You are on page 1of 48

ARALIN 1: DEMAND

LAYUNIN:

Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay ng


bawat pamilya
Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand
Matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na
nakaaapekto sa demand

LECTURE:
I.

ANG KONSEPTO NG DEMAND


Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na
gusto at kayang bilhin ng mamimili sa ibat ibang presyo sa isang
takdang panahon.
A. BATAS NG DEMAND
May inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa
quantity demanded ng isang produkto. Ang ceteris paribus ang
nagsasabing ang presyo lamang ang salik na nakaaaoekto sa
pagbabago ng quantity demanded at wala nang ibang nakaaapekto o
nakapagpapabago rito. Tuwing ikaw o ang iyong pamilya ay bibili ng
isang produkto o serbisyo, unang tinitingnan at pinagbabatayan ay ang
presyo.
Dalawang Konseptong Nagpapaliwanag sa Magkasalungat o
Inverse na Ugnayan ng Presyo at Quantity Demanded:
1. Substitution effect kapag tumaas ang presyo ng isang
produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas
mura.
Hal. Kung mahal na ang presyo ng Slurpee, mas marami na
ang bibili ng Gulp.
2. Income Effect kapag mababa ang presyo, mas mataas
ang kakayahan ng kita ng taong makabili ng mas marami.
1

Hal. Kung mura ang kilo ng bigas, marami nang tao ang
makakabili ng mas maraming bigas.

B. DEMAND SCHEDULE
Isa itong talaang nagpapakita ng damo na kaya at gustong bilhin
ng mgamamimili sa magkakaibang presyo.

HALIMBAWA NG DEMAND SCHEDULE


Demand Schedule Para sa Pandesal
Presyo bawat piraso
Php 0
Php 1
Php 2
Php 3
Php 4
Php 5

Quantity Demanded
60
50
40
30
20
10

Demand Curve
Ang demand curve ay ang graph na naglalarawan ng kaugnayan sa pagitan
ng presyo ng isang tiyak na kalakal at ang halaga ng mga ito na ang mga mamimili
ay handang bilihin at may kaya sa pagbili sa mga na ibinigay na presyo.

Isang halimbawa ng Demand Curve

Quantity
6
5
5
4
4
3
3
2
2
1
1
0
20

30

40

50

Presyo

10

Ang paggalaw sa kurba mula punto A papuntang punto B makikita sa pagbaba ng


presyo mula sa limang piso pababa ng apat na piso ang demand ay tataas.
Iba Pang Salik na Nakaaapekto sa Demand Maliban sa Presyo
Kita ang pagbabago ng kita ng isang tao ay maaring makapagpabago ng
demand para sa isang particular na produkto na kanyang kinokonsumo. Sa
pagtaas ng kita ng isang tao tumataas din ang kanyang kakayahan na bumili
ng mas maraming produkto. Gayun din naman sa pagbaba ng kita ang

kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan. Kapag dumadami


ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita ang mga produktong
ito ay maituturing na normal goods. Kapag inferior goods naman ang tawag
sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita.
Panlasa Naayon sa panlasa ng mamimili ang produktong bibilihin kapag na
satisfy ang consumer sa produkto ay tataas ang demand dito. Kung mas
marami ang demand mo sa tsokolate ay mas tatataas ang demand mo dito.
Dami ng mamimili maari ding magpataas ng demand ng individual ang
tinatawag na bandwagon effect. Sa bandwagon effect kapag uso ang isang
produkto mahihikayat kang bilihin ito o di kaya napapagaya ka kaya
tumataas ang demand sa isang produkto.
3
Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo - magkaugnay
ang produkto sa pagkonsumo kung ito ay komplementaryo o pamalit sa isat
isa. Ang komplementaryo ay ang mga produktong sabay na gimagamit at
hindi ito magagamit ng wala ang isa. Isang halimbawa ay kutsara at tinidor.
Ang substitute ay mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo. Isang
halimbawa kapag walang Ketchup ay Mangtomas ang gagamitin mo.
Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap Kung inaasahan
ng mamimili na tataas ang presyo ng isang produkto ay sa susunod na araw
nalamang siya mamimili kapag ito ay bumaba na , kapag naman inaasahan
ng mamimili na bababa ang presyo ng isang produkto ay bibili ito ng marami.
Ang Paglipat ng Demand Curve (o Shifting of the Demand Curve)
Ano nga ba ang Shifting of the demand curve? Ang demand curve ay
nagbabago depende sa babaguhing salik na hindi presyo. May dalawang klase ng
pagbabago ito ang paglipat ng demand curve sa kanan at paglipat ng demand
curve sa kaliwa. Sinasabing ang demand curve ay papunta sa kanan kung ang
babaguhing salik na hindi presyo ay nakapagpapadulot sa pagtaas ng demand.
Samantalang ang demand curve ay papunta sa kanan kung ang babaguhing salik
na hindi presyo ay nakapagdudulot ng pagbaba ng demand. Isa sa maaaring
halimbawa ng paglipat ng demand curve sa kanan ay kunyari binigyan na ng
pahintulot ang mga may sakit na gumamit ng drug tataas ang demand dahil legal
na ito. Ang halimbawa naman para sa demand curve na papunta sa kaliwa ay ang
pagbabawal gumamit ng sigarilyo sa ibang lugar. Bababa ang demand ng sigarilyo
dahil limitado na ang lugar na maaring manigarilyo sila.

Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng Salik na


Nakaapekto sa Demand
Alam natin na ang presyo ay isa sa mga salik na nakaaapekto sa demand. Ngunit,
napakarami pang bagay na nakaaapekto dito bukod sa salik na ito. Kasabay ng mga
salik na ito ay ang patuloy na pagbabagong naidudulot ng mga ito sa ating mga
konsyumer.
4
Mga Posibleng Tanong sa Aralin:
Paano tayo MATALINONG makakatugon sa mga pagbabagong ito?
Anu-ano nga ba ang mga matalinong pagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago
ng salik na nakaaapekto sa demand? Ito ay ang mga sumusunod:
UNA, kapag may pagtaas sa pagkita, maging matalino sa paggasta nito. Matutong
pagplanuhan nang mabuti ang paggastos at unahin ang mahalagang bagay na
dapat bilhin.
-Hindi ibig-sabihin na kapag tumataas ang iyong kita ay maaari mo nang
gastusin nang malaya ang iyong pera. Hindi dapat magbago ang iyong demand at
pangangailangan at maging isang matalinong konsyumer. Nararapat na mas unahin
pa rin ang mas kailangan mo kaysa sa mga kagustuhan mo. Halimbawa, dahil
tumaas ang sahod mo, naisipan mong bumli ng iPhone 6, ngunit naalala mo na
kinakapos ka na sa kailangan sa bahay at may paparating din na isang malakas na
bagyo. Nararapat na mas piliin ang pangangailangan dahil bukod sa nakaliligtas ka,
para din ito sa iyong kapakanan.
PANGALAWA, maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas
na presyo. Maraming mapagpipiliang produkto sa mababang presyo sa ibat ibang
pamilihan.
-Dito pumapasok ang tinatawag na pagka-canvass. Kung maykailangan kang
bilhin o kahit na ito ay kagustuhan lamang, mas mainam na maghanap muna at
magkumpara ng mga partikular na produkto sa maraming pagpipilian na pamilihan.
Dito ka mas makakaalam kung may mas ibababa pa ba ang presyo ng iyong gusting
produkto upang mas makatipid.. Halimbawa, gusto mong bumili ng panibagong
earphones. Bilang matalinong pagtugon dito, maghahanap ka ngayon ng maraming
bilihan upang maraming pagpilian. Kung kunwari ay 600 ang presyo ng earphones
sa unang pamilihan, sa kabila naman ay maaari maging 450 lamang. Hindi lang
presyo ang titingnan, maaari ring pagkumparahin ang kanilang features upang mas
makampante sa pipiliing produkto.
Anumang pagbabago ang maaaring mangyari batay sa mga nasabing salik ay
lagging may kasamang epekto sa konsyumer. Masasabi nating napakahalaga ng
matalinong pagtugon ng mga konsyumer sa mga nagbabagong salik.

PAGSUSULIT:
5
1. _____ ____ay ang graph na naglalarawan
ng kaugnayan sa pagitan ng presyo ng
isang tiyak na kalakal.
2-7. Ibigay ang 7 na Salik na Nakaaapekto sa Demand Maliban sa Presyo
8. Ang demand curve ay papunta sa ____ kung ang babaguhing salik na hindi presyo
ay nakapagpapadulot sa pagtaas ng demand.
9. Ang demand curve ay papunta sa ____ kung ang babaguhing salik na hindi presyo
ay nakapagdudulot ng pagbaba ng demand.
10. _______ ay ang mga produktong sabay na gimagamit at hindi ito magagamit ng
wala ang isa pang produkto. Ang ______ ay mga produktong maaaring magkaroon
ng alternatibo produkto.
11. Ipaliwanag kung ano ang substitute effect
12. Ipaliwanag kung ano ang income effect
13. Ano ang inferior goods ?
14. Ano ang normal goods ?
15.Maikling bigyan ng paliwanag ang ibig-sabihin ng unang pagpapasya at Maikling
bigyan ng paliwanag ang ibig-sabihin ng pangalawang pagpapasya

MGA SAGOT:
1. Demand Curve

2.-7. Kita,Panlasa,Dami ng mamimili, Presyo ng magkaugnay na produkto sa


pagkonsumo, Inaasahan ng mamimili sa presyo sa hinaharap.
8. Kaliwa
9. Kanan
10. Complementary Goods & Substitute Goods
11. kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng
pamalit na mas mura.
12. kapag mababa ang presyo, mas mataas ang kakayahan ng kita ng taong
makabili ng mas marami.
13. Kapag dumadami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita
14. Kapag tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita.
15. kapag may pagtaas sa pagkita, maging matalino sa paggasta nito at maghanap
ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na presyo

ARALIN 2: ELASTISIDAD NG DEMAND (PRICE


ELASTICITY OF DEMAND)
Layunin:

Nauugnay ang tugon ng mga mamimili sa pagbago bagong presyo ng mga


presyo ng mga produkto at serbisyo batay sa konsepto ng price elasticity of
demand

Naiisa iisa at nasusuri ang ibat ibang uri ng elastisidad ng demand

Lecture:

Ang elastisidad sa ekonomiks ay ang reaksyon ng isang variable sa


pagbabago ng isa pang variable.
Ang price elasticity of demand ay ang paraan na ginagamit upang
masukat ang pagtugon at gaano kalaki ang magiging pagtugon ng quantity demand
ng tao sa tuwing may pagbabago sa presyo ng isang produkto.
Formula:
d=

Qd
p

kung saan ang:


d- ang Price Elasticity of Demand

Qd

ang bahagdan ng pagbabago sa Quantity Demand

P - ang bahagdan ng pagbabago sa Presyo


Ang bahagdan sa pagbabago sa Qd ang dependent variable at ang bahagdan
sa pagbabago sa Presyo naman ay ang independent variable.
Ang demand elasticity ay palaging negatibo dahil ang Qd ay may salungat
(inverse) na relasyon sa presyo.
Halimbawa:
Tuwing sabado naglalaba ang nanay mo. Nalaman niyong bumaba ang presyo
ng detergent powder na ginagamit niyo. Mula sa 10.50 ay naging 7.50. Kaya naman
ay dumami ang pinabili sa iyo ng nanay mo. Mula sa dalawang sachet ay naging
tatlo.

Q1 = 2

Q2 =3

P1=10.50

1 Kunin ang bahagdan ng pagbabago sa Quantity Demand.

P2=7.50

Qd =

Q2Q1
Q2 +Q1 *100
(
)
2

32
3+2 *100
2

1
2.5 *100

=0.4*100
8
=40%
2 Kunin ang bahagdan ng pagbabago sa Presyo.

P=

P2 P 1
P +P
( 2 1 ) *100
2

7.5010.50
7.50+10.50 *100
2

3
9 *100

=-0.3333*100
=-33.33%

3 Ipasok na ang

Qd at P

sa formula.

d=

40
33.33
= -1.20

4 Kunin ang absolute value at ilagay ang uri ng elastisidad.


d= l-1.20 l
= 1.20 elastic
Nagiging sensitibo ang dami ng demand kung:
1 Marami ang substitute ng isang produkto.
2 Marami ang gamit ng isang produkto.
3 Malaki ang proporsyon o parte sa badyet ng gastusin sa produkto.
4 Luxury item o hindi ito pangangailangan.
Hindi gaanong sensitibo ang dami ng demand sa pagbabago ng presyo kung:
1 Kakaunti lang ang substitute ng isang produkto.
2 Limitado ang gamit ng produkto.
3 Maliit ang proporsiyon sa badyet ng gastusin sa produkto.
4 Ito ay pangangailangan (necessity).

Elastic

May iba't ibang uri ng elastisidad. Ang una ay elastic. Masasabi nating elastic
ang isang demand kapag ang porsyento ng pagtugon sa quantity demanded ay mas
malaki kaysa sa porsyento ng pagbabago sa presyo ng produkto. Ibig sabihin, ang
consumer ay nagiging sensitibo sa pagbili ng produkto tuwing may pagbabago sa
presyo nito, pero bakit? Dahil ang mga produkto ay maaaring may alternatibo o
pamalit sa tuwing may pagbabago sa presyo nito o kaya naman ay hindi gaanong
pinaglalaanan ng pansin o badyet. Halimbawa nalang ay ang softdrinks. Kapag ang
presyo ng isang brand ng softdrink ay tumaas, maaaring ang consumer ay bumili na
lamang ng ibang mas mura ang presyo, o kaya ay juice na lamang ang bilhin.
Inelastic
Ang demand ay tinatawag naman inelastic kapag mas maliit ang naging
bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago
ng presyo.Ang ibigsabihin nito ay matatawag mong price inelastic kapag ang
bumibili ay hindi gaano bumaba o nagbago kapag tumaas ang presyo. Ang hindi
pagiging sensitibo nito ay dahil ang mga ito ay ating mga pangunahing
pangangailangan at wala halos substitute dito.Halimbawa nito ay ang kuryente at
9
tubig. Kapag tumaas ang presyo nito ay maliit
ang pagbabago sa bahagdan ng
quantity demanded. Hindi natin ito maaring palitan sapagkat ito ay walang malapit
na substitute.

Price Elasticity of Demand


Degree ng Elastisidad
Unitary o Unit Elastic
Pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng
pagbabago ng quantity demanded. Ang coefficient nito ay 1.

Perfectly Elastic
Kahit walang pagbabago sa presyo ay may pagtugon pa rin ang mga
mamimili. Ang coefficient nito ay infinite dahil hindi malalaman ang
pagtugon ng mga mamimili.

Graph:
Perfectly Inelastic
Kahit anong pagbabago sa presyo ay walang magiging pagtugon ang
mga mamimili. Ang coefficient nito ay 0 dahil walang magiging
pagtugon.

10

Graph:

Graph ng mga Degree ng Elastisidad

PAGSUSULIT:

11

1. Ano ang pinagkaiba ng elastic sa inelastic?


2. Bakit nagiging sensitibo ang consumer sa pagbili ng produkto tuwing may
pagbabago sa presyo nito?
3. Ano ang ibat ibang uri ng price elasticity?
4. Ano ang coefficient ng Perfectly Elastic?
5. Ano ang coefficient ng Perfectly Elastic?
6. Ano ang coefficient ng Unitary o Unit Elastic?
7-9. Ano-ano ang tatlong degree ng Elastisidad ?
10-11. Ano ang dalawang klase ng elasticity ?
12. Ang ______ sa ekonomiks ay ang reaksyon ng isang variable sa pagbabago ng
isa pang variable.
13. Ang __________ ay ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at
gaano kalaki ang magiging pagtugon ng quantity demand ng tao sa tuwing may
pagbabago sa presyo ng isang produkto.
14. Ano ang formula sa pagkuha ng price elasticity of demand.
15. Ano ang sinisimbolo ng d, Qd , P

sa formula?

MGA SAGOT:

12
1. Ang elastic ang isang demand kapag ang porsyento ng pagtugon sa
quantity demanded ay mas malaki kaysa sa porsyento ng pagbabago sa
presyo ng produkto samantalang ang demand ay tinatawag naman na
inelastic kapag mas maliit ang naging bahagdan ng pagbabago ng
quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo.
2. Dahil ang produkto ay maaaring may alternatibo o pamalit, o di kaya'y
hindi ito gaanong pinaglalaanan ng badyet
3. Elastic, Inelastic, Perfectly Elastic, Perfectly Inelastic, Unitary o Unit
Elastic
4. Infinite
5. 0
6. 1
7. Unitary o Unit
8. ElasticPerfectly
9. ElasticPerfectly Inelastic
10. Elastic
11.Inelastic
12. elastisidad
13. price elasticity of demand
14. d=

Qd
p

15. d- ang Price Elasticity of Demand

Qd

ang bahagdan ng pagbabago sa Quantity Demand

P - ang bahagdan ng pagbabago sa Presyo

Aralin 3: supply at elastisidad ng supply (price


elasticity of supply)
13
Layunin:
Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa supply
Matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na
nakakaepekto sa supply
Nalulugnay ang tugon ng mga mamimili sa pagbago bagong presyo ng mga
produkto at serbisyo batay sa konsepto ng price elasticity of supply
Naiisa iisa at nasusuri ang ibat ibang uri ng elastisidad ng demand

Lecture:
Supply
Ang supply ay tumutukoy sa konseptong ekonomiko na tumutukoy sa dami ng
produkto o serbisyo na kayang ibenta ng isang prodyuser sa mga konsyumer.
Konsepto ng Supply
Ang konsepto ng supply ay ang pagbibigay ng pagkakataon para sa mga prodyuser
na gumawa/magbigay ng produkto o serbisyo upang kumita. Ito rin ay tumutugon
sa mga pangangailangan ng mga tao sa isang lipunan.
Batas ng Supply
Ang batas ng supply ay nagsasaad na, ang dami ng produkto ay may direktang
relasyon sa presyo na meron ito. Ibig sabihin habang tumataas ang presyo ng isang
produkto o serbisyo tumataas ang dami ng supply nito. Sinasabi ng ceteris paribus
na ganto ang relasyon ng dalawa kung ililiban ang iba pang mga salik na
nakaaapekto sa supply.
Ang batas na ito ay sinusuportahan ng Law of Diminishing Returns dahil sa batas
na ito ipinapakita na dahil sa pagmamalabis ng isang prodyuser na gumawa ng mas
maraming produkto nagdudulot ito ng pagtaas ng presyo sa produktong ginawa.
Bigyan natin ito ng isang halimbawa. Kunwari, ang isang uri ng bag ay laging
nauubos dahil sa laki ng demand ng mga tao rito, kaya naman naisipan ng

prodyuser nito na gumawa ng mas maraming supply nito, ngunit sa paraang ito
kailangan magdagdag ng trabahador ang produsyer, upang dumami ang supply na
nagagawa nito. Kasama din dito ang paglaki ng gastos sa produksyon kaya, upang
magkaroon pa din ng kita ang prodyuser palalakihin nito ang presyo.
Supply Function
Ang supply function ay isa sa mga paraan, upang ipakita ang relasyon sa pagitan ng
quantity supply at presyo. Ito ay ipinapakita sa pamamagitan ng matematika.
Qs = f(P)
Qs = c + bP
Kung saan:
Qs = quantity supplied
P = presyo
14
c = intercept (dami ng supply tuwing ang presyo ay 0)
b = slope = Qs
P
Ipinapakita dito ang direktang relasyon ng quantity supplied at presyo dahil sa
addition sign na makikita roon.

Halimbawa:
c=10 b=20 Ano ang Qs kung ang presyo ay 5 at 10?
P=5
P=10
Qs= 10+20(5)
Qs= 10+20(10)
Qs=10+100
Qs=10+200
Qs=110
Qs=210
Supply Schedule
Ang supply schedule ay isa pang paraan upang ipakita ang relasyon sa pagitan ng
quantity supply at presyo. Ito ay ipinapakita sa pamamagitan ng isang talaan
Halimbawa:
Presyo
5
4
3
2
1
Supply Curve

Quantity Supplied
100
80
60
40
20

Ang supply curve ay huling paraan sa pagpapakita ng relasyon ng presyo at


quantity supply.
Ito ay ipinapakita sa pamamagitan ng isang
grapiko.

15

Ang Paglipat ng Supply Curve o Shifting of the Supply Curve


Ang paglipat ng supply curve ay nagpapakita ng epekto ng iba pang mga salik na
nakaaapekto sa supply na hindi presyo. Ang paglipat ng supply curve sa kaliwa ay
nagpapakita ng pagbaba ng supply dahil sa iba pang salik na nakaaapekto sa
supply. Ang paglipat naman ng supply curve sa kanan ay nagpapakita ng pagtaas
ng supply dahil sa iba pang salik na nakaaapekto sa supply.

Iba pang mga Salik na Nakaaapekto sa Supply


Ang pagalam at pagintindi sa iba pang mga salik na nakaapekto sa supply ay
makatutulong sa mas mabuting pagpili at pagdesisyon ng mga prodyuser.
1.) Pagbabago sa Teknolohiya
Sa panahong ito, maraming modernong teknolohiya na ang nilikha para
makatulong sa paggawa ng mga produkto. Marami ng mga makina na
nagpapabilis sa paggawa at nagpaparami sa nagagawang supply ng produkto.

Ito ay maaring magpabababa sa gastos sa produksyon, kaya dadagdagan


naman ng mga prodyuser ang kanilang supply.
Isipin nalang natin kung paano ginagawa ang mga donat sa Krispy Kreme.
Lahat ng pumapasok sa bilihan nila ay nakikita ang mga makinang naglalagay
ng glaze sa mga donut. Kung wala itong makinang ito, ang bilang ng mga
donat na handang ibenta bawat oras ay oonti. Dahil sa makinang iyon,
maaaring iilang trabahador lang ang kaylangan nila para magpatakbo ng
tindahan. Ang kanilang gastos sa trabahador ay onti lamang at marami pa ang
magagawa nilang mga donat.

2.) Pagbabago sa halaga ng mga Salik


Produksiyon
16
Ang ibat ibang salik ang paggawa ng produkto, gaya ng lupa, paggawa,
kapital, at entrepreneurship.
Kapag tumaas ang presyo ng kahit isa sa mga salik, ang kabuuang gastos ng
produksyon ay tataas, at bisebersa. Ang pagtaas ng gastos ay maaaring
magdulot ng pagbaba ng dami ng produkto o serbisyong handa at kayang
ipagbili ng produsyer, habang ang pagbaba ng presyo ay maaaring magdulot
ng pagdami ng supply.
Sa paggawa ng tinapay, kaylangan ng panadero ng ibat ibang materyales
gaya ng harina, asukal, pampaalsa, at iba pa. Kung magtaas man ang presyo
ng harina, maaaring umonti ang mabibiling sangkap ng panadero, kaya oonti
din ang magagawa niyang tinapay.
3.)Pagbabago sa Bilang ng mga nagtitinda
Ang salik na ito ay tulad ng bandwagon effect sa demand. Ang mga produsyer
ay nahihikayat sa produktong nauuso. Makikita natin ito noong una nauso ang
mga loom band. Sa simula, sa mga mall lang nakikita ang mga mga kits at
materyales na kaylangan para gumawa ng loom band. Nang sumikat ito, at
marami na ang nagsusuot at gumagawa ng mga bracelet, kahit sa kalsada ay
may nagbebenta na mga materyales para sa loom bands.
4.)Pagbabago sa Presyo ng kaugnay na produkto
Naaapektohan ng presyo ng isang produkto ang quantity supplied ng mga
produktong kaugnay nito. Sabihin natin na mayroong gumagawa at
nagbebenta ng kukis at crinkles sa eskwelahan. Sa panahon na tataas ang
presyo ng crinkles, pipiliin ng nagbebenta na gumawa ng mas marami ng mas
mahal na produkto para mas marami ang kanyang kikitain. Ang supply ng
crinkles ay tataas habang and supply ng kukis ay bababa.
5.)Ekspektasyon sa Presyo
Ang kondisyon kung saan may nagtatago ng produkto para maibenta ito sa
mas mataas na presyo sa hinaharap ay tinatawag na hoarding. Dahil dito ay
nagkakaroon ng false shortage; bumababa ang supply ng produktong ito sa
pamilihan. Mayroong mga produsyer na gumagawa nito kung inaasahan
nilang tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling panahon.
Kapag valentines marami ang bumibili ng mga tsokolate, kendi, at stuff toys,
kaya maaaring may ilang tindero na magtatago ng kanilang supply dahil sa
inaasahang pagtaas ng presyo ng mga ito. Kapag valentines na, kung kailan
tataas na ang mga presyo ng mga produkto, muli nilang ilalabas ang mga
aytem na tinago nila.

Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na


Nakaaapekto sa Supply
1. Dapat bigyang pansin ng mga prodyuser ang episyenteng produksyon upang
hindi madagdagan ang gastos sa pagbuo ng produkto.
2. Pagtuunan ng masusing pag-aaral bago sumuong sa isang negosyo.
3. Magkaroon ng matalinong pagpaplano sa inaasahang natural na kalamidad.
4. Huwag lamang isipin ang sariling kapakanan
Price Elasticity of Supply

17
Ang price elasticity of supply ay ang paraan na ginagamit upang masukat ang
magiging pagtugon ng quantity supplied ng mga prodyuser sa tuwing may
pagbabago sa presyo ng kanilang produkto. Ang wastong pagtugon sa bahagdan ng
pagbabago ng presyo ay makatutulong sa mga prodyuser upang makaagapay sa
naging pagbabago nang sa ganun ay makuha nila ang ninanais na kita.
Es = %Qs
%P
Kung saan ang:
Es = Price Elasticity of Supply
%Qs = bahagdan ng pagbabago sa quantity supplied
%P = bahagdan ng pagbabago sa presyo
Sapagkat malaki ang epekto ng pagbabago sa presyo ng mga produkto sa quantity
supplied ng prodyuser, tumatayong dependent variable ang bahagdan ng
pagbabago sa quantity supplied samantalang ang presyo ay ang tumatayong
independent variable.
Laging positibo ang Price Elasticity of Supply dahil ayon sa Batas ng Supply, sa
bawat pagtaas ng presyo ay tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na
handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Dahil din dito kung kayat pataas ang
supply curve ng graph ng Price Elasticity of Supply.
Para makuha ang:
%Qs

Q2 - Q1
x 100
Q1+Q2
2

%P

P2 - P1
x 10
P1+P2
2

Sundan lamang ang formula upang makuha ang sagot. Alamin mula sa mga binigay
ang Q1 at Q2 at gamitin ang formula para rito upang makuha ang %Qs.
Pagkatapos ay kunin din ang %P, alamin kung alin ang P1 at P2 gamitin ang
formula para rito. Ang naging sagot sa %Qs ay i-divide sa nakuhang %P para
makuha na ang coefficient ng elasticity.

Halimbawa:

15 - 10
x 100
10 + 15
2

Q1 = 100
Q2 = 200
%Qs

200 - 100
x 100
100 + 200
2

= 40
Es = %Qs
%P

= 66. 67 %
=
P1 = 10
P2 = 15
%P

66. 67 %
40 %

= 1. 67
18

Es = %Qs
%P
=

66. 67 %
40 %

= 1. 67

Uri ng Price Elasticity of Supply


Uri ng
Elastisidad

Coefficien
t

Kahulugan
-

1. Elastic
Es > 1
-

(%Qs > %P)

2. Inelastic
Es <1

(%Qs < %P)


-

3. Unit o
Unitary
Elastic

5. Perfectly

anumang bahagdan ng
pagbabago sa presyo ay
magdudulot ng mas maliit na
pagbabago sa bahagdan ng
quantity supplied
hindi agad nakatutugon ang
prodyuser sa pagtaas ng
presyo
mahabang panahon ang
kakailanganin upang
makatugon sa pagbabago ng
demand

gasolina

ang pagtaas ng quantity


supplied ay matutugunan kahit
na walang pagbabago sa
presyo

Es = 0

Es =

manufactured
goods tulad ng tela,
damit, sapatos,
appliances

pareho ng bahagdan ng
pagbabago sa presyo sa
bahagdan ng pagbabago sa
quantity supplied

(%Qs = %P)

4. Perfectly
Elastic

Maliit ang bahagdan ng


pagbabago sa presyo ngunit
mas malaki ang bahagdan ng
pagbabago sa quantity
supplied
mabilis na nakatutugon ang
mga prodyuser na magbago
ng quantity supplied sa
maikling panahon

Es = 1

Halimbawa ng
produkto

Walang tiyak na
halimbawa ang
supply na unit
elastic.

computer softwares,
applications

lupang binebenta,
-

ang quantity supplied ay hindi

Inelastic

magbabago kahit nagbabago


ang presyo ng produkto

Graph ng bawat uri ng Price Elasticity of Supply

19

paintings

PAGSUSULIT:

20

1. Alin ang mas malaki ang bahagdan ng pagbabago sa elastic supply, ang
bahagdan ng pagbabago sa presyo o ang bahagdan ng pagbabago sa
quantity supplied?
2. Ano ang uri ng supply kung ang coefficient ng Price Elasticity of Supply ay
mas malaki sa isa?
3. Tama o mali. Ang bahagdan ng pagbabago sa quantity supplied ang
tumatayong independent variable.
4. Ito ay representasyon ng relasyon sa pagitan ng presyo at quantity supply sa
pamamagitan ng talaan.
5. Isang representasyon ng relasyin ng presyo at quantity supply na ipinapakita
sa pamamagitan ng grapiko.
6. Ang paggalaw ng supply curve sa kanan ay nagpapakita ng anong epekto sa
quantity supply?
7. Ito ang nagsasaad ng relasyon sa pagitan ng quantity supply at presyo.
8. Sinusuportahan ng anong batas o law ang ____sagot sa 7_____.
9. Ito ang dami na handang ibentang produkto ng prodyuser sa mga konsyumer.
10 12. Magbigay ng matalinong pagpapasiya sa pagtugon sa mga pagbabago
ng mga salik na nakaaapekto sa supply.
13 15. Magbigay ng iba pang salik na nakaaapekto sa supply.

MGA SAGOT:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.

21
Ang bahagdan ng pagbabago sa quantity supplied
Elastic Supply
Mali
Supply Schedule
Supply Curve
Pagtaas ng quantity supply
Batas ng Supply o Law of Supply
Law of Diminishing Returns
Supply

10 12. Maaaring ito ang mga sagot:


Dapat bigyang pansin ng mga prodyuser ang episyenteng produksyon upang
hindi madagdagan ang gastos sa pagbuo ng produkto; Pagtuunan ng masusing
pag-aaral bago sumuong sa isang negosyo; Magkaroon ng matalinong
pagpaplano sa inaasahang natural na kalamidad; Huwag lamang isipin ang
sariling kapakanan.
13 15. Maaaring ito ang mga sagot:
Pagbabago sa teknolohiya; Pagbabago sa halaga ng salik ng produksyon;
Pagbabago sa bilang ng nagtitinda; Pagbabago sa presyo ng kaugnay na
produkto; Ekspektasyon sa presyo.

22

ARALIN 4: Interaksyon ng Demand at Supply

Layunin:

Naipaaliwanag ang interaksyon ng deman at supply sa kalagayan ng presyo


at pamilihan
Nasusuri ang mga epekto ng shortage at surplus sa presyo at dami ng kalakal
at paglilingkod sa pamilihan
Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning dulot
ng kakulangan at kalabisan

Lecture:
Ayon kay Nicholas Gregory Mankiw (2012) sa kaniyang aklat na Essentials of
Economicsm, kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay nagaganap ang ekwilibriyo ay
nagtatamo ng kasiyahan ang parehong konsyumer at prodyuser. Ang konsyumer ay
nabibili ang kanilang nais at ang mga prodyuser naman ay nagbebenta ng kanilang
mga produkto.
Ekwilibriyo - isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang
bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang
ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa
presyong kanilang pinagkasunduan.
Ekwilibriyong Presyo ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng
konsyumer at prodyuser.
Ekwilibriyong Dami ang tawag sa pinagkasunduang bilang ng mga
produkto o serbisyo.
Law of Demand and Suplay and puwersa ng demand at suplay ay
magtatakda ng ekwilibriyong presyo ng produkto.
Ang presyo at quantity demanded ay magkasalungat o inversely
proportional.
Qd = Dependent Variable
P = Independent Variable
Positibong ugnayan ng presyo at suplay o quantity supplied (Qs)
Presyo at suplay ay magkasundo o directly proportional.
Quantity Demanded (Qd)
10
20
30
40
50
60

Market Schedule para sa Kendi


Presyo (P)
5
4
3
2
1
0

Quantity Supplied (Qs)


50
40
30
20
10
0

A. Sa presyong tatlong piso, quantity demanded at quantity supplied ay pantay


(Qd =QS)
B. Sa presyong mas mataas ang tatlong piso, mas maliit ang quantity demanded
kaysa sa quantity supplied (Qd<Qs)
C. Sa presyong mas mababa ang tatlong piso, mas malaki ang quantity demanded
kaysa sa quantity supplied (Qd>Qs)
6

23

5
4
Qd

Qs
2
1
0
0

10

20

30

40

50

60

70

Dami ng Kendi
Qd = 60 10P
Qs = Qd
0 + 10P = Qd = 60 10P
10P + 10P = 60 0
20P = 60
P=3
Ekwilibriyong Presyo (P*) = 3
Isa pang halimbawa

Qs = 0 + 10P
Qd = 60 10P
Qs = 0 + 10P
= 60 10(3)
= 0 + 10(3)
= 60 30
= 0 + 30
= 30
= 30
Ekwilibriyong Dami (Q*) = 30

600
500
400
Qd

300

Qs
200
100
0
0

10

15

20

25

30

Dami ng T-shirt
Qd = 24 .04P
Qs = Qd
0 + .04P = Qd = 24 .04P
.04P + .04P = 24 0
.08P = 24
P = 300
Ekwilibriyong Presyo (P*) = 300

24

Qs = 0 + .04P
Qd = 24 .04P
Qs = 0 + .04P
= 24 .04 (300)
= 0 + .04(300)
= 24 12
= 0 + 12
= 12
= 12
Ekwilibriyong Dami (Q*) = 12

Market Schedule para sa Sapatos


Quantity Demanded (Qd)
Presyo (P)
Quantity Supplied (Qs)
2
1250
10
4
1000
8
6
750
6
8
500
4
10
250
2
12
0
0

1400
1200
1000
800
Qd
Qs

600
400
200
0
0

10

12

14

Dami ng Sapatos
Qd = 12 .008P
Qs = Qd
0 + .008P = 12 .008P
.008P + .008P = 12 0
.016P = 12
P = 750
Ekwilibriyong Presyo (P*) = 750

Qs = 0 + .008P
Qd = 12 .008P
Qs = 0 + .008P
= 12 .008
= 0 + .008(750)
(750)
=0+6
= 12 6
=6
=6
Ekwilibriyong Dami (Q*) = 6

25

Ang kulay berdeng


guhit ay nag rerepresinta sa Quantity Demanded at ang kulay lila naman ay ang
Quantity Supplied

Ang point kung saan nag intersect ang dalawang guhit ay ang ekwilibriyo
Disekwlibriyo anumang sitwasyon sa kalagayan na hindi pareho ang Quantity
Demanded at Quantity Supplied
Surplus ito ay nararanasan kung ang Quantity Supplied ay mas marami sa
Quantity Demanded
Shortage - ito ay nararanasan kung ang Quantity Supplied ay mas kaunti sa
Quantity Demanded
MGA KAGANAPAN AT PAGBABAGO SA PAMILIHAN
1. Palipat ng Supply Curve pakanan subalit walang pagbabago sa Demand
Curve

Ipinapakita sa itaas na graph ang ekwilibriyong presyo na Php40 at ang


ekwilibriyong dami ay 40 rin. Sinasabing kung magkakaroon ng paglipat ng supply
curve pakanan mula S1 patungong S2 at hindi magbabago ang demand,
magkakaroon ng labis na supply o surplus sa pamilihan. Kapag may surplus sa
pamilihan, bababa ang presyo ng produkto o serbisyo. Sa pagbaba ng presyo,
tumataas ang quantity demanded ngunit kasabay nito ang pagbaba ng quantity
supplied. Mapapansin na nagkaroon ng panibagong ekwilibriyong presyo na Php30
26
at ang ekwilibriyong dami ay naging 50.
2. Paglipat ng Supply Curve pakaliwa subalit walang pagbabago sa Demand
Curve

Ipinapakita sa itaas na graph na ang ekwilibiryong presyo ay Php30 at ang


ekwilibriyong dami ay 50. Kung magkakaroon ng paglipat ng supply curve
pakaliwa mula S1 patungong S2 at hindi magbabago ang demand curve,
magkakaroon ng kakulangan o shortage. Kapag may shortage sa pamilihan,
tataas ang presyo ng produkto o serbisyo. Sa pagtaas ng presyo, bumababa
ang quantity demanded ngunit tumataas naman ang quantity supplied.Dahil
dito mapapansin na ang ekwilibriyong presyo ay naging Php40 at ang
ekwilibriyong dami naman ay naging 40.
3. Paglipat ng Demand Curve pakanan subalit walang pagbabago sa Supply
Curve

Ipinapakita sa graph sa itaas ang ekwilibriyong presyo ay Php10 at ang


ekwilibriyong dami ay 40. Subalit kung magkakaroon ng paglipat ng demand
curve pakanan mula D1 patungong D2 na hindi nagbabago ang supply curve,
magkakaroon ng labis na demand o shortage sa pamilihan. Kapag may
shortage sa pamilihan, tumataas ang presyo ng produkto o serbisyo. Sa
pagtaas ng presyo nito, bababa ang quantity demanded subalit tataas naman
ang quantity supplied. Mapapansin ang ekwilibriyong presyo ay naging Php20
27
at ang ekwilibriyong dami ay 50.

4. Paglipat ng Demand Curve pakaliwa subalit walang pagbabago sa Supply


Curve

Makikita sa graph sa itaas na ang ekwlibiryong presyo ay Php20 at ang


ekwilibriyong dami naman ay 60. Sinasabing kung magkakaroon ng paglipat
ng demand curve pakaliwa mula D1 patungong D2 nang hindi nagbabago
ang supply curve, magkakaroon ng labis na supply o surplus sa pamilihan.
Kapag may surplus sa pamilihan, bababa ang presyo ng produkto o serbisyo.
Kapag bumaba ang presyo tataas ang quantity demanded ngunit bababa
naman ang quantity supplied. Dahil dito mapapansin na nagkaroon ng
panibagong ekwilibriyong presyo na Php10 at ekwilibiryong dami na 50.
PARAAN NG PAGTUGON/ KALUTASAN SA MGA SULIRANING DULOT NG
KAKULANGAN (SHORTAGE) AT KALABISAN (SURPLUS)

Shortage
Dagdagan ang supply
Import
Paliwanag:
kapag may shortage ang presyo ay tumataas. Ang quantity demanded ay
bumababa habang ang presyo sa pamilihan ay tumataas, ang quantity
supplied ay tataas din dahil ang mga prodyuser ay nagaganyak na lumikha
ng mas maraming produkto.
Halimbawa nito kapag nagkaroon ng shortage sa sardinas, e kaya namang
iproduce ito ng mga producer ng 1 hanggang 2 araw kung gayon,kaya nilang
dagdagan ang kanilang supply sa sardinas,kapag nagkaroon ng shortage.
Import? Halimbawa nito ang pagkakaroon ng shortage sa bigas, hindi naman
agad agad ay makakapag produce ng bigas ang mga magsasaka at
maghihintay pa tayo ng tatlong buwan para magkaroon ng bigas, eh pano ito
masosolusyonan kung matagal pa tayo makukuha dito maipapasok ang pagiimport ng mga bigas galing sa ibang bansa dahil merong tayong shortage sa
bigas

Surplus
28

Bawasan ang supply


Promo/Sale
Export
Paliwanag:
kapag maraming surplus ng isang produkto bumababa ang presyo nito.
Kapag ang presyo sa pamilihan ay bumaba, ang quantity demanded ay
tataas
Halimbawa nito ay pagkakaroon ng promo/sale tulad sa megamall noon
nagkaroon sila ng dalawang araw ng pagiging sale,dahil napakarami ng
produkto nila at naudyok silang magkaroon ng promo/sale sa mababang
halaga,kayat makikita nating dinudumog talaga ang isang pamilihan kung ito
ay sale at mababa ang halaga kumpara sa totoo nitong presyo.
Sa pagbabawas ng supply malalaman naman ito ng mga prodyuser at
magiging lesson na rin sa kanila ang pagkakaroon ng labis labis na supply at
babawasan na nila ang kanilang supply sa susunod
Isa pang halimbawa nito ay pag-eexport sa ibang bansa kunware labis labis
ang supply natin sa coconut maari tayong mag export ng mga supply ng
coconut sa ibang bansa at kikita pa tayo sa pag-eexport nito.

PAGSUSULIT:

29

1. Ito ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser.


2. Ang puwersa ng demand at suplay ay magtatakda ng ekwilibriyong presyo ng
produkto.
3. Ang tawag sa pinagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo.
4. Anumang sitwasyon sa kalagayan na hindi pareho ang Quantity Demanded at
Quantity Supplied
5. Ito ay nararanasan kung ang Quantity Supplied ay mas marami sa Quantity
Demanded
6. Ito ay nararanasan kung ang Quantity Supplied ay mas kaunti sa Quantity
Demanded
7. Kung magkakaroon ng paglipat ng supply curve pakanan at hindi magbabago
ang demand, ano ang mangyayari sa mga produkto sa pamilihan?
8. Kung magkakaroon ng paglipat ng demand curve pakaliwa ngunit hindi
nagbabago ang supply, ano ang mangyayari sa produkto?
9. Kung may surplus sa pamilihan, ano ang mangyayari sa presyo ng produkto o
serbisyo?
10.
Kung may shortage naman sa pamilihan, ano ang mangyayari sa
produkto o serbisyo?
11.
Magbigay ng ilang paraan para malutas ang shortage
12.
Magbigay ng ilang paraan para malutas ang surplus
13.
. Ang shortage at surplus ay uri ng ano?

MGA SAGOT:

30

1. Ekwilibriyong Presyo
2. Law of Demand and Suplay
3. Ekwilibriyong Dami
4. Disekwlibriyo
5. Surplus
6. Shortage
7. magkakaroon ng labis na supply o surplus
8. magkakaroon ng labis na supply o surplus
9. Bababa ang presyo
10.
Tataas ang presyo ng produkto.
11.
Import,dagdagan ang supply
12.
Export,promo/sale,bwasan ang supply
13.
Uri ng disekwilibriyo

31

ARALIN 5 : ANG PAMILIHAN: KONSEPTO AT MGA


ESTRUKTURA NITO
LAYUNIN:
Inaasahang ikaw ay makapagpapaliwanag ng kahulugan ng pamilihan
at makakaunawa at makapagsusuri ng ibat ibang Sistema o estruktura
ng pamilihan na tumutugon sa maraming pangaangailangan ng mga
tao.

Lecture:
ANG KONSEPTO NG PAMILIHAN:
Pamilihan
ito ay isang lugar na kung saan ay nakakamit ng isang konsyumer ang sagot
sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga
produkto at serbisyong handa at kayang niyang ikonsumo. Ang prodyuser
naman ang tagapagtustos ng mga serbisyo at produktong ito.
Ito ang karaniwang pinupuntahan araw-araw na kung saan tayo ay bumibili
ng ating mga kailangan o gusto at ibinibigay naman ng nagbebenta ang
kanyang ibinebentang produkto o serbisyo kapalit ng perang pambili ng
konsumer.
Ayon ka Gregory Mankiw "Markets are usually a good way to organize an
economic activity". Sinasabi nito na ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser ay
naisasaayos sa pamilihan.

Invisible Hand

ito ang itinawag ni Adam Smith sa unintended social benefits resulting from
individual actions.
The phrase is employed by Smith with respect to income distribution (1759)
and production (1776).
ito rin ang siyang gumagabay sa ugnayan ng konsumer at prodyuser
ito ay ang "presyo", na siyang instrument upang maging ganap ang palitan
sa pagitang ng konsyumer at prodyuser
Ang presyo ang siyang nagtatakda sa dami ng handa at kayang bilhin na
produkto at serbisyo ng konsyumer. Presyo rin ang siyang batayan ng prodyuser ng
kanilang kahandaan at kakayahan nilang magbenta ng mga takdang dami ng mga
produkto at serbisyo.
Ang pamilihan ang mabisang nagpapakitan ng ugnayan ng demand at supply. Sa
pagtaas ng demand ng konsyumer, nagiging dahilan ito ng pagtaas ng presyo.
Nagbubunga ito sa pa lalong pagtaas sa pagnanais ng prodyuser na magdagdag pa
ng supply.

Ang pamilihan ay nahahati sa apat ang


32 lawak. Ito ay ang mga sumusunod:
Lokal- Hal. Sari-Sari store
Panrehiyon- Hal. Abaka(Bicol), Dried fish(Cebu), Durian(Davao)
Pambansa o pandaigdigan- Hal. Bigas

MGA ESTRUKTURA NG PAMILIHAN:


Ito ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa Sistema ng merkado kung saan
naipapakita ditto ang koneksyon ng konsyumer at prodyuser. Ito ay may dalawang
sangay-ang pamilihang na may ganap na kompetisyon (Perfect Competition) at ang
pamilihang hindi ganap ang kompetisyon (Imperfect Competition). Ang bawat
balangkas ay may ibat ibang katangian at anyo. Tunghayan natin ang paliwanag sa
bawat sangay.
Pamilihang May Ganap na Kompetisyon
Estruktura ng pamilihan na sinasabi bilang ideal dahil sa etrukturang ito ay
nagkakasundo ang konsyumer at prodyuser sa iisang presyo. Hindi maaring ang
prodyuser lamang ang magtakda ng presyo ng kaniyang serbisyo o produkto na
ipinagbibili. Ganun din naman sa konsyumer, hindi nila kayang kontrolin ang
magiging takbo ng presyo sa pamilihan. Ito ay nangangahulugan na walang
sinoman sakanila ang makakakontrol ng presyo sa pamilihan.
Ayon kay Paul Krugman at Robin Wells sa kanilang aklat na economics 2nd
edition. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ay may sumusunod na
katangian :
a. Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
Sinasaad dito sa katangiang ito na dahil maraming maliliit na konsyumer,
walang kakayaahan ang konsyumer na impluwensyahan ang presyo ng isang
serbisyo o produkto dahil hindi siya ganon kaimportante dahil alam ng mga
prodyuser na may ibang konsyumer pa diyan na bibili sakanila ng produkto o
serbisyo. Ganun din naman sa prodyuser, hindi sila maaring magtakda ng sarili
nilang presyo at sumusunod lamang sila sa pangkalahatang presyo sa pamilihan
upang sila ay hindi malugi.
b. Magkakatulad ang produkto
Ang ibig sabihin nito ay ang pagkakatulad ng mga produkto ay
nangangahulugang pagkakaparepareho din ng presyo. Hindi maaring ang
magkaparehong produkto ay magkaiba ng presyo dahil malamang ay bibili ang mga
konsyumer kung saan sila makakamura. Dahil ditto ay nagkakasundo lamang ang
mga prodyuser sa iisang presyo upang hindi sila malugi.
c. Malayang paggalaw ng sangkap ng produksyon

Ang mga negosyante ay walang kontrol sa mga salik ng produksiyon lalo na


sa mga available natural resources kaya lahat ng nagbebenta ay halos pareparehas
lang ang pinagkukunan kaya ang presyo ng kanilang puhunan para sa salik ng
produkiyon na kanilang kakailanganin ay halos pareparehas.

d. Malayang pagpasok at paglabas sa industriya


32 sa lahat ng may kakayahan o kapasidad
Ang pagnenegosyo ay bukas para
para ditto kung kayat sa dami ng mga may kakayanan mag negosyo at hindi
naiiwasan ang pagkakaroon ng kompetisyon sa kanilang mga kompanya o maging
sa malilit na negosyo. Halimbawa na lamang ang sa Jollibee at mcdonalds, maaring
magkaparehong manok ang kanilang produkto ngunit dahil sa kompetisyon ay mas
gumaganda ang serbisyo ng kanilang inihahanda sa konsyumer.
e. Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan
Dahil ang sistema ay malaya, ang presyo ng mga produkto ay bukas para sa
kaalaman ng lahat. Ang halimbawa nito ay sa mga palengke ay mayroon silang
lugar kung saan maaring makita ang tamang presyo ng mga produkto. Sa
telebisyon naman ay may napapanood tayo sa balita na sinasabi o inaanunsyo ang
mga pagbabago sa presyo sa ating lokal na pamilihan.

Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon


Ito ay ang mga pamilihang na walang ni isang katangian ng ganap na
kompetisyon. Sa ganitong sangay ng estruktura ng pamilihan ay kayang kontrolin
ng prodyuser ang mga produktong kanilang ibinebenta sa pamilihan. Ito ay may
ibat ibang anyo. Tunghayan ang ibat ibang anyo ng pamilihang may hindi ganap
na kompetisyon.
a. Monopolyo
Ito ay uri ng pamilihan kung saan iisa lamang ang prodyuser na gumagawa
ng produkto o nagbibigay ng serbisyo kung kayat walang kapalit o kahalili. Dahil
dito, may siya ay may kakayahang implwensiyahan ang pagtatakda ng presyo sa
pamilihan.
Sa kawalan ng kakompetensiya at ng mapagpipilian, ang mga mamimili ay
walang magawa kundi tanggapin ang presyong itinakda ng mga monopolista. Kaya
ring kontrolin ng monopolista nag suplay sa pamilihan sapagkat isa lamang ang
gumagawa ng isang produkto. Kung babawasan ng monpolista ang kanilang suplay,
lalong tataas ang presyo ng kanilang produkto. Ang mga pangunahing katangian ng
monopolyo ay ang sumusunod:
Iisa ang nagtitinda- Dahil isa lamang ang nagbebenta, naididikta ang
presyo at dami ng suplay, batay sa profit max rule o pagnanais ng prodyuser na
makakuha ng malaking kita.
Produkto na walang kapalit- Ang mga produkto ay walang kauri na
maaring maging substitute o humalili kaya nakokontrol ang presyo at dami ng
suplay.
Kakayahang hadlangan ang kalaban- Dahil sa mga patent, copyright,
at trademark gamit ang Intellectual Property Rights, hindi makakapasok ang

ibang nais na maging bahagi ng industriya na kaparehas sa hanay ng produkto


at serbisyong nililikha ng mga monopolista.
Ang copyright ay isang legal na proteksiyon na ipinagkakaloob sa gumagawa
at naglalathala ng mga aklat, computer software,video, at komposisyong musikal
laban sa pangongopya ng iba. Samantala ang patent ay ang eklusibong karapatan
ng imbentor na magprodyus at magbenta ng bagong produkto o makinarya sa isang
takdang panahon. Ang trademark naman ay ang paglalagay ng mga simbolo o
marka sa mga produkto at serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng
kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito.
Mayron din tayong mga prodyuser
33 na kabilang sa tinatawag na Natural
Monopoly o iyong mga kompanyang binigyang karapatan na magkaloob ng sebisyo
sa mga mamamayan. Ito ay dahil sa kaya nilang gawin ang mga produkto at
serbisyo sa mas mababang gastos kaysa sa kumuha pa ng mas maraming
kumpanya. Ang mga halimbawa ng mga serbisyong na ibinigay sa konsyumer sa
ganitong estruktura ng pamahalaan ay ang kuryenta, tubig, tren at iba pang public
utility.
Kadalasang mga pangunahing pangangailangan ang sumasailalim sa
monopolyo. Dahil dito napupunan ang pangangailangan ng mga tao. Sa kabilang
banda, dahil iisa lamang ang mapagkukunan ng produkto o serbisyo, walang
maaring gawin ang mga consumer kundi maghintay tuwing magkakaroon ng aberya
sa mga ito.
b. Monopsonyo
Ang Monopsonyo ay isang uri ng pamilihan na hindi ganap ang kompetisyon.
Sa pamilihang ito ay mayroon lamang na iisang konsyumer o mamimili subalit
maraming prodyuser ng produkto at serbisyo. Monopsonista ang tawag sa nagiisang kosyumer sa pamilihang ito. Dahil nga sa iisa lang ang konsyumer, may
kapangyarihan siya na impluwensyahan o diktahan ang presyo at mga salik sa
pamilihan. Kadalasan ay ang mga mamamayan ang prodyuser ng serbisyo sa
ganitong sistema at ang mga kompanya o organisasyon naman ang konsyumer ng
serbisyo.
Isang halimbawa ay ang pamahalaan, ang pamahalaan ang nag-iisang
kumukuhan ng serbisyo ng mga pulis, sundalo, traffic enforcers, at iba pa. Dahil
nga pamahalaan lang ang kumukuha ng kanilang serbisyo bilang mga empleyado ,
ay may kakayahan ang pamahalaan na diktahan ang kanilang magiging sweldo.
May kapangyarihan din ang pamahalaan na diktahan ang mga kwalidad na dapat ay
mayroon sila; halimbawa ay dapat nakapagtapos ng High School ang isang tao bago
siya tanggapin sa pulisya.
Isa pang halimbawa ay isang Rice Milling Company. Kung nag-iisa lamang ang
rice miller sa isang lugar ay maaaring niyang babaan ang bayad sa mga magsasaka
para sa palay. Maaari niyang gawin ito upang tumaaas ang kanyang magiging kita o
tubo mula sa maiibebenta niyang bigas.
Mayroon pang ibang halimbawa tulad ng Military Industry, Space Indutry, at
iba pa.
c. Oligopolyo
Sa ganitong sangay iilan lamang ang na prodyuser ang nagbebenta ng
magkakahalintulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo. May kakayhaan din
ang prodyuser na makontrol ang presyo na umiiral sa pamilihan. Dahil dito,
nagkakroon ang mga prodyuser ng collusion kung saan sila ay nagsasabwatan sa

pagkontrol ng presyo at ang katawagan naman sa samahan ng mga oligopolista ay


kartel. Ito ay mahigpit na pinagbabawal sa Pilipinas upang hindi malabag ang
Consumer Act kahit na hindi ito kasama sa provision nito, ngunit ang mga
konsyumer pa rin ang nalulugi kaya ito ay ipinagbabawal. Nagkakaroon ditto ng
hoarding, kung saan itinatago ang mga produkto upang magkulang ang supply at
tumaas ang presyo. Halimbawa ng mga produktong ibinebenta sa ganitong
estruktura ay semento, bakal, ginto, petrolyo, computer/phone operating systems.
Sa pananaw ni Adam Smith ukol sa katotohanan ng pagkakaroon ng kartel,
ang mga negosyante ay hindi direktang naguusap tungkol sa kanilang sabwatan
kundi sa kani-kanilang interaction at paguunwaan kahit hindi sila nagkikita.
Ang United States Antitrust Law naman ay ang pagbabawal sa mga
kumpanya na magkaroon ng collusion at kartel, at mga organisayon na
nakakapagbawas sa pagkakaroon ng kompetisyon sa kanila. At pinagtitibay pa ito
ng Competition Law kung saan pinapanatili ang kompetisyon sa mga kompanya. Sa
pamamagitan nito ay nagkakaroon din ng pagtaas
sa ekonomiya ng bansa.
34
Ang Organization of Petroleum of Exporting Countries(OPEC) ay isang
halimbawa ng pandaigdigang kartel. Sila ang nagtatakda ng presyo ng produktong
petrolyo sa buong daigdig. Itinatag ito noong September 10-14, 1960 at binuo ng
mga bansang Iran,Iraq,Kuwait,Saudi Arabia at Venezuela. Sa ngayon binubuo na ito
ng labindalawang mga bansa kasama na ang mga bansang Algeria, Angola,
Ecuador,Libya,Nigeria,Qatar at United Arab Emirates. Ito ay pinahihintulutan
sapagkat ang mga bansang ito ang pinagkukunan natin ng petrolyo na
kinakailangan natin. Kaya kung magkaroon man ng pagtaas sa petrolyo, sila ang
nagtakda ng paggalaw sa presyo.
Upang higit na maintindihan, halimbawa ang Apple at ang Microsoft
Windows, sabihin nating may kartel na namamagitan sa dalawang kumpanya,
maaring ang gawin nila ay gumawa ng virus sa isat isa para sila rin ay gumawa ng
antivirus para dito kaakibat ng pagkakaroon nito ay maaring taasan nila ang presyo
ng kanilang mga gadgets na ibinebenta kahit na wala naming pagbabago pa sa
ibang specs nito tanging yung antivirus lamang at ang mga millennials na walang
ibang pagpipilian kundi bumili para sa kanilang trabaho ay bibili talaga at sabay ang
pagtaas ng kita ng dalawang operating systems. Kung iisipin natin na walang kartel
na nagaganap sa kanila ang maaring maging dulot nito ay ang pagtaas ng kalidad
at pagangat ng teknolohiya lalo na sila ang ginagamit ng nakararami. Dahil
magkakaroon ng kompetisyon sa kanilang dalawa at maghihigitan silang dalawa na
magada naman ang maidudulot nito.
d. Monopolistic Competition
Ang Monopolistic Competition ay isang estruktura ng pamilihan kung saan
hindi ganap ang kompetisyon. Sa ganitong estruktura ay maraming kalahok na
prodyuser at marami ring kalahok na konsyumer. Ngunit kahit maraming prodyuser
at konsyumer, ay may kakayahan pa rin ang mga prodyuser na magtakda ng
kanilang sariling presyo na hindi gaanong nakadepende sa presyo ng mga
kakompetensyang produkto dahil walang maituturing na direktang kahalili sa
produkto. Dahil ito sa product differentiation, kung saan binabago ng mga
prodyuser ang ibang aspeto ng kanilang produkto at serbisyo upang maiba mula sa
mga kaparehas na uri ng produkto at serbisyo mula sa ibang prodyuser. Maaaring
iisa ang uri ng produkto ngunit maaaring magkakaiba ang brand, packaging,
labeling, presentasyon, at maging lasa o flavor. Ginagawa ito ng mga prodyuser sa
layuning kumita at mas makilala at tangkilikin ang kanilang produkto at serbisyo.
Maaari ding gumamit ng advertisement upang mas lalong makilala ang kanilang
produkto at serbisyo..
Maaari ding mangyari na mayroon lamang na iisang

malaking kompanya na nagmamay-ari ng ibat-ibang brand ng magkakaparehas na


produkto. Maaari nila itong gawin upang bumuo ng kompetisyon at pagpipilian sa
pagitan lamang ng sarili nilang mga produkto at lahat ng kikitain ay sa kanila pa rin
mapupunta.
Ang mga halimbawa ng mga produkto at serbisyong ipinagkakaloob sa
pamilihang may monopolistic competition
ay ang mga sabong panlaba at
pampaligo, toothpaste, pabango, fabric conditioner, cellphone, softdrinks,
appliances, fastfood restaurants, serbisyo ng mga ospital, hair salon, beauty at
cosmetic products, at marami pang iba. ( Balitao, 2012)

PAGSUSULIT:
1.
2.
3.

35

Magbigay ng tatlong katangian


ng pamilihang may ganap na
kompetisyon

4. Ano ang katawagan sa samahan ng mga oligopolista?


5. Ano ang tawag sa sabwatan ng mga negosyante upang parehas tumaas ang
kani-kanilang sales?
6. Ano ang pangalan ng pandaigdigang kartel na nagtatakda ng presyo ng
produktong petrolyo?
7. Ano ang Natural Monopoly?
8. Ano ang mga pangunahing katangian ng monopoly?
9. Magbigay ng isang humahadlang sa mga kalabang nagnanais na maging bahagi
ng industriya na kaparehas sa hanay ng produkto at serbisyong nililikha ng mga
monopolista. Ipaliwanag.
10. Anu- ano ang apat na lawak ng Pamilihan?
11. Ano ang tawag sa nag-iisang konsyumer sa uri ng pamilihan na monopsonyo?
12. Ano ang pamilihan?
13. Ito ay ang proseso ng pag-iiba ng produkto o serbisyo ng isang prodyuser mula
sa produkto o serbisyo ng ibang prodyuser?
14. Sino ang nagsabing "Markets are usually a good way to organize an economic
activity"?
15. Ano ang layunin ng mga prodyuser sa sa sagot sa bilang 13?

MGA SAGOT:

36

1. Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser;


Magkakatulad ang produkto; Malayang paggalaw ng
2. sangkap ng produksyon; Malayang pagpasok at paglabas
3. sa industriya;Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan

Kahit alin dito basta tatlo

4. Kartel
5. Collusion
6. Organization of Petroleum of Exporting Countries
7. Ang Natural Monopoly ay iyong mga kompanyang binigyang karapatan na
magkaloob ng sebisyo sa mga mamamayan. Ito ay dahil sa kaya nilang gawin ang
mga produkto at serbisyo sa mas mababang gastos kaysa sa kumuha pa ng mas
maraming kumpanya.
8. Ang mga pangunahing katangian ng monopolyo ay ang sumusunod:

Iisa ang nagtitinda

Produkto na walang kapalit

Kakayahang hadlangan ang kalaban

Ang copyright ay isang legal na proteksiyon na ipinagkakaloob sa gumagawa


at naglalathala ng mga aklat, computer software,video, at komposisyong
musikal laban sa pangongopya ng iba.

Ang patent ay ang eklusibong karapatan ng imbentor na magprodyus at


magbenta ng bagong produkto o makinarya sa isang takdang panahon.

9.

Ang trademark naman ay ang paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga


produkto at serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang
may gawa o nagmamay-ari nito.
(Kahit alin sa tatlo)

10. Lokal, Panrehiyon, Pambansa o Pandaigdigan


11. Monopsonista
12. Ito ay isang lugar na kung saan ay nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa
marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto
at serbisyong handa at kayang niyang ikonsumo. Ang prodyuser naman ang
tagapagtustos ng mga serbisyo at produktong ito.
13. Product differentiation
14. Gregory Mankiw
15. Kumita at mas makilala at tangkilikin ang kanilang produkto at serbisyo

Aralin 6: Ang Ugnayan ng


37 Pamilihan at Pamahalaan
Layunin:
Upang malaman ang ugnayan ng pamahalaan sa pamilihan.
Upang malaman ang gampanin ng pamahalaan bilang isang natatanging
institusyon na may kapangyarihan sa pagdedesisyon ukol sa suliranin ng
pamilihan at ng kabuuang ekonomiya ng bansa.

Lecture:
Una, alam natin sa pamilihan may pagkakataon na ang equilibrium price at
quantity demanded ay hindi masyadong mababa o mataas sa tingin ng mga
prodyuser o konsyumer. Ayon sa libro, sa sitwasyong ito, papasok ang pamahalaan.
Sumunod, alamin natin ang ibig sabihin ng pamahalaan. Ayon sa module, ang
pamahalaan ay isang institusyon sa ating bansa. Ayon sa Artikulo II Seksyon 4 ng
1987 Konstitusyon ng Pilipinas, pangunahing tungkulin ng pamahalaan na
paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan. Dito makikediwowta na natin na
meron ng koneksiyon ang pamahalaan dahil nabangit na tayo ay ang pokus ng
pamahalaan. Sa aklat ni Nicholas Gregory Mankiw na Principles of Economics,
ipinaliwanag niya ang Principle 7 na Government can sometimes improve market
incomes. Dito naman malalaman natin na ang pamahalaan ay maaring maki-alam
sa pamilihan at maaring magdulot ito ng pagtaas ng kanilang kita. Bagamat ang
pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya, may mga
pagkakataong nahaharap ito sa pagkabigo o market failure. Ang halimbawa ayon sa
libro ay ang paglaganap ng externalities gaya ng polusyon at pagkakaroon ng
monopoly na nagdudulot ng pagkawala ng kompetisyon. Sa ganitong pagkakataon,
kinikailangan ang pakikialam o panghihimasok ng pamahalaan sa takbo ng
pamilihan.

Sunod naman natin alamin kung ano ang ginagawa ng pamahalaan sa


pamilihan. Nabangit sa mga nakaraang mga aralin na presyo lamang ang salik na
maaring ibahin ng pamahalaan. Upang mapapatatag ang presyo sa pamilihan
ipinapatupad ang price stabilization program at maiwasan ang mataas na inflation.
Ang pagkokontrol ng pamahalaan sa presyo ay nahahati sa dalawang uri: ang
price ceiling at price floor.

Ang unang uri ay price ceiling o maximum price policy o kaya naman ang
pinakamataas na presyo na maaring ipagbili ng isang prodyuser sa kaniyang
produkto. Mahigpit na binabantayan ang mga produkto na nakabilang sa mga
pangunahing pangangailangan kaya naman minamarkahan nila ito ng suggested
retail price (SRP). Ang patakarang ito ay isang pamamaraan upang mapanatiling
abot-kaya para sa mamamayanan
ang presyo ng mga pangunahing
pangangailangan.
Ang price ceiling ay itinakda na mas mababa sa equilibrium price. Labag sa
Anti-Profiteering Law ang labis na pagpapataw ng mataas na presyo. Ito ay
ipinapatutupad ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Trade and
Industry (DTI), bilang pangunahin ahensiya na may tungkulin dito, sa tulong ng mga
lokal na pamahalaan. Ibig sabihin nito, kapag38may napansin ka na nagpataw ng
presyo ng mas mataas sa presyo na ibinigay ng pamahalaan, maari mo itong
isumbong sa DTI at kapag napatunayan na pinataas ng negosyante ang presyo
maari siyang makulong o magbayad ng fine.
Isang halimbawa ng price ceiling ang mataas na presyo ng instant noodles.
Kapag nakita ng pamahalaan na mataas ang pagtingin ng konsyumer sa produkto,
bababaan niya ang dating 15 pesos na instant noodles sa 10 pesos na lamang.
Kapag nangyari ito, tataas ang quantity demanded ng tao, dahil naramdaman ng
prodyuser na mababa lang ang kinikita bumaba ang supply dahil dito nagkakaroon
ng kakulangan o shortage.
Kabilang sa price ceiling ang price freeze o ang pagbabawal sa pagtataas ng
ng presyo sa pamilihan. Mangyayari lamang ito kapag nagkakaroon ng kalamidad.
Kung sino mang negosyanteng magpapataw ng presyo na mas mataas sa
nakatakdang presyo ay maaring makulong o kaya naman ay magbabayad ng
1,000,000 pesos pababa.

30
25
20
Quantity Supplied

15

Quantity Demanded
10
5
0
0

20

40

60

80

100 120 140

Equilibriu
m
Price
Ceiling

Ang pangalawang uri ay price floor o price support o kaya naman minimum
price policy na tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga
produkto o serbisyo. Itinakda ito na mas mataas sa equilibrium price. Katulad ng
price ceiling, isinasagawa ito ng pamahalaan upang matulungan ang mga
prodyuser.
Isang halimbawa galling sa libro ay kung ang equilibrium price ng palay
sobrang mababa. Kapg ito ang nangyari baka mawalan ng interes ang mga
magsasaka na magtanim pa at maaring magdulot ng kakulangan na magdudulot ng
masamang epekto sa ekonomiya. Ang solusyon na magagawa ng pamahalaan ay
pataasin ang presyo. Minsan bibilin na mismo ng pamahalaan ang bibili ng palay
para makasiguro na mataas pa rin ang kanilang kikitain at upang maiwasan ang
kakulangan ng supply ng pamilihan.
39

Sa price floor nagdudulot ito ng pagbaba ng quantity demanded, pagtaas ng


suppy at presyo. Dahil dito ito ay nagdudulot ng kalabisan o surplus sa pamilihan.

60
50
40
Quantity Supplied

30

Quantity Demanded
20
10
0
10 20 30 40 50 60 70 80 90 100110

Price
Floor

Equilibriu
m

Sa kabilang dako, ipinapatupad ng pamahalaan ang minimum wage law o


batas sa pinakamababang suweldo sa sector ng paggawa upang makaiwas ang mga
manggagawa na makatanggap ng suweldo. Ang patakarang ito ay naayon sa
Republic Act 602 o Minimum Wage Law of the Philippines na nag-uutos sa mga
employer na bigyan ng hindi bababa sa minimum wage ang isang manggagawa.

Kapag lumabag ka sa patakaran na ito maari kang makulong at magbabayad ng


multa na 2,000 pesos pataas.
Sa pangkalahatan, hindi maitatangging mahalagang institusyon ang
pamahalaan sa pagaayos ng pamilihan at kabuuan ng ekonomiya. Ayon kay John
Maynard Keynes, ang ekonomiya ng isang bansa ay hindi maiiwasang patakbuhin
ng mixed economy. Kung matatandaan natin, ang mixed economy ay isang uri ng
alokasyon kung saan parehong pamilihan at pamahalaan ang nagoorganisa.

40

PAGSUSULIT:
1. Ano ang pamahalaan?
2. Sa anong Artikulo at Seksyon ng Konstitusyon ng Pilipinas nakasaad ang
pangunahing tungkulin ng pamahalaan?
3. Ano ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan?
4. Sino ang may akda ng aklat na Principle of Economics na kung saan ay
ipinaliwanag nya ang Principle 7?
5. Ano ang natatanging salik na pwedeng baguhin ng pamahalaan?
6. Ano ang ibig sabihin ng SRP?
7. Ano ang batas na ito na nagbabawal sa labis na pagpapataw ng mataas na
presyo sa mga produkto o serbisyo?
8. Ano ang Price Freeze?
9. Ito ang iba pang tawag sa Price Floor.
10.Ano ang nadudulot ng price floor?
11.Ano ang nakasaad sa Republic Act 602 o Minimum Wage Law of the
Philippines?
12.Magkano ang multa kapag nilabag ang Republic Act 602 o Minimum Wage
Law of the Philippines?
13.Ayon kay John Maynard Keynes, ang ekonomiya ng isang bansa ay
__________________?
14.Ano ang iba pang tawag sa Price Ceiling?
15.Ang pagkontrol ng pamahalaan sa sa presyo ay nahahati sa ____ . Ito ay ang
___________ at ____________.

41

MGA SAGOT:
1. Ang pamahalaan ay isang institusyon sa ating bansa.
2. Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
3. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na paglingkuran at pangalagaan ang
sambayanan.
4. Nicholas Gregory Mankiw.
5. Presyo
6. Suggested Retail Price
7. Anti-Profiteering Law
8. Ang Price Freeze ay ang pagbabawal sa pagtataas ng ng presyo sa pamilihan.
9. Price Support
10. Sa price floor nagdudulot ito ng pagbaba ng quantity demanded, pagtaas ng
suppy at presyo. Dahil dito ito ay nagdudulot ng kalabisan o surplus sa
pamilihan.
11. Nag-uutos sa mga employer na bigyan ng hindi bababa sa minimum wage
ang isang manggagawa.
12. 2,000 pesos pataas
13. Hindi maiiwasang patakbuhin ng mixed economy
14. Maximum Price Policy
15. Dalawa; Price Floor at Price Ceiling.

42

Aralin 1;
Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral

Aralin 2;
Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral

Aralin 3;
http://www.niseconomics.com/uploads/1/3/6/8/13688995/1359952071.jpg
https://stevenven5.wordpress.com/supply/
http://www.personal.psu.edu/~dxl31/econ2/Fall_2014/2lecture6.html

Aralin 4;
Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral

Aralin 5;
Investopedia;
http://www.investopedia.com/ask/answers/121514/what-aresome-current-examples-oligopolies.asp
Wikipedia; https://en.wikipedia.org/wiki/United_States_antitrust_law
Wikipedia; https://en.wikipedia.org/wiki/Competition_law
Wikipedia; https://en.wikipedia.org/wiki/Invisible_hand
Wikipedia; https://en.wikipedia.org/wiki/Monopolistic_competition
Wikipedia; https://en.wikipedia.org/wiki/Monopsony
Ekonomiks ;Vibal Group, Inc. , Department of
Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS)

Education-Instructional

Aralin 6;
Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral

43

You might also like