN JUAN WESTT DISTRICT

THIRD GRADING PERIOD

Lesson 1
I. LAYUNIN Natatalakay ang mga kaugnay ng pagnenerseri at pamamaraan ng halamang ornamental II. PAKSANG ARALIN Ibat-ibang Gawain sa Pagnenerseri Sanggunian: PELC B. 2.2 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, ph. 140-141 Kagamitan: tsart III. PAMAMARAAN 1. Balik-aral Ano ang ibat-bang salik ng pagnenerseri? Paano nakatutulong ang pagnenerseri sa pamilya? Ano ang kinakailangan sa pagkakaroion ng nerseri? 2. A. Pagganyak Sino sa inyo ang may taninman sa likod-bahay? Paano ninyo ito inaalagaan? B. Paglalahad Pagpunta ng mga bata sa lupang taniman sa loob ng paaralan. C. Pagtatalakayan Ano ang nakikita ninyo? Paano natin maalagaan ang isang lupang taninam? Anu-anong mga gawain ang dapat natin isagawa sa ating pagnenerseri? Bakit sa tingin ninyo ay mahalagang isagawa ang mga ito? Ano sa tingin ninyo ang maitutulong nito sa ating mga halamang ornamental? D. Paglalahat Anu-ano ang mga gawain na kaugnay ng pagnenerseri at pagpaparami ng halamang ornamental?

E. Paglalapat Ipakitang kilos sa pamamagitan ng maikling dula ang mga gawaing kaugnay ng pagnenerseri.

22

IV. PAGTATAYA Iguhit ang

kung ang nakasaad ay may kaugnayan sa pagnenerseri at

kung wala.

____ 1.pangangalaga sa mga punla at halaman ____ 2.paglalagay ng tulos at pisi sa kamang taniman upang maging pantay ang mga tanim ____ 3.pagpuksa sa mga peste at sakit ____ 4.paglalagay ng dalawa hanggang tatlong buto sa kada butas ____ 5.paglalagay ng lilim sa mga punlang itinanim V. TAKDANG ARALIN Magsaliksik ng iba pang gawain na may kaugnayan sa pagnenerseri. Isulat ang mga ito sa inyong kwaderno.

23

Lesson 2
I. LAYUNIN Natutukoy ang mga kasangkapan at kagamitan sa pagnanarseri. II. PAKSANG ARALIN Mga kagamitan at kasangkapan sa pagnanarseri Sanggunian: PELC B. 2.3 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, ph. 141-143 Kagamitan:tsart , larawan ng ma kasangkapan Pagpapahalaga: ingatan at alagaan ang mga kagamitan sa pagnanarseri. III. PAMAMARAAN A. 1.Ano ang pagnanarseri? Anu-ano ang mga salik na dapat kailangan sa gawaing pagnanarseri? 2.Pagwawasto ng takdang-aralin. B. 1.Anu-ano ang mga kagamitan na nakita ninyo sa narseri? 2.Pangkatang-gawain Pangkat 1-3 kumatha ng isang maikling tula tungkol sa pangangalaga sa narseri Pangkat 2-4 Gumuhit ng 3 kagamitan sa pagnanarseri 3.Pag-uulat ng natapos na gawain C.Pagtatalakayan: Bakit sinasabi na ang pagnanarseri ay isang gawaing kawili-wili at kapakipakinabang? Mula sa kahong punlaan saan puwedeng ilipat ang mga punla? Ano naming kagamitan ang ginagamit sa ibatibang paraan ng pagpaparami ng halaman? Ano naman ang ginagamit sa pangangalaga at pamamahala ng mga punla? Sa paanong paraan nakakatulong ang pagnanarseri sa mag-anak? Ano ang dapat gawin sa mga kasangkapan sa pagnanarseri? D.Paglalahat: Anu-ano ang mga kagamitan sa pagnanarseri? Bakit mahalaga na makilala at matukoy ang angkop na kagamitan sa pagnanarseri? E.Nais mong magtayo ng isang narseri ngunit kulang ka sa mga kagamitan at kasangkapan, at kulang ang pera mo para makabili ka nito. Ano ang maaari mong gawin upang magkameron at makaipon ka ng mga kagamitan sa paghahalaman? IV. PAGTATAYA Pangkatin ang mga sumusunod na kasangkapan na ginagamit sa:

24

Ginagamit sa aglilipat ng punla

Ginagamit sa pagpaparami ng halaman

Ginagamit sa pangangalaga at pamamahala ng halaman

crooscut saw , pambomba , supot na plastic, lanseta , gomang pandilig , maso, kutsilyo, paso, lata, asarol, palang tinidor, regadera, V. TAKDANG ARALIN Magsaliksik ng larawan ng isang narseri. Itala ang mga bagay na makikita dito. Alamin din ang katuturan ng mga bagay na nakita.

25

Lesson 3
I. LAYUNIN Nakapagpaplano ng isang narseri. II. PAKSANG ARALIN Pagpaplano ng isang narseri Sanggunian: PELC B. 2.4 Makabuluhang Gawaing Pantahanan 6, ph. 148-150 Makabuluhang Gawaing Pantahanan 4, ph. 145-146 Kagamitan: larawan ng isang narseri, tsart Pagpapahalaga: Pagbutihin at pangasiwaan nang maayos ang narseri sapagkat malaki ang naitutulong nito sa isang mag-anak. III. PAMAMARAAN A. 1.Ano ang pagnanarseri? Ano ang mga natutunan ninyo tungkol sa ating tinalakay sa pagnanarseri? 2.Pagwawasto ng takdang-aralin. B. 1. Sino sa inyo na ang bakuran ay may lugar para pagtayuan kahit isang maliit lang na narseri.? Sino naman ang walang lugar para pagtaniman? Posible kaya na magtanim kahit walang lugar na pagtataniman? Sa anong paraan? 2. Dahil nasimulan na natin ang pag-aaral tungkol sa pagnanarseri, ngayon naman ay gagawa kayo ng isang plano sa pagsisimula ng isang narseri? Handa na ba kayo? 3. Pangkatang-gawain: Ang bawat pangkat ay bubuo ng isang plano tungkol sa pagnanarseri. Siguraduhin na mailagay sa plano ang bawat natutunan tulad ng mga gawain, lugar na pagtatayuan at ang mga kasangkapan na gagamitin. 4. Pag-uulat ng natapos na Gawain. C. Pagtatalakayan: Ano ang unang hakbang na ginawa ninyo sa pagpapalano? Nahirapan ba kayo sa paggawa ng plano? Alin ang madaling isagawa at alin ang pinakamahirap gawin sa pagpapalano ng narseri? D. Bakit mahalaga ang plano sa pagnanarseri? Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng plano ng isang narseri?

26

IV. PAGTATAYA Lagyan ng / kung wasto ang pangungusap at X kung hindi. 1. ___________ Ang masusing pagbabalak ay isang paraan upang maisagawa n wasto at maayos ang isang Gawain. 2. ____________ Ang loam ay uri ng lupa na mainam sa mga punlaan. 3. ____________ Ang dapat piliing lugar ng narseri ay hindi nasisikatan ng araw. 4. ____________ ang mga kahong punlaan ay kailangang may sapat na proteksiyon laban sa malakas na hangin 5. ____________ ang pagdapo ng sakit at peste ay huwag pansinin sapgkat natural lamang ito. V. TAKDANG ARALIN Gumawa ng plano ng isang narseri at iguhit ang narseri na magagawa ayon sa plano.

27

Lesson 4
I. LAYUNIN Nasusunod ang simpleng pamamaraan sa pagnanarseri II. PAKSANG ARALIN Pagpili ng buto/ halamang pananim Sanggunian: PELC B. 2.5 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ph.164-166 Kagamitan:larawan , tsart, mga halamang buto, bungang-ugat, bunga at sanga Pagpapahalaga: Ang wastong pangangalaga sa mga tanim ay nakatitiyak ng mausog, mabunga at mabulaklak na ani. III. PAMAMARAAN A.1.Anu-ano ang naging batayan ninyo sa paggawa ng plano ng narseri? Bakit mahalaga ang plano sa paggawa ng narseri? 2.Pagwawasto ng takdang-aralin B. 1.Lahat ba ng halaman ay nagsisimula sa buto? Kung hindi, ano pa ang pwedeng gamitin sa pagtatanim bukod sa buto para mapadami ang halaman? 2. Pangkatang-gawain: a. Pagbibigay ng pamantayan sa paggawa b. Pagpapaliwanag ng gawain. Pangkat 1 itala ang mga haklaman na puwedeng itanim sa pamamagitan ng buto Pangkat 2 itala ang mga halaman mula sabungang - ugat Pangkat 3 itala ang mga halaman mula sa bunga Pangkat 4 itala ang mga halaman mula sa sanga c. Pagsasagawa ng mga bata ng gawain C.Pagtatalakayan: Ano ang dapat munang gawin bago itanim ng tuwiran ang buto sa kamang taniman? Sa pagtatanim ng bungang-ugat, ano ang dapat pagbatayan? Anong uri ng sanga ang dapat itanim? Anu-ano ang mga hakbang sa pagpapatubo ng mga punla? D.Anu-ano ang ibat ibang paraan sa pagpapatubo ng halamn? E.Kayo ay pinangkat ng inyong guro upang isagawa ang pamamaraan sa pagnanarseri ng pangkatan subalit wala ka talagang hilig sa pagtatanim.Ano ang iyong gagawim? IV. PAGTATAYA Punan ng tamang salita ang bawat patlang. 1.______ na ibabad ang buto upang lumambot ang pinagmumulan ng pasibol na halaman.

28

2. Sa pagtatanim, humukay ng katamtamang laki at lalim batay sa laki ng halamang______. 3. Sundin ang pagtatanim ng ________ , kapag nagtanim ng halamang bunga. 4. Piliin ang _________na sanga ng halamang itatanim. Tapyasin nang pahiis ang dulo at ibaon sa lupa nang 5._________. V. TAKDANG ARALIN Gumawa ng talaan ng mga paraan ng pagpapatubo ng mga pananim sa narseri. Isulat ang mga ito sa balangkas sa ibaba. Pamamaraan ng Pagpapatubo Buto 1.________ 2.________ 3.________ 4.________ 5.________ Bungang-ugat Bunga Sanga __________ _________ _________ __________ _________ _________ __________ _________ _________ __________ _________ _________ __________ _________ _________

29

Lesson 5
I. LAYUNIN Naipakikita ang wastong paraan ng pangangalaga ng mga tanim sa narseri upang mapagkakitaan. II. PAKSANG ARALIN Wastong pangangalaga nang mga halaman sa narseri. Sanggunian: PELC B. 2.6 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 6 ph.152 Kagamitan:larawan , tsart, mga halamang buto, bungang-ugat, bunga at sanga Pagpapahalaga: Ingatan at pangalagaan ang mga halaman sa narseri III. PAMAMARAAN A. 1.Anu-ano ang mga hakbang sa pagpapatubo ng punla? Ano ang dapat gawin upang maging maayos ang tubo ng mga halaman? 2. Pagwawasto ng takdang-aralin B. 1. Magpakita ng dalawang larawan ng halaman, ang isa ay malusog at ang isa ay nalalanta na. Ano ang masasabi ninyo sa dalawang halaman? Bakit kaya malusog ang isa? Ano ang dahilan at hindi nabuhay ang isang halaman? 2. Pangkatang gawain Bawat pangkat ay mag-uusap kung ano ang mga paraan na dapat nilang gawin upang maging malusog ang mga halaman sa narseri. 3. Pag-uulat ng bawat pangkat C. Pagtatalakayan Bakit dapat iwasan ang sobrang pagdidilig ng tubig sa halaman? Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng peste at sakit sa mga punla? D. Paglalahat Ano ang kahalagahan ng wastyong pangangalaga ng mga halaman sa narseri? E. Paglalapat Paano mo mapapanatili malinis at kaaya-aya ang narseri bilang isang batang magaaral? IV. PAGTATAYA Isulat ang W kung wasto ang kaisipan at H kung hindi. 1. ________ Ang tanim ay mabibili ng nakapaso, nasa lata o nas plastic bag. 2. ________ Makapagtutuos ng kinita kahit walang talaan ng gastusin 3. ________ Ang mga tanim sa nersari ay hindi ipinagbibili ng nang maramihan
30

4. ________ Malalaman ang kinita ng narseri pagkatapos ibawas ang gastos sa pinagbilhan 5. ________ Ang talaan ng paghahalaman ay mahalaga sa pagnanarseri. V. TAKDANG ARALIN Kumapanayam ng isang nagnanarsei at itanong ang paraan ng kanilang pagbibili ng kanilang mga tanim.

31

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON

DIVISION OF BATANGAS
SAN JUAN WESTT DISTRICT

FORTH GRADING PERIOD

Lesson 1
I. LAYUNIN Naipakikita ang kawilihan sa pag-aalaga ng hayop sa tahanan tulad ng aso kalapati atb. II. PAKSANG ARALIN Pag-aalaga ng Hayop Sanggunian: PELC B. 3 Makabuluhang Gawaing Pantahanan,6 ph. 155-159 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, ph. 154-162 Kagamitan:Mga larawan ng mga hayop na maaring alagaan III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain Anong hayop ang iyong alaga?Paano mo siya inaalagaan? Anu-ano ang mga nagiging karanasan nyo sa pag-aalaga ng inyong mga hayop? B. Panlinang na Gawain * Pag-aalaga ng manok 1. Maglaan ng kulungan para sa mga manok. 2. Pagpapatuka sa mga manok 3. Pag-iwas sa sakit o peste na maaring dumapo sa manok * Pag-aalaga ng kuneho *Pag-aalaga ng aso *Pag-aalaga ng kambing *Pag-aalaga ng Baka *Pag-aalaga ng Baboy C. Paglalahat * Ang pag-aalaga ng hayop ay isang gawaing kapakipakinabang na dapat pagtuunan ng sapat na panahon at oras upang matagumpay at makatiyak ng mga kapakinabangang na maidudulot nito. IV. PAGTATAYA Isulat ang OO o HINDI. Ipaliwanagang sagot. Gawin sa papel sagutan. 1. Ang mga hayop ay mahalaga. 2. Kaibigan natin ang mga hayop.
32

3. Kahit mababangis na hayop ay may pakinabang din. 4. Hindi maaring mag-alaga ng hayop sa bahay. 5. Ang mga hayop ay pinagmulan ng sakit. 6. Tulad ng halaman, ang hayop ay pinagmulan din ng ikabubuhay. 7. Ang mga hayop ay tumutulong sa atin sa pagpuksa ng ibang peste. 8. Magandang palamuti sa tahanan ang mga ibon. 9. Ang maliit na isda ay maaring alagaan sa tahanan. 10. Ang maraming baboy na alaga ay hindi mabuti sa bahay. V. TAKDANG ARALIN Kung ikaw ay bibigyan ng isang regalo, anong hayop ang ibig mo?Bakit?

33

Lesson 2
I. LAYUNIN Nasasabi ang kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan II. PAKSANG ARALIN Kahalgahan ng Pag-aalaga ng Hayop Sanggunian: PELC B. 3.1 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, ph. 154 Kagamitan:larawan , tsart Pagpapahalaga: Ingatan at pangalagaan ang mga alagang hayop III. PAMAMARAAN A. Balik-aral Anu-ano ang mga paraan ng pagpaparami ng halaman? Paano natin mapangangalagaan ang mga ito? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sinu-sino sa inyo ang may mga alagang hayop sa inyong tahanan? Ano ang inyong alagang hayop? Bakit ito ang inyong napiling alagang hayop? 2. Paglalahad Ipakita ang mga larawan ng mga hayop na pwedeng alagaan sa tulad ng aso, pusa, manok at iba pa. 3. Pagtatalakayan Anu-anong mga hayop ang nasa larawan? Pwede ba natin ang mga ito alagaan sa ating tahanan? Bakit mahalaga ang pag-aalaga ng hayop? Paano nakatutulong sa kabuhayan ng mag-anak ang pag-aalaga ng mga hayop? Ipaliwanag Paano natin maipapakita ang ating pagmamahal sa mga hayop? 4. Paglalahat Anu-ano ang kahalagahan ng pag-aalaga ng mga hayop? 5. Paglalapat Sumulat ng isang talata tungkol sa hayop na nais mong alagaan at kung anu-ano ang maidudulot nito sa iyo? IV. PAGTATAYA Isulat ang tama o mali. 1. Malaki ang kapakinabangang makukuha mula sa pag-aalaga ng mga hayop. 2. Pare-pareho ang paraan ng pag-aalaga ng hayop.
34

3. Ang pag-aalaga ng hayop ay nakapagdudulot ng karagdagang kita sa maganak. 4. May mga hayop na mapgkukunan ng gatas, itlog, at karne na pinagmumulan ng protina na kailangan para sa mabuting nutrisyon ng katawan. 5. Lahat ng uri ng hayop ay mainam alagaan. V. TAKDANG ARALIN Gumuhit o gumupit ng mga larawan ng mga hayop na pwedeng alagaan. Isulat sa baba ang mga kagandahang maidudulot nito sa iyo.

35

Lesson 3
I. LAYUNIN Natatalakay ang mga panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop II. PAKSANG ARALIN Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaigtasan sa Pag-aalaga ng hayop Sanggunian:PELC B.3.3.5 Edukasyong Pantahanan at pangkabuhayan ph. 175-176 Kagamitan: larawan ng mga hayop at kanilang tahanan, tsart Pagpapahaaga: Ingatan at alagaan ang mga hayop III. PAMAMARAAN A. 1.Anu-ano ang mga hayop na puwedeng aagaan sa bakuran? 2.Pagwawasto ng takdang-aralin B. 1.Ang mga hayop ay parang tao din, meron din silang pangangailangan para mabuhay at karapatan din nilang pangalagaan. Kung kayo ang tatanungin ko, Bakit kailangan nating aagaan ang mga hayop? 2.Pangkatang Gawain: Bawat pangkat ay maghahanda ng isang maikling dula-dulaan na kung saan ay ipapakita ng bawat pangkat ang wastong pag-aalaga sa mga hayop upang di magkasakit. 3.Pagpapalabas ng mga bata ng nabuo nilang gawain. C.Pagtatalakayan: Gaano kalayo dapat ang kulungan o bahay ng hayop sa likod bahay? Ano ang dapat gawin upang mapanatiling malinis ang tirahan ng hayop? Ano ang kahalagahan ng bakuna sa mga hayop, bakit kailangang bigyan sila nito? Ano ang dapat gawin upang maging maakas at malusog ang mga alagang hayop? Paano maiiwasan ang pagkakasakit ng mga tagapag-alaga ng hayop? D. Anu-ano ang mga wastong Panunutunan sa pag-aalaga ng hayop? E. Magpakita ng larawan ng isang hayop, itanong sa matatawag na bata kung paano niya ito aalagaan. IV. PAGTATAYA Punan ang patlang ng wastong sagot. 1. Ang kulungan ng hayop ay kailangang _______ ang layo sa likod bahay. 2. Lagyan ng ______ ng tubig ang paigid ng kulungan upang mapanatiling malinis ito. 3. Pabakunahan ang hayop ng gamot na kontra sa mga sakit at _________. 4. Bigyan ng wastong pagkain at _______ upang maging maakas at mausog ang mga aagang hayop. 5. Upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga tagapag-alaga ng hayop , panatiihing mainis palagi ang bahay o ________ nito.

36

V. TAKDANG ARALIN Isulat ang mga kabutihang dulot ng mga inaaagaang hayop sa tahanan.

37

You might also like