You are on page 1of 3

Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagkukuwento

tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang


nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao
at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.Kaugnay ang alamat ng
mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang
"legend" ng ingles.
Website: https://tl.wikipedia.org/wiki/Alamat

Ang pang-abay o adberbyo ay mga salitang nagbibigay turing sa pandiwa,


pang-uri o kapwa pang-abay.
Mga uri ng pang-abay
1. Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may
pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas. Halimbawa ng may
pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at
hanggang. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon
na mayroong pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?".
Ang walang pananda ay mayroong mga salitang katulad ng kahapon, kanina,
ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa. Halimbawa ng pangungusap na
may pang-abay na pamanahon na walang pananda ang "Manonood kami
bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Ang pang-abay na
pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng
araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa. Isang halimbawa ng
paggamit na ganito ang "Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa
aming pook ng santakrusan.
2. Panluna
Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng
lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi
kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang
pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng
kilos sa pandiwa. Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak
upang dalawin ang kanilang mga kamag-anak." Karaniwan ding ginagamit sa
pangungusap na mayroong pang-abay na panlunan ang mga pariralang sa,
kina o kay. Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang
pambalana o isang panghalip. Samantala, ginagamit naman ang kay at kina
kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
Halimbawa na ang mga pangungusap na "Maraming masasarap na ulam ang
itinitinda sa kantina." at ang "Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng masarap
na mamon para sa kaarawan mo.
3. Pamaraan

Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano


naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga panandang nang, na, at
-ng. Halimbawa sa paggamit nito ang pangungusap "Sinakal niya ako nang
mahigpit
4. Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay ang pang-abay na nagbabadya ng hindi o
kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa
pangungusap ang mga pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at
iba pa. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Marami na
marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan."
5. Panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit
dito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga,syempre at iba pang
halimbawa. Halimbawa ay "Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan."
6. Pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay ang pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi o
pagtutol. Nilalagyan ito ng mga pariralang katulad ng hindi, di at ayaw.
Halimbawang pangungusap para rito ang "Hindi pa lubusang nagamot ang
kanser.". "Hindi ako papayag sa iyong desisyon".
7. Panggaano o pampanukat
Ang pang-abay na panggaano o pang-abay na pampanukat ay nagsasaad ng
timbang, bigat, o sukat. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong
na gaano o magkano ang halaga. Halimbawang pangungusap para rito ang
"Tumaba ako nang limang libra.
8. Pamitagan
Ang pang-abay na pamitagan ay ang pang-abay na nagsasaad ng
paggalang. Halimbawang pangungusap para sa pang-abay na ito ang "Kailan
po ba kayo uuwi sa lalawigan ninyo?"
9. Panulad
Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga
bagay. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Higit na magaling
sumayaw si Armando kaysa kay Cristito.

Website: https://tl.wikipedia.org/wiki/Pang-abay

You might also like