You are on page 1of 1

Buwan ng Wika

Tema:
Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas

Ang iisang wikang naiintindihan ang tanging paraan tungo sa mabilisang


mobilisasyon ng ga kaalaman at ideya.
Ang Wikang Filipino ay kilala at gamit na sa mga kalakhang pulo ng Pilipinas.
Sa mga paaralan, ay isa itong medyum sa pakikipagtalastasan na kailangan din
upang mapagtibay ang kaalaman tungkol sa pagsasalita bilang Pambansang Wika
magpasahanggang kanayunan o lalawigan. Sa kalagayan nating ito bilang isang
bansa na napapalooban ng maraing diyalekto ay nararapat lamang na magkaroon
ng wikang naiintindihan ng lahat na magbubuklod ng kultura at paniniwala na
makapag-uugnay o magpapatibay sa mas matatag na pondasyon ng mga
mamamayan. Sa pagsikat ng makabagong panahon ay nararapat lang na tayo ay
magkaintindihan sa iisang wika na magpapabilis sa takbo ng ating ekonomiya
kasabay ng pagtahak sa matuwid na landas.
Subalit, sa pagdaan din ng panahon, ay nabubuo ang ibat ibang mga salita
na hindi naaangkop na gamitin sa pakikipagtalastasan. Gayun pa man, ang pagbuo
ng salitang ito ay nakatutulong din sa pagkatuklas pa ng ibang ga salita na
nakakapagbigay din ng kaalaman at ideya sa mga tao. Sa pagbabagong ito,
naipapakita ang pag-angat ng antas ng pananalita na dahilan upang umunlad ang
larangan natin hindi lamang sa iisang bahagi ng lipunan kundi ang lahat ng
nakabahagi at may kinalaman sa paggamit ng wikang pambansa.
Sa paglubog ng araw kasabay ng panahon, sana ay umunlad o paunlarin pa
ang wikang atin upang magkaroon ng maayos at komunikadong Pilipinas na
makikilala sa pagkakaroon ng wika na kahalintulad sa mga salitang banyaga.

You might also like