You are on page 1of 4

Jan Celine M.

Credo

11/11/15

BSIE 1-1
Kahalagahan ng wika
1. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay
naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito
nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa.
Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng
paggamit ng wika.
2. Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao
hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin.
3. Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng
madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig
bansa nito.
4. Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan. Sagisag ng
pambansang pagkakakilanlan. Ang wikang pambansa ay siyang susi sa
pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan. Sa
pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao
5. Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika, sa sarili,
sa kapwa, sa lipunan.
Mahalaga ang wika dahil ito ang batayan ng pakikipagugnayan at
pakikipagtalastasan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa
sangkatauhan. Mawawalan ng saysay ang gawain ng sangkatauhan kung
wala ang wika. Dahil ang wika bilang pakikipagugnayan ay ginagamit sa
pakikipagkalakalan, diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan at
pakikipagpalitan ng kaalaman sa agham, industriya at teknolohiya. Ang wika
bilang pakikipagtalastasan ay ginagamit sa pagtungo, paghahanapbuhay at
paninirahan sa ibang bansa. Ito rin ang hudyat ng ating pakikipagtalastasan
sa iba upang magkakaintindihan.

Antas ng Wika
1. Pabalbal- ay ginagamit sa lansangan, ang wikang sinasalita ng mga
walang pinag-aralan. Ito ang pinakamababang antas ng wika.
2. Kolokyal- ito ang wikang sinsalita ng pangkaraniwang tao ngunit
bahagya ng tinatanggap sa lipunan.

3. Lalawiganin- kabilang sa uri o antas na ito ay ang mga salitain o


dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita.
4. Pambansa- ay isang wika na natatanging kinakatawan ang
pambansang pagkilanlan ng isang lahi o bansa.
5. Pampanitikan-ay isang uri ng wika ito ang pinakamayaman na uri.
Kadalasay ginagamit ang mga salita sa ibang pakahulugan.
6. Lingua franca wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa
Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao.

Katangian ng wika
1. Ang wika ay arbitraryo
2. Ang wika ay tunog
3. Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag
4. Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na sinasalita
5. Ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita
6. Ang wika ay laging nagbabago
7. Ang wika ay buhay o dinamiko
8. Ang wika ay nakasandig sa kultura
9. Walang wikang dalisay o puro
10. Walang wikang superyor.

Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika


1. Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa
kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing
bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng
kampana, relo, tren, at iba pa.

2. Bow Wow - kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman


ang pinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip
ng hanging, at iba pa.
3. Pooh Pooh - tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog
at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga
tao.
4. Kahariang Ehipto - Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay
sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit
walang nagtuturo. Unconsciously learning the language.
5. Charles Darwin - Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may
pamagat na "On the Origin of Language", sinasaad niya ang
pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya
upang malikha ng iba't ibang wika. Wika natutunan tungkol sa mga
pakikipagsapalaran.
6. Genesis 11: 1-9 -Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the
Bible.
7. Wikang Aramean - Believes that all languages originated from their
language, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kaunaunahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga
Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at
Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.
8. Yo-he-ho - pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang
tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersa pisikal.
9. Ta-ra-ra-boom-de-ay. ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na
kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna'y nagpapabagu-bago
at nilapatan ng iba't ibang kahulugan.
10.
Ta-ta - ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging
sanhi ng pagkauto ng taong lumikha ng tunog at kalauna'y nagsalita.
11.
Sing-song - nagmula sa di mawatasang pag-awit ng mga kaunaunahang tao; may melodiya at tono ang pag-usal ng mga unang
tao. Hal: paghimno o paghimig.
12.
La-la - mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na
nagtutulak sa tao upang magsalita.
Hal: mga wika o salita ng mga tula at awitin ng pag-ibig.

Katuturan ng Wika
Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang simbolo (Webster, 1974)
Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong
gawaing pantao (Archibald Hill, What is Language c1980s)
Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili
at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang
sa isang kultura (Henry Gleason)

You might also like