You are on page 1of 10

Ang kasaysayan ng mga sinaunang Pilipino ay masasalamin sa mga labing arkeolohikal at mga

kagamitan na tinatawag na artifact. Maaaring gamitin ang mga ito upang matukoy ang uring
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa isang particular na panahon sa kasaysayan.
ANG BANGANG MANUNGGUL
Sa mga natuklasang artifact ng mga arkeologo sa bansa, maituturing na isa sa pinakatanyag ay ang
bangang Manunggul. Natuklasan ang banga noong Marso 1964 sa Lipuun Point, Quezon, lalawigan ng
Palawan nina Victor Decalan, Hans Kasten, at iba pang volunteer ng United States Peace Corps.
Tinatayang ginawa ang banga sa pagitan ng 890 at 710 BCE (Before the Common Era).
Ipinakikita ng bangang Manunggul na may natatanging kaalaman ang mga sinaunang Pilipino sa paraan
ng paglilibing. Kung ating babalikan, may dalawang sistema ng paglilibing noong sinaunang panahon.
Una, inililibing ang mga yumao upang paagnasin ang laman nito. Sa ikalawa, lilinisin at ipapasok ang
mga buto sa banga bago muling ilibing.
Bangang Manunggul ayon kay Robert Fox
Ang bangang Manunggul ay katangi-tanging obra maestro na nilikha ng lahing Pilipino. Inilarawan ito ni
Dr. Robert B. Fox, isang kilalang antropologo at naging pinuno ng Dibisyon ng Antropolohiya sa
Pambansang Museo ng Pilipinas, nang ganito.

Marahil, ang tapayang libingan na may takip na nagpapakita ng Bangka ng yumao ay walang kapantay sa
Timog silangang Asya; isang obra ng alagad ng sining at dalubhasa sa pagpapalayok. Ang sisidlang ito ay
isang malinaw na halibawa ng ugnayang kultrual sa pagitan ng mga labi mula sa nakaraan at kulturang
umiiral pa rin sa kasalukuyan. Inuugitan mg bangkero ang barko sa halip na sagwanan ito. Hindi
nabawi ang mast ng Bangka. Mistulang nakasuot ng benda mula sa bumbunan hanggang sa ilalim ng
panga ang dalawang pigura, tulad ng makikita pa rin sa mga kagawian sa paglilibing ng mga katutubo sa
Bahaging timog ng Pilipinas. Ang paraan ng pagtiklop ng mga braso ng namatay sa harap ng kaniyang
dibdib tulad ng sa pigura sa harap ay laganap din sa kapuluan

SINAUNANG PAGLILIBING
Sa paraan ng paglilibing, naipamalas ang malaking lpaggalang ng mga sinaunang Pilipino sa kanilang mga
Yumaong kasapi ng pamilya at pamayanan. Naipamalas din sa paglilibing ang paniniwala sa buhay
pagkaraan ng kamatayan o afterlife. Isinasama sa paglilibingan ang mahahalagang kasangkapan at iba
pang gamit ng yumao.

Paglilibing (Sipi mula sa akda ni Padre Juan de Placencia)
May sariling paraan ng paglilibing ang mga sinaunang Pilipino. Pinatunayan ito ng mga salaysay ni Padre
Palencia. Siya ay isang prayleng Prancisckano na dumating sa Pilipinas noong Hulyo l578 at nanirahan sa
katagalugan ng mahabang panahon


2
Ganito ang kanilang paraan ng lpaglilibing ng yumao:

Inililibing ang yumao sa tabi ng kaniyang bahay; at kung siya ay isang pinuno. Inilalagak siya sa ilalim ng
maliit na bahay o balkonaheng sadyang ginawa para ditto. Bago siya ilibing, ipinagluluksa siya nang apat
na araw; at matapos nito ay inilalagay siya sa bangkang nagsisilbing kaniyang kabaong, inilalagay siya sa
ilalim ng balkonahe, kung saan siya babantayan ng isang alipin na maglagay lng mga tagasagwan,
naglalagay ng ibat ibang hayop sa loob ng Bangka, dalawaha sa tabi ng sagwanllalaki at babae ng
bawat urihalimbawa, dalawang kambing, dalawang usa, o dalawang manok. Tungkulin ng alipin na
tiyaking napakakainsila. Kung ang yumao ay isang mandirigma, nagtatali ng buhya na alipin sa ilalim ng
kanyang katawan hanggang sa kalunos-lunos na kalagayang ito ay mamatay rin siya. Sa pagdaan ng
panahon, naaagnas ang mga bangkay. Sa loob ng maraming araw, ipinahahayag ng mga kamag-anak ng
yumao ang kanilang panaghoy sa pamamagitan ng pag-awit ng mga luksang-awit, at mga papuri sa
kaniyang magagandang katangian, hanggang mapagod at magsawa sila. Kasabay ng kanilang
pagdadalamhati ay nagkakaroon ng kainan at inuman. Ito ay kaugalian ng mga Tagalog.

Sipi mula sa akda ni Padre Francisco Colin
Isang misyonero at miyembro ng orden ng mga Heswita na nanirahan sa Pilipinas sa loob ng mahabang
panahon. Siya ay isang historyador.

Ang pagmamahal at paggalang sa kaluluwa ng mga namatay ay ipinamalas na sa ibat ibang sinaunang
pamayanan. Tunghayan natin ang isa pang sipi nng primaryang sanggunian tungkol sa sinaunang
kaugalian sa paglilibing. Mula ito sa isinulat ng paring Heswita na si Padre Francisco Colin sa kaniyang
akdang Labor Eangelica.

Bago ipakilala ang relihiyon sa pulo ng Bohol, isa sa mga pinuno ng isla ang nagpalibing sa isang uri ng
Bangkang tinatawag ng mga katutubong barangay, na napalilibutan ng mga katutubong barangay, na
Napalilibutan ng pitumpung aliping may mga armas, bala, at pagkaintulad ng nazkagawian niya sa
kanyang panlulusob at pagnanakaw noon g nabubuhay pa siya at para bang kmagiging dakilang pirata pa
rin siya maging sa kabilang. Inililibing ng iba ang kanilang mga yumao sa malalawak na parang, at ilang
araw silang nagsisiga sa ilalim ng bahay, at nagtatalaga ng mga bantay upang hindi bumalik ang yumao
at kunin yaon kaniyang mga naulila.

Pagkalipas ng libing ay nagtatapos ang panangis, ngunit nagpapatuloy ang pagkain at pag-inom ng alak.
Nagpapatuloy ang paginom sa loob ng ilang araw batay sa antas panlipunan ng yumao. Ang biyudo o
biyuda at ang mga naulila. Gayundin ang iba lpang kamag-anak na lubhang nagdalamhati, ay nag-aayuno
Bilang tanda ng pagluluksa at umiiwas sa pagkain ng karne, isda at iba pang pagkain at paunti-unti na
kumain lamangng gulay. Ang ganitong uri ng pag-aayuno on paglpapakasakit para sa yumao ay
tinatawag na sipa ng mga Tagalog. Itim ang kulay mg pagluluksa para sa mga Tagalog. At puti naman
para sa mga Bisayan. Inaahit din ng mga Bisayan ang kanilang buhok at kilay. Sa pagkamatay ng pinuno
ay dapat manaig sa lupang kaniyang nasasakupan ang katahimikan hanggang hindi binabawi ang
pagbabawal; bataw sa ranggo ng yumao ang haba ng pananatili ng pagbabawal.


3
Sinaunang Pagsamba
Naniniwala riang mga Pilipino noon sa mga diwata at anito. Para sa mga sinaunang Pilipino, may taglay
na kapangyarihan ang mga diwata at anito na maaaring magdulot sa kanila ng mabuti o mahirap na
pamumuhay. Dahil ditto, sinasamba nila ang mga ito sa pamamagitan ng mataas na antas ng paggalang,
pag-aalay, at pagsasagawa ng mga rituwal at seremonya. Ilan sa tanyag na sinasamba ng mga katutubo
ay sina Bathala na pangunahing diyos ng mga Tagalog, Amanikable na diyos ng data, at kaptan na
pinakamakapangyarihang diyos ng mga taga-Visayas.

Sipi mkula sa akda ni kPadre Francisco Colin
Bukod sa kaugalian at mga tradisyon sa paglilibing, may paniniwala rin sila sa mga anito at diwata.
Basahin ang sumusunod na sipi mula sa akdang Labor Evangelica ng isinulat ng paring Heswita na si
Padre Francisco Colin.

Sinasamba rin nila ang mga pansariling diyos-diyosang kanilang mkinana mula sa kanilang mga ninuno.
Tinatawag silang diwata ng mga Bisaya at anito ng mga Tagalog. Ilan sa mga diyos-diyosan ang
nakapangyayari sa kabundukan at mga parang. At kailangang humingi ng pahintulot mula sa kanila bago
puntahan ang mga lugar na ito. Ang iba ay nakapangyayari sa mga natamnang bukid, at inihahabilin sa
kanila ang mga bukiring ito upang maging masagana ang ani at bukod sa mga sakripisyo ay naglalagay
sila sa mga bukiring ng mga pagkain para sa mga anito, upang maobliga ang mga anito na magbigay
Rin bilang ganti. lMay anito ng dagat kung kanino nila inihahabilin ang kanilang mga pangisdaan at
pagla-layag; may anito ng bahay na kanilang hinihingan ng tulong kapag ipinanganganak ang isang
sanggol at kapat ito ay pinasususo.

Pinagmulan ng Daigdig at Tao
Sipi mula sa akda ni Padre Francisco Colin

May sariling paniniwala ang mga katutubong Pilipino ntungkol sa pinagmulan ng daigdig at tao.

Binanggit nila ang paglikha ng mundo, pagsisimula ng sangkatauhan, ang baha, kaluwalhatian,
pagpaparusaat iba pang hindi nakikitang bagay, tulad ng masasamang espiritu at mga demonyo.
Kinikilala nila ang huling bilang mga kalaban ng tao, at kung gayoy kinatakutan ang mga ito. Sa
pamamagitan ng sinasabi nilang pinagmulan ng mundo at ng sangkatauhan ay makikita ang kahangalan
ng kanilang paniniwala., na lahat ng ito ay kasinungalinganat kathang isip. Sinasabi nilang nang magsi-
Mula ang ay mayroon lamang langit at dagat, at sa pagitan ng mga ito ay isang ibon, nang mapagod
Na paglipad at walang madapuan ay sinulsulan ng ibon ang dagat na awayin ang langit. Upang pigilan
ang dagat na ay pinapasan ito ng langit ng mga pulo, at hayaan na ang langit at dagat na mamuhay nang
tahimik.

\

Sabi nila ay nagmula ang lahat ng tao sa tangkay ng malaking kawayan na may dalawang buko lamang .
Inanod ng mga alon ang kawayang ito papuntang pampang, sa paanan ng ibon . Nagalit ang ibon dahil
natamaan ang kanyang paa at tinukka-tuka ang kawayan Nang mabiyak ang kawayan ay lumabas mula
sa isang buko ang isang lalaki at sa isa pang buko amg babae naman.


Unawain:

Nagdadalantao-buntis
Nahihirati nasasanay
Nayong-misyon nayong isinasailalim sa Kristiyanisasyon
Piging-salusalo
Dumulog-lumapit
Dingal pagiging elegante
Pagkakanaig-relasyon bilang magkamag-anak
Pagluluwal-pagsilang
Peligro-panganib
Tagal-tagalog
Laguna Copperplate Inscription o Kasulatang Tanso ng Laguna- nahukay malapit sa ilog Lumbang sa
Barangay Wawa Lumban, Laguna noong 1989. Ito ay piraso ng tanso na may nakaukit na simbolo ng
baybayin. Naglalaman ito ng katibayan sapagbabayad ng utang.
Kabihasnan mula sa salitang ugat na bihasa, ibig sabihin ay eksperto Ang kabihasnan ay pamumuhay
na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao. Kadalasang ginagamit na kasingkahulugan ng
salitang kabihasnan ang sibilisasyon. Mula ito sa salitang Latin na civitas na ibig sabihin ay lungsod.
Ang sibilisasyon ay mataas na antas ng pamumuhay sa lungsod. Mas malawak ang saklaw ng salitang
kabihasnan kaysa sibilisasyon.
Kahangalan- pagiging batay sa mababang antas ng pag-iisip
Sangkatauhan- kalahatan ng mga tao
Tangkay- pangunahing uhay o katawan ng halamang tumutubo sa lupa at may dahon
Inihabilin-ipinagkatiwala
Maobliga-mapilitan
Nakapangyayari-naghahari, nangingibabaw
Bool tumutukoy sa Bohol
Nagtatalaga-naglalagay
Panangis-pagpapahayag ng dalamhati sa pamamagitan ng matagal at malakas na pag-iyak
Parang-malawak na patag na lugar na karaniwang tiwangwang
Ipinagluluksa ipinagdadalamhati
Panaghoy pasalitangpagpapahayag ng dalamhati
Inuugitan-ginagabayan ang direksyon gamit ang timon
Labi-relikya, bakas
Mast-posteng pinagkakabitan ng layag
Obra-mahusay na likha
Sisidlan lalagyan o taguan
Tapayan- sisidlan ng tubig
Yumao-namatay



Module 3-1
Sipi ni Padre Cherina na isang paring Heswita na namalagi sa Pilipinas sa loob ng 12 taon. Siya ay naging
tanyag sa kaniyang mga naitalang obserbasyon tungkol sa sinaunang pamumuhay ng mga Pilipino.
Mababasa ito sa aklat na pinamagatan Relacion de las Islas Filipinas (l604).

A. Paraan ng Pagpapangalan ng mga Sinaunang Pilipino (kabanata I.XXX
Kapag ipinanganganak ang sanggol, tungkulin ng nanay na bigyan siya ng pangalan; at anumang
katawagang ibibigay niya ay dapat manatiling pangalan ng kaniyang anak. Ang mga pangalan ng
kaniyang anak. Ang mga pangalan ay kalimitang ibinibigay batay sa particular na pangyayari tulad,
halimbawa ng Maliag, na nangangahulugang mahirap dahil naging mahirap ang pagluluwal sa bata;
Malacas, na nangangahulugan lalaking malakas, dahil naniniwala ang nanay na magiging malakas
ang bata, o ninanais na maging ganoon ang bata. Kung minsan ay pinapangalanan ito nang walang
anumang simbolismo o natatanging dahilan ng unang salitang sumasagi sa kanilang isipan=tulad
halimbawa ng Daan, na nangangahulugang langsangan, Babui, na nangangahulugang baboy o
Manug, na nangangahulugang manok. Lahat ng tao ay tinatawag ng ganitong mga pangalan mula
pagkapanganak, nang hindi gumagamit ng apelyedo hanggang sila ay mag-asawa. Ipinahihiram ng
panganay na anak ang pangalan niya sa kaniyang mga magulang, sapagkat hanggang mamatay sila
ay tinatawag ang tatay na Ama ni Coan, at ang nanay, Ina ni Coan. Ipinakikita ang kaibahan ng
pangalan ng babae sa pangalan ng lalaki sa pamamagitan ng pagdurugtong ng in Halimbawa, kung
ilogang pangalan ng dalawang taong magkaiba ng kasarian ang lalaki ay tinatawag kna ilog, at ang
babae ay Iloguin. Sa pagpapangalan ay gumagamit sila ng mga salitang nagpapakita ng pagiging
pamilyar, tulad ng ginagawa rin natinHalimbawa ang ama ay nangangahulugang tatay, kung
gayon, ang anak kapag binanbanggit siya sa ibag tao ay tinatawag siyang amaco, na ang ibig sabihin
ay aking tatay. Subalit kapag kkinakausap niya ang kniyang tatay ay hindi niya ito tintawag na ama
kundi bapa, na higit na magiliw at matalik na tawag hindi kring niya tintawag ang kaniyang nanay ng
ina, kundi bai, Sa kabilang banda, kapag sila-sila lang ang nag-uusapa ay tinatawag ng tatay at nanay
Ang kanilang mga anak, kapatid, tiyo, at iba pang malalapit na kamag-anak gamit hindi ang pormal
na tawag sa kanilang pagkakanaig, kundi ang mga mas matalik at personal na tawag na
nagpapahiwatig din ng gayong pagkakanaig, ito ay isang lamang pagpapakita ng yaman, dingal at
pagkamagalang ng wikang tagal.Ang mga anak ng mga katutubong ito ay lpinalaking may lubog na
paggalang at pagsamba sa pangalan ng kanilang mga magulang kaya hindi nila kailanman tinatawag
ang mga ito gamit ang gayong pangalan, buhay man o pumanaw na ang mga magulang; gayundin,
naniniwala silang kapag sinambit nila ang gayong lpangalan, ay mamamatay sila o magiging
ketongin
Isang pangkalahatang kaugalian sa lahat ng mga lahing ito na hindi magkaroon ng natatanging
mga apelyido o dtitulo, gamit lamang nila, tulad ng akin nang nabanggit ang isang katawagan.

B. Tungkol sa pagpapakasal, bigay-kaya, at diborsiyo sa mga Pilipino.
Sampung taon na akong naninirahan sa Filipinas bago ko nalamang mayroong sinaunang
lalaking may maraming asawa; at nalaman ko lamang ito nang pumunta ako sa mga pulo ng
Ibabao at Leite, sapagkat sa Maynila, Mindoro, Marinduque, at Panay ay hindi ko nakita ang
gayong kaugalian Para sa pagpapakasal aymayroon silang naiibang seremonya ng pagkakasal
sundo ng pagpapakasal, na may katambal na mga kinagawiang parusang mahigpit na
ipinatutupad. Narito ang isang halimbawa: ipinangangako ni Si Apai na kaniyang pakakasalan si
Cai Polosin; bnang makasal sila aynakipagkasundo sila sa isa pangpares ng mag-asawa habang
kapwa nagdadalantao ang mga babae,na kung ang kanilang mga anak ay maging isang lazlaki at
isang babae ang mga ito ay ipapakasa at ang susuway ay m,agmumulta ng sampung taels. Ang
kasunduan ay ipinagdiwang sa pamamagitan ng isang piging, kung sino sa hinharap ang lumabag
3-2
sa kasunduan ay kailangang magbayad ng multa. Ito ang pagkakasundo ng pagpapakasal. Sa relasyong
mag-asawa ay may sangkot na bigay-kaya, at ang pagsuko sa babae sa kasalukuyan nang may pahintulot
niya, ngunit hindi panghabambuhay. Hindi ang babae, kundi ang lalaki, ang nagbibigay ng bigay-kaya
ang halagang pinagkasunduan ay itinakda ayon sa kaniyang yaman . Ito ang isinasalaysay ng ilang
manunulat tungkol sa iba-ibang lahi, na nakaugalian na ang pagbili ng babae upang gawing asawa.
Bukod sa bigay-kaya ang lalaki kay nahihirating magregalo sa mga magulang at kamag-anak =ayon ssa
kaniyang kakayahan. Nang nasa Tigbauan ako ay dumatingang pinuno ng pulo ng Cuyo upang ipakasal
ang kaniyang anak na lalaki sa anak na babae ni Tarabucon, ang pinuno ng Oton, na malapit sa baying ng
Arebalo at isang nayong-misyon sa ilalim ng mga paring Agustino.

C. Paraan ng Pamumuhay
Ang sipi na iyong mababasa ay halaw mula sa aklat ni Mkiguel de Loarca na pinamagatang
Relacion de Las Islas Filipinas. Si Miguel de Loarca ay isa sa mga Unang mananakop na Espanyol
na dumating sa Pilipinas. Siya ang nnagsagawa ng kauna-unahang senso sa Pilipinas.
Pulo ng Cagaian. Habang naglalayag patungong timog-timog-silangan mula sa bayan ng
Arebalo ay mararating ang malawak na karagatan; sapagkat walang ibang pulo sa direksyong
iyon liban sa mga tinatawag na Cagayan, dalawang mababang pulo mga labinlimang legua mula
sa pulo ng Panay. Naliligiran sila ng maraming mabababang batuhan; at liban kung batid ang
makipot na pasukan, nahaharap sa matinding panganib ang mga barkong pumaparoon. May
humigit kumulang apat na raang nakatira sa mga pulong ito, at lahat sila ay bihasang tagagawa
ng barko. Sinasabing ilang taon na ang nakararaan ay nanirahan ditto ang mga katutubo upang
gawing tanggulan ang mga batuhan laban sa mga pirata. Matapos nito ay tinangka nilang
bumalik sa pulo ng Panay upang doon manirahan, ngunit nangamatay ang maraming
kababaihan doon. Dahil dito, at bunsod ng kanilang nakinitang mangyayari sa hinaharap, ay
bumalik sila sa pulo ng Cagayan, kung saan sila nanggagaling taon-taon papunta sa ibat ibang
pulo upang gumawa ng mga barko. Ang mga Indio ng Cagayan ang gumawa ng mga barko ng
kaniyang Kamahalan sa kapuluang ito, gayundin ang mga galera, galliot, at fragata. Tumutulong
din sila sa pag-aayos at pagtutuwid ng mga barko. Dahil sa kanilang pagiging pinakamahalagang
tao sa kapuluan, itinalaga ng adelantado Miguel Lopez de Legaspi ang mga pulo ng Cagayan sa
mga encomendero ng Pulo ng Negros. Paglaon ay tila pinakamainam na ilagay sila sa control ng
kaniyang kamahalan.
Pulo ng Cubu. Ang pulo ng Cubu, ang unang piniling panirahan ni Miguel Lopez de
Legazpi Nasa bayan ang pinakamagandang daungan sa kapuluan at ito ang dahilan upang piliin
ni Miguel Lopez de Legazpi na magtatag ng pamayanan doonNagpoprodyus ang Cubu ng hindi
karamihang bigas, borona, at millet at kung mayroon man ay kaunting bulak; sapagkat ang
telang ginagamit ngmga katutubo para sa kanilang mga damit ay nagmumula sa isang uri ng
saging. Mula rito ay gumagawa sila ng telang katulad ng kinulayang calico, at tinatawag nilang
medriaque. Sa kapuluang ito ay pinahahalagahan ang mga pulong nakapagpoprodyus ng bigas
at bulak, dahil maayos na pamilihan ng bulak at tela sa Nueva Espaa Ang kalagayan ng mga
taoay maybmalaking pagkakatulad. Lahat ay may mga manok at kauri nito, baboy, ilang
kambing, sitaw, at isang uri ng ugat na katulad ng patatas ng Sancto Domingo, at tinatawag ng
mga katutubo na kamote. Sunod sa bigas, isda ang pangunahing pagkain sa pulong ito at sa iba
pa, dahil marami nito at napakataas ng uri sa pulong ito ng Cubu. Bagamat may makikitang mga
usa sa mga natuklasang pulo, wala nito rito, at kung magdadala rito mula sa ibang lugar ay tiyak
na agad silang mamamatay.


3-3
Sipi mula sa akda ni Antonio Morga. Siya ay isang abogadong Espanyol na may mataas na
katungkulan sa pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas. Si Morga ay isa ring historyador,
Inilathala niya ang kaniyang aklat na Sucesos de Las Islas Filipinas noong 1609.

Inilalarawan sa sipi na ito ang obserbasyon ni Antonio de Morga sa paraan ng pamumuhay ng
mga Pilipino mula sa ibat ibang isla. Binigyang pansin ang mga produkto, paraan ng paggawa, at
higit sa lahat ang pagiging mayaman ng Pilipinas sa g into.

Pagbuburda ang trabaho at pinagkakaitaan ng kababaihan, at mahusay sila rito at sa lahat ng uri
Ng pananahi. Naghahabi sila at gumagawa ng sinulid at naninilbihan sa bahay ng kanilangmga
tatay at asawa. Binabayo nila ang palay at inihahanda ang ibang pagkain. Nag-aalaga sila ng mga
manok at kauri nito, at baboy, at pinananatili ang mga bahay habang nagtatrabaho sa bukid ang
kalalakihan, at nangingisda,naglalayag, at nakikipagkalakalan.
Ang kanilang nakagawiang paraan ng kalakalan ay ang pagpapalitan ng isang bagay para
sa iba,tulad ng pagkain, tela, baka at kauri nito, manok at kauri nito, mga lupain, bahay, bukirin,
alipin, pangisdaan, at nipa at palming ilahas.
Magkaminsan ay may presyong pinagkakasunduan, at binabayaran ito ng ginto, batay sa
Napagkasunduan, o mga kampanang bakal mula sa China.
Lahat ng pulo, sa maraming distrito, ay mayaman sa deposito at mina ng ginto, isang uri
ng bakal na minimina at ginagamit sa paglikha ng mga bagay bagay. Gayumpaman, mula nang
dumating ang mga katutubo kaugnay nito, at pinagtitiyagaan na lamang ang anumang bara ng
ginto at gintong alahas na mayroon sila, isinalin mula sa sinaunang panahon at minana mula sa
kanilang mga ninuno.
Ilang deposito at minahan ang pinakinabangan sa Paracali sa lalawigan ng Camarines,
kung saan may magandang uring ginto na nakahalo sa tanso, ito ay ikinakalakal din sa Ylocos,
dahil sa malayong bahagi ng lalawigan, na nahahangganan ng dalampasigan, ay ilang matataas
at bako-bakong bundok na umaabot hanggang Cagayan. Sa dalisdis ng mga bundok na ito, sa
Ilaya, ay nakatira ang maraming katutubong sa ngayon ay hindi pa nasusupil, at hindi pa
napapasok ang teritoryo, na tinatawag na Ygolot. Ang mga katutubong ito ay maraming
minahan, karamihan ng magkahalong ginto at pilak. Nahirati silang kunin lamang ang kailangan
para sa kanilang mga kagustuhan. Bumababa sila sa mga particular na lugar upang ipagpalit ang
ginto (nang hindi pa tapos ang proseso ng pagpipino) sa mga Yloco ang pagpipino at
preparasyon ng ginto, at sa pamamagitan nila ay naipamamahagi ito sa kabuuan ng bansa.
May mga minahan at deposito rin ng ginto sa ibang mga pulo, lalot higit sa mga
Pintado, sa ilog Botuan sa Mindanao, at sa Sebu, kung saan may pinakikinabangang mina ng
magandang uring ginto.
Unawain:
Adelantado-katawagan kaugnay sa gobernador-heneral
Bihasa mahusay sa paggawa sa isang bagay naghahabi-gumagawa ng tela
Cagaian tumutukoy nsa Cagayan ilahas-nabubuhay sa likas na pook tulad
Cuba- tumutukoy sa Cebu ng gubat
Galera, galliot, fragata mga uri ng barko dalisdis-pababa o palusong na bahagi
Kamahalan katawagan kaugnay sa hari ilaya-malayo sa baybayin
Legua yunit ng distansiya Ygulot -Igorot
Nueva Espana- mga kolonya ng Espanya sa Hilagang America, Gitnaang Amerika, at kasama ang
Pilipinas bigay-kaya pera o ari-ariang ibinibiga
Tanggulan-depensa laban sa mananalakay sa mapapangas
Gawain 2 BOOKMARK ORGANIZER
Kompletuhin ang Manuggul bookmark sa pamamagitan ng pagtala ng mga hinihinging detalye
tungkol sa bangang Manunggul at sa sipi mula sa akda ni Dr. Robert B. Fox.















Gawain 2.

















. Maglagay ng pamagat ng
iyong bookmark At
isulat ang iyong pangalan.
Batay sa sipi, itala ang
tatlong paglalarawan tungkol
sa banga.

Sa kanang bahagi,
ipaliwanag kung bakit
ang iginuhit ang
nakapukaw ng iyong
interes.
Sa kaliwang bahagi, iguhit
ang isang disenyo ng banga
na pumukaw ng iyong
interes.
Mod2
Mod-2
Gawain 3 Pag-alam sa Terminolohiya. Tukuyin ang salita sa bawat bilang . Isulat ang sagot sa patlang.
1. diwata-______________________________________________________________________
2. anito-_______________________________________________________________________
3. pansariling diyos-diyosan-_______________________________________________________
4. labi-_________________________________________________________________________
5. tapayan-_____________________________________________________________________
6. artifact-______________________________________________________________________
7. inuugitan-____________________________________________________________________
8. kabihasnan____________________________________________________________________
9. kamahalan-____________________________________________________________________
10. naghahabi-____________________________________________________________________
Gawain 3
Pagpapahalaga. Batay sa sipi, anong katangian ang ipinakita ng mga sinaunang Pilipino tungkol sa
sinaunang paniniwala? Isulat ang sagot.




Sinaunang Kaugalian sa Paglilibing
Para sa Pinuno
Pagkakatulad sa Paraan ng Paglilibing
Para sa Karaniwang Tao

Gawain 4 Ugnayang noon at ngayon. Isulat sa kahon ang mga patunay na ginagawa pa rin ito ng mga
Pilipino hanggang sa ngayon.
Noon:Pagiging malikhain
Ngayon:
Noon: Paniniwala sa kabilang buhay
Ngayon:
Noon: Paraan ng paglilibing sa mga pinuno
Ngayon:
Noon: Paglilibing sa mga karaniwang tao
Ngayon:
Noon: Iba pang sinaunang paniniwala
Ngayon:


Modyul 3
Boxer Codex ito ang pangalan ng manuskrito kung saan hinango ang mga larawan sa itaas. Naglalaman
ito ng koleksiyon ng mga larawan tungkol sa kasuotan ng mga sinaunang Pilipino. Ito ay isa lamang sa
mga patunay na may kabihasnan na ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol.
Masasalamin ito sa kanilang lipunan, relihiyon, kaugalian, hanapbuhay, at pamahalaan.
MGA URI NG TAO SA SINAUNANG LIPUNANG PILIPINO
Ang Boxer Codex ay sinasabing pagmamayari ni Luis Perez Dasmarias, ang gobernador heneral ng
Pilipinas mula 1593 hanggang 1596.
Kinikilala ng mga eksperto na ang mga ilustrasyon na naglalarawan ng mayamang

You might also like