You are on page 1of 5

ARKETIPAL

Amanda Bartolome

“Isang taon na namn ang nakalagpas sa buhay ko nang wala


akong ginagawa. Oo, marami ‘kong ginawa …. Pero wala isa mang para sa
‘kin”

>>Si Amanda Bartolome ay isang babae na buong buahy ay ibinagay


niya sa pagiging asawa sa kanyang kabiyak at ina naman sa kanyang mga
anak, ang mga panahon na lumipas ay nilaan lamang niya para sa kanyang
pamilya at wala siyang ginawa upang mahanap at mapaunlad kung ano ang
kanyang gustong gawin, hindi na niya nalinang ang kanyang mga
kakayahan at hindi na niya natakpan ng mabubuting gawa ang kanyang
mga pagkakamali. At kung sakali mang mawala siya sa mundong ito ay
siya ay hindi na makikilala ng mga taong ng mga taong kanyang naiwan

Julian Bartolome Jr.

“Ang inyong mga anak ay hindi n’yoanak, sila’ymga ank ng


lalaki’t babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo nguni’t hindi inyo, at bagam’t
pinalaki niyo, sila ay walang pananagutan sa inyo……

>>Ang mga anak ay hindi talaga pag aari ng kanilang mga magulang
kundi ang mga ank ay pagaari ng Diyos at ng kanyang bayan. Ang mga
anak ay pinahiram lng sa magulang upang ating mahalin at kung sakali na
kailangan na niyang umalis para sa ikabubuti ng kanyang bayan ay wala
siyang dapat isipin, ang kanyang mga magulang ay hindi dapat malungkot
dahil; ang kanyang anak ay tutulong para sa baya. Sila ay walang
pananagutan sa magulang, amg kanyang pananagutan ay para sa diyos at
sa kanyang bayan.
Julian Bartolome Sr.

“Every man should have something he’d die for,” and a man
who has nothing he’d die for is not fit to live”

>>Ang bawat tao o bawat lalaki ay dapat may pinagkakaabalahan at


pinaglalaanan ng buhay, dahil ang mga lalaki ay dapat maghirap upang ang
kanyang pamilya ay hindi makaranas ng kahirapan. Ang lalaking walang
pinagkakaabalahan o pinaglalaanan ng buhay ay walang karapatan para
mabuhay dahil hindi man lang siya tumulong para sa ikabubuti ng kanyang
bayan o kanyang pamilya.
Bisa sa Isip

Noong nabasa ko ang nobelng dekada 70 maraming mga kaalaman


na pumasok sa aking isipan. Habang binabasa ko ito parang nararanasan
ko rin ang mga nararanasan ng mga karakter sa nobela. Nalaman ko na ang
mga tao noong panahon na iyon ay naghahanap ng kalayaan. Kalayaan sa
pagsasalita, pamamahayag at iba pa. Nalaman namin na ang pagunlad ay
hindi magiging buo kung ang mga taomng nasa paligid ay mo ay hindi
masaya sa iyong pagpapatakbo. Hindi mo rin matatamo ang kapayapaan
kung dadaanin mo ito sa dahas. Nalamn ko rin ang importansya ng mga
kababaihan sa mundo. Hindi dapat natin sila binabaliwala dahil malaki ang
nagagawa nila sa amundo. Mayroon din silang isipan upang magdesisyon
at mayroon silang damdamin na minsa’y nasasaktan. Nalaman ko rin ang
mg aginagawa ng Amerika sa pre-kolonisasyon sa bansa. Ipinapasok nila
sa utak nating mga Pilipino na may utang na loob tayo sa kanila na sa
kabilang banda ay sila rin ang nakikinabang. Makikita rin dito ang tunay na
kulay ng mga opisyal ng pamahalaan noong panahon na iyon. Minsan
akala ko ay mabait o mapagkakatiwalaan yun pala isa sa mga taong walang
awing nagpapahirap sa kapwa nito. Ito ang mga pangyayari noong
panahon na iyon na pilit na tinatago ng gobyerno ngunit hindi mo pa rin
maitatago sa mga taong nakararanas nito na inilahad ng awtor para tayo na
ang magdesisiyon sa sarili natin kung nagging maayos ba bang mga tao ng
dekada 70.
Sikolohikal

Amanda Bartolome

>>Sa unang bahagi ng nobela ang pagiging tahimik niya at ang kanyang
pagwawalang kibo sa mga nangyayari sa lipunan at ng lagay ng relasyon
nilang magasawa. Ngunit habang tumatagal nagbabago ang kanyang
pananaw tungkol sa estado ng kababaihan sa mundong ito. Isa siyang ina
na naghahanap ng lugar at importansya sa kanyang pamilya. Nais niyang
sabihin sa kanyang asawa ang matagal ng bumabagabag sa kanya. Gusto
niyang maramdaman ang pagmamahal na hinahanap niya. Bilang isang ina
naman, malugod niyang tinatanggap ang mga desisyon ng kanilang anak
kahit na alam niya na hindi siayng magiging masaya rito. Mas inuuna niya
ang kalagayan ng kanyang mga anak kaysa sa kanyang sarili.

Julian Bartolome Jr.

>>Si Jules ay masasabi mong isang tao na may prinsipyo. Hindi mo kaagad
siya makukumbinsi na itigil ang kanyang ginagawa kung alam niya ng
kanyang ginagawa. Mayroon siyang damdaming makabayan na nagsimula
mula sa pagtutol sa niya sa pagtaas ng tuition fee noong nagaaral pa siya
sa UP. Hanggang pagsali niya sa NPA. Lalo pa itong tumindi noong
namatay ang matalik nitong kaibigan na si willy naniwala siya na ang isang
rebolusyon ay tanging paraan upang magkaroon tayo ng isang Malayang
lideratura at nawala ang pang aabuso sa mga mamamayan. At hindi ito
mangyari kung hindi tayo kikilos.para sa akin ginagamit ng awtor ang
karakter na si jules upang iparating ang kanyang mga nais baguhin sa
pamahalaan ng pilipinas noong dekada 70.

Julian Bartolome Sr.

>>Si Julian ay isang taong naniniwala na ang mundong ito ay para lamang
sa mga lalaki. At ang mga babae ay ginawa lmang para pagsilibihan ang
mga lalaki, Siya ang ulo ng kanilang pamilya at siya ang nagdedesisyon sa
lahat ng bagayukol dito. Hindi niya hinihingi ang opiniyon ng kanyang
asawa at sinasarili ito. Para sa kanya basta nasusustentuhan at nabibigyan
niya ng magandang pamumuhay ang kanyang pamilya ay ayos na.matalino
din siyang tao mabilis din siyang nakakapgbigay ng kanyang opinyon
tungkol sa mga bagay-bagay tungkol sa pamilya, pulitika at iba pa. ayaw
niya sa mga taong nagpaphiya sa kanya at tumatapak sa dignidad niya
bilang isang lalaki. Sa huling parte ng nobela makikita ang malaki niyang
pagbabago noong nagsimula ng sabihin ni Amanda ang kanyang saloobin
at sa pagkamatay ng kanyang paboritong anak na si Jason.

You might also like