You are on page 1of 3

Ang pamilya ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan.

Sa loob ng isang
pamilya, maari ring mabalangkas ang isang pamahalaan o gobyerno. Ang mga
magulang ang pamahalaan at ang mga anak ang mga mamamayan.
Ang pamilya ay lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa
dugo, sa bisa ng sakramento ng kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o
paninirahan sa isang tirahan. Mahalaga ang pananatili ng pamilya dahil ito ang
tumutugon sa maraming pangangailangan tulad ng pangangalaga sa mga batang
kasapi nito. Ito ay binubuo ng ama, ina at mga anak.
I.Pamilya: Ang pinakamaliit pero ang pangunahing institution ng lipunan.
Ang pamilya ay itinuring bilang isang maliit na kumunidad ng buhay at
pagmamahal.
Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babae na nagpasiyang
magsama habang buhay.
Ang pamilya ay ang pinakamahalagang yunit ng lipunan.
Ang Pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalan
Ang pamilya ang una at hindi mapalitang paaralan ng buhay panlipunan.
May panlipunan at pampolitikal na gaganapin ang pamilya
Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon at paggabay sa
mabuting pagpasya.
05.04.15
Ang pamilya ay ginagabayan ng batas ng pagbibigay na walang kapalit.
Kapag matatag ang isang pamilya, matatag ang isang bansa.
Nagiging matatag ang lipunan kapag matatag ang pamilya dahil an pamilya ang
nagbubuo ng lipunan.
Ang mabuting pakikipagkapwa ay naggagaling sa pamilya.
Nagsasama ang pamilya higit sa lahat ay ang pagdarasal at pagsisimba.
Ang "social life" din ay nagsisimula sa paliya gaya ng pagiging unang makikipagugnayan sa isa't isa.
Kaligayahan ng bawat pamilya ang pagtutulungan sa isa't isa.
Ang maayos na pagsasamahan ng pamilya ang nagtuturo ng mga tao ang mabuting
pakikipagkapwa.
05.18.15
Noong mga mga nagdaang taon ay naging malalim ang pagtalakay tunkol sa sarili
at dumaan ka sa mahabang processo ng pagkilala at pag-unlad sa iyong sarili at
inaasahan ka na lumabas sa iyong sarili at ituon ang iyong pagkatao sa iyong
paligid.Ang iyong kapwa. Sa pagkakataong ito, pag-usapan natin ang pinakamalapit
mong kapwa...
Ang iyong pamilya. Kagiliw-giliw pag-usapan ang tungkol sa pamilya. Bilang isang
pilipino, malaking puwang sa isip at puso ang iyong pamilya. Ngunit sapat na nga
ba ang iyong alam sa saysay sa pamilya at lipunan?
05.18.15
Ang Pamilya ay ang pangunahing institution ng lipunan na nabuo sa pamamagitan
ng pagmamahalan ng isang lalaki at babae, dahil sa kanilang puro at romatikong
pagmamahal-kapwa, nagkanong magsama hangang sa wakas ng kanilang buhay.
Magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon para sa kanilang
magiging anak. Ang pamilya ay pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng
kawanggawa, kabutihang-loob at paggalang o pag-sunod. Maaring patuloy na
magkakaroon ng ebulusyon ang kabuluhan ng pamilya pero mananatili itong isang
likas at pangunahing institution. Ang pamilya ay may misyon na bantayan, ipakita
at ipadama ang pagmamahal. Ito ay itinatag bilang isang malapit na kumunidad ng
buhay at pagmamahal.
ang bawat particular na gawain ng pamilya ay pagpapahayag at pagsasabuhay ng
pangunahing misyong ito. Kung walang pamilya, hindi matatawag na
pamamayanan ng mga tao. Hindi rin ito ganap iiral,ilago at makamit ng mga
miyembro ang kaganapan."Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao na kung saan

maayos ang pag-iiral ang pamamaraan ng pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan".


June 1, 2015
Ang kapangyarihan ng pamilya bilang isang lipunan ay nakasalalay sa ugnayang
umiiral dito. Mapangangalagaan ito ng mga batayang karapatan ng tao. Lumikha
ang pamilya ng mga karapatang pantao upang suportahan ang bawat kasapi sa
pagganap niyang kaniyang mga tungkulin sa pamilya. Mahalagang mabigyang-tuon
ang mabuti at malalim na ugnayan
sa pamilya upang magampanan nito ang kaniyang tunay na layon, ang
mapagyaman ito (pamilya) para sa kapakinabangan hindi lamang ng mga kasapi
nito kundi maging ng lipunan. Ang pamilya ay isang mabuting pangangailangan ng
lipunan kapag hindi ito iginalang, mapanira ang epekto nito sa lipunan sa kabuuan.
Ngunit kailangan ding mabigyang-diin na ang lipunan ay umiiral para sa
kapakanan ng mga pamilya at hindi ng kabaligtaran nito. Kung ang kabutihan
ng pamilya ay napagyayaman, naitataguyod, at napangangalagaan ng lipunan,
ang bawat kasapi nito ay nabibigyan ng pagkakataon na makamit ang kaniyang
kaganapan sa isang maayos na kapaligiran na angkop para sa paghubog ng
mga panlipunang birtud at pagpapahalaga.
June 8,2015
Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang
magpakasal at magsama nang habambuhay. Nilikha ng diyos ang tao bunga ng
kaniyang pagmamahal at kasabay nito ay tinawag upang magmahal; kaya't likas
ang pagmamahal ng tao.
Ang isang lalaki at babae na nagpaiyang magpakasal at magsama habang buhay ay
tumutugon sa tawag ng Diyos na magmahal. Ang pagpapakasal ng dalawang taong
nagmamahalan ang magpapatibay sa isang pamilya. Dito ipinakikita ang
pagsasama ng buhay at pagmamahal, ang pagbibitiw ng mgapangako na
nagpapatibay sa pagbibigay-halaga sa tao bilang tao at hindi isinasaalang-alang
ang anumang mayroon ng isa.
06/22/15
Pagmamahal sa pamilya.
Ang pagmamahal sa pagitan ng mag-asawa ay nagbibigay buhay. Kaya patungo ito
sa pagmamahal sa magulang. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahal. Ito ang
ang tanging samahan na hindi kailangang pumili ng namumuno nito. Kilala ang mga
namumuno bilang ang ama at ina; Hidi rin kailangan manghikayat ng mga myembro
upang dumami ang mga kasapi nito. Ang mga anak ang mmga kilalang myembro
ng pamilya. Sa ibang salita, ang pamilya ay parang isnag grupo na nabuo sa
pagmamahal. Ang pamilya ay ang pinakamahalagang yunit ng lipunan.
06/29/15
Ang Pamilya ay ang orihinal na paaralan ng pagmamahal:
Sa Pamilya, binibigyan ng halaga ang mga kasapi dahil sa pagiging tao niya. Hindi
dahil sa kanyang kontribution o magagawa sa pamilya.
Ugnayang Dugo ang likas na dahilan na ang kapamilya ay itinuring parang sarili.
Ang pamilya ay hindi kumikilos batay sa prinsipyo ng paggamit lamang. Hindi basta
pinapalitan ang isang myembro ng pamilya kahit hindi niya nagawa ang kanyang
pananagutan o responibildad hindi gaya ng mga kompanya o mga lipunan. Hindi
maaring gawin ng isang kasapi ng pamilya ang magpaalis ang isang myembro ng
pamilya sa kaniyang mga kapamilya. Ang pamilya ay umiiral sa pagbibigay kahit
walang hinihintay na kapalit. Sa pamilya, ipinararanas sa tao kung paano mahalin
upang ganap niyang matutuhan kung paano ang magmahal. Ito ang kauna-unahang
lugar kung saan natututuhan ng tao ang tunay na kahulugan ng pagiging tao ang
isang tao na binibigyang halaga para sa kaniyang sariling kapakanan at nakakamit
ang kaganapan sa pamamagitan lamang ng matapat na pag-aalay ng sarili para
sa kapwa.
06/29/15
Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunan ng buhay.
May orihinal na kontribusyon ito sa pagtatayo ng mundo, sa pamamagitan ng
pangangalaga at pagtuturo ng mga pagpapahalaga nagingpinakaepektibong paraan
upang gawing makatao at mapagmahal ng lipunan ang pamilya. Nagagabayan ng

batas ng malayang pagbibigay (law of free giving) ang ugnayan sa pagitan ng mga
miyembro nito. Halimbawa, nakahandang magsakripisyo ang mga magulang para
sa pag-aaruga ng anak na may kapansanan, papasanin kung kinakailangan para
maihatid siya sa paaralan. Ito ay dahil sa pagnanais ng mga magulang na
matanggap ng anak ang anumang tinatamasa ng lahat ng batang katulad niya.
Lahat ng ito ay malayang ibinibigay bunsod ng pagmamahal.Dito umusbong ang
pag-unlad ng lipunan. Una rito ang ugnayan at pakikibahagi na dapat umiiral sa
araw-araw na buhay-pamilya.

You might also like