You are on page 1of 1

EDQUILAG, EULYSSES NEIL PATRICK B.

3BES2, RETORIKA

01/13/2013

Masasabi ng manununlat na nakapagpaikot ng sa kanyang kaisipan ang dulang 2B Kontinyud dahil sa mga tema at mga elemento na ginamit dito. Una, umiikot ang dula sa dalawang sa mga konsepto ng Role Rlaying Game at ang virtual reality. Ang buong dula ay nakatuon sa kahalagahan ng bawat tauhan ng video game ay may mga gawain at trabaho na kailangang sa bawat isa at sa kanilang baryo. Makikita ang tema ng virtual reality sa pagpakita ng paglalaro ng may-ari ng video game at ang kamalayan ng bawat tauhan na sila ay nakakulong sa mundo na ito. Ang konsepto ng laro ay ginamit sa tula upang usisain nang mga manonood ang kanilang konsepto ng realidad at kathang-isip. Upang bigyang diin ang konsepto ng realidad at kathang-isip, ang manlalaro ng video game ay ginamit bilang isang god-figure dahil kontrolado niya gamit ng kanyang joystick ang bawat tauhan ng kwento. May elemento rin ng pabula ang kwento sa kadahilanan na binigyan ng kamalayan, kaisipan at katangiang tao ang mga hayop tulad ni Pepito, ang aso ni Juno. Makikita rin ang paggamit ng mga katauhan ng Fruity Loopies na hango sa duwende at elf ng mga alamat at pantasya. Samantalsa, ang ibang mga tauhan tulad nila Juno, ang bida ng tula, at ni Mayor, ang kontrabida ng dula, ay sumasalamin sa mg karaniwang tao na natatagpuan ng bawat tao sa pang-araw-araw na buhay. Tulad rin sa totoong buhay, ang bawat tauhan ay may mga personal na kwento at mga mithiin na nais nilang makamit. Upang maging mas kapanapanabik ang dula, kailangan dagdagan ng mga eksena na mabibgyan pa ng diin ang mga ibang tauhan tulkad nila Carell at Pepito. Kailangan rin isaayos ang pagkanta ng mga tauhan upang medaling magiliw ang mga manunood ng dula. Ang tauhan ni Juno ay epitomiya ng kadalisayan at kulang sa pagtitiwala sa kanyang sarili. Walang bahid na masasamang balakin o gawain ang binatang magsasaka. Tulad ng nakasanayang bida ng mga kwento ng pakikipagsapalaran, nawawalan ang kanilang pagkawalang-muwang sa pagdagdag ng kaalaman at karanasan lalo na sa panahon ng krisis. Ironiya ang pinakaakmang bansagan ang aso na si Pepito sapagkat may minamahal niya sa isang hindi niya ka-uri (i.e. tao). Ito ay sa kadahilanan na imposible naman na magkaroon ng sekswal na pagnanais ang hayop sa totoong buhay. Tulad ng mga nakasanyang kontrabida ng kwento. Ang Mayor naman ay isang sakim, ambisyoso, at walang pusong tao ganid sa sarili niyang kapangyarihan. Ang kanyang maskara na pagiging maginoo at maayos ay nagtatago sa kanyang kasuklamsklam at nakakakilabot na personalidad. Ngunit, hindi alam ng mayor na minamanipula lang siya ng iba sa kanyang likuran. Ang tauhan naman ni Carell ay sumisimbulo sa mga taong walang kamuwang-muwang na may magkakagusto sa kanila. Siya ang stereo type na damsel in distress ng mga alamat at kuwento. Sila Doc at Kelly naman ay nagsisilibing mga kumplemento sa isat isa. Si Doc ay sumisimbulo sa karaniwang nagmamarunong na tao na palpak sa pagunawa ng mga bagay-bagay at applikasyon na makikita sa kanyang pagsali sa pakikipagaklas na ginawa ni meyor. Samantala, ang karakter naman ni Kelly ay modelo ng pagkakumbaba, kaatalinuhan, at pagauunawa sa mga bagay-bagay. Ang mga katangian na ito ay nasilayan ng mga manonood sa pag-uusap ng dalawang tauhan sa mga maaring kahihinatnan ng pag-aaklas. Hindi rin pahuhuli si Lime ang master manipulator na nag-maniobra sa galaw ng Mayor at ang mga ibang tauhan ng laro upang mapanatili ang status quo ng laro. Maihihahambing katauhan ni Lime sa glitch ng kompyuter sa dahil siya lang ang programa na nakakatanda ng mganangyari ng mga kaganapan sa bawat pagbukas at pagsara ng video game ng manlalaro.

You might also like