You are on page 1of 40

AVAH FOREVER MALDITA

written by: simplychummy


Copyright 2012 by simplychummy. All rights reserved. STEALING IS A CRIME.
**********
PANIMULA at PAALALA
Ito ang ikalawang libro ng kamalditahan ni Avah Chen.
Oo, may ima-maldita pa si Avah, at hindi 'yun matatapos.
Kaya kung HINDI mo pa nababasa ang unang libro ng kamalditahan nya; ang Avah Mal
dita (AARTE PA?), WAG mo nang ituloy ang pagbabasa nito.
Bakit?
BOOK 2 nga diba? Kelan pa nauna ang BOOK 2 sa BOOK 1? ABER?
Ito ang storyang pilit ginagaya at nirerevise pero hindi mapanindigan ang kamald
itahan.
Ang storyang humakot ng ilang daang MALDITANG KABATAAN sa iba't ibang panig ng P
ilipinas.
Ang storyang punong puno ng MORAL VALUES sa hindi maipaliwanag na kadahilanan!
WELCOME TO AVAH'S WORLD, HANDA KA NA BANG...
--- Magbilang ng tawa?
--- Manglait?
--- Mang-snob?
--- Maging conyo?
--- Magpaka-nerd?
---Maging singer?
---Maging supportive best friend?
OO ba lahat ng sagot mo? Kung ganon, ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa dahil bak
a maging HINDI pa ang sagot mo sa mga susunod ko pang mga tanong.
HANDA KA NA BANG...
---Masaktan?
--- Gumanti?
--- Magpakatotoo?
--- Mangarap?
--- Umasa?
---Matalo?
--- Ma-agawan?
--- Pag-agawan?
--- Mang-agaw?
--- Maging masaya?
---Lumaban?
---Sumuko?
---Magpa-alam sa taong malapit sayo?
---Handa ka na ba sa pagbabago?
--- Handa ka na bang maging FOREVER MALDITA?
At
--- Handa ka na ba sa pagbabalik ni AVAH CHEN | HALF- CHINESE | FOREVER MALDITA
Kung OO ang sagot mo sa lahat ng nabanggit sa itaas...
CONGRATULATIONS!
Pwede ka nang magpatuloy sa Unang Kabanata.
Kung HINDI naman ang sagot mo, alam mo na?
Mawalang galang na, lumayas ka na.
Ayokong basahin mo ang storyang 'to nang HINDI KA PA HANDA.
OH? AARTE PA?
***************
Avah's POV-
Taas noo akong naglakad papasok sa isang salon, alam nyo na, masyado akong magan
da para yumuko. Dapat lang ipagsigawan kong maganda ko, sayang naman kung ikakah
iya ko diba? Hindi ako nagmamayabang --- PROUD lang.
Agad naman akong binati noong babaeng receptionist.
"Hi Ma'am, what can we do for you? We offer services like, haircut, hot oil, hai
r coloring, re-bonding, manicure, pedicure, blahblahblahblah" nakangiting sabi n
ya habang iniisa isa yung mga services na ino-offer nila na nakapaskil naman sa
pader ng salon.
Tanga ba sya? Sa salon ako nagpunta, malamang naman yun ang inooffer nila. Tss.
"Miss, I know how to read and I will be more surprise kung nag-ooffer kayo ng fo
ods and drinks. Malamang naman you offer haircut, hot oil and such, pwera na lan
g kung kakaiba 'tong salon nyo at may swimming pool sa loob. Stating the obvious
makes you more stupid my dear, please do remember that." Mataray kong sagot sa
kanya, na ikinagulat nya. Nawala na yung ngiti sa mga mukha nya at napalitan ng
pagkabigla.
Gusto kong mag-relax, dahil sa nakaka-s-stress na paper works sa School, tambak
na trabaho, Avy's moving to her own unit - yes, may sarili na syang condo unit d
ahil sa kanyang singing career, my friends dilemma - na feeling ko hindi ko na k
akayanin yung sunod-sunod nilang pagsasabi ng problema at ang pagiging busy ni N
eo sa big project nya. Idagdag pa ang issue ni Daddy about his daughter having a
Filipino boyfriend, the F? Kapag Chinese kelangan Chinese din or my dugong Chin
ese ang maging boyfriend, as if naman mag-aasawa agad ako? What's with the old t
radition? Hayyy. Pero mukha atang mas lalo akong na-s-stress dahil sa babaeng 't
o.
May lumapit naman na isang lalaki.
"Hi, is there something wrong here?" nakangiti nyang tanong at nagpalipat-lipat
yung tingin nya samin noong babaeng receptionist.
"Are you a knight without a shining armor or just an intruder trying hard to imp
ress a girl?" taas kilay kong tanong sa lalaking Epal. Bigla na lang ume-eksena,
akala mo kung sino.
"None of the above. I'm not a knight and I am not an intruder, unfortunately, I'
m the owner. So, I guess I have the rights to know what's happening in my salon?
" cool na sabi nya at ngumiti.
Ok, hindi ko inaasahan na sya ang may-ari ng salon na 'to. Tinignan ko sya mula
ulo hanggang paa. Hindi naman sya mukhang paa, mukha naman syang tao. Well, hind
i ako ganon ka-interesado kung anong itsura nya. Ang alam ko lang may tanga syan
g empleyado.
"Well, just to inform you Mr., you have a stupid employee." Bored kong sagot, ng
anga naman sya at biglang napayuko yung receptionist.
"M-Ma'am, S-sir...sorry po. I'm really sorry." Sabi noong receptionist.
"Miss, sorry sa nagawa ng employee ko pero hindi ba masyadong offensive yung sin
abi mo about her?" tanong noong lalaki, hindi ko malaman kung galit, naiinis o w
orried yung tanong nya dahil kalmado pa rin sya.
"The customer is always right. I'm a customer so I guess I'm right." Natigilan n
aman silang dalawa, actually lahat ng nasa loob ng salon na yun.
*silence*
"I want a haircut and I want to dye my hair. Give me your best hair stylist." Ut
os ko at tulad ng palagi kong ginagawa, inunahan ko na syang magsalita noong sas
agot pa sana sya.
Sabay sabay tayo Malditas'
"Oh, aarte pa?" mataray kong sabi sabay walk out at naghanap ng mauupuan.
Napangiti na lang ako ng makita ko ang mga reaksyon nilang gulat at hindi makapa
niwala. What can I say? Wala pa rin talaga akong kupas...mas lumala pa.
Halos lahat naman ng tao sa salon na yun, natigil ang mga ginagawa at nakatuon a
ng atensyon sa susunod kong gagawin.
"Do I look like a silly show for you to watch my every move? Quit staring people
...it's rude." Mataray na tanong ko sa kanila, agad naman silang nag-iwas ng tin
gin.
Kapag ganitong stress ako at walang dumadamay sakin mas lalo akong nagiging mald
ita.
May pinilit bumulong pero hindi nakaligtas sa matalas kong pandinig.
'Sino ba sya? Sobrang taray ha.' bulong daw.
Napalingon ako sa dalawang magkaibigan na nagpapa foot spa. Sila lang yung obvio
us na nagbubulungan dahil masyadong naka-lean yung babaeng mahaba ang buhok doon
sa kaibigan nyang bakla.
Nilapitan ko silang dalawa at nagpakilala.
"I'm Avah Chen, half - Chinese....FOREVER MALDITA." Proud kong sabi.
"Eh ano naman kung ikaw si Avah?" sagot noong bakla.
Aba at pilosopo kang bakla ka ha. Nag-crossed arms ako para mas may authority ak
ong tignan.
"Diba nagtanong ka? Sinagot ko lang."
"Masyado kang mataray, kung makapagreklamo ka kanina, akala mo binili mo 'tong b
uong salon. Di ka na naawa doon sa receptionist." Sagot noong mahaba ang buhok.
"You're not listening well when I introduced myself. I am a Maldita, what do you
expect? Is it my fault that she's stupid?" kunot noo kong tanong.
'bakla, in-e-english ako' narinig kong bulong noong mahabang buhok.
'kaya mo yan, girl.' Sagot noong bakla.
"Don't English me, I'm bleeding! Ang arte mo. Kanina ka pa nag-e-english, nasa P
ilipinas ka, magtagalog ka!" sabi noong mahaba ang buhok.
"Oh, hulaan ko, hindi ka nakakaintindi ng English? Sige, pagbibigyan kita, ayoko
naman masisisi mo ako kapag biglang dumugo yang ilong mo e." pang-aasar ko sa k
anya
"I understanding English, what do you think of me? Just, just? O come on, mamon.
" Sabi pa nya.
(translation: Nakakaintindi ako ng English, anong tingin mo sakin? Basta, basta?
)
Hindi ko mapigilang matawa sa sinagot nya. Hindi ko sya matawag na tanga dahil n
auunahan ako ng tawa. Saang planeta ba sya galing? Mas malala pa sya sa English
carabao. Grammar 101.
"HAHAHAHAHAHAHA" yan lang ang nasagot ko sa kanya. Halos lahat ng nasa salon, na
gpipigil din ng tawa.
'bakla, tinawanan ako!' bulong nya sa kasama nya
'bruha, di ka pa ba nasanay? Buti na lang talaga maganda ka.' sagot noong bakla
na nagpipigil din ng tawa.
"Why you laugh? Am I joke?" sabi pa nya.
(translation: bakit ka tumatawa? Nag-jojoke ba ako?)
"Well, sorry... ang dami ko lang tawa sayo, sa sobrang dami nga hindi ko na nabi
lang. Anyway, I like your humor. What's your name?" First time kong magtanong ng
pangalan sa taong nagbalak kumalaban sakin. Mali pala...first time kong magustu
han ang taong nagbalak kumalaban sakin.
"I am Felicity Domingo a.k.a Fliss from the beautiful place of Baranggay Paraiso
." Sagot nya.
"Tama yung kaibigan mo, buti na lang talaga maganda ka. Pero tandaan mo, hindi s
apat na maganda ka lang at wag kang makuntentong maganda ka lang. Ang ganda kumu
kupas, ang laman ng utak hindi, pero nadadagdagan. Anyway, nice meeting you Flis
s" Sabi ko sa kanya
----
On the way na ako palabas ng salon, dahil tapos na akong gupitan at kulayan ng b
uhok. Kahit medyo nabadtrip ako dun sa receptionist, I will definitely come back
here. Magaling yung stylist na inoffer sakin, I love my new hair, medium length
hair with a full bangs and reddish brown. I look matured. Well, dapat lang, eno
ugh of the teen look and acts, few more months and I am not a teenager anymore.
"Miss Avah..." tawag sakin noong lalaking Epal na may-ari daw ng salon. Nilingon
ko lang sya at naghintay ng susunod nyang sasabihin.
"I apologize for what happened earlier." Tulad kanina, kalmado pa rin sya at nak
angiti. What's with him?
"Kung nag-aapologize ka dahil ayaw mong mawalan ng customer, hindi na kailangan
dahil kahit ang lakas maka-BV ng receptionist mo, babalik ako. At kung nag-aapol
ogize ka naman dahil sa tingin mo mali ka, wag - hindi mo kasalanan kung bakit s
ya tanga." Kalmado ko ding sabi at ngumiti ako sa kanya.
Kalmado, ako? Weird, nakakahawa sya.
"You're really are something." Sabi pa nya and again, ngumiti na naman sya.
"And you are weird." Sabi ko na lang.
"You keep on saying that my employee is stupid. May issue ka ba sa mga tanga?" k
aswal na tanong nya.
Ngayon lang may nagtanong sakin kung may issue ako sa mga taong tanga. Ako lang
ba ang pumupuna sa kanila?
"Wala naman, nakakairita lang sila. Alam mo yun, they are invading the earth. An
g tanga kasi parang basura, pakalat-kalat. Kahit saan ka ata magpunta, makakatag
po ka ng katulad nila. Minsan tuloy, gusto kong subukang maging tanga para naman
ma-enjoy ko yung company nila." kaswal na sagot ko
"Hindi naman siguro nila sinasadya maging ganon. I mean, siguro madami lang sila
ng iniisip kaya hindi nila agad nagegets yung sinasabi mo, pwede din namang hind
i sila makarelate sa mga sinasabi mo, o kaya absentmindedly nilang nasasabi yung
obvious or you're just taking them literally, o baka naman magka-iba kayo ng pa
gkakaintindi sa isang bagay kaya nasasabi mong they are stupid. Ano man ang dahi
lan ng bawat isa sa kanila, they don't mean to be stupid and they don't deserve
to be called stupid by a person who thinks that she or he is smart enough." Maha
bang sabi nya.
This time, it's my turn to be amazed dahil sa sinabi nya.
"So anong gusto mong palabasin? Na wala akong karapatang tawagin silang tanga da
hil ang tingin ko sa sarili ko, matalino? Kumpara naman sa kanila, genius ako."
sagot ko.
Kung kanina kalmado ako, ngayon...ano nga ulit yung ibig sabihin ng kalmado?
"No, I don't mean that way. Ang sakin lang... Speak your truth quietly and clear
ly; and listen to others, even the dull and ignorant; they too have their story.
Have a nice day Miss Avah." nakangiti nyang sagot at nag-umpisa nang maglakad.
Naiwan akong nag-iisip. Familiar yung sinabi nyang 'Speak your truth quietly and
clearly; and listen to others, even the dull and ignorant; they too have their
story.'
Wait, narinig ko na yung quote na yun eh. San ko ba narinig yun.
"Is that the second verse from Desiderata?" tanong ko. Lumingon naman sya.
"by Max Ehrmann " sagot nya at tuluyan ng pumasok sa loob salon nya.
Sabi na nga ba e. The poem I recite at my Speech and Conversation class when I w
as in Second Year College. Yung poem na sabay naming minemorize noong high schoo
l seatmate ko. Ang nag-iisang lalaking naging kaclose ko at napagkamalan ko pang
bakla.
Now I wonder kung nasan na yun ngayon, last thing I remember, nagmigrate na sila
sa Canada. Well, bakit ko ba sya iniisip.
Bago ako tuluyang umalis, nag-last look pa ako sa salon. What a day, I met a stu
pid receptionist, a calm guy, and a very funny girl.
MALDITA 2
I am on my way to Neo's workplace to show him -errr-let me rephrase that; *ehem*
to BRAG my new look at ipakita sa kanya na sobrang swerte nya dahil ako ang nag
ing girlfriend nya. Well, nakaka-awa kasi sya, kaya naman sinagot ko na sya.
Alam nyo na, nag-prisinta sya bilang boyfriend ko, aarte pa ba ako?
Anyway, ang magaling na lalaki kasi, masyadong busy sa big project nya. Ang kapa
l ng mukha na isantabi muna ang beauty ko. Tsk.
Malayo pa lang, kitang-kita ko na ang Kupal kong boyfriend, nakatalikod sya saki
n at bising-busy na nakatayo habang nakapameywang at nakatingin sa isang nakalat
ag na papel sa lamesa. Kilalang kilala ko yung likod nya. Automatic kasi na nag-
o-on ang maldita radar ko kapag malapit sya sa akin.
"Hoy!" bati ko sa kanya at tinapik sya sa balikat. Napalingon naman sya nang nak
akunot ang noo at akmang sisigawan ako.
"ANO BA" sigaw nya. Nag-crossed arms ako at tinaasan ko sya ng kilay. Nawala nam
an ang kunot sa noo nya at gulat na nakatingin sa akin.
"Surprise?" tanong ko and I smirked. Tinitigan nya naman ako ng mabuti at tinign
an ang buhok ko.
"Surprised sa new look mo? Yes. Surprised sa pagbisita mo? No." Sabi nya.
"At bakit hindi ka na surpresa sa pagbisita ko?" nag-tatakang tanong ko.
"Hindi naman kasi kagulat gulat na sobrang miss mo na ako." Sabi nya at lumapit
sakin at ibebeso ako pero pinigilan ko ang mukha nya gamit ang kanang palad ko.
"Bakit?" nagtataka nyang tanong.
"Amoy pawis ka. Yuck." Sabay punas ko ng kanang kamay ko sa manggas ng kulay gra
y nyang polo.
"Wow, kung maka-yuck ka parang may nakakahawa lang akong sakit. Hoy Malds, para
sabihin ko sayo, sa gwapo kong 'to, ang pawis ko ay parang pabango." Sabi nya.
Kahit kailan talaga, mayabang sya.
"Ano namang koneksyon ng pawis mo sa kagwapuhan mo?" mataray kong tanong sa kany
a.
"Wala naman. Pinapaalala ko lang na gwapo ako." Pagmamayabang ulit nya.
"Nabibingi ako, ang sakit sa tenga ng sinasabi mo." Sabay takip ko ng tenga ko.
"Ha-ha-ha-ha- ang dami kong tawa sayo, mga apat." Sarcastic na sabi nya sabay tu
malikod.
"Dagdagan ko pa gusto mo? HA-HA-HA-HA. Oh ayan, walo na! Magdiwang ka." pang-aas
ar ko pa sa kanya
"Bakit ka nandito? Sobrang miss mo na ako no?" tanong nya habang nakatalikod sak
in at may idino-drawing sa malaking papel na nakalatag sa lamesa.
Bastusing boyfriend, nakatalikod habang kinakausap ako. How dare him!
"Chine-check ko lang kung buhay ka pa, baka kasi nilamon ka na ng lupa kaya hind
i ka na nakakapag-paramdam sakin" sagot ko sa kanya.
"Hindi ako multo para magparamdam." Sagot nya. Humarap sya sa akin at seryosong
nakatingin sakin, hinawakan nya pa ako sa dalawa kaong balikat. Napakunot naman
ang noo ko. Sasagutin ko pa lang sana sya kaya lang naunahan ako ng bastos nyang
bunganga.
"Pero patay na patay ako sayo." Seryoso nyang sabi. Nakatingin pa sya sa mga mat
a ko habang sinasabi nya yun.
"May mas i-co-corny ka pa ba? Kasi kung meron pa, sabihin mo lang para naman ma-
i-break na kita." Sagot ko sa kanya at tinanggal ang kamay nya na nakapatong sa
balikat ko.
"Sus, kinilig ka naman! Asa ka, joke lang yun no." Sabay kiliti sa may tagiliran
ko.
Dahil sa likas na makilitiin ako, agad nag-react ang mga nerves ko, pati na din
ang bibig ko.
"Ay letche ka talagang Kupal ka!" sabi ko habang hinahampas sya ng pouch na dala
ko.
"Alam mo Malds, ok lang naman sabihin mo sakin na namimiss mo na ako eh. Promise
, hindi ako tatawa." Sabi nya habang iniiwasan ang mga palo ko sa kanya at tumat
awa ng wagas.
Paano ko papaniwalaan ang promise nya na hindi sya tatawa kung habang nangangako
sya eh tumatawa na sya? Bastusin talaga!
"Pwede ba, wag ka ngang Fil-Am dyan" tinigilan ko na ang paghampas sa kanya at t
inignan ko ang ginagawa nya.
"Fil-Am?" tanong nya.
"Fil-engero at Am-bisyoso" kaswal na sabi ko.
"Daming mong alam." Sabi nya at bumalik sa lamesa para titigan ulit ang papel na
kalatag doon.
"Syempre, matalino ako e. Pasalamat ka nga, kasi nakalimutan kong paganahin ang
utak ko noong sinagot kita. Kung na-alala ko lang sana, edi nag-hahabol ka pa ri
n sa akin hanggang ngayon." Sagot ko sa kanya.
Nga-nga naman sya at napa-iling pa.
"Ang humble mo masyado, nahiya ako bigla. Talagang ako pa ang mag-papasalamat sa
yo? As if naman na ginusto kong magka-gusto sayo. Hanggang ngayon nga, iniisip k
o pa rin kung bakit ikaw ang naging girlfriend ko." Sabi nya at inirolyo ang pap
el na nakalatag sa lamesa.
"Wag kang mag-alala, pareho lang tayo. Sa araw-araw na pag-gising ko sa umaga at
napapaharap ako sa salamin palagi kong tinatanong, 'maganda naman ako, bakit ik
aw ang boyfriend ko?' Diba mas malaki ang problema ko, kumpara sayo?" tinapik ko
pa sya sa balikat at ngumiti ng nakakaloko.
Hindi naman maipinta ang mukha nya. Natutuwa talaga ako kapag nakikita syang nat
atameme dahil sa mga sinasabi ko. Akala nya siguro hindi ko kayang patahimikin a
ng mayabang nyang kaluluwa.
Well, news flash: Kung mayabang ka, mas mayabang ako sayo.
Dahil ayoko ng mga taong punong puno ng hangin sa katawan, kaya naman gustong-gu
sto ko silang nakikitang napapahiya. Bakit ba, they deserve it.
Sila yung mga taong puro kwento, salita, gusto laging bida, epal, laging 'ako' a
ng laman ng kwento -sila yung mga taong hindi pinapansin sa bahay at nag-hahanap
ng makaka-usap. Nakakaawa, pero nakakainis pag sumosobra na.
"Isarado mo nga yang bibig mo, ang sagwa e. Sige na ang gwapo mo nang magulat."
Sabi ko sabay halik sa pisngi nya. Napangiti naman sya.
"Oh, wag kang kiligin! Tara na nga, samahan mo ako sa Mall." Sabi ko sa kanya at
akmang lalabas na ako sa office nya.
"Sige, kunyari hindi na lang ako kinikilig. Pero Malds, may tatapusin pa ako eh,
sandali na lang 'to" sabi nya pa at hinarap naman ang laptop nya.
Nilingon ko sya ng nakasimangot. Aba, umaabuso na 'to ahh. Sya na ang pinuntahan
ko tapos pag-hihintayin pa nya ako?
"Hoy, Kupal ka, wag mong sagarin ang kabaitan ko. Ikaw na nga ang pinuntahan ko
sa trabaho mo dahil sobrang busy ka, tapos paghihintayin mo pa ako? Anong akala
mo sakin pampasaherong jeep? Hihintayin ka hanggang maka-upo ng maayos bago ako
umandar?" naiinis kong sabi.
Kainis ha. Mas nakakatuyo pala ng dugo ang boyfriend na nawawalan ng oras sayo k
esa sa mga tangang pakalat kalat na parang basura.
"Malds naman. Nagtratrabaho ako oh. Saka working hours pa kaya. Palibhasa kasi,
hindi ka pa busy sa School mo." Paliwanag nya habang nakaharap sa laptop nya.
"Alam kong nag-tratrabaho ka at alam ko ding working hours pa. Eh ano namang pak
ialam ko?" naiinis na talaga ako sa lalaking 'to.
Mukha lang walang sense ang pagka-inis ko sa kanya kasi tama naman sya, na nasa
trabaho sya at oras pa ng trabaho. Ang nakakainis lang kasi, mag-mula noong ekse
na sa Mall kung saan bigla akong napasagot dahil sa ginawa nilang 'scheme' ay ma
bibilang lang sa daliri ko sa kanang kamay kung ilang beses lang kami nag-kita.
Kung tutuusin nga, mas marami pa ang tawa nya.
"Nakakalimutan mo ata na isang highest paid landscape architect ang kinakausap m
o. Dapat masanay ka na, na busy akong tao. In demand ako Malds, bukod kasi sa na
paka gwapo ko, napaka talented ko pa. Ang mga gwapong tao kasi, palaging busy."
Pagmamalaki nya pa. Sumandal sya sa swivel chair nya at inilagay ang dalawang ka
may sa batok nya, saka ngumiti ng nakakaloko.
Akala naman nya, tuwang tuwa ako sa mga ginagawa nya. Kung dati, automatic na ta
tarayan ko lang sya dahil sa kayabangan nya, ngayong badtrip ako at nararamdaman
kong wala akong halaga sa kanya, naiinis ako.
"Alam mo naman palang busy kang tao, eh bakit nag-girlfriend ka pa?" pagtataray
ko sa kanya
Umayos naman sya ng upo at tumingin sakin ng seryoso.
"Look, sorry kung sobrang busy ko lately ok? Sinabi ko naman sayo na may big pro
ject akong dadating diba? Saka noong tambay ako lagi sa bahay mo, tinataboy mo a
ko, ngayon namang nagpapaka-busy ako sa trabaho naiinis ka. Ang gulo mo din no?
Tapos sabi mo pa noon na wag kitang tinetext kasi hindi ka sanay." Pagrereklamo
nya.
Singkit na nga ang mata ko, lalo pang sumisingkit dahil sa kanya.
"Alam mo ba ang pagkakaiba ng noon at ngayon? Noon, hindi mo pa ako girlfriend,
wala kang responsibilidad na itext o bisitahin ako araw araw, ngayon, girlfriend
mo ako, may karapatan akong mag-tampo at mainis kapag nawawalan ka ng oras saki
n." Halata naman sigurong inis na inis na ako sa kanya.
"Now you are being a demanding girlfriend. Really? Hindi ko akalain na magiging
demanding kang girlfriend. Hindi ako sanay." Natatawa pa nyang sabi.
"Oh shut up! It's not me, being a demanding girlfriend. It's you, being a neglec
ting boyfriend. Don't turn table's here Neo! You know what, you should practice
time management." Inis na inis kong sabi sa kanya.
"Ok. Chill, I get your point. Busy ako, hindi kita mabigyan ng oras, mali ako. O
sige na, ako na ang masamang boyfriend. Ano pa ba?" sabi nya pa at hinawakan an
g baba nya na akala mo ay nag-iisip ng malalim.
"Hindi mo ako nagegets, seryoso." Nauubos na ang pasensya kong sabi sa kanya
"Ano ba kasing gusto mong iparating? Inamin ko na na mali ako, ano pa ba? Kung n
aiinis, naiinis din ako. Ok? Sorry." Sabi nya at inis na sinuklay ang buhok nya.
Tinignan ko sya ng nagtataka.
"Hindi mo man lang tinanong kung kamusta ako?" walang gana kong tanong sa kanya.
Napa-angat naman ang ulo nya at gulat na tumingin sakin. Ibinuka nya ang bibig n
ya at isinara ulit. Hindi ata alam kung anong sasabihin nya.
*silence*
*Tok tok tok
Napatingin si Neo sa may pintuan ng office nya, at tinanguan lang kung sino man
yung bastusing tao na nakiki-epal sa moment naming dalawa ni Kupal.
Lumapit ang isang babae at derederetsyong pumunta kay Kupal at nakipag-beso-beso
sa kanya. Ayokong i-describe kung anong itsura noong epal na babae na bigla na
lang nakipag-beso-beso sa boyfriend ko at hindi ako pinansin.
Dahil kumukulo ang dugo ko sa kanya.
"How's the plan?" at bastos na tinignan ang laptop ni Neo.
Napataas naman ang kilay ko noong sinadya nyang yumuko ng todo para makita yung
cleavage nya na kulang na lang eh ipagsigawan nyang 'may cleavage ako'. Edi sya
na ang malaki ang dibdib yun lang naman ata ang malaki sa kanya.
"Tara, let's have coffee" yaya nya kay Kupal at hinawakan ang pulso nito at hini
la.
"S-sure" sabi ni Kupal na ikinagulat ko.
"Kapag kung sinong babaeng malaki ang dibdib ang nag-aya na magkape sayo, sure a
gad ang sagot mo? Pero kapag girlfriend MO, busy ka? MAHUSAY!" hindi ko napigila
ng mag-react. Eh tarantado pala 'tong Kupal na 'to e.
Maldita mode is ON baby.
"Excuse me?" taas kilay na sabi noong babaeng epal.
"Akalain mong marunong ka palang magsabi ng excuse me? Samantalang hindi ka man
lang nag-excuse me noong bineso-beso mo ang boyfriend KO?" taas kilay ko ding sa
bi sa kanya at nag-crossed arms pa ako.
"Hey, Avah, not here ok?" sabi ni Kupal.
"Not here? Ok, sa labas tayo. Madali akong kausap." Nag-kibit balikat pa ako sa
kanya.
"Neo who is she?" maarteng tanong noong babae.
"Ipapakilala mo ba ako, o ako ang magpapakilala sa sarili ko?" mabilis kong tano
ng kay Kupal. Kung kanina, Neo pa ang tawag ko sa kanya. Ngayon, balik tayo sa K
upal.
"She's my girlfriend." Sabi ni Neo.
Ngumiti naman yung babae, ngiti na hindi ko gugustuhin makita pa. Ngiti na akala
mo nakakita ng paglilibangan. Masakit man ikumpara pero kailangan. Tulad ng ngi
ti ko kapag nag-umpisa na akong mag-laro.
"So, you're the girlfriend" tinignan nya ako mula ulo maganda.
"Are you checking me out? Kasi kung oo, sorry ka na lang, hindi ako pumapatol sa
mga babaeng dibdib lang ang malaki." I said and smirked at her
Tss. Halata naman na nagulat sya sa sinabi ko, pati na nga si Kupal nanlaki ang
mata.
"Wow, hindi ka na nga masyadong maganda at seksi, bastos pa yang bibig mo" matar
ay na sabi nya
"Ang bastos, nakahubad. Di hamak naman na mas muka kang bastusin kesa sa akin."
Nakangiti kong sabi.
Tumingin yung babae kay Neo at hinawakan ang braso nito.
"Are you sure, she's your girlfriend? I didn't expect na ganyang klase ng babae
ang gusto mo. ORDINARY." Sabi noong babae at tumingin sakin saka nag-smirk.
"Well honey, what you see is not always what you get." Simpleng sagot ko sa kany
a.
Babaeng 'to, sabihan pa ako na ordinaryo lang ako? Ako? Si Avah Chen? Isang ordi
naryong babae lang?
"Stop! Both of you. Ang sakit nyo sa tenga." Biglang sabi ni Kupal. Tumingin sya
sa babaeng epal, tinanggal nya ang kamay na nakahawak sa braso nya at saka ito
kinausap.
"The plan is still under construction, isesend ko na lang sayo kapag tapos na sy
a. Ok?"
Tumingin naman sakin si Kupal.
"Please, I don't have energy to argue with you. I'm sorry, let's talk some other
time." Sabi nya na parang pinapaalis na ako.
"Are you asking me to leave you with her?" paninigurado ko.
"She's my partner in this project." Sabi na lang ni Neo.
"Partner? Wala akong matandaan na may sinabi ka saking may partner ka sa project
na 'to." Naiinis kong sabi sa kanya.
I feel betrayed. Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react, hindi ko alam kung
paano tamang i-re-react yung pinag-sama samang pagkadismaya, galit at inis sa k
anya.
"Ohh, I guess your boyfriend, doesn't trust you." Mapang-asar na sabi pa noong b
abae. Kaya naman tinignan ko sya ng masama. Sobrang sama.
"Isang salita mo pa, hindi ako mag-dadalawang isip na batuhin ka ng sapatos ko a
t ipokpok sa dibdib mo yung takong ko." Seryosong sabi ko sa kanya nang hindi ko
inaalis ang masamang tingin ko sa kanya.
Natahimik naman sya. Kaya tinignan ko si Kupal at nag-hihintay ng sagot nya.
"Avah, hindi ako si superman para magawa ang project na 'to mag-isa. Kelangan ko
din ng isang Engineer. Sya ang kinuha." Sabi ni Kupal.
"Strike four, you failed me again. That's not the answer I wanted to hear." Sabi
ko sa kanya. Tumalikod na ako at nag-umpisang humakbang palabas ng office nya.
Naramdaman ko naman yung paghawak ni Kupal sa braso ko.
"Avah. I'm sorry." Sabi nya. Hindi ako lumingon sa kanya.
"Strike five." Sagot ko sa kanya at tinanggal ko yung pagkaka-hawak nya sa braso
ko at nag-lakad.
"What's with the strike?" naiinis nyang sigaw.
"Go figure" sigaw ko din.
Bahala kang mabaliw kakaisip. Bwisit!
MALDITA 3
*bzzzzt*
Tsk. Bakit ba ang tagal ni Avy mag-bukas? Kanina pa ako dito sa labas ng condo u
nit nya ha. Kaasar.
*bzzzt, bzzzt, bzzzt*
Inis na inis kong pinag-pipindot yung buzzer nya. Napag-isipan kong dito pumunta
after kong mag-dramatic exit sa opisina ng kupal kong boyfriend.
"Sandali lang" sabi nya mula sa loob ng unit nya. Nag-crossed arms ako habang hi
nihintay syang pagbuksan ako ng pintuan.
"Oh, Ni hao my dearest sister!" nakangiting bati nya sakin. [ni hao = Hi/ hello]
"Ni hao your face! Bakit ang tagal mo akong pagbuksan?" panenermon ko sa kanya a
t agad pumasok sa loob ng unit nya at iti-nour ang sarili ko. Anong trip nito at
nag-chi-chinese?
"Sungit ever! Naka-idlip kasi ako, late ko na nga nabasa yung text mo na pupunta
ka dito e. Ni hao ma?" tanong nya habang sinusundan ako. [ni hao ma = how are y
ou?]
Bumuntong hininga muna ako sinagot ang tanong nya.
"Bu hao." Sagot ko at umupo sa may sofa nya. [bu hao = no good]
"Oh? Bakit, share?" tanong nya at saka sya umupo sa may sofa nya. Tumayo naman a
ko para bumwelo. Ok, ito na yung tamang time para ibuhos ko lahat ng bwisit ko.
"yung magaling ko kasing boyfriend, binadtrip ako. Idagdag mo pa yung babaeng ka
partner nya sa punyetang project na yun na boobs lang ang malaki." Naiinis kong
kwento.
"Kakaumpisa nyo pa lang LQ na? Hahaha, nakakatuwa talaga kayo." Natatawa nya pan
g sabi. Sinamaan ko naman sya ng tingin kaya sya biglang tumigil sa pagtawa.
"Sorry na, sige na go...continue" sabi nya pa.
"Alam mo ba yung feeling na hinabaan mo na yung pasensya mo kasi ayaw mo nang lu
mala pa yung away nyo? Tapos umabot ka na sa boiling point at kumulo na ng todo
yung dugo mo, hindi pa rin nya alam kung anong nagawa nyang mali? Tangina lang!
Bwisit eh, shit! Nanggigigil ako, isama mo pa yung punyetang Boobita na yun na a
ng sarap tusukin ng karayom yung dibdib para pumutok! Ayst. Tangina talaga! Letc
he! Ni hindi man lang nya sinabi sakin na may Boobita syang kasama sa punyetang
project na yun! At ito pa, ang swerte nya dahil umabot sya hanggang sa strike fi
ve bago ako nag-walk out, samantalang yung iba, strike 1 pa lang ibinabaon ko na
sa lupa!" gigil na gigil kong litany kay Avy habang palakad lakad ako sa harapa
n nya. Sya naman, nakaupo sa sofa at nakapikit na nakikinig sakin.
Bastusing kapatid!
"Hoy! Are you even listening to me?" naiinis kong tanong sa kanya at saka sya ni
yugyog.
"tsk. Yes! Yes, I'm listening, ok? You don't have to shake me! Tsk!" Inaantok na
sabi nya.
Hindi ko din naman sya masisisi kung bakit sya puyat. Sunod sunod pa naman ang r
ecording nya eh. Tsk, ni sa panaginip hindi ko naisip na magiging sikat na singe
r sya! Dreams do come true if you believe sabi nga nila, pero sa sitwasyon nya,
mas bagay yung miracles do happen!
Ganon talaga, ganyan ako ka-supportive na kapatid!
"Sige nga, anong sinabi ko kung talagang nakikinig ka nga sakin?" paghahamon ko
sa kanya.
"You said that you are jealous!" sabi nya at humikab pa.
"What? Me? Jealous? Oh come on Avy, hindi ako nag-seselos. Naiinis, nagagalit at
nadidismaya ako. Yun ang nararamdaman ko." Pagdedepensa ko.
Tsk. Ako magseselos? Bakit naman ako magseselos? Hindi bagay sakin yun no.
"Oh my dearest sister, sa ating dalawa ako ang mas nakakaalam kung ano ang mga s
ymptoms ng taong nagseselos. Madalas kong maramdaman yan noon towards you, remem
ber? Kaya nga naging maldita ka." Sagot nya. Tinignan ko naman sya at saka sinag
ot.
"Matinding inggit ang naramdaman mo at hindi selos." Pangangatwiran ko.
"Jealousy is the root of all evil, Sis. Kaya selos lang yan!" Pagmamalaki pa nya
.
"At san mo naman napulot yun?" pagtataray ko sa kanya. Nagkibit balikat lang sya
saka sumagot.
"imbento ko lang" sabi pa nya, binatukan ko nga.
"dahan dahan sa pagbatok, kapag ako hindi nakakanta ng maayos mamaya. Tsk" sabi
pa nya habang inaayos yung buhok nya.
"At kelan pa napunta ang vocal chords mo sa batok?" taas kilay kong tanong.
"Ayst, wag mo nga sakin ibaling ang galit mo. Alam mo kasi hindi naman masamang
umamin na nag-seselos ka, tutal may karapatan ka namang mag-selos dahil boyfrien
d mo sya. Kesa naman amin ka nang amin na nagseselos ka tapos hindi naman pala k
ayo mag-boyfriend, diba? Mas mahirap yun, nagmuka ka nang tanga, napahiya ka pa!
" sabi nya pa saka inihiga ang ulo sa may arm ng sofa nya.
Umupo naman ako sa tabi nya at kinapa ang leeg nya kung mainit gamit ang kanang
kamay ko.
"Are you sick?" concern na tanong ko sa kanya. Mabilis naman nyang inalis yung k
amay ko sa may leeg nya.
"Nope, why?" nagtataka nyang tanong.
"Kung ano ano kasing sinasabi mo dyan. In fairness yung iba naman may sense... t
he rest wala. Yan ba ang nagagawa sayo nang pagiging singer? Kung oo, itigil mo
na, bago kita ipasok sa mental" concern kong sabi
"Hindi ahh, nababasa ko lang yung sa facebook. Ang dra-drama kasi noong mga stat
us ng friends ko doon eh" paliwanag nya pa, kinuha naman nya sa may coffee table
nya yung ipad nyang pink.
"Ganon talaga. Hindi na kasi uso ang diary ngayon, kaya wag kang magugulat kung
pati plano nilang magpakamatay ay ginawa nilang status sa facebook. Mas madrama
ang post, mas maraming likes at comments. Modern na kasi eh." Sagot ko na lang.
"Yeah right. Kay ito..." inabot nya sakin ang ipad nyang kulay pink. Tinignan ko
sya nang nagtataka.
"Ano namang gagawin ko dito?" clueless kong tanong
"Mag log-in ka sa facebook, tapos gawin mong status yung sinabi mo sakin kanina
yung about sa alam mo yung feeling na hinabaan mo na yung pasensya mo chuchu, ta
pos i-tag mo ako. Dali na! Promise i-li-like ko, mag-co-comment pa ako!" tuwang
tuwa pa syang pumalakpak.
Tinignan ko ng mabuti yung hawak kong ipad nya na kulay pink. Bago ako nag-salit
a.
"San mo gustong ibato ko yung ipad mo...sa binatana o sa pinto?"
Agad naman nyang kinuha yung ipad nya na kulay pink. Oo, kailangan paulit-ulit y
ung pagsasabi ng ipad na kulay pink.
"Ito naman joke lang... frustrated comedian kasi ako. Don't worry, I'll stick be
ing a singer na lang" nag-peace sign pa ang bruha.
"God! Ngayon nag-sisisi na ako kung bakit pa ako nagpunta dito, instead of going
out with my friends. Kung tutuusin mas matino pang kausap yung sarili ko kesa s
ayo e." Naiirita kong sabi.
"At least hindi ka mapagkakamalang baliw kasi may kausap ka. Diba?" hirit pa nya
.
"Alam mo, ngayon ko lang nalaman na mas masarap palang kausap ang tanga kesa say
o. Mabuti pa yung tanga, kahit papaano nakakatuwang kausap. Ikaw na normal? Wait
...are you even a normal person? Wag kang magagalit ha, naninigurado lang naman
ako." At saka ako ngumiti sa kanya.
Natulala naman sya. Edi tumahimik din sya! Kainis e, puro nonsense yung sinasabi
. Sige na nga, yung iba may sense.
Kapag ang kausap mo, salita lang ng salita nang hindi pinag-iisipan yung sasabih
in, nakakairita. Yung akala nila, nakakatuwa pa silang kausap, pero ang hindi ni
la alam mas nakakaboring silang ka-kwentuhan.
Wag puro bibig ang paganahin, gumamit din ng konting utak. It won't hurt, trust
me.
"Fine, fine! Ulit na, from the top, game makikinig na ako sa sentiments mo. Sa p
agkakatanda ko, you said something about strike. Ok, let's start with strike 1"
sabi nya at umupo ng maayos sa sofa nya.
Great! Kapag na-aalala ko yung mga disappointment na naranasan ko kay Kupal kani
na, nabwibwisit ako. Tsk. At ang nakakainis pa, hinayaan ko lang syang mag-sunod
sunod ng strike nya dahil akala ko may pang bawi sya. Eh nag-walk out na ako la
hat lahat, wala pa din. Bwisit!
Huminga muna ako ng malalim bago ako nag-salita.
"Strike 1. Hindi nya man lang ako kinamusta! How could he? Alam mo yung ang taga
l tagal naming hindi nagkita tapos hindi nya man lang nya inalam kung anong nang
yari sakin the past few weeks? As if he doesn't care about my life." Naiinis kon
g sabi
"Wala naman nagbago sayo the past few weeks ahh, maldita ka pa din" pagtataka na
man ni Avy.
"Yun na nga e, kahit walang ganong pinagbago sakin, sana naman kinamusta man lan
g nya ako. Mamamatay ba sya kapag hindi nya ako kinamusta? Is it that hard to as
k how are you?" pagdadahilan ko.
"Bakit? Ikakamatay mo rin ba na hindi ka nya kinamusta? You know what, masyado m
ong ginagawang issue yun e." Pangangatwiran naman nya
"That's not my point!" nabwibwisit kong sabi
"Your point is?" bored na tanong nya
"Kapag nakita mo yung kaibigan mo or kakilala mo, ano ba una mong sinasabi bukod
sa 'hi and hello'? Diba you will ask them 'how are you' like kanina noong nakit
a mo ako, Tinanong mo ako kung kamusta na ako?" dagdag ko pa
"Baka nakalimutan lang." Balewalang sagot nya
"Fine, ako na ang over re-acting na girlfriend dahil nakalimutan syang kamustahi
n ng boyfriend nya. Sobrang busy nya e! Nahiya naman ako sa kanya, at hiyang-hiy
a din ako sayo dahil kung makapag salita ka parang may love life ka." Naiinis ko
ng sagot.
"oyy, foul yun ha! Oo, wala akong love life at hindi ko maintindihan kung anong
big deal sa di nya pagkamusta sayo pero i'm trying to understand the both side o
f the story. Ok? Kaya nga nag-sesearch ako sa utak ko ng mga possible reasons ny
a kung bakit diba? Wag kang magalit sakin, I'm not taking sides' here." Pagtatan
ggol nya sa sarili nya.
Fine! My point sya doon. Tssk
"Sorry. Anyway, that's strike 1. Let's go to strike 2. Ewan ko lang kung may mai
sip ka pang possible reason nya dito at ewan ko na sayo kapag sinabi mo sakin na
nag-oover react ako. Strike 2, tinanggihan nya akong mag-mall. Wala pang tumata
nggi sakin, tapos sya inartehan ako? At ang nakakainis pa doon noong niyaya syan
g mag-kape noong Boobita na yun, pumayag sya." Kwento ko at naghihintay ng react
ion ni Avy.
Nabwibwisit talaga ko kapag naaalala ko yung nangyari kanina eh. Kainis! Argh.
"Sino ba yang Boobita na yan? Nakaka-curious sya ha. Tinanggihan kang mag-mall t
apos pumayag syang magkape with that Boobita girl? Oh my! Hindi kaya may relasyo
n sila? Tapos they are dating behind your back? Sis, my secret affair sila! Gany
an yung mga napapanood ko e, yung wala ng time sa mga partners nila tapos kapag
pinuntahan sila sa work biglang may girl na seksi na ka-trabaho noong guy, tapos
mag-sasagutan na yung dalawang girl., yung mga super maldita lines nila and the
n, maghihiwalay yung mag-partner tapo--- Aray!" hinampas ko nga ng unan!
"Gaga! Sino sa atin ang over acting? Pwede ba Avy, kung may ka-secret affair man
si Kupal, malamang hindi nya yun ipakita sakin SECRET nga diba?" sabi ko naman.
Gagang 'to, itutulad pa ang love story ko sa mga trending na palabas ngayon abou
t sa mga other woman/mistress/kabit/kerida. Anong akala nya sa love story ko, na
kiki-uso lang?
"Oyy sis, walang sekretong hindi nabubunyag" sabi pa nya with matching wasiwas n
g kanyang point finger.
"Hindi mo ba alam yung 3 important rules in cheating?" tanong ko sa kanya
"Meron ba?" nagtatakang tanong nya
"oo naman, meron noon no!" nakangiti kong sabi.
"Share mo yan Sis! Gusto ko yan..." excited na sabi nya
"Rule # 1: Wag kang magpapahuli. Rule # 2: Kapag nahuli ka, wag na wag kang aami
n. Rule # 3: Kapag umamin ka, wag kang mag-tuturo." Nakangiti kong sagot sa kany
a
"NOTED!" sabi ni Avy.
"Very good. Kaya subukan lang ni Kupal magkaroon ng iba bukod sakin, hindi lang
yung babae ang ililibing ko ng buhay, pati sya. So ayon na nga, strike 3. Hindi
nya ako pinag-tanggol doon sa Boobita na yun! What a boyfriend?" naiinis kong kw
ento.
"Jusko naman Sis, eh kayang kaya mo naman yun kahit wala pang tulong ng boyfrien
d mo. Kung ako nga, nagawan mo ng bonggang pangmayaman na revenge, yun pa kayang
newbie na boobita girl na yun? Kahit hindi ko pa sya nakikita, alam kong kayang
kaya mo na yun" kampanteng sagot nya.
"kahit na! Kahit na alam nya na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sana naman k
ahit paano he acted like my knight in shining armor. Duh? Hindi naman porke't ma
ldita ako eh papabayaan na nya ako. Kung ako lang nang ako ang magdidispatsya ng
mga babaeng umaaligid sa kanya habang sya eh nanonood lang...eh punyeta, dapat
hindi na lang ako nag-boyfriend. Daid ko pa ang tindera ng isda sa palengke na n
agbubugaw ng langaw sa patay na isda."
Hindi mauubos ang umaaligid sa kanyang babae kung hinahayaan nya lang.
"My point ka doon ha, in fairness!" sabi nya pa. Kahit kelan talaga, wala akong
matinong sagot na makuha sa kanya.
"hindi lang point, isa pang malaking check!"
"So ok ka na ba? Nalabas mo na ba yung sama ng loob mo?" tanong nya
"hindi pa, may strike 4 pa; Hindi nya in-explain kung bakit hindi nya sinabi sak
in na may kapartner pa la syang boobita sa punyetang project na yun. Fine! Gets
ko na hindi nya magagawa yun mag-isa, ang hindi ko ma-gets, kung bakit hindi nya
sinabi sakin na babaeng malaki ang dibdib ang kapartner nya. Eh tangina, kung b
aga sa pokpok class A yun eh! Kung maka dikit naman sa Kupal kong boyfriend para
ng linta...nakakadiri na, malansa pa! Eww. Pasalamat sya sa make-up nya at guman
da sya at magpasalamat sya sa dibdib nya dahil nag-muka syang sexy."
Err, that boobita girl really get on my nerves! Mag-rereact pa sana si Avy pero
tinaas ko na yung kanang palad ko para pahintuin sya. Lulubos lubusin ko na, tot
al asar na asar na ako. Ito kasing strike 4 at 5 ang pinaka-nakakadismaya sa lah
at.
"Strike 5, he said sorry instead of stay! Fuck! Hindi ba nya alam na maraming ib
ig sabihin ang 'sorry' sa taong disappointed? Anong sorry? Sorry sa lahat ng kag
aguhan na nagawa nya? O sorry dahil nalaman kong gago sya at nakita ko kung paan
o sya landiin ni Boobita Linta at paano nya hayaan? He should have said stay par
a naman kahit papaano confident ako na wala syang ginagawang kakupalan." Nanggig
igil kong sabi
Yes, from now on, i will call her Boobita Linta! Isang babaeng dibdib lang ang m
alaki at kung dumikit ay parang linta!
"sa hinaba haba ng sina bi mo Sis, ngayon ko lang na-gets kung anong ikinagagali
t mo dyan. Natatakot ka lang na baka maagaw ulit sayo yung boyfriend mo. Kaya ga
nyan ka na lang kung makapag-react. Well, I can't blame you...ako naman kasi ang
nagparamdam sayo nang takot na yan and I'm sorry kung pati present love life mo
eh nababahiran pa rin ng past mo." Malungkot na sabi nya
Nagulat naman ako sa mga sinabi nya. Bulls eye eh! I don't know pero i can't hel
p it. Sabi nga nya, you can't blame me, because I've been there and she done tha
t to me.
"Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hanggang ngayon may epekto pa rin yung na
gawa ko noon sayo. Doon at doon pa rin talaga ang bagsak, sa ginawa kong kagagah
an sayo. I guess i should be the one to blame kung bakit nandito ka ngayon at na
gkwekwento tungkol sa boyfriend mo. I'm sorry. I'm really sorry." Napakagat pa s
ya sa labi nya at nakatingin sa mga kamay nya.
Eto na naman kami. Hindi ko alam kung dapat ko pa bas yang sisihin dahil hanggan
g ngayon may takot pa rin ako na baka mangyari ulit yung nangyari noon samin nin
a Ian at Avy. O dapat ko nang sisihin ang sarili ko dahil hindi katulad ni Ian s
i Neo at walang Avy na mang-aagaw. Well sana nga.
"Ano ka ba, iba naman to eh. Tapos na yun. Nangyari na, wag mo na lang ulitin yu
ng pagkakamaling nagawa mo noon. Madami pang pagkakamali dyan, try mo naman yung
iba...doon naman sa taong deserving magdusa." Sabi ko na lang sa kanya and i pu
t my right arm to her shoulder.
"Xie Xie, Sis." Nakangiting sabi nya [xie xie = thank you]
"Osya tama na ang drama, mag-shopping na lang tayo para mawala yung badtrip ko."
Aya ko sa kanya. Magrereklamo pa sana sya kaya lang inunahan ko na sya.
"Oh? Aarte pa?" taas kilay kong tanong sa kanya
"Sabi ko nga, magbibihis lang ako" natatawa nyang sagot.
Siguro nga, dapat ko nang tanggalin yung nararamdaman kong takot at mag-tiwala n
ang todo kay Neo. Magkaibang tao si Ian at Neo, at umaasa ako na hindi sya mag-p
apa-agaw. Subukan lang nya, dahil hinding hindi ako papaya na may umagaw sa kany
a.
MALDITA 4
Dapat pala hindi ko na lang niyaya si Avy na mag-mall. Kainis, imbis na mag-enjo
y kami sa pag-shoshopping, eto, pinapaligiran kami ng mga hampaslupa. Ito naman
si Avy, kunyaring enjoy na enjoy sa mga lumalapit sa kanya. Kahit saan kaming bo
utique pumasok, may hampaslupa na nakasunod at nag-papapicture at nagpapa-autogr
aph sa kanya. Hindi kami makapag-shopping ng maayos kaya ang ending naging insta
nt 'fans day' nya.
Nakacrossed arms ako at taas kilay kong tinitignan yung mga hampaslupang tuwang
tuwa dahil nakita nila si Avy, ito namang loka-lokang 'to, todo ngiti at akala m
o eh sobrang bait. Tsk, kung sabagay, doon sya magaling, ang magpakaplastic.
"Oh my God, Miss Avy, papicture!" nagtatatalon pa sa tuwa yung babaeng may hawak
ng digicam.
"Sure" ngumiti naman si Avy.
Lumapit sakin yung babae at iniabot sakin yung digicam nya. Tinaasan ko naman sy
a ng kilay.
"Miss, papicture naman kami ni Miss Avy oh. Pikiclick mo lang 'to *turo yung but
ton* ihold mo ahh." utos nya pa sakin.
"At sino ka para utusan ako?" taas kilay kong tanong.
"Ako si Demi, hindi Demi Lovato pero Demi Abilon, ang nawawalang anak ni Rizal!
Sige na Miss, papicture na." nagmamaka-awa nyang sabi sakin.
"Eh kung isinusunod kaya kita kay Rizal?" pinanlakihan ko pa sya ng mata.
"Bakit babarilin mo ako?" nagtanong pa.
"Hindi. Kikilitiin kita hanggang mamatay ka, yun ang kinamatay ni Rizal eh. Hind
i mo alam?" pagtataray ko.
"Wala namang namamatay sa kiliti ahh." pagtataka pa nya.
"Ikaw pa lang, kapag di mo ako tinantanan." Imbyerna 'to ahh.
"Sungit" bulong pa nya, aba gagang 'to ahh.
"Ano ka ba naman Avah. Halika Demi, picture na tayo." Sabi naman ni Avy, inirapa
n ko lang silang dalawa.
-
"Ang ganda ganda mo po Miss Avy. Pwede po bang mag-pa-authograph?" papuri naman
noong isang babae sabay abot ng hawak nyang CD ni Avy. Maganda si Avy? Eh mas ma
ganda kaya ako dun.
"Thank you. Anong name mo?" pasweet na tanong ni Avy.
"Keziah Mai Gomez po, pwede po bang ChixieChups na lang yung ilagay nyo?" tuwang
tuwang sabi nung Keziah.
"Hmm, sure. Do you have a pen?" pa-sweet na tanong ni Avy. Nataranta naman yung
Keziah at kinapa ang laman ng bulsa nya, pati na din ang bag nya, pero wala syan
g nakuhang ballpen.
Mahirap! Ang lakas mag-pa-autograph, wala naman palang ballpen. Tsk. Buti pa yun
g isa, ready, may digicam na dala.
Dahan-dahan lumapit yung babae sakin.
"Miss, may ballpen ka?" bigla nitong tanong.
"Meron nasa C.R, sunduin mo." walang gana kong sagot.
"Huh? Tinatanong ko Miss kung may ballpen ka, hindi ko tinatanong kung may boyfr
iend ka." paglilinaw pa nya. Aba, at ginawa pa akong bingi nitong babaeng to. An
g ganda ganda pa naman ng pangalan, tapos gagawin lang akong magandang bingi?
"Naintindihan ko yung sinabi mo. Ikaw yung hindi naka-intindi sakin. Nasa C.R yu
ng BALLPEN ko, nag-tatae. Sunduin mo kung gusto mo." Kaasar, walang sense of hum
or!
"Corny." Sabi pa nya. Aba? Kasalanan ko bang wala syang sense of humor?
"Ahmm Keziah, nakahiram na ako ng ballpen." At winave ni Avy yung ballpen na haw
ak nya.
-
"Miss Avy, ang galing-galing nyo pong kumanta!" nag-twitwinkle yung mga mata na
sabi noong babaeng may suot na statement shirt na 'sheStherealpink'
"Talaga? Uyy hindi naman. Anong name mo? I-aadd kita sa Facebook!" at hinampas p
a ni Avy yung braso nung babae. Kainis, nakakaimbyerang panoorin yung kaplastika
n nya.
"Totoo po yun! Alphee Toledo po." sabi pa noong babae. Napatingin naman sakin yu
ng babae at itinuro ako.
"Ikaw po si Ms. Avah diba? Hala, yung maldita?" tanong noong Alphee. Buti naman
may nakakilala na sakin. Tsk.
"Oo ako yun. Problema mo?" pagtataray ko sa kanya.
"Friend ko po kayo sa facebook!" Tuwang-tuwang sabi ni Alphee.
"Ganon ba? Hayaan mo, i-a-unfriend na kita." Bored kong sagot. Sumimangot naman
sya, at naglakad ng sawi.
"Idol! Payakap naman! Francis Abiera nga pala, ang kilabot ng Tondo!" sabi noong
isang lalaki at nag-pogi sign pa. Lumapit pa sya sa kinaroroonan namin ni Avy.
Agad naman kaming napa-atras!
"Oh? Kinilabutan kayo no?" sabi pa nung Francis at hindi inaalis ng pogi sign ny
a.
"Sa porma at galaw mo, bato lang ang hindi kikilabutan! Tapos na ang Halloween,
hindi na uso ang mukha mo! Apat na letra, LAYAS!" agad naman syang umalis na nak
apogi sign pa din. Scary ha!
-
"Kyaaaaaaah, si Miss Avy at si Miss Avah. I'm gonna die! I'm gonna die! Can I di
e? As in now na?" nagha-hyperventilate na sabi noong isang babae.
"Err, gusto mo dalhin ka namin sa hospital? Anong name mo?" kunyaring concern na
tanong ni Avy.
"Kyaaaaaaaaaaaah" sigaw ulit. Kyaaaaaaaaaaah ang name nya? Ang pangit!
"Kyaaaaaaaaaaah is your name?" nawiweirduhang tanong ni Avy.
"No, no, no. Michelle Ismael! Can I die? As in, one minute lang?" sabi pa noong
Michelle at kunyaring nahimatay.
Meron bang namamatay ng isang minuto lang at nabubuhay ulit? Weird girl!
"Can I kill you now? As in, Forever?" offer ko sa kanya. Agad naman syang umayos
at naging normal ulit na babae.
"I'm alive! May himala! Thank you" kinuha pa nya ang kamay namin at nakipagshake
hands. Saka nag-exit.
Nakakabinging mga tilian. Ang sakit nila sa eardrums! Bakit ganyan sila? Akala m
o naman hindi normal na tao yung kapatid ko. Hello? Ang kaibahan lang naman nila
sa kanya naging sikat si Avy pero normal na tao pa rin sya.
"Matagal ka pa ba dyan?" naiinip kong tanong sa kanya. Duh? Nakakapagod kayang t
umayo at panoorin lang sya sa pakikipagplastikan nya sa mga fans nya.
"Sandali na lang 'to." nakangiti nyang sabi sakin at ngumiti ulit habang nagpapa
picture.
"Wag mo nga akong ngitian, alam nating dalawa na peke yang ngiti mo. Kapatid mo
ako, hindi mo kailangan magpanggap sakin na mabait ka." I said and rolled my eye
s.
"Wag ka ngang maingay, baka may makarinig pa sayo." naiinis na bulong nya sakin.
Kahit hindi naman nya sabihin sakin, kanina pa din sya naiinis dahil sa mga hamp
aslupa na umaaligid sa kanya. Papirma dito, picture doon. Jusko, si Avy pa, maar
te din yan. Ayaw nyang natatabihan ng kung sino-sino. At I'm sure na bad vibes n
a sya dahil naistorbo ang pag-sho-shoping namin.
"Eh ano naman kung marinig nila? Boses mo ang nagustuhan nila sayo, hindi yung u
gali mo. Eh ano kung malaman nila na may tinatago ka ding ka-malditahan sa kataw
an mo, maapektuhan ba ang boses mo?" mataray kong sagot sa kanya.
"Pwede ba, hayaan mo na lang ako. Ngumiti ka na lang din dyan para naman matuwa
din sayo yung mga fans ko. Pati mga fans ko, tinatarayan mo eh." utos pa nya sak
in at saka hinarap ulit ang mga fans nya.
Ako? Makikipagplastikan sa mga fans nya para matuwa sila sakin? Bakit ko naman g
agawin yun?
"Bakit ko naman sila bibigyan ng isang pilit at pekeng ngiti kung pede ko naman
silang simangutan ng bukal sa loob ko? Kung ako sayo, tigilan mo na yang ka-plas
tikan mo. Mas pangit makabasa ng write-ups tungkol sa pagiging plastic mo kesa s
a pagpapakita ng totoong ugali mo. Baka yan pa ang ikabagsak mo." Seryosong sabi
ko sa kanya.
Napatingin naman sya sakin.
"Ano namang gusto mong gawin ko? Deadmahin silang lahat? Sila ang dahilan ng pag
sikat ko no. Kapag hindi ko sila pinansin, baka hindi na nila ako suportahan. Ka
pag pinakitaan ko sila ng hindi maganda, mawawala sila sakin. Gustuhin ko man bi
gyan silang lahat ng oras hindi ko magawa dahil iisa lang ang katawan ko. Sasabi
hin na nila akong snob at masungit. Kapag naman pinansin ko sila ng todo sasabih
in nila na good to be true ako. Kailangan ko pang ipaintindi sa kanila na may ib
a pa akong buhay bukod sa pagkanta." naiinis na sabi nya
"Hindi ko sinasabing deadmahin mo sila, ang sinasabi ko lang, magpakatotoo ka. T
ulad nyan, kesa sinasabi mo sakin yung mga sentiments mo tungkol sa fans mo, bak
it hindi mo sabihin mismo sa kanila? Kung hindi mo kayang ipakita ang totoo mong
ugali sa kanila, ako ang gagawa noon para sayo. Mamili ka." pag-ooffer ko pa sa
kanya.
Nangingkit naman ang mata nya sa inis sakin.
"Ibang klase ka talaga, kahit alam mong ikasisira at mawawalan ng fans ang kapat
id mo, gagawin mo pa din? Ipipilit at ipipilit mo pa din yung gusto mo. Pabayaan
mo na lang ako ok? Hindi ka nakakatulong sakin eh." napataas ang boses nya sa s
obrang inis sakin. Napangiti naman ako. Natigilan kasi yung mga fans nya sa pagl
apit dahil nag-iba ang mood nya.
"See? Kusang lumalabas ang kulay mo." Mapang-asar kong sagot sa kanya.
Agad naman syang napatingin sa mga fans nya at ngumiti ng alanganin. Sinamaan ny
a ako ng tingin. Nginitian ko lang sya. Tama yan Avy, magalit ka. Tignan natin k
ung sino sa mga fans mo ang mananatili sa tabi mo at kung sino sa mga hampaslupa
na yan ang nakikipag-plastikan lang din sayo.
Nag-umpisa na din ang mga bulungan ng mga bubuyog nyang fans.
"Ang taray pala nya."
"Bakit nya pinagtaasan ng boses yung kapatid nya?"
"Baka naman pagod lang."
"Go ahead Avy, ilabas mo lang yung totoo mong ugali, wag kang matakot. Kasama mo
ako. Kung mawalan ka man ng ilang fans, sigurado naman na mas maraming hahanga
sayo dahil hindi ka natatakot magpakatotoo. Alisin mo kasi sa utak mo na dapat m
aging perpekto ka muna bago ka magustuhan ng ibang tao. Stop trying to be perfec
t and start being YOU. That's the best advice I can give to you my dearest Siste
r. And FYI, hindi ko 'to ginagawa para siraan ka, ginagawa ko 'to para tulungan
ka." Nakangiti ko pa ring sabi sa kanya at saka ako nag-lakad papalayo. Iniwan k
o sya doon sa mga fans nya. Bahala sya.
Ayokong habangbuhay na lang syang nagpapakaperpekto para lang magustuhan sya ng
ibang tao. Hindi ako papayag na may i-pini-please syang tao, hindi nya kailangan
gawin yun, isa syang Chen. At ang mga Chen, hindi nabuhay para lang pakiusapan
kayong gustuhin kami. Ako at si Avy ay nabuhay para patayin kayong lahat sa ingg
it dahil YOU WILL NEVER BE LIKE US IF YOU ARE TRYING TO BE US.
Gets? O kailangan ko pang linawin para sa inyo?
WAG MONG PILITING MAGMALDITA KUNG DI MO NAMAN PALA KAYA AT WAG MONG PILITING MAG
PAKABAIT DAHIL MUKHA KANG TANGA. BE YOURSELF!
"FINE!" biglang sigaw ni Avy. Napahinto naman ako sa paglalakad, napangiti ako n
g todo at nilingon ko sya. Nakita kong nakataas ang kilay nya at naka-crossed ar
ms sya doon sa harap ng fans nya.
You're doing good Avy. Naglakad na ulit ako palapit sa kanya.
"Please lang, nakaka-istorbo kayo sa pag-sho-shopping namin ng kapatid ko. May m
ga schedule ako ng fans day at mall tour ko, at sa pagkaka-alam ko, free day ko
ngayon. Kaya kung pwede lang, pabayaan nyo akong makapag-shopping ng maayos." Ma
taray na sabi nya.
May mga fans na napa-ismid at tinaasan din sya ng kilay. Halata sa mga mukha nil
a na hindi nila nagustuhan yung ipinakitang attitude ni Avy sa kanila.
"Ang yabang mo naman, hindi ka pa naman masyadong sikat pero kung umasta ka, aka
la mo kung sino ka ng mataas. Hindi ka naman kagalingang kumanta." sabi noong is
a na may suot na kwintas na may nakalagay na Diane Mary at sa T-shirt nya nakasu
lat ang MomoSlapMe.
Aba, bruhang 'to ha. Samantalang kanina, kung maka-puri sa kapatid ko kulang nal
ang sambahin. Sasagutin ko na sana kaya lang inunahan ako ni Avy.
"Eh yun naman pala, hindi ako ganon kasikat, eh bakit ka nakikigulo dito? Chismo
sa lang?" pagtataray ni Avy.
"Tigilan mo ang kapatid ko kung ayaw mong palitan ko yang nasa t-shirt mo ng Ava
h-slapped-you-left-and-right. Uamyos kang Diane Mary ka." naiinis kong sabi sa k
anya.
"Paano mo nalaman yung pangalan ko? Stalker ka no?" pinagbantaan pa ako. Nilapit
an ko sya, hinila ko yung kwintas nya, na ikinagulat nya. Pinakita ko sa kanya y
ung pendant nya na at binasa sa kanya.
"Diane Mary. Wag ka kasing nag-susuot ng kwintas na may pangalan mo. Baka akalai
n nila, nawawala ka dahil may name tag ka pa!" At inilagay ko sa palad nya yung
kwintas nya.
Kaasar. Mag-susuot ng kwintas na may pangalan tapos magugulat kung bakit mo nala
man yung pangalan nila. Tanga lang? Ang laki-laki na, nag-ne-name tag pa! Yun at
a ang uso eh, kapag bata ka pa ang suot mong name tag ay yung gawa sa cardboard,
kapag nagdalaga/binata ka na, gawa na sa bakal at kapag namatay ka na, gawa nam
an sa bato! Kaloka.
"Plastik ka, kanina nakangiti ka samin. Akala pa naman namin mabait ka, hindi pa
la. Ang sama ng ugali mo. Hindi ka sisikat dahil sa ugali mo. Ako si Ruby De Mes
a ang bidanakontrabida" sabi pa noong isa.
"May nagtanong kung sino ka?" pagtataray ko naman.
"Sinasabi ko lang, baka gusto mong malaman eh" pagtataray din nya.
"Hindi ko kailangan ng katulong, kuntento na ako kay Daldalita!" sagot ko.
"hindi ako nag-aapply." Aba at sumasagot pa.
"Sinasabi ko lang, para kung sakaling mag-apply ka, alam mo na!" sagot ko din.
"Plastic ka din, kanina kung makatawag ka saking IDOL wagas, tapos ngayon na hin
di na ako ngumingiti sa inyo, masama na agad ang ugali ko? Hindi naman porke nag
ing isang singer ako ay babaguhin ko na yung ugali ko para magustuhan nyo. Ito a
ng totoong Avy Chen, kung ayaw nyo sa ugali ko, hindi ko na problema yun. Dun ka
yo sa mga singer o artista na ngingitian kayo kahit ayaw nila. Sawa na akong mag
ing perpekto para lang magustuhan nyo." matapang na sabi ni Avy.
-
"Wala kang karapatang maging isang sikat na singer dahil pangit ang ugali mo." h
abol pa noong isa.
"At sino ka naman?" tanong ko.
"Bakit ko naman sasabihin sayo na ako si Anne Famine Posadas a.k.a CHINII? Aber?
" tanong din nya.
"Gaga, kakasabi mo lang! At wala kang karapatang sabihin sa kapatid ko yan. Bose
s nya ang dahilan kung bakit sya naging sikat, at kung bakit ka nandito bilang i
sang TANGA-hanga nya. Kulang pa ang napapanood nyo sa TV, naririnig nyo sa Radyo
, at nababasa nyo sa dyaryo para malaman kung anong ugali ang meron sya. Kung ma
kapang-husga kayo sa kanya akala nyo naman childhood friends kayo. Nasungitan la
ng kayo ng konti, ang dami nyo ng sinabi. Bakit di kayo magtayo ng JUDGEMENTAL c
lub? Tutal para kayong mga judge na nakawala sa mental." Tinignan ko pa isa-isa
yung mga mapanghusgang fans ni Avy.
Ngumiti naman sakin si Avy, lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Let's go Avah. Wag mo ng aksayahin pa ang energy mo sa mga taong mas plastic pa
sakin." sabi ni Avy.
"Bye my fake fans!" sabi nya at nag-wave pa with matching flying kiss saka ako h
inila papalayo sa mga fans nyang nakatanga.
"Aminado kang plastic ka ha." nakangiti kong sagot sa kanya. Sabaya kaming nag-l
akad ng taas noo. Dahil kaming mga magaganda, hindi yumuyuko.
"Oo naman. Maganda ako eh" nakangiti pa nyang sabi.
"Buti hindi ka tinatangay ng dala mong hangin? Plastik ka pa naman." seryoso kon
g sabi sa kanya
"Alam mo Sis, kumpara sa inyong dalawa ni Neo, napaka-HUMBLE ko." proud nya pang
sabi.
Kainis, binanggit pa nya yung pangalan ng Kupal na yun. Ok na eh, nakakalimutan
ko na nga yung badtrip ko dun sa lalaking yun, tapos ipapaalala na naman nya. Ar
gh.
"Pwede ba Avy, don't say bad word." Naiinis kong sabi sa kanya.
"Ohh, bad word na pala ang pangalan ni NEO! Selos lang yan Avah" at inulit pa ta
laga nya. Kinanta pa nya yung huling sentence!
"Bahala ka nga dyan! Bwisit." Sabi ko at nauna na akong pumunta sa isang restaur
ant.
---
Bago lang yung restaurant, paano ko nalaman? Matalino ako e. Tanga lang naman an
g hindi makaka-alam na bagong bukas itong restaurant na 'to dahil may napakalaki
ng banner sa labas na nagsasabing 'Grand Open' oh diba?
"Hey Sis, ito naman bigla na lang nang-iiwan." Sabi ni Avy, naabutan nya ako sa
may pintuan ng Restaurant.
"Plastic ka na nga ang bagal mo pa." sagot ko sa kanya.
"Dito tayo kakain?" tanong nya at hindi pinansin ang pang-aasar ko.
"Syempre sa plato para hindi baboy tignan, sa loob para di sila mainggit at uupo
tayo para hindi tayo mangalay. Nasagot ko ba nang malinaw ang tanong mo?" seryo
song tanong ko sa kanya.
"Whatever! Ang tino mo talagang kausap." maarteng sabi nya at saka naunang pumas
ok sa loob ng restaurant. Walang hiyang 'to, inunahan pa ako. I hate being a fol
lower pa naman. Dapat ako ang sinusundan. Tsk.
May mali ba sa sinagot ko? Wala naman diba? Tsk.
Susundan ko na sana ang magaling at sikat sikatan kong kapatid papasok ng Restau
rant kaya lang, nahinto ako sa paglalakad noong biglang may isang babae na naka
school uniform ang nag-iskandalo sa harapan ng Restaurant, kausap ang kawawang l
ady guard.
"No! So now you're making me look like a layer?! So AMALAYER! So you're telling
me amalayer? Amalayer? Amalayer? Answer me, amalayer? Sorry po! Sorry! That's ho
w you say sorry? If I say sorry, sorry ate! Sorry! Tanggap mo yun?! You really s
hut it ate! Ate, may pinag-aralan akong tao! Ginanon mo ako! I'm just returning
the favor! No, no, no! Alam mo pano mo ko tinanong? Pano mo ako tinanong? Ate an
ong problema mo? Hear that? Omg Kuya! She's a layer! Omg, you're a freaking laye
r, miss! Anong sabi mo? Anong problema ko?!" nanggagalaiting sabi noong babae. N
apunta ang attention ng lahat sa kanya.
Tssk. Sige, ipahiya mo pa ang sarili mo! Gusto mo yan eh. Natatawa na lang ako s
a nakikita ko. Sino ba naman kasing makakaisip mag-iskandalo sa isang pampubliko
ng lugar kung saan malaki ang chance na makuhanan ka ng video at ipahiya ka sa m
adla ng BIGTIME?
Madami talagang estudyante ang nag-aaral pero walang modo. Kung sabagay, hindi n
aman kasi itinuturo ang RESPETO; kusang natututunan yun. Buth then again, who am
I to judge? Hindi ko alam ang puno't dulo ng istorya nila.
So ayun na nga, pumasok na ako sa loob ng Restaurant dahil nakakahiya naman sa g
anda ko kung tatanga at papanoorin ko lang sa labas yung AMALAYER na yun. Naabut
an ko si Avy na naka-upo na sa may table sa gitna mismo ng Restaurant. Kaya nama
n pinuntahan ko agad sya.
"You love attention talaga, sa gitna pa." sabi ko at naiinis na umupo. Kung ako
kasi ang papapiliin, gusto ko sa medyo bandang dulo umupo. Ayoko sa gitna, bukod
sa madadaan-daanan kami dito, ang dami pang nakatingin sa aming kumain. Ayoko p
a na namang tinitignan ako habang kumakain.
"You know me too well. Anong meron sa labas, may shooting ba?" tanong pa nya. Na
pansin kasi nya yung kumukuha ng video.
"Ahh. There's a conyo school girl complaining about something to the poor lady g
uard. Ewan, hindi ko naman alam pinagtatalunan nila eh, i didn't witnessed the w
hole scene. Anyway, she's so entertaining! You should have seen her." Sabi ko na
man sa kanya.
"Ohh. I'll be watching her on Youtube na lang, I'm sure they'll gonna upload it
soon naman. Ang mga tao pa, we love that kind of stuff and I bet one week lang s
ya trending just like the cyber crime law. Oh well, umorder ka na, my treat!" Sa
bi pa nya
Yeah right, one week of fame! How cool is that? But then again, I pity her. i-ju
-judge sya base sa mapapanood sa internet, at hindi base sa totoo nyang pagkatao
.
"Wow, lumelevel up ka na talaga at nanlilibre ka na. Tama yan, para naman makaba
yad ka sa pag-ampon ko sayo noong poorita ka pa." sabi ko sa kanya. Lumapit nama
n yung babaeng waitress samin at binigyan kami ng tig-isang menu ni Avy.
Aba dapat sulitin ang libre. Kung mayroon man tayong pagkakapareho, yun ay ang i
sang maldita at mayamang katulad ko ay hindi din tumatanggi sa libre. Pero dapat
sa sosyalin din, tulad nitong Restaurant na 'to.
"May I take your order Ma'am?" nakangiting tanong nya.
Napataas naman ang kilay ko. Sinilip ko pa ang name plate nya na nakalagay sa ka
liwang dibdib nya. Quennie Rose Cabug.
"Kakabigay mo lang ng menu. Anong palagay mo samin, may photographic memory? Isa
ng tingin lang kabiso agad lahat ng nakasulat dito? May time limit pala ang pag-
order dito." Hindi makapaniwalang sagot ko.
"Ay sorry po Ma'am. Madami lang po kasing tao eh." pagdadahilan nya.
"So kasalanan ko pa ngayon kung madaming tao? Alam mo yung 'take you time?'" tan
ong ko sa kanya.
"Oo naman po Ma'am, alam ko po yun." proud at nakangiti pa nyang sabi.
"Pwedeng sabihin mo sakin ngayon yun, at umalis ka sa harapan ko?" pakiusap ko s
a kanya
"Si Ma'am naman mapagbiro." Sabay hampas sa braso ko.
"Kung makahampas ka sakin akala mo close tayo ahh. Miss, please lang umalis ka n
a sa harapan ko bago kita hampasin ng sapatos ko at baka maging close pa kayo ng
floor." Naiinis kong sabi. Umalis din naman agad sya.
Habang busy kami sa pagkain ni Avy, bigla namang umepal yung cellphone ko na kan
ina pa ring ng ring. Hinding-hindi ko sasagutin ang tawag ng kupal na lalaking s
umira ng araw ko. Bahala syang ma-lowbat.
"Sagutin mo na nga yan. Kanina pa tayo pinag-titinginan dito dahil sa eskandalos
a mong cellphone." Naiinis na utos ni Avy sakin.
"Hayaan mo sya. Diba you love attention? O ayan, mag-sawa ka." sagot ko at nagpa
tuloy lang sa pagkain.
"Bakit ba kasi ang arte mo? Malay mo mag-sosorry yung tao." Sabi pa nya
"Malay mo lang yun. Pwede ba, hayaan mo na lang syang mag-ring nang mag-ring? Yu
ng cellphone ko nga hindi nagrereklamo tapos ikaw reklamo nang reklamo, hindi na
man ikaw yung nag-ri-ring." Naasar na sabi ko pa sa kanya
"Hayy, suko talaga ako sa katigasan ng ulo mo" na-fru-frustrate na sabi nya.
"Ano ako sanggol, malambot ang ulo?" pang-aasar ko sa kanya
"ha-ha-ha-ha-ha-ha. Naka-anim na tawa ko, sapat na ba yun para sa joke mo?" pang
-aasar nya din sa akin.
Kaya naman binato ko sya ng gamit na tissue paper. Sapul sya sa mukha. Buti nga.
"Sh*t!" Sigaw ko. Gumanti kasi ang bruha at binato ako ng French fries, na tumam
a sa damit ko. Mind you, may kasamang ketchup! Argh.
"Gusto mo ng food fight ha! Take this." Kinuha ko yung sundae nya itinaktak ko s
a ulo nya.
Ahhhh! You will pay for this!" kinuha naman nya yung burger nya at binato nya sa
mukha ko. At gumanti din ako, kahit ano na lang ang madampot ko binabato ko sa
kanya. Nagtawanan lang kami kada hindi namin matatamaan ang isat isa.
We are enjoying this one, kahit na ang dumi naming tignan.
Hindi namin namalayan na ang halos lahat ng nasa restaurant ay nag-babatuhan na
din ng pagkain. Minsan talaga, you don't care if you will look silly in front of
everyone, what matter most is that you are having fun!
"STOPPPPPP!" nagulat kaming lahat sa biglang sumigaw. Napalingon ako sa babaeng
papalapit sa pwesto namin. Seryoso ang mukha nya, at lalong naningkit ang mata n
ya dahil sa galit. Problema nya?
"Kayo ba ang nag-umpisa ng gulo sa Restaurant KO?" pagtataray nya sa amin. Naka-
business attire sya.
"So?" mataray ko ding sabi. Aba kung mataray sya mas mataray ako sa kanya.
"So, kayo nga. Hindi ba kayo nag-aral ng table manners? God, mukha pa naman kayo
ng mga edukada, look what have you done to my restaurant. Don't you know that to
day is the grand opening of my restaurant and you ruined it?" Nagpipigil sa gali
t na sabi nya.
"We will pay for everything, don't worry." Mapagmataas naman na sabi ni Avy.
"Excuse me? Money is not the issue here." nagtataray na sabi naman noong babaeng
may-ari daw noong Restaurant.
"Eh ano palang gusto mo? Saka Miss, nag-aral kami ng table manners, nakalimutan
lang naming gamitin, ngayon mo lang kasi pina-alala. Saka alam din namin na ngay
on ang grand opening, nahiya naman ako sa banner sa labas at nag-susumigaw pa na
GRAND OPENING nyo." sagot ko sa kanya, habang nag-pupunas ng tissue sa mukha at
katawan. Ang lagkit ko ha, in fairness.
"I want you to get out of my restaurant and don't ever come back." Utos nya.Napa
taas naman ang kilay ko.
"Sorry Miss. Hindi namin intensyon na manggulo sa restaurant mo." sabi ko.
"Yeah, and as I have said, we will pay for the damaged." Pahabol pa ni Avy.
Aminado naman ako na ang baboy noong ginawa namin ni Avy. Tutal, hindi ko naman
ikakahirap ang paghingi ng sorry sa kasalanang nagawa ko.
"Hindi ko kailangan ng sorry nyong dalawa. Nangyari na, wala nang magagawa ang s
orry nyo." sabi pa nya. At mas tumaas pa ang kilay ko. Ayos to ahh. Nag-sorry na
nga, umaarte pa.
"You know what Miss, mas matangkad pa sayo yung pride mo. Wala kaming magagawa k
ung ayaw mong tanggapin ang sorry namin, basta kami aminado kaming mali kami. Pr
oblema mo na kung habangbuhay mong itatanim yung sama ng loob mo dyan sa katawan
mo. Wag mo lang kaming sisisihin kapag tumaba ka sa sama ng loob. Lastly, hindi
mo ikakayaman yang pagtaas ng pride mo. Let's go Avy." sagot ko sa kanya at nag
-umpisa nang maglakad papalabas sa Restaurant nya. Sumunod naman si Avy sakin.
Wala na akong pakialam kung ang dumi kong tignan. Ngayon lang 'to, kapag naligo
ako, maganda na ulit ako.
"Wait!" napahinto kaming dalawa ni Avy. Nilingon namin yung nagsalita at tumatak
bo papalapit samin yung babaeng may mataas na pride.
"Gusto ko lang sabihin na...*hingang malalim sabay iwas ng tingin* tinatanggap k
o na yung sorry nyo." nagmamataas pa rin nyang sabi.
"Natakot kang bumigat yung dala dala mong sama ng loob?" mataray na sabi ko sa k
anya
"Hindi. Sayang yung ibabayad nyo for the damages e." she said and smiked at us.
"Basta talaga pera...how much?" biglang sabi naman ni Avy.
"I will swallow my pride for money. Business is business, dears. Pag-usapan nati
n yan sa office ko. By the way... I'm Jamaica Fradejas." Inilahad pa nya ang kam
ay nya for shake hands.
Napangiti na lang ako... swallowing your pride for money? Ibang klase sya.
"I'm Avy Chen." pagpapakilala ni Avy sa sarili nya at nakipag-shake hands. Napat
ingin naman sakin si Jamaica at inilahad ulit ang kamay nya.
"Avah Chen." nakangiti akong nakipagshake hands sa kanya.
I hate her pride and I like her at the same time. Pwede pala yun? Gaano kaya ka-
cool ang maging kaibigan ang isang katulad nya? Staightforward, businessminded y
un nga lang, sobrang taas ng pride. Well tulad nga ng palagi kong sinasabi, wala
ng perpektong tao, and who am I to judge her, eh ngayon ko pa lang sya nakilala?
MALDITA 5
Gabi na at umuwi ako sa mansion KO nang malagkit! Dahil hindi naman nabawasan an
g kagandahan ko kaya taas noo pa rin akong naglakad papapunta sa mansion KO. Hum
ble pa kasi ako sa Book 1 kaya, 'bahay KO' lang ang nakalagay doon.
Anyway, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at pinatulan ko yung pagka
-childish ni Avy. Argh! Food fight, swear hindi ko na ulit gagawin yun. Pero in
fairness nag-enjoy ako.
And speaking of Avy, nagkaroon ng biglaang lakad! Kung saan sya nag-punta, hindi
ko alam. Basta ang alam ko lang, tinakasan nya ako at ako ang pinagbayad doon s
a Restaurant.
Pinagtitinginan ako ng mga hampaslupang mutchacha habang papasok ako sa loob ng
mansion KO.
"Good evening po Miss Avah" bati nila at gulat na nakatingin sakin.
"Anong tinitingin tingin nyo dyan? Ngayon lang kayo nakakita ng mayaman at magan
dang maldita na naglalakad?" pagtataray ko sa kanila.
"Hindi naman po. Ang dumi po kasi ng damit nyo." Sagot ni Daldalita na isa na ng
ayong dakilang mutchacha. Hindi na sya belong sa mga hampaslupang mutchacha sa m
ansion KO dahil sya na ang bagong mayordoma!
I rolled my eyes dahil sa inis.
"Bakit? Wala na ba akong karapatang maging madumi? Masama na bang itry ang pagig
ing hampaslupa? God! Ganito pala ang feeling ng isang hampaslupa! Nakakaloka! Ha
nga na ako sa inyong lahat, nakaya nyong maging ganyan forever!"
*insert malditang tawa here* Sabay walk-out!
Paakyat na sana ako sa maganda kong kwarto para maligo pero napatigil ako noong
makita ko ang isang prinsesa naka-upo sa tasa? Kasoy? Chos lang.
Oh? Bawal mag-joke?
Nakita ko ang isang Kupal na lalaki na naka-upo at naka-pose pa na akala mo ay m
ay pictorial sa may pangatlong step ng hagdanan. Oo, binilang ko!
"Anong ganap mo dyan?" mataray kong tanong. Nag-crossed arms pa ako at tinaas ko
ang kilay ko. Kahit ano naman ata ang sabihin ko, eh nakataas na yung kaliwang
kilay ko forever!
Napatingin naman sya sa akin. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa maganda! Ku
munot ang noo nya.
"Anong nangyari sayo?" sabi ni Kupal with matching turo pa sakin with his point
finger. (so conyo!) at saka tumayo papalapit sa akin.
"Kelan pa naging sagot sa tanong ang isa pang tanong?" pagtataray ko ulit.
"Ngayon lang." balewalang sagot nya.
"tss." Ismid ko at saka ko sya nilagpasan para umakyat na sa maganda kong kwarto
. Kating-kati na ako at gusto ko ng maligo! Pakiramdam ko any moment eh, lalangg
amin na ako sa sobrang lagkit.
Napatigil ako noong hawakan ni Kupal ang braso ko. Kaya inis akong lumingon sa k
anya.
"Ano ba?" saka ko tinanggal ang kamay nya sa braso ko. Ang lagkit lagkit ko na n
ga, hawak pa din ng hawak.

You might also like