You are on page 1of 1

Ang Banaag ni Mark Benedict F.

Lim ay nagwagi ng Unang Gantimpala, Kategoryang Maikling Kuwento,


sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2012.
Ang mga naging hurado para sa Kategoryang Maikling Kuwento ay sina Marco Aniano V.
Lopez (Tagapangulo), Rosauro Q. dela Cruz, at Allan Alberto N. Derain.

Lagom
Si Banaag, ipinanganak na kulay ilog ang mga mata, ay napabalitang nawawala pagkat isang aktibista.
Magigising si Banaag na namumuhay bilang isang nursetatakbo ang buhay na wari'y sa isang
ordinaryong mamamayan na hindi apektado ng klimang pampolitika. Ngunit habang namumuhay bilang
nurse, halos gabi-gabi niyang napapanaginipan ang isang sundalong kulay ilog din ang mga mata.
Kasabay ng panaginip na ito ang alaala ni Banaag bilang isang aktibista; na ang kanyang mga magulang
sa isang nayon sa Quezon ay organisadong mamamayan; na siya'y lagi na lang pinagtatakhan at
pinagtsitsismisan ng mga kapitbahay dahil kaiba ang kulay ng kanyang mata sa mga mata ng kanyang
magulang; na ang paliwanag naman ng kanyang mga magulang dito ay siya raw ay anak ng isang
diwata.
Bilang nurse, makikilala niya ang isang lalaking nagngangalang Alex, isang manlalakbay ng dagat na
kahawig ng lalaking sundalo sa kanyang panaginip. Magkakaibigan sila. Magpapakasal. Mabubuntis si
Banaag. Ngunit sa ikalawang buwan ng pagbubuntis ni Banaag ay kakailanganin na namang muli ni Alex
na maglakbay sa lawak ng dagat. Maiiwan si Banaag habang unti-unting lumalaki ang kanyang tiyan sa
paglipas ng mga buwan.
Sa huling araw ng pagpapa-check-up ni Banaag sa kanyang doktor, naganap ang isang malakihang rali
sa Mendiola. Nabigyan siya ng ipinamamahaging polyeto. Nakalagay rito ang larawan ng isang babaeng
nagngangalang Banaag; na di umano'y dinukot ng militar, dinukot ang dalawang matang kulay ilog,
pinatay at itinapon sa isang talahiban.
Pumutok ang patubigan ni Banaag.
Itinakbo siya ng kanyang kasambahay na si Imelda sa Mary Chiles. Ilang beses siyang mawawalan ng
malay. At sa bawat kawalang-malay ni Banaag ay matatagpuan niya ang sarili bilang isang Banaag na
aktibista. At kaharap niya sa bawat kawalang-malay na ito ang lalaking sundalo na kulay ilog ang mata.
Nasa loob siya ng isang malawak na bodega at pinahihirapan siya.
Magigising si Banaag sa ospital matapos makapanganak. Muli siyang makakatulog.
Pagpasok ng isang nurse upang i-check-up ang kalagayan ni Banaag, wala na si Banaag. Wala na si
Banaag sa buong ospital. Ngunit naroon ang kanyang kasisilang na kambal, nahihimbing.

You might also like