You are on page 1of 26

Ang Mga Pangulo Ng Ikatlong

Republika At Ang Kanilang Mga


Programa

Michelle Rein U. Lim


V - Diamond

Gng. Belinda N. Quisiquisi


Guro

Contents
Manuel A. Roxas......................................................................................................... 3

Elpidio R. Quirino........................................................................................................ 5
Ramon Magsaysay (Kampeon ng Masa).....................................................................8
Carlos P. Garcia......................................................................................................... 10
Diosdado Macapagal (Ama ng Reporma sa Lupa)...................................................12
Ferdinand E. Marcos................................................................................................. 14
Corazon C. Aquino.................................................................................................... 17
Fidel V. Ramos.......................................................................................................... 19
Joseph E. Estrada...................................................................................................... 21
Gloria Macapagal-Arroyo.......................................................................................... 23
Benigno Simeon C. Aquino III....................................................................................26

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 2

Manuel A. Roxas
I. Philippine Trade Act (Bell Trade Act, Parity Rights)

Layunin nitong maibangon ang bagsak na ekonomiya ng bansa.

Ito ay nagkaloob sa mga Amerikanong negosyante ng pantay na karapatang


gamitin at makinabang sa likas na yaman ng Pilipinas.

II. Amnestiya sa mga Collaborators

Nagpalabas si Pang. Roxas ng isang proklamasyon na nagbigay ng


pagpapatawad sa mga political collaborators. Sila ang mga nanungkulan sa
Ikalawang Republika dahil inihabilin ito ni Quezon.

III. Suliraning Pangkatahimikan

Ang mga HUKBALAHAP (HUK) ay isang pangkat ng gerilya na lumaban sa


mga Hapon noong panahon ng digmaan. Nag-umpisa ang gulo nang hindi sila
kilalanin ng mga Amerikano sa kanilang ginawa at wala silang tinanggap na
backpay. Pinaratangan pa sila bilang mga Komunista. Dahil dito, ipinahayag
nila ang pagtutol sa pamahalaan.

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 3

IV. Batas Rehabilitasyon ng Pilipinas


Pangunahing layunin ng pamahalaan nang panahong iyon ay maitayong muli ang
kabuhayan ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa mga
mamamayan at pagpapasiglang muli sa produksyon, kalakalan at pagbabangko ng
bansa. Mahalaga ring maisaayos ang kapaligiran tulad ng mga gusali, daan tulay at
mga sistema ng komunikasyon at transportasyon. Ang pagbabalik ng mhga magaaral sa mga nawasak na paaralan ay isa rin sa mga gawaing pinagtuunan ng
pansin ng pamahalaan.

V.

Pagsapi sa Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa (United Nations)

Layunin ng samahan ang maiwasan ang pagkakaroong muli ng banta ng agresyon


mula sa alinmang bansa. Inaasahan din itong magiging daan para
makapagtulungan ang mga kasaping bansa sa paglutas ng anumang suliraning
haharapin ng sinuman sa kanila.

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 4

Elpidio R. Quirino
Mga Programa ng Administrasyong Quirino
I. Ama ng Industriyang Pilipino

Pinagtuunan ng pansin ng Administrasyong Quirino ang pagpapaunlad ng


ekonomiya sa pamamagitan ng industralisasyon.

II. Mga Programang Pangkaunlaran

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 5

Pagpapagawa ng mga farm-to-market roads

Pagtatatag ng Central Bank of the Philippines

Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law upang


mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa

III. Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo

Sinikap ng Administrasyong Quirino ang makipag-ugnayan sa maraming


bansa upang mabigyang-lunas ang banta ng komunismo.

Nanatili bilang aktibong kasapi ng United Nations ang Pilipinas. Nahalal bilang
pangulo ng UN General Assembly si Carlos P. Romulo

Philippine Expeditionary Forces To Korea (PEFTOK)

Bilang pakikiisa sa paglaban ng komunismo, nagpadala ang Pilipinas


ng mga kawal upang makipaglaban sa Digmaan sa Korea (1950-1953).
Isa sa mga kawal na ipinadala sa Korea ay si dating pangulong Fidel V.
Ramos.

IV. Pagharap ng Suliranin sa mga Huk


Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 6

Pinili ni Pang. Quirino si Ramon Magsaysay bilang Kalihim ng Tanggulang


Pambansa. Dahil dito, unti-unting napasuko ang mga Huk kabilang na ang
pinuno nitong si Luis Taruc.

Amnestiya para sa mga Huk

Itinatag ng Pang. Quirino ang Economic Development Corps (EDCOR).


Sa ilalim ng programang ito, lahat ng susukong kasapi ng Huk ay
bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng lupang masasaka.

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 7

Ramon Magsaysay (Kampeon ng Masa)

Ipinatupad nya rin na gawing dress code ang pagsusuot ng barong tagalog sa
lahat pormal na programa sa Malakanyang.

Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang pagsasalin ng ating Pambansang Awit sa


wikang Filipino. Sa bisa ng Dept. Order No.5, s. 1956 noong ika-26 ng Mayo
1956, ipinag-utos ang paggamit ng translation na gawa nina Idelfonso Santos
at Julian Cruz Balmaceda at isinaayos ni Lt. Col. Antonio Buenaventura.

Mga Programa ng Administrasyong Magsaysay

Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino

Pagpapaunlad ng mga baryo

Pagdinig sa mga karaingan ng mga tao

Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa

I. Social Security Act

Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Social Security System (SSS) noong
Hunyo 18, 1954. Layunin nito na bigyan ng kapanatagan ang mga kawani sa
pribadong sektor. Ilan sa mga pakinabang nito ang tulong sa pagpapagamot,
pabahay, pautang at pensyon sa pagreretiro.

II. Tulong sa mga Magsasaka

Sa ilalim ng Land Tenure Law, bibilhin ng pamahalaan ang mga malalaking


hacienda upang maipamahagi sa mga magsasaka ng hulugan.

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 8

Itinanatag din ang Agricultural Credit and Cooperative Financing


Administration (ACCFA) at Farmers Cooperative Marketing Association
(FACOMA) upang matulungan ang mga magsasaka sa suliraning pinansiyal.

III. Pagpapa-unlad sa mga Baryo

Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang pagpapatayo ng mga poso at patubig


upang mapabilis ang pag-unlad sa mga baryo.

Naglunsad ng pananaliksik ukol sa makabagong sistema ng pagsasaka at


mga bagong uri ng binhi tulad ng Masagana.

IV. Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa

Itinatag sa Maynila noong Sept. 8, 1954 ang Southeast Asia Treaty


Organization (SEATO). Ito ay samahan ng mga bansa na nagkasundong
magtutulungan sa paglaban ng komunismo.

Nilagdaan ng Japan at Pilipinas ang Reparation Agreement noong May 9,


1956. Ito ay bilang kabayaran ng Japan sa pinsalang dulot ng digmaan.

V. Presidential Complaints and Action Committee (PCAC)

Ang PCAC ay nagbigay ng pagkakataon sa mga karaniwang tao upang magabot ng kanilang hinaing sa pangulo. Nagpunta din siya sa mga nayon upang
makihalubilo sa mga karaniwang tao. Dahil dito, nakilala siya bilang Kampeon
ng Masa

VI. Reparation Agreement

Nagtadhana ito sa pagbabayad ng Japan sa Pilipinas ng halagang 800


milyong dolyar sa loob ng 25 taon bilang bayad-pinsala sa mga nagawa nito
sa Pilipinas sa panahon ng giyera. Para sa akin, ito ang pinakamagandang
nagawa ni Pangulong Magsaysay, nararapat lamang na magbayad ang
bansang Japan bilang bayad pinsala sa gyerang kanilang sinimulan, kulang pa
nga ang 800 milyong dolyar sa ilang libong tao na nagging biktima at
napatay sa naganap ng digmaan.

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 9

Carlos P. Garcia
Mga Programa ng Administrasyong Garcia

Programa sa pagtitipid

Patakarang Pilipino Muna

Pagpapalaganap ng kulturang Pilipino

Military bases Agreement

I. Austerity Program (Programa sa Pagtitipid)

Layunin nito na mahikayat ang mga Pilipino na mamuhay ng simple at


matipid.

Hinihikayat din nito ang pamahalaan na maging matalino sa paggasta.

II. Filipino First Policy (Programang Pilipino Muna)

Layunin nitong bigyan ng prayoridad ang mga Pilipino sa pagkakamit ng lupa,


puhunan at pangangasiwa sa negosyo bago ang mga dayuhan.

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 10

Hinihikayat din nito ang mga Pilipino na tangkilikin ang mga kalakal na gawa
sa Pilipinas.

III. Pagpapalaganap ng Kulturang Pilipino

Layunin nitong buhaying muli ang ilang mabubuting kaugalian ng mga


Pilipino tulad ng kasipagan, delicadesa at pagkamasinop.

Hinimok nito ang pagtatanghal ng Bayanihan Dance Troupe sa ibat ibang


bansa.

IV. Military Bases Agreement

Layunin nitong magkaroon ng mga pagbabago sa unang kasunduan tungkol


sa isyu ng mga base militar ng Amerika sa Pilipinas.

Pagpapaigsi sa pananatili ng mga base militar sa Pilipinas ng 25 taon mula sa


orihinal na 99 taon.

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 11

Diosdado Macapagal (Ama ng Reporma sa Lupa)

Sa bisa ng Republic Act No. 4166 na ipinasa noong Agosto 4, 1964, ipinagutos ni Pang. Macapagal ang paglilipat ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12
mula Hulyo 4 bilang pagkilala sa Unang Republika ni Pang. Emilio Aguinaldo.
Ang Hulyo 4 ay naging Philippine-American Friendship Day.

Mga Programa ng Administrasyong MacapagalPagtulong sa mga


Magsasaka

MAPHILINDO

Pagpapalaganap ng wikang Pilipino

Pag-aangkin sa isla ng Sabah

I. Agricultural Land Reform Code RA 3844

Layunin nito na mabigyan ng sariling lupa ang mga magsasaka.

Hinati at ipinamahagi sa mga magsasaka ang mga lupa ng pamahalaan at


mga pribadong may-ari na hindi nagagamit.

Hindi ito naging lubos na matagumpay sapagkat tinutulan ito ng mga may-ari
ng lupa.

II. MAPHILINDO

Noong ika 7-11 Hunyo, 1963, lumagda ang mga lider ng bansang Pilipinas,
Indonesia at Malaysia ng isang kasunduan na magkaroon ng matibay na paguugnayan at pagtutulungan. Dito nabuo ang samahang MAPHILINDO.

III. Pilipinismo
Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 12

Ipinag-utos ni Pang. Macapagal ang paggamit ng wikang Pilipino sa mga


opisyal na komunikasyong pandiplomatiko, diploma, sertipiko at iba pang
opisyal na dokumento. Kasama rin dito ang pagpapalit ng mga pangalan ng
kalye, gusali ng pamahalaan at mga kautusan sa militar sa Pilipino.

IV. Pag-aangkin sa Sabah

Ang isla ng Sabah at Sultan ng Sulu

Sa panahon ni Pang. Macapagal, nagharap ang Pilipinas ng karapatan sa


pagmamay-ari sa Sabah.

Ang Sabah (North Borneo) ay dating pag-aari ng Sultan ng Brunei na ibinigay


niya sa Sultan ng Sulu dahil sa pagtulong nito sa pagsupil ng rebelyon sa
Brunei.

Sa ginawang plebisito ng United Nations Secretariat, ninais ng mga tagaSabah na mapasailalim sa Federation of Malaysia

V. Pagtatanim ng Miracle Rice


Ito ay isang uri ng palay na bahagi rin ng programa ni Macapagal sa pagsasaka.
Hangad niya ang pagkakaroon ng mainam na uri ng palay at ito ay ipinasaliksik niya
sa International Rice Reseach Institute. Dahil dito nakilala ang Pilipinas sa
pagsusuplay ng bigas sa ibat ibang bansa. At upang matulungan ang mga
magsasaka na lumaki ang kanilang kita at produksyon

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 13

Ferdinand E. Marcos
Mga Programa ng Administrasyong Marcos

Programa sa Reporma sa Lupa

Proyektong Imprastruktura

Green Revolution

Paglinang sa Kulturang Pilipino

I. Programa sa Reporma sa Lupa

Lahat ng may-ari ng lupa na natatamnan ng bigas at mais ay inutusang hatiin


ang labis nilang lupain. Ito ay ibibigay sa mga magsasakang walang lupa na
kanilang babayaran sa pamahalaan sa loob ng labinlimang (15) taon.

Itinatag din ang Department of Agrarian Reform (DAR) upang mamahala sa


pamamahagi ng lupa.

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 14

II. Proyektong Imprastruktura

Maraming mga patubig, daan at tulay ang naipatayo noong administrasyong


Marcos. Kabilang dito ang Maharlika Highway, Marcos Highway at San Juanico
Bridge. Dahil dito, tinawag siya bilang The Architect of the New Society
Nakapagpagawa din siya ng mga paaralan at mga unibersidad sa ibat ibang
dako ng bansa.
Ipinagawa din niya ang mga tren gaya ng LRT at MRT sa kamaynilaan upang
mas mapabilis ang transportasyon. Sa loob ng dalawampung taon, naging
produktibo ang administrasyong Marcos.
Naipatayo niya ang maraming gusali gaya ng Philippine International
Convention Center, Folk Arts Theater na ngayon ay Tanghalang Francisco
Balagtas, Culture Center of the Philippines, Health Center for Asia, Philippine
Kidney Institute, Lung Center of the Philippines at maraming iba na hanggang
sa ngayon ay napapakinabangan pa.
III. Green Revolution

Itinaguyod ni Pang. Marcos ang pagsasaliksik sa mga bagong paraan para sa


pagpaparami ng pagkain. Ipinag-utos niya ang paggamit ng miracle rice na
kayang magbunga ng mahigit 100 kaban ng palay sa bawat ektarya ng lupa.

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 15

Hinikayat din ng pamahalaan ang pagtatanim ng gulay sa mga bakuran,


gusaling pampamahalaan at mga bakanteng lote.

IV. Paglinang sa Kulturang Pilipino

Sa pangunguna ni Gng. Imelda Marcos, naitayo ang Cultural Center of the


Philippines at Folk Arts Theater. Layunin ng mga proyektong ito na makilala
sa buong mundo ang sining ng mga Pilipino.

V. Pagpapatayo ng mga Planta


Sa panahon ng panunugkulan ni Marcos na umabot ng dalawampung taon,
nakapagpatayo siya ng mga Power Plant. Likas na pinagmumulan ng enerhiya
ang nalikha gaya ng hydro, geothermal, dendrothermal, coal, biogas at
biomass. Dahil dito nanguna ang Pilipinas sa Asya sa paggamit ng
dendrothermal at sa loob ng 5 taon, pumangalawa tayo kasunod ng US sa
geothermal utilization. Nakilala tayo sa buong mundo sa larangang ito. Hindi
matatawaran ang galling ni Marcos. Napaunlad niya ang industriyang ito na
hanggang sa ngayon ay atin pang napapakinabanggan. Bago magbitiw sa
pwesto si Marcos sinabi niya kay Cory Aquino na wag papabayaan ang
Nuclear Power Plant dahil malaki ang naiambag nito sa ekonomiya ng bansa.
Ipinakita rito na kahit na aalis sa pwesto si Pangulong Marcos ay patuloy pa
rin siyang nagmamalasakit sa bansang Pilipinas.
VI. Pabahay para sa Masa
Binigyang pabahay ang mga pamilyang maliiit lamang ang natatanggap na
sahod at pamilyang hindi kayang magpatayo ng sariling bahay. Tinawag itong
Bagong Lipunan Improvement Sites and Services o BLISS. 230,000 housing
units ang naipagawa simula 1975-1985. Sa tulong ng pabahay ni Pangulong
Marcos ay nagkaroon ng bagong buhay ang mga taong nakatira sa lansangan
at sa mga ilalim ng tulay. Isa ang Tondo sa nakinabang sa proyektong ito.
Noon ang Tondo ay isang mahirap, magulo, marumi at malaking dako ng
lungsod sa Asya na nagging maayos na komunidad.

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 16

Corazon C. Aquino
Mga Programa ng Administrasyong Aquino
Pagbabalik ng Demokrasya sa Bansa
Pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos
Libreng Edukasyon sa Elementarya at Secondarya
I. Paglikha ng Bagong Saligang Batas

Ipinag-utos ni Pang. Aquino ang pagbuo ng Constitutional Commission upang


gumawa ng bagong Saligang Batas. Natapos ito noong Sept. 2, 1986 at
sinang-ayunan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng isang plebisito noong
Peb. 2, 1987. Tinawag itong Saligang Batas ng 1987.

II. Karapatan sa Pagboto

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 17

Muling ibinalik sa mga Pilipino ang karapatang pumili ng kanilang mga pinuno
sa loob ng mahabang panahon. Ginanap ang unang halalan sa ilalim ng
bagong saligang batas noong Mayo 11, 1987. Ito ang unang malayang
halalan makalipas ang 15 taon.

III. Pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos

Itinatag ng pangulo ang Presidential Commission on Good Government


(PCGG) upang muling mabawi ang mga yaman ng bansa na ninakaw ng
pamilya Marcos. Tinatayang aabot sa 10 bilyong dolyar ang nawala sa kaban
ng bayan noong panunungkulan ni Pang. Marcos.

IV. Libreng Edukasyon

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 18

Sa bisa ng RA 6655 o Free Secondary Education Act of 1986, naging libre ang
pag-aaral sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at mataas na
paaralan sa buong bansa.

Fidel V. Ramos
Mga Programa ng Administrasyong Ramos

Pagpapaunlad ng Bansa

Makamit ang Pambansang Pagkakaisa

Paglutas sa Suliranin ng Kalusugan

I. Philippines 2000

Layunin ng programang ito na makamit ang kaunlarang pang-ekonomiya at


mapabilang ang Pilipinas sa mga newly industrialized country (NIC) sa taong
2000.

II. Special Economic Zones (SEZ)

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 19

Ito ay ang pagtatakda ng mga lugar sa Pilipinas bilang sentro ng


industriyalisasyon at kalakalaan. Kabilang dito ang mga dating base-militar
ng mga Amerikano sa Subic at region ng CALABARZON.

III. National Unification Commission (NUC)

Layunin ng samahang ito na makamit ang pambansang pagkakaisa sa


pamamagitan ng pakikipagkasundo sa mga kalaban ng pamahalaan tulad ng
mga rebeldeng sundalo at mga miyembro ng NPA at MILF. Naging
matagumpay ito ng makipagkasundo ang mga kasapi ng Moro National
Liberation Front (MNLF) sa pamahalaan noon Sept. 2, 1996.

IV. Oplan Alis Disease

Si Sec. Juan Flavier ng


DOH.

Layunin ng programang ito na malutas ang suliranin ng bansa sa kalusugan.


Pangunahing proyekto nito ang pagbibigay ng libreng bakuna upang

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 20

masugpo ang epidemya ng sakit tulad ng polio, tuberculosis at tetanus.


Namigay din ito ng mga libreng gamot at serbisyo medikal sa mahihirap.

Joseph E. Estrada
Mga Programa ng Administrasyong Estrada

Pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap.

Paglikom ng pondo para sa pamahalaan.

Pagpapababa ng presyo ng mga bilihin.

I. Angat Pinoy 2004

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 21

Layunin ng programang ito ang pagtugon sa mga pangunahing


pangangailangan (basic services) ng mga Pilipino tulad ng edukasyon,
kalusugan at seguridad. Ito ay sinasabing pro-poor ngunit pro-market.
II.

Asset Privatization Trust

III.

Ito ang pagsasapribado ng mga kompanya ng pamahalaan upang makalikom


ng salapi para sa pangangailangan ng bansa.
Enhanced Retail Access for the Poor (ERAP)

Nagtayo ito ng mga rolling stores na nagbebenta ng murang bigas, asukal at


iba pang pangangailangan ng mga Pilipino.

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 22

Gloria Macapagal-Arroyo
Mga Programa ng Administrasyong Arroyo

Pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Pagsugpo sa kahirapan.

Pagpapababa ng presyo ng mga bilihin.

I. Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI)

Programang nilikha upang labanan ang kahirapan sa bansa.

Layunin nitong tulungan ang mga Local Government Units (LGU) na mapabuti
ang pamumuhay ng mga mamamayan.

II. Self-Employment Assistance Kaunlaran (SEA-K)

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 23

Naglalayong pautangin ng puhunan ang mga Pilipinong walang hanapbuhay


para sa pagsisimula ng negosyo.

III. Strong Republic Nautical Highway (RORO)

Layunin nitong mabawasan ang gastusin sa transportasyon mula Luzon


hanggang Mindanao sa pamamagitan ng mga RORO ports (roll-on/roll-off).

IV. Electronic Procurement System o (EPS)

Electronic Procurement System oEPS ay isang inisyatiba ng pamahalaan


sareporma at makabago ang mga serbisyo sapagkuha ng pamahalaan. Ang

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 24

EPS ay inaasahan upangmakamit ang transparency sa mgapampublikong


gawain ng pagkuha.
V. Out-of-School Youth
Mabibigyan na ng pagkakataon na magkaroonng trabaho ang mga out of
school youth nainilunsad na programa ni Pangulong GloriaMacapagal Arroyo.
Mahigit sa 100 out of school youth angnakatakdang i-empleyo ng
pamahalaan paratumulong sa konstruksyon ng mga daan at ibapang
proyekto ng Department of Public Works andHighways (DPWH). Napagalaman pa na kahit pa man ang mgakabataang dati ng nasangkot sa mga
kaso aypwedeng sumali sa nasabing programa upangmabigyan sila ng
pagkakataon na makapagbagongbuhay at manumbalik na rin ang tiwala
sakanilang sarili.
VI. AHON Programa

AHON Programa: AhonBayan, Ahon Bata at ang AhonPamilya - na


naglalayong sapagpapabuti ng mga buhay samahihirap at ang
disadvantagedsa pamamagitan ng pagpapatibayng mga ugnayan na may
ibatibang mga stakeholder.

VII. Tindahan ni Gloria Labandera Rolling Tindahan

Ito ay naglalayong upang bigyanang mahihirap ng pagkakataon nabumili ng


pagkain at mga gamot samas mababa halaga. Ang bigas ngayonay
magagamit anumang oras, mura atng magandang kalidad.

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 25

Benigno Simeon C. Aquino III


Mga Nilalaman ng sona (2011) ni P-Noy

WIDE-RANGING; TRUE STATE OF THE NATION KEPT SECRET FROM THE


PUBLIC
PROBLEMA SA BUDGET
CALAMITY FUND
MWSS
ROAD USERS' FUND
NEGOTIATED CONTRACTS
NAPOCOR
MRT
NFA
ZERO BUDGET
IMMEDIATE STEPS
TAX EVASION
EXTRALEGAL KILLINGS
TRUTH COMMISSION
PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIPS
STREAMLINING PROCESSES
FREEING UP FUNDS
EDUCATION

Michelle Rein U. Lim V - Diamond

Page 26

You might also like