You are on page 1of 3

Buwan ng Wikang Pambansa 2015

Tema: Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran


Layunin: Maipakilala ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang tulay sa pag-unlad ng bansa

I. MAKALUMANG INDAYOG SA MAKABAGONG TUGTOG


1. MEKANIKS
a. Ang paligsahan ay bukas para sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng Gideon
Academy (Ika-7 hanggang ika-11 Baitang).
b. Bawat antas ay magpapadala ng isang pangkat n may 10-15 kasapi bilang kinatawan.
c. Ang piyesa ay musikang Pilipinong (OPM) umusbong ng dekada 90 hanggang sa
kasalukuyan, na maaaring tumalakay sa mga sumusunod na tema:
1. pagkakaisa at pagtutulungan
2. pag-ibig at kapayapaan
3. pangkalikasan
4. pag-unlad ng bansa
d. Kailangang ipagbigay-alam kay Bb. Love Bordamonte ang piyesang aawitin at mga
kalahok bago ang ika-17 ng Hulyo, 2015.
e. Ang haba ng piyesa ay hindi bababa ng 3 minuto ngunit hindi lalampas ng 6 na minuto.
f. Ang kasuotan ay nararapat na angkop sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
g. Gaganapin ang patimpalak sa ika-28 ng Agosto 2015, sa ganap na 12:30 ng hapon sa
Gideon Academy Chapel. Inaasahan na ang mga kalahok ay nasa ganapan na 10 minuto bago ang
paligsahan.
h. Ang mga magsisilahok ay pagpapasyihan ng lupon ng mga piling guro. Ang anumang
desisyon ng lupon ay pinal at hindi na mababago pa.
i. Ang mga magwawagi ay magkakamit ng sertipiko ng pagkilala, medalya at tropeo, na
igagawad sa ika-28 ng Agosto, 2015 sa Gideon Academy Chapel.

II. PALIGSAHAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY


1. MEKANIKS
a. Ang paligsahan ay bukas para sa mga mag-aaral ng ika-9 hanggang ika-11 baitang.
b. Bawat antas ay may 3 kalahok bilang kinatawan.
c. Ang dami ng salita ay hindi bababa sa 800 at hindi lalagpas ng 1,000.
d. Ang isusulat na sanaysay ay batay sa tema ng Buwan ng Wika ngayong taon na,
Filipino: Wika ng Pambansang Pagkakaisa.
e. Ang sanaysay ay ipapasa sa ika-19 ng Agosto, 2014, may mga sumusunod na porma:
1. font style: Times New Roman
2. font size: 12
3. maikling puting papel (bond paper)
4. margin: 1.0
5. spacing: 1.5
f. Ang mga isinumiteng sanaysay ay pagpapasyihan ng lupon ng mga piling guro. Ang
anumang desisyon ng lupon ay pinal at hindi na mababago pa.
g. Ang mga magwawagi ay magkakamit ng sertipiko ng pagkilala at medalya, na igagawad
sa ika-28 ng Agosto, 2015 sa Gideon Academy Chapel.
2. PAMANTAYAN (Sumangguni sa Rubrik sa ibaba para sa pamantayan ng pagsulat ng sanaysay.)

Inihanda ni:

Bb. Love B. Bordamonte


Guro sa Filipino, Mataas na Paaralan

II. PALIGSAHAN SA PAGTULA


1. MEKANIKS
a. Ang paligsahan ay bukas para sa mga mag-aaral ng Gideon Academy mula ika-7 hanggang ika8 baitang.
b. Ang lahat mag-aaral ng bawat baitang ay dadaan sa proseso ng eliminasyon at dito magmumula
ang 2-3 kalahok bawat antas bilang kinatawan ng klase.
Ika-7 Baitang: Agosto 25 at 27, 2015
Ika-8 Baitang: Agosto 24-27, 2015
c. Para sa taong ito, ang napiling piyesa ng tula ay pinamagatang Mabuhay, Wikang Filipino! ni
Victoria S. Roxas
d. Ang mga magwawagi ay magkakamit ng sertipiko ng pagkilala at medalya, na igagawad sa ika28 ng Agosto, 2014 sa Gideon Academy Auditorium.
2. PAMANTAYAN (Sumangguni sa Rubrik sa ibaba para sa pamantayan sa pagtula.)

Inihanda ni:

Bb. Love B. Bordamonte


Guro sa Filipino, Mataas na Paaralan

You might also like