Professional Documents
Culture Documents
Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali. Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali. Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.
Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang pangalan nito ay Aninipay. Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay katutubo sa pulong iyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong. Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay nais makipagkaibigan. Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa pulo ay masaya, masagana at matahimik na namumuhay. Walang magnanakaw. Ang lahat ay masipag na gumagawa. Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa kapwa. Dumating ang takdang araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni Marikudo at ng mga Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking sapad na bato sa baybay dagat. Ito ang kapulungan ng mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinanggap ni Marikudo ang mga panauhin. Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu Puti ang kanilang layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay. Nais nilang bilhin ang lupain. Sinabi ni Marikudo na tatawag siya ng pulong, ang kanyang mga tauhan at saka nila pagpapasyahan kung papayagan nilang makipanirahan ang mga dumating na Bisaya. Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si Marikudo ng maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya. Dumating mula sa Look ng Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung barangay. Nakaupo na sa Embidayan si Marikudo kasama ang kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo ang kanyang asawa na si Maniwantiwan. Nakita ng mga Ati ang maraming handog ng mga Bisaya. Ang mga lalaking Ati ay binigyan ng mga Bisaya ng itak, kampit at insenso. Ang mga babaeng Ati ay binigyan naman ng kuwintas, panyo at suklay. Ang lahat ay nasiyahan. Nagpakita ng maramihang pagsayaw ang mga Ati. Tumugtog ang Bisaya sa kanilang solibaw, plota, at tambol habang ang mga lalaki naman ay nagsayaw pandigma, ang sinurog. Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong salakot at gintong batya mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya ito kay Marikudo. Nakita ni Maniwantiwan ang mahabang-mahabang kuwintas ni Pinampangan. Ito'y kuwintas na lantay na ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan ang bilihan, kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas niya kay Maniwantiwan. Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng pagtatanim) ay makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo (Oktubre o buwan ng pag-aani). Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin nila ang kanilang mga bahay. Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok. Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang kanyang asawa na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at katulong ay tumira sa Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at asawang si Pabulanon at ang kanyang dalawang anak na si Ilehay at si Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel. Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at Padahinog ay kasama ni Sumakwel. Sila ay sa Malandog naman maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga Bisaya. Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa kalagayan ng iba pang Bisaya sa Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si Makatunao.
Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu Puti ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu Domingsel at Datu Balensuela. Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong ang tatlong barangay sa Look ng Balayan. Ipinasya ng dalawang datu na dito na sa Taal manirahan kasama ang mga "Taga-ilog". Isang araw lamang at umalis na sina Datu Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo
dambuhala. Hinikayat ni Baltog si Handyong na magkaroon ng isang pangkat ng mga mandirigma upang tumulong sa paglipol ng mababangis na dambuhala. Kaya t mula noon si Handyong naman ang humaliling bayani ng epiko. Nakalaban din at napatay ni Handyong si Ponong nang bigla itong lumusob sa kanila. Isa rin itong dambuhala na iisa ang mata at tatlo ang bibig. Ito ay napatay ni Handyong. Ang labanan ay umabot ng sampung buwan. Ang pating na may pakpak at Simarong kalabaw na lumilipad ay nalipol lahat. Ang mabangis na Sarimaw ay itinaboy sa bundok ng Kolasi. Ngunit isa pang dambuhala ang nakaligtas sa kamay ni Handyong. Siya y si Oryol, isang tusong ahas na nakukuhang maging isang anyo ng kaakit-akit na babae at ang tinig ay parang sirena. Ang mapanlinlang na serpyente ay nagtatangkang gayumahin si Handyong. Sa kabila ng pang-aakit na ginawa kay Handyong, pinatunayan ni Oryol na hindi niya mapapasuko si Handyong, kaya t naghandog siya ng tulong upang mapuksa ang mga dambuhalang buwaya sa ilog Bicol. Pagkatapos ng labanan, ang ilog Bicol ay namula sa dugo ng mga buwaya. Nasaksihan ng ilang orang-utang ang labanang ito at sila y nasindak. Nang malipol ang mga dambuhala sa pook, namahinga si Handyong. Mula noon siya y nagpatuloy sa pamamahala sa kanyang mga kababayan nang buong tapat at katalinuhan. Sa kanyang pagpapahinga siya y nagtanim ng gabi ang laman ay kasinlaki ng pansol. Nagtanim din siya ng isang uri ng palay na nagtataglay ng kanyang pangalan. Lalo siyang napamahal sa kanyang mga sakop nang nahikayat niya nang buong lugod ang mga mamamayan upang gumawa ng mga kapaki-pakinabang na kasangkapan sa ikakabuti ng lipi. Binanggit din sa epiko na si Handyong ang kauna-unahang gumawa ng bangkang naglayag sa ilog Bicol na si Cuinantong. Lalong naging kahanga-hanga si Cuinantong nang magdagdag siya ng timon at layag sa bangkang gianwa niya. Ginawa rin ni Cuinantong ang araro, suyod, pagalong, singkaw, gulok, asarol at salop. Ang iba pang nagsigawa ng kasangkapan ay si Hablom na tumuklas ng habihan, ang unanong si Dinahon naman ang lumikha ng tapayan, kalan, palayok at iba pa. Si Surat naman ang gumawa ng ABAKADA at inukit sa batong libon. Inilalarawan din sa epiko ang bahay nina Handyong na kung tawagin ay moog sapagkat ito y nakasalalay sa punongkahoy. Alinsunod sa epiko sila y tumatahan sa itaas ng punungkahoy upang maiwasan ang labis na init at maligtas ang mga sarili sa insekto t hayop na naglipana sa pook. Ibinigay ni Handyong ang batas na makatarungan na magpapahintulot na manirahan nang sama-sama ang alipin at umaalipin nang may karangalan at katiwasayan sa pamilya. Sa gitna ng kapayapaang naghahari sa lupain ay nagkaroon ng isang delubyo. Ang baha ay kagagawan ni Inos. Isang nakasisisndak na bagyo na may kasamang malakas na ulan ang nasabing delubyo. Pagkatapos ng delubyo, isang tangway ang lumitaw na ngayon ay 8
tinatawag na Pasacao. Nagbago rin ang takbo ng agos ng ilog Inarihan. Ang epiko ay nagwakas sa kasaysayan ni Bantong, isang batang-batang kaibigan ni Handyong na lagi niyang kasa-kasama. Sa panahong iyon, ang katahimikan ng Ibalon ay muling binulabog ni Rabut, isang dambuhalang kalahating tao at kalahating hayop ang katawan. Siya y isang mangkukulam at nagagawa niyang bato ang sinuman. Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantong kasama ang kanyang mga tauhan sa yungib at sinalakay si Rabut samantalang ito y natutulog. Tinaga ni Bantong ang tulog na dambuhala. Namilipit sa sakit sa Rabut at umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong bayan. Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabut sa Libnaman. Ipinakita niya kay Handyong ang dambuhala at hindi siya makapaniwala sa kapangitan ni Rabut. Dito nagwakas ang salin ni Fr. Jose Castao: Nangako si Cadugnung na ipagpapatuloy niya ang kuwento sa ibang araw. Subalit maaaring hindi na naisalin ang iba pang bahagi ng epiko o kaya hindi na natapos kung kaya t nananatiling walang karugtong ang epiko.