You are on page 1of 4

Commencement Speech For Sto Nino De Antipolo School

School Year 2014 -2015


March 22, 2015
Location: Assumption Antipolo, Sumulong Highway, Antipolo City
Contact Person: Ms Carol Platon
Theme: Saktong Buhay: De kaledad na Edukasyon, Pinanday
Principal:____________________________________

Sa ating iginagalang at mabunying punong-guro, mga butihing guro ng Sto


Nino de Antipolo School, mga panauhin, mga magulang, sa mga batang
magsisipagtapos ngayong araw na ito, isang maganda at kaaya -ayang hapon
po sa inyong lahat.
Ako po ay nagpapasalamat sa inyong lahat at isang malaking karangalan
para sa akin na maanyayahan ninyo para sa mahalagang pagtitipon na
gaganapin sa hapong ito.
Siguro ay pinagtiyap ng pagkakataon, na akoy isinilang sa Pandacan,
Maynila na ang patron ay ang Sto Nino, dating naging Ministrong Layko ng
Sto Nino De Molino Bacoor Cavite, at nakabisita sa unang pagkakataon sa
Sto Nino De Cebu, noong nakaraang taon at ngayon ay nasa harap ng lahat
na may kaugnayan sa pagtitipong ito ng Sto Nino de Antipolo School para
magbigay ng isang mahalaga, makahulugan at makabuluhang mga pahayag.

Mahigit na isang daang taon na ang nakakaraan ng ang ating pambansang


bayani na si Gat Jose P. Rizal ay nagwika na Ang kabataan ang pagasa ng
ating bayan! Marahil marami sa atin ang nagtatanong sa ating mga sarili
kung ano at bakit ito ang naging mensahe niya sa kanyang panahon para sa
mga kabataan.
Kung ating natatandaan pa, sa kanyang panahon , ang bayang Pilipinas ay
nasa ilalim ng pamamahala ng mga dayuhang Kastila at ang bayan ay puno
ng ligalig at hilahil , pagka-api, pagmamalabis at ang buhay ng mga
mamayang Pilipino ay lantad sa paghihirap. Kaya nga bat isinulat ni Gat
Jose Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo para gisingin, pukawin
1

at pag-alabin ang natutulog na puso at kaisipan ng mga Pilipino ng sa


ganoon ay matutong lumaban sa kanyang karapatan at kung kinakailangan
ay magbuwis ng buhay patungo sa tunay na kalayaan.
Ngayon sa panahon natin, ay marami at parati pa rin nating naririnig sa mga
radyo, nababasa sa mga magasin at pahayagan, at nakikita sa telebisyon at
internet ang winika ni Rizal, Ang kabataan ang pagasa ng ating bayan!
Bakit kaya? Bakit nga ba?
Ang sagot po ay isang tuwirang pagbanggit na magmula noon hanggang
ngayon ay kaunti lamang ang nabago sa kaugalian at pamumuhay ng marami
sa ating mga kababayang Pilipino. Marami pa rin sa ating mga kababayan
ang walang pagkakaisa, hirap sa buhay, nagdarahop, salat at di pa rin
nakakatamasa ng ginhawa at kinakailangan na maghanapbuhay sa ibayongdagat para lamang makakamit at makakuha ng kaunting dagdag na kita
upang madugtungan at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan
ng mga mahal nila sa buhay.
Ano ngayon ang kailangan para magkaroon ng pagbabago sa ganitong
kapalaran at patuloy na mag-bago ang katayuan sa buhay ng mga marami sa
ating mga mamamayan? Sa ating panahon, aking tahasang ibinabahagi na
ang tunay nating kailangan ay isang walang bahid - dungis, mataas at
tutoong uri na kaledad na edukasyon.
Ano ang mataas na uri na kaledad na edukasyon?
Ito ang edukasyon na may tatlong paniniwala. Paniniwala sa kaledad ng
mag-aaral, paniniwala sa kaledad na guro at paniniwala sa kaledad na mataas
na antas ng inprainstraktura ng isang paaralan.
Mahirap mang gawin, ang mga magulang ay hinahamon na maniwala at
unawain ang kasabihan na ang isang maganda at mabuting ugali o kalooban
ng isang tao ay hihuhubog sa loob ng tahanan. Ang kaledad na mag-aaral ay
nagsisimula at naguugat sa magandang paghubog ng ugali ng mag-aaral.
Magiging dala niya ang ugali na ito sa paaralan, sa kanyang hanap-buhay, sa
pagtatayo ng pamilya at maging hanggang sa kanyang pagtanda sa mga
susunod na panahon.
Ang isang lumalaking bata ay binubusog sa mabuting pangaral at
pagmamahal,tinuturuang sumampalataya sa Poong Lumikha na nagiging
batayan para sa isang malakas at matatag na pundasyon sa pagbuo ng tiwala
2

sa kanyang sarili at kakayahan.


Ang kaniyang ugali at kultura ay pinapanday na maging makadiyos,
makatao at makakalikasan. Hindi siya imunumulat at pinalalaki ng walang
puknat sa mga bagay- bagay na madaling nawawala, nasisira, at nabubulok
na kung minsan nga ay nagiging sanhi pa ng pagkakaroon ng isang ugaling
maramot at kawalan ng galang sa kapwa.
Alam nating lahat na sa panahon natin ngayon, ang agos ng buhay ay di
madali, kailangan kang maghanap-buhay ng todong ibayo upang makaraos
at masagot lamang ang lahat ng pangangailangan. Subalit di rin natin
maitatanggi na ang ating anak ay mahalaga at mahal natin. Talos natin na
ang paglaki niya sa daang- matuwid ay isang karangalang maipagmamalaki
ng kahit na sinong magulang dahil siya ay lumaking matino at wasto sa
kabuuan at magiging mabuting bahagi pa ng isang maunlad na lipunan.
Ang kaledad na guro ay di lamang marunong magpahalaga, maglinang ng
kaisipan at magmahal sa kaniyang mga mag-aaral. Bagkos at manapay
marunong din siyang magbigay halaga sa kaniyang sarili at angking talento.
Isa siyang katangi- tangi, inspirasyon at modelo ng mga mag-aaral. Madali
siyang lapitan at handang hingan ng tulong anumang oras ng
pangangailangan.
Dala niya at balot siya ng mga bagong ideya ng mga makabagong
pamamaraan ng pagtuturo upang sa ganoon ay patuloy na magbigay sigla at
anyaya sa kanyang mga mag-aaral.
Ang talento at karunungan niya ay parang isang gulok, itak o labaha na
palagi nang hinahasa upang huwag maging mapurol sa oras ng
paggagamitan.
Patuloy ang kaniyang pagbabasa at pagsasaliksik sa mga pili,tama at mga
bagong karunungan. Sa ganitong kaparaanan niya naipapakita ang kanyang
pagmamahal sa napiling larangan.
Tunay nga na ang guro ay isang matibay na haligi at timbulan ng isang
lumalaking bata na dati ay isang paslit lamang.
Ang dalawang nabanggit na kaledad ay di mangyayari kung ang kaledad ng
inpraistraktura ng paaralan ay magiging kulang at di sapat sa pagbuo ng
kaganapan para sa isang mataas na uri at antas ng makabagong kaalaman.
Una, ang paaralang kulang sa mabuti at wastong pangangasiwa ay isang
malaking hadlang sa malayang talakayan ng bagong mga kaisipan. Tulad ng
isang paaralang salat sa sapat na mga kagamitan sa pagtuturo, mainit na silid
-aralan , kulang at mga lumang mga aklat, maingay na kapaligiran,lugar na
3

pribadong aralan o silid aklatan at lugar na magpapayabong sa kanilang


pisikal na pangangatawan kasama na ang lugar kainan na sinusukat hindi
lamang sa dami ng pagkain kundi manapay sa uri ng mga pagkaing
nagpapatibay sa kalusugan ng mga kabataan.
Pangalawa ay iyong paaralan na patuloy na isinasang- alang ang kapakanan
ng kanilang mga guro.Mga halimbawa ay ang pagbabanghay at tamang
pagsukat ng kanilang mga kahusayan, pagbigay at paglaan ng mga tuwirang
pagsasanay ng mga makabagong pamamaran ng pagtuturo, pagsama sa mga
nakatakdang taunang pagtitipon ng mga guro sa lungsod upang
makipagpalitan ng mga kuro-kuro ukol sa mahusay na pag-aaral, at
pagkamit ng makabagong teknolohiya at agham na naaayon sa
pangangailangan ng mga asignaturang ibinigay ng pamahalaan sa
pamamagitan ng Kagawaran ng Kaalaman.
Ang pangatlo at huli ay ang pagkakaroon ng isang matibay na sistema ukol
sa tinatanggap na sahod at benepisyo ng mga guro na dapat ay naaayon sa
batas at dagdag insentibo tungkol sa kanilang mga dagdag- gawaing malaki
ang naiaambag sa kaunlaran ng kanilang paaralang pinaglilingkuran.
Maaaring maraming mga hamon ang nakatakda sa pagtalikda sa mga
nabanggit na mga adhikain. Ngunit sa isang banda ang pagtalima sa tuwid
na landas para sa isang mabuti at mataas na antas na kaalaman ay isang
paraan na maging susi at daan sa matagal ng minimithi na isang maunlad,
tahimik, at nagbibigayang pamayanan dito sa ating inang-bayan.
Ang ikadalawamput isang siglo ay panahon ng makabagong inpormasyon at
komunikasyon. Wala tayong pagkakataon na iwasan ito at manapay tayo ay
hinihikayat na yakapin ito. Kaya tayong nakakatanda lamang ang may sapat
na kaalaman at karunungan na ihanda ang kabataan sa mas malayong tanaw
at pananaw upang sa kanilang pagsulong sa hinaharap sila ay maging kritikal
sa pagsuri sa mga bagay at mithiing magiging gabay at bahagi ng kanilang
pang-araw araw na pamumuhay.
Muli ako po ay nagpapasalamat, bumabati ng taos puso at nagpapabaon ng
isang magandang hapon sa lahat! Mabuhay!!
Engr. Ped Salvador, Ph.D.

You might also like