Professional Documents
Culture Documents
LIWANAG AT KADILIMAN
1
Ang tsismis ay isa sa mga pangunahing libangan at pampalipas oras ng
mga Pilipino.
2
Mapapansin ang pagkakaroon ng opinyong publiko sa mga isyung
pambayan, kahit na sa bayan na malayo sa Maynila. Gayundin ang
pagkakahati ng mga tao ayon sa kanilang kinakampihan o sinisisi sa bawat
pangyayari.
3
Si Maria Clara ay naninirahan sa Binondo at kaya lamang siya nasa San
Diego ay para magbakasyon dahilan sa nalalapit na kapistahan ng nasabing
bayan.
4
Talagang dito ay mayroong ipinahihiwatig si Rizal na may iba pang bahay
na pinupuntahan si Padre Salvi at ang bahay ni Maria Clara ay isa lamang.
Bakit nagtataka ang mga tao na may ilaw? Kuripot si Padre Salvi, (katulad
ng mga taong para makatipid ay pinapatay ang ilaw), kaya nag-iiwan ng ilaw
si Padre Salvi ay upang huwag isipin ng mga malisyoso na wala siya sa
kumbento – sa ganitong paraan ay masasabi natin na si Padre ay
“nagtatago sa liwanag”
5
Bakit kaya nagku-krus ang mga beata o lay sister ?
siguro ay naghihinala na mayroong ginagawang hindi tama si Padre Salvi -
makatwiran ang kanilang pagmamalasakit upang mapanatili ni Padre Salvi
ang kalinisan ng kaniyang tungkulin.
255
Si Juan Crisostomo Ibarra ay tumelegrama buhat sa kapitolyo ng
lalawigan at bumati kay Tia Isabel at sa pamangkin nito, ngunit hindi
sinasabi ang dahilan ng pag-alis niya. Marami ang nag-aakalang siya ay
nakabilanggo dahil sa ginawa niya kay Padre Salvi nang kinahapunan ng
Araw ng mga Patay. Ngunit ang mga haka-haka ay nagbago nang makita
siya nang hapon ng ikatlong araw na bumaba sa harapan ng bahay ng
kanyang katipan at bumating magalang sa pari na magpupunta rin
doon.6
Tungkol kay Sisa at sa mga anak nito ay walang
nangagambala.7
Kung magtutungo tayo ngayon sa bahay ni Maria Clara, isang
magandang pugad na napapaligiran ng mga puno ng suha
at ilang-ilang, aabutan pa natin ang magkasintahan na
nakadungaw sa isang bintana na tanaw ang lawa. Ang
nagbibigay ng lilim doon ay mga bulaklak at mga halamang
gumagapang na nagsasabog ng bango at kumakapit sa mga
kawayan at mga kawad. 8
7
Ang mga mahirap ay hindi pinagtutuunan ng pansin ng mga tao.
Halimbawa manakawan ng cellphone ang isang karaniwang tao, may
papansin kaya. Subalit, kapag mga mayayaman o anak ng mga
maykapangyarihan, siguradong nasa pahayagan.
8
Ibig sabihin, sina Ibarra at Maria Clara lamang ang magkasama sa malapit
sa bintana – solong-solo nila dahilan sa wala pa si Kapitan Tiago. Si Tia
Isabel naman ay kausap ni Padre Salvi.
Pansinin ang ambiance na inilagay ni Rizal - Kung magtutungo tayo
ngayon sa bahay ni Maria Clara, isang magandang pugad na napapaligiran
ng mga puno ng suha at ilang-ilang, aabutan pa natin ang magkasintahan
na nakadungaw sa isang bintana na tanaw ang lawa.
Pugad? Hindi ba doon nagtutukaan o naglalabas ng itlog ang mga ibon.
puno ng suha at ilang-ilang? - Pinagsama ang maasim at mabangong
halimuyak ng kapaligiran.
256
Ang kanilang mga labi ay bumubulong ng mga salitang masarap pa
kaysa lagaslas ng mga dahon at mahalimuyak pa kaysa hangin na may
dalang bangong buhat sa halamanan.9 Iyon ang mga sandaling
sinasamantala ng mga sirena sa lawa, ang dilim ng
matuling pagtatakip-silim upang idungaw sa ibabaw
ng mga alon ang kanilang mumunting ulo upang
hangaan at batiin ng kanilang awit, ang paglubog ng
araw.10 Sinasabing ang kanilang mga buhok at mga
mata ay bughaw, may koronang dahon ng mga
halamang tubig na may bulaklak na pula’t puti;11
sinasabing paminsan-minsan ay inilalantad ng
maputing foam ang kanilang parang mga nililok na
katawan, na maputi pa kaysa bula,12 at kung ganap ng kumalat ang
gabi ay sinisimulan nila ang kanilang mga nakawiwiling laro/divinos
9
Kanina ay napansin natin ang salitang pugad (kung saan maaring
magtukaan ang mga ibon) - "Ang kanilang mga labi ay bumubulong ng mga
pangungusap, na masarap pa kaysa lagaslas ng mga dahon at mahalimuyak
pa kaysa hanging may dalang bangong buhat sa halamanan". Alam naman
ni Rizal na ang mga labi ay masarap ibulong hindi sa tainga, kundi sa
kapwa labi. Ibig bang sabihin naghalikan ng labi sa labi sina Ibarra at
Maria Clara? Natural naman, magkasintahan yong dalawa.
Ano ang aking ebidensiya? Tapusin mo itong nobelang ito at makikita mo
ang malupit na katotohanan na talagang naghalikan ng labi sa labi ang
magkasintahan.
Si Ibarra, wala lang ang ama ng dalaga ay nagkakaganyan na.
Huwag mong pagsamantalahan ang magandang pagkakataon.
10
Pansinin pa: “ang dilim ng matuling pagtatakip-silim upang idungaw sa
ibabaw ng mga alon ang kanilang mumunting ulo upang hangaan at batiin
ng kanilang awit, ang paglubog ng araw…” Sinamantala ng sirena ang
pagtatakip-silim (o unti-unting pagdidilim ng kapaligiran) upang hangaan,
batiin (aba!), inaawitan pa ang paglubog ng araw. Talagang si Rizal,
napakalupit gumamit ng mga pananalita!
Naiintindihan mo ba?
Aha! Ikaw ha matalino ka pala – mag-ingat ka lang dahilan sa dumadaloy na
sa iyong utak ANG DUGONG Erehe –he–he-he
11
257
juegos13 at nagpapadinig sila ng mahihiwagang taginting na katulad ng
tunog ng alpa;14 sinasabi rin…15 . sabi ni Ibarra kay Maria Clara ay:
“Bukas, bago magbukang-liwayway, masusunod ang iyong
kagustuhan gagawin kong lahat ngayong gabi upang huwag
magkulang ng anuman.”16
“Kung gayon ay susulat ako sa aking mga kaibigan upang
magpunta rito. Gumawa ka ng paraan na huwag makasama ang
kura!”
“At bakit?”
“Sapagkat tila lagi akong tinitingnan ng palihim.17
Nakasasama sa aking pakiramdam ang kanyang mga matang
mapapanglaw at malalalim; kapag nakatitig siya sa akin ay natatakot
ako. Kapag ako ay kinakausap ay may ibang boses… kung anu-anong
bagay ang sinasabi sa akin na hindi ko malinawan, mga hindi ko
Tita! Ang sabi ko sirena, hindi bakla ang iniimagine ni Rizal – sige balik ka
na sa panggupit mo.
13
Pansinin pa: kawili-wiling laro/divinos juegos– ano kaya iyon?
Nakakaintriga naman ang larong iyon, siguro kapag nakapanood ka ng
larong iyon ay parang gusto mong sumali.
14
Teka, pag naglalaro ng divino juegos ay makakarinig ng mahiwagang
taginting mula sa mga manlalaro (teka, mataas ang pitch ng tunog na iyon).
Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang tunog na kapag narinig mo,
mapipilitan kang tumigil sa anumang iyong ginagawa, at ang iyong buong
isipan ay mapapatuon sa iyong tenga para hanapin ang pinagmumulan ng
mahiwagang taginting.
15
sinasabi rin… TAMA NA AWAT NA – baka kung saan ka pa mapunta? Ang
lakas na mambitin, sana tinuloy ni Rizal ang kaniyang mga mabulaklak na
paglalarawan. “sinasabi rin… ngunit balikan natin ang magkasintahan at
pakinggan natin ang katapusan ng kanilang usapan” Ayon naman pala,
nakalimot lang naman pala - si Rizal at hindi nabantayan ang
magkasintahang Ibarra at Maria Clara at nangangarap lang pala ng tila
kulay berdeng kaganapan. Na katulad ng hinala ng mga malisyosong tao na
mayroong gagawing “hindi maganda” ang magkasintahan o nagmamahalan
kapag sila ay maiiwan sa isa’t isa.
16
258
maunawa ang kahulugan… minsan ay itinanong sa akin kung hindi raw
napapanaginipan ang mga sulat ng aking ina; iniisip ko tuloy na
nasisiraan iyan ng isip.18 Ang sabi ng aking mga kaibigang si Sinang at
si Andeng, ang aking kapatid sa suso,19 ay may kabaliwan daw
sapagkat hindi kumakain, hindi naliligo at nabubuhay sa dilim.20
Gawin mong hindi halata, na huwag nating makasama!”21
“Hindi maaaring hindi natin siya inbitahin,” sagot ni Ibarra na
nag-iisip. “Kaugalian dito ay kailangan ng gayon; naririto sa iyong bahay
at saka nagpakita sa akin ng mabuting ugali. Nang sangguniin siya ng
Alkalde tungkol sa bagay na sinabi ko sa iyo ay pinakakapuri ako at
hindi naglagay ng anumang sagabal.22 Ngunit nakikita kong tila
sumasama ang iyong loob; bayaan mo at hindi natin siya isasama sa
ating bangka.”
Nakarinig ng mahinang yabag: ang kura palang lumalapit sa
kanila na may pilit na ngiti sa labi.23 “Maginaw ang hangin!” ang sabi,
18
Pansinin ang sinabi ni Maria Clara kay Ibarra ukol sa prayleng si Padre
Salvi. “Gawin mong hindi halata, na huwag nating makasama!” Isang
maikling pananalita ni Rizal na patungkol sa mga prayle, ito ay ang huwag
silang makasama sa anumang mga kasayahan ng bayan … maalala sana
ang panukala ni Don Filipo (sa dinami ng kaniyang sinabing panukala ukol
sa kapistahan ay hindi kasali ang mga alagad ng simbahan).
22
Nagpapakita ng mabuting loob si Padre Salvi kay Ibarra – tandaan na ang
magpatawad ay kabanalan, ngunit ang lumimot ay katangahan. Sa kaso ni
Padre Salvi ay hindi siya totoong banal at hindi siya tanga.
23
Pilit na ngiti – iyon ay makikita sa mga taong pinagtatakpan ang sakit na
259
“kapag nagkasipon ay hindi naaalis hanggang hindi dumarating ang tag-
init. Hindi baga kayo natatakot na masipon? Ang kanyang boses ay
nanginginig at ang kanyang tingin ay tungo sa malayo: hindi
tinitingnan ang mga kaharap.24
“Hindi po at para sa amin ay inaakalang naming maganda ang
gabi at ang hangin ay masarap!” ang sagot ni Ibarra. “Sa mga buwang
ito ay mayroon kaming taglagas at tagsibol, nalalagas ang ilang dahon
ngunit sumisipot namang walang hinto ang mga bulaklak.” 25
Si Padre Salvi ay nagbuntung-hininga.26
“Maganda po ang pagkakasama ng dalawang kapanahunang ito
na hindi katulad ng ginaw sa taglamig,” patuloy ni Ibarra. “Sa Pebrero,
lumilitaw ang mga buko sa mga sanga ng mga punong namumunga, at
sa Marso ay mayroon nang mga bungang hinog. Pagdating ng panahon
ng tag-init ay nagtutungo kami sa ibang pook.”27
27
Nagawa ni Rizal na ipaalam sa mga mambabasa na hindi nakakarating sa
Pilipinas ang mga uri ng panahon sa ating bansa. Ang panahon ng tag-init
sa Pilipinas ay panahon na nakaukol sa pamamasyal at pagbabakasyon.
260
Si Padre Salvi ay ngumiti.28 Nag-usap na sila tungkol sa mga
walang halagang bagay, tungkol sa panahon, sa bayan, at sa pista; si
Maria Clara ay humanap ng isang dahilan upang makalayo.
“At dahil napag-uusapan natin ang mga piknik ay ipahintulot
ninyo sa akin na kayo ay aking maanyayahan sa idaraos namin bukas.
Isang kapistahang gawa naming mga magkakaibigan.”
“At saan gaganapin?”
“Ang gusto ng mga dalaga ay sa batisan, na dumadaan sa
kalapit na gubat, na malapit sa baliti: kaya gigising kami ng maaga
upang huwag kaming abutin ng araw.”
Ang pari ay nag-isip; makaraan ang sandali ay sumagot:
“Nakabibighani ang inbitasyon at tinatanggap ko para patunayang wala
akong kimkim na galit sa inyo. Subalit tatanghaliin ako sa pagpunta
roon, pagkatapos kong matupad ang aking mga dapat ganapin.
Mapalad kayong malaya, lubos na malaya!”29
Makaraan ang ilang sandali ay nagpaalam si Ibarra upang
ihanda ang piknik sa kinabukasan. Noon ay gabing madilim. Sa daan ay
may lumapit sa kanyang isang taong bumati sa kanya nang magalang.
“Sino kayo?” ang tanong ni Ibarra sa taong iyon.
“Hindi po ninyo ako kilala, ginoo,” sagot ng kaharap. “Dalawang
araw ko kayong hinihintay.”
“At bakit?”
“Dahil sa kahit saang lugar ay hindi ako kaawaan, ako raw ay
isang tulisan. Nawala ang mga anak kong lalaki, ang asawa
ko ay nasiraan ng isip at sabi ng lahat ay tumpak ang gayong
kapalaran sa akin!”30
Minasdan ni Ibarra ang kausap sa biglang tingin at nagtanong:
“Ano ang nais ninyo ngayon?”
“Hihingiin ko na na kahabagan ang aking asawa at mga anak!”
“Hindi mangyayaring ako ay tumigil,” ang sagot ni Ibarra.
“Kung ibig ninyong sumunod sa akin ay maisasaysay ninyo sa akin
ang mga nangyari, samantalang lumalakad.”31 Ang lalaki ay
28
Bakit napangiti si Padre Salvi?
Napapansin ni Padre Salvi sa mga sagot ni Ibarra na hindi nararamdaman
ng binata ang kaniyang palihim na paraan ng pagpapabatid ng pagseselos.
29
261
napasalamat, at agad silang nawala sa kadiliman ng lansangang may
kakaunting tanglaw.
262