You are on page 1of 2

KATAGA-LUCENA

BUOD NG EBALWASYON SA
ANG SAYA-SAYA
Sensitivity at Professionalism. Ito ang dalawang kaugalian na dapat pang pag-ibayuhin at ipamalas.
Naging suliranin ang maiksing panahon ng rehearsal, dumagdag pa rito ang hindi pagtupad sa takdang
oras ng rehearsal. Sa perspektiba ng mga bagong katuwang sa kultural na adhikain, positibo ang kanilang
tugon ukol sa mahusay na pakikisama at kamangha-manghang pagtatanghal ng mga artista ng KATAGALucena Tanghal. Para sa mga sumisibol na aktor, mainam na maging natural ang diksyon ng pagsasalita at
mag-eksperimento sa estilo ng pagsasalita. Kapansin-pansin ang mahusay na pagganap nila Tasho at Coi
bilang Billy at Busy Beauty.
Pawang baguhan at labas sa larangang teknikal ang mga taong nasa likod ng Technical - Lights and
Sounds. Dalawang araw lamang ang nakalaan para sa technical rehearsal pero hindi ito naging hadlang o
naging balakid upang magampanan ang wastong paglalapat ng ilaw at sound fx. Mabilis nakasabay ang
technical team sa nagagahol na panahon ng pag-eensayo. Sa panahon ng palabas ay may ilang
pagkakamali gaya ng grounded na lapel, pagtabon ng sound effects sa dialogue ng artista, at sa minsang
pagkakamali ng pag-ooperate ng AVP. Ganun pa man, masasabing tolerable pa rin ang lahat ng ito.
Iminumungkahi na magkaroon ng sariling gamit ang technical team upang mas malinang ang kakayanan
sa pag-ooperate at mas maging bihasa. Makakatulong din kung magkakaroon ng workshop at pag-aaral sa
usaping technicalities ng palabas. Isang pagbati sa grupo ng technical team dahil sa mahusay na
eksekusyon ng audio and visual presentation.
Sa maliit na budget, na-maximize ang kalidad ng props Makatotohanan sabi nga ng mga manonood.
Napaghandaan ang mga posibleng maging problema at mga malfunctions ng props kaya sa pagdaraos ng
palabas ay maayos naman itong nagamit at naitanghal. Mainam pa rin kung maipapasa ang super power
ni Majinboo sa iba pang may potensiyal sa pag-iisip at pagbuo ng mga props. Iminumungkahing
sumailalim sa training ang ibang kasapi upang maging katuwang sa paglikha ng props.
Isang pagpupugay sa mahusay na eksekusyon at pamamalakad ng mga tao sa likod ng Marketing and
Promotions. Sa pagtutulungan ng technical promotions at marketing nagkaroon ng katuparan ang
marketing strategies gaya ng tarpaulin, posters, at video teasers. Dahil dito, lumawak ang target market na
bilang at uri ng mga manonood. Sa kabutihang palad, napuno ang buong Pacific Mall Event Theater sa
loob ng limang palabas. Sold-out ang lahat ng tickets at literal na naging unruly crowd ang mga
manonood. Pagdating naman sa dokumentasyon, ikinalulungkot na hindi ito natutukan nang husto. May
pagkakataong nahuli ang mga papel at liham na kailangan sa pagpoproseso ng marketing. Isa pa, sayang
at hindi nai-document ang proseso ng pagbuo ng palabas. Masasabing epektibo ang pagsasagawa ng
open-forum pagkatapos ng bawat pagtatanghal para linawin at sagutin ang mga tanong ukol sa palabas.
Ilan sa mga nakuhang tugon mula sa mga manonood ay ang: (1)bakit niyo po naisipang gawin ang
ganitong palabas, alam niyo po bang mula ngayon mag-iiba na ang takbo ng aming isip dahil sa
napanood namin (2) tunay po ba lahat ng aming napanood? (3) bakit po kayo gumagawa ng
ganitong palabas? (4) kung sino man po ang sumulat ng palabas na ito, binabati ko po siya. Sobrang

galing talaga. Kapansin-pansing napukaw ng palabas ang kamalayan ng mga manonood na karamihan
ay mga high school students. Marapating ipagpatuloy ang ganitong istratehiya ng paglapit sa madla.

You might also like