Professional Documents
Culture Documents
Tulad din ng ibang halaman, ang mga punongkahoy at bungangkahoy ay inaatake rin ng mga pesteng kulisap at sakit. Kung hindi maaagapan, ang mga halamang punla ay tuluyang mamamatay.
1. Paggamit ng insecticides kemikal n pambomba. 2. Pagpapausok (smudging fumigating) 3. Paglalason (poison killing)
o
o
4. Paggamit ng bitag o panghuli (trapping) 5. Gamit ang kamay sa pag-aalis at pagpatay ng mga insekto (handpicking and killing) 6. Paghikayat sa mga ibong kumakain ng kulisap (attracting birds that feed on moths and catterpillar)
1. Pag-iisterelisa ng lupa (soil sterilization) 2. Pagtatanim ng ibat-ibang uri ng halaman (crop rotation) 3. Paglilinis ng kapaligiran (clean culture) 4. Pagtatanim ng mga halamang matibay sa sakit (use of resistant varieties)
1. Aphids
ito ay maliit ang katawan, hugis bilog at ibat-iba ang kulay. Sinisipsip nito ang katas ng halaman na nagiging sanhi ng paghina, pangungulot at napipilipit na dahon. Mamamatay sa pamamagitan ng paggamit ng malathion, parathion at endoin na pulbos o pambomba.
2. Uod ng Paruparo
May ibat-ibang kulay, laki at hugis. Kinakain ng mga uod ang dahon ng halaman. Sa pagsugpo, gumamit ng arsenate, anim na kutsarita sa bawat galon ng tubig at ibomba sa halaman.
3. Ngusong Kabayo Maliliit at mabibilis sumipsip ng katas ng halaman, mabilis lumukso at lumipad kapag nabulabog, ang kulay ay mapusyaw na luntian o maitim. Nagkakaroon ng mantsa ang dahon hanggang sa manilaw at matuyo. Masusugpo ito sa pamamagitan ng pagwiwisik ng 5% DDT. Gawing tuloytuloy ang pagwiwisik hanggang sa mapuksa.
4. Sowbug Ito ay tinatawag din na pill bugs, na may malambot at mabilog na katawan at abuhin ang kulay. Ito ay may habang kulang 1.27 sentimetro. Pinupuksa nito ang ugat at murang bahagi ng sanga. Mapapatay ito sa pamamagitan ng lason tulad ng metaldehyde. Ilalagay ang lason sa bunton na maraming kulisap.
5. Millipedes
Ito ay lubhang nakapipinsala sa mga murang halamang punla. Maaari itong mapuksa sa pagwiwisik ng metaldehyde.
1. Laywan (honeybee)
Ito ang mga kulisap na sumisipsip ng mga nektar ngmga bulaklak at ginagawang matamis na pulot. Tumutulong din ito sa polinasyon ng mga bulaklak.
2. Silkworm
3. Paru-paro at putakti
Ang mga ito ang naglilipat ng polen mula sa bulaklak upang maging bunga.
1. Kinakain ang mga dahon na nagiging sanhi ng pagkabutas ng mga ito. 2. Sinisipsip ang mga katas ng halaman na nagiging dahilan ng pagkakulubot ng halaman. 3. Kinakain ang mga bulaklak at nga bunag ng halaman. 4. Nagdadala at naglilipat ng mga mikrobyo sa ibang halaman.
Patuyuin ang sili, dikdikin at pulbusin sa oras na gagamitin. Ibudbod ito sa mga pananim.
2. Puno ng Kamatis
Pakuluan ang puno at dahon ng kamatis, palamigin, ihalo ang isang bahagi nito sa isang bahagi ng tubig. Gamiting pambomba sa uod at langgam na itim.
3. Buto ng Atis
Pulbusin ang buto ng atis at ihalo ang isang bahagi sa3-4 ng bahaging tubig. Gamiting pambomba laban sa mga kuto at langgam.
Pakuluan sa tubig ang tinadtad na sibuyas, bawang at siling pula sa loob ng 1-2 minuto. Ihalo ang isang bahagi nito sa 3-4 n bahaging tubig at saka idilig o ibomba sa pananim.
5. Sabon at Tubig
Ihalo ang isang kutsarang sabon na pulbos sa isang tabong tubig. Haluin mabuti at pakuluan. Maaari na itong gamtin pagkatapos palamigin.
Ihalo ang abo sa tubig at ibomba sa pananim. Ikalat ng bagong abo (huwag mainit) sa paligid ng tanim. Ihalo sa tubig na may sabon ang magkasindaming abo at pinulbos na apog. Ibomba laban sa cucumber beetles.
7. Tabako
Ilagay sa isang lalagyan ang sariwa o mga durog na tuyong dahon at tangkay ng tabako. Buhusan ng pinakulong tubig at takpan agad. Pagkaraan ng 3-4 oras, ihalo ang isang bahaging tubig. Ibomba ito kung malala ang nagawang pinsala ng mga insekto. Nakamamatay ito sa lahat ng insekto.
8. Neemtree
Ito ay mula sa India. Ang dahon at buto ay matapang na pamuksa ng mga pesteng kulisap. Ito ay napagkukunan ng sangkap ng pataba at panghalo sa gamot.