You are on page 1of 27

PAGSUSURI SA ALOKASYON NG ALAWANS NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KURSONG BACHELOR OF SCIENCE IN ACCOUNTANCY (BSA) SA KOLEHIYO NG SAN LUIS

Isang Pamanahong-papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng mga Wika, Kolehiyo ng Komerso, Sekretaryal at Accountancy, sa Kolehiyo ng San Luis

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Sabjek na Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

nina: Apilado, Angel Joy C. Asunto, Veronica T. German, Christelle A. Macadaeg, Jessa M. Paneda, Arriane Joy M. Ruiz, Janine B. Danao, Mark Joseph O. Gaerlan, RusselReynald V. Oliveros, Jedd B. Reyes, Jr., Efren C.

Ika-19 ngMarso, 2012


1

PASASALAMAT

Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na mga indibidwal na siyang tumulong at umudyok sa amin upang matapos itong pamanahanong papel na ito: - Kay G. John Amtalao, ang aming kagalang-galang na propesor sa asignaturang Filipino 2 at bilang tagapayo na rin ng aming pamanahanong papel na ito. Nagpapasalamat po kami sa inyong walang sawang paggabay at pagbigay ng mga magagandang puna at payo na siyang nakatulong upang mabuo naming ang papel na ito; - Sa mga mag-aaral sa unang taon ng kursong Bachelor of Science in Accountancy sa Kolehiyo ng San Luis na siyang pinagmulan ng aming datos, maraming salamat sa inyong kooperasyon. Kung hindi niyo kami pinaunlakan at tinulungan ay maaaring wala na kaming maipepresentang papel ngayon; - Sa aming mga magigiliw na mga kaklase, ang pangkat BSA-1e, na siyang nagbigay kulay sa unang taon nating pagsasama sa hirap ng mga asignatura, maraming salamat. Hinding-hindi naming makakalimutan ang lahat ng mga bagay na ating pinagsamahan bilang isang klase; - Nagpapasalamat rin kami sa aming mga magulang, mga kaibigan at mahal sa buhay sa kanilang walang sawang pag-suporta at pag-intindi sa amin lalo nat sa mga panahong ginugol naming sa paggawa ng pamanahong papel na ito; - At sa Poong Maykapal na siya naming pinagdarasal at pinagsasalamatan sa kanyang gabay upang patuloy naming mapagbuti ito. Gaya ng kanyang pagbasbas ay siya naman ang bunga ng lahat ng aming paghihirap upang magawa at matapos lamang ito. Muli sa kaibuturan ng aming puso, maraming salamat po. -mga mananaliksik

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng sabjek na Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang Pagsusuri sa Alokasyon ng Alawans ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA) sa Kolehiyo ng San Luis ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa klase ng Filipino 2 (MWF 8:30-9:30 AM) na binubuo nina:

Angel Joy C. Apilado Veronica T. Asunto Christelle A. German Jessa M. Macadaeg Arriane Joy M. Paneda

Janine B. Ruiz Mark Joseph O. Danao Russell Reynald V. Gaerlan Jedd B. Oliveros Efren C. Reyes, Jr.

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng mga Wika, Kolehiyo ng Komersyo, Sekretaryal, at Accountancy, Kolehiyo ng San Luis, bilang isa sa mga mga pangangailangan sa Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

John A. Amtalao Instruktor at Tagapayo

TALAAN NG MGA NILALAMAN Pasasalamat Talaan ng nga Nilalaman Listahan ng mga Graf at Table Kabanata I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1 Introduksyon 2 Layunin ng Pag-aaral 3 Kahalagahan ng Pag-aaral 4 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 5 Depinisyon ng mga Terminolohiya Kabanata II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Kabanata III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK 1 Disenyo ng Pananaliksik 2 Mga Respondente 3 Instrumentong Pampananaliksik 4 Tritment ng mga Datos Kabanata IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Kabanata V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON 1 Lagom 2 Kongklusyon 3 Rekomendasyon Listahan ng mga Sanggunian Apendiks A Sarvey- Kwestyoneyr B Bio-data ng mga Mananaliksik 24 26
4

2 3 5 6 6 6 6 7 7 9 12 12 12 12 12 13 21 21 21 21 23

LISTAHAN NG MGA GRAF Graf 1 Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad Graf 2 Ideal na Alawans para sa may Edad na 15-16 Graf 3 Ideal na Alawans para sa may Edad na 17-18 Graf 4 Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Halaga ng Alawans Graf 5 Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Alokasyon ng Alwans Graf 6 Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Ideal na Alawans Graf 7 Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Porsyentong Naitatabi sa Kanilang Alawans At NG MGA TABLE Table 1 Pamasahe ayon sa Lugar ng mga Respondente Table 2 Pagkain na Karaniwang Binibili ng mga Respondente 17 18 20 13 14 15 16 17 19

Kabanata I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon Ang alawans ay maaaring ibigay ng mga magulang o kahit sino sa pamilya at ng gobyerno sa mga mag-aaral na iskolar. Ang patuloy na pagtaas ng matrikula sa bawat taon ay isa sa mga suliranin. Ang ekonomiya ng Pilipinas sa panahong ito ay nagbigay-daan din sa pagkakaroon ng pag-aaral sa alawans ng mga mag-aaral. Sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pamasahe, at iba pa ay lubos na nakakaepekto sa kakayahan ng isang pamilya kung ilan ang ibibigay ng isang magulang sa kanyang anak. Marami na rin ang pinaglalaanan o pinagkakagastusan ng mga mag-aaral lalo nat ito ay hindi maiiwasang mga bagay-bagay tulad ng pagkahumaling sa mga gadgets, pagkaadik sa computer games at social networks, at iba pang mga kinahihiligan na nakakaapekto sa behavior ng mga kabataan. Sa pag-aaral na may pamagat na Pagsusuri sa Alokasyon ng Alawans ng Mga Mag-aaral sa Unang Taon sa Kolehiyo ng San Luis ng Kursong Bachelor of Science in Accountancy ay masusuring tatalakayin ang alokasyon o kung saan nilalaan ang alawans ng mga mag-aaral. Aalamin ng pag-aaral na ito kung ilan ang kanilang natatanggap sa bawat araw ng pasukan sa paaralan. Ang pag-aaral na ito ay tatalakayin rin ang mga ibat ibang pamamaraan ng mga magaaral upang maibadyet ang gastusin at makapag-ipon ng pera mula sa alawans na binibigyan ng mga magulang sa kanila. 2. Layunin ng Pag-aaral Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito layunin ng mga mananaliksik na: Saan napupunta ang mga perang binibigay ng mga magulang ng mga estudyanteng nasa unang taon ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA) sa Kolehiyo ng San Luis ng taong akademiko 2011-2012? Ano ang halaga ng alawans ng mga mag-aaral ng BSA-1 sa isang araw lamang? Paano nai-babadyet ng tama ang alawans sa pang-araw-araw na gastusin? Magkano ang ideal na alawans ng isang mag-aaral sa BSA-1?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pamanahong-papel na ito ay tumatalakay sa alokasyon ng alawans ng mga estudyanteng nasa unang taon ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA) sa Kolehiyo ng San Luis.
6

Layon nitong makatulong sa mga sumusunod: Sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong BSA, maari itong maging gabay upang sila ay magkaroon ng kaalaman upang magkaroon ng tamang pagbabadyet sa pera. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maari ding malaman ng mga instruktor ang kanilang napakahalagang partisipasyon sa paggabay sa mga estudyante ukol sa tamang pagbabadyet ng pera dahil naibabahagi ng mga instruktor ang kanilang karanasan sa pagbabadyet ng pera dahil naging estudyante din sila. Sa mga mananaliksik, na pawang nasa kolehiyo at nagbobordibang, upang silay magabayan din sa tamang paggastos ng alowans. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, lalo na sa lahat, inaasahan ang mga estudyanteng kumukuha ng BSA na magkaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa tamang paggamit ng alawans.

4. Saklaw at Limitasyon Ang sakop ng pag-aaral ay sa alokasyon ng alawans ng mga mag-aaral sa unang taon sa Kolehiyo ng San Luis ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA). Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungan upang makapangalap ng datos. Sa sandaang respondente mula sa pitong seksyon ng kursong BSA sa kolehiyo ng San Luis ang sumagot ng talatanungan. Nakapokus ang pag-aaral sa mga nakuhang sagot mula sa mga respondente. Sapagkat kulang sa panahon ang mga mananaliksik, maaring makaapekto ito sa lawak ng pag-aaral. 5. Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral na ito, narito ang ilan sa mga terminolohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para rito. Badyet. Ito ay ang pagtitipid mo ng isang bagay, gawain, oras at panahon. Behavior. Paraan ng behaving, kung mabuti o masama; mode ng pagsasagawa sa kanyang sarili. Computer games. Mga laro pinapagana sa kompyuter; Software o program sa kompyuter sa anyong laro; Bidyogeym sa kompyuter; Ilan sa mga kilalang mga computer games ang: Counter Strike, Star Craft, Call of Duty, Grand Theft Auto, atbp. Iskolar. Tawag sa pinagkakalooban ng libreng pag-aaral o edukasyon o tinatawag na scholarship dahil sa kanilang kahusayan o katalinuhan.

Matrikula. Sisingilin sa pamamagitan ng mga pang-edukasyon na institusyon sa ibang bansa upang makatulong sa pagpopondo ng mga kawani at guro, kurso inaalok, lab kagamitan, mga sistema ng computer, mga aklatan, pangangalaga ng pasilidad at upang magbigay ng isang komportableng karanasan sa pag-aaral ng mag-aaral. Recycle. Paggamit muli ng lumang bagay. Malaki ang naitutulong nito sa ating kalikasan. Nababawasan ang mga tambak ng basura at nababawasan din ang pag-dumi ng ating kapaligiran. Social networking. Ang pagsasama ng mga indibidwal sa tiyak na mga grupo, tulad ng maliit na mga rural na komunidad o isang pangkat ng magkakapitbahay, kung ikaw ay. Kahit na ang social networking ay posible sa tao, lalo na sa lugar ng trabaho, mga unibersidad, at mga mataas na paaralan, ito ay pinaka-popular na online.

Kabanata II ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Bilang isang estudyanye, mahalagang malaman kung papaano gagastusin ang kanyang baong salapi, nagko-commute man o hindi. Nakakatulong ito sa kaayusan ng paggastos, kawastuhan ng pamamahala sa salapi, at kung lumaon, pati sa pagkamit ng mga pangarap na may kinalaman sa kayamanan. Matututong bigyan ng limitasyon ang paggastos at malalaman kung saan nanggagaling ang salapi at saan ito dapat mapunta (mula sa isang pananaliksik na pinamagatang Isang Pag-aaral Tungkol sa Epekto ng Pag-ko-commute sa Kabuuang Pagbabadyet ng Allowance ng mga Estudyante ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas- kolehiyo ng Komersyo at Business Administration). Mga Pangunahing Gastusin Kitang kita na ang pagkain ang may pinakamalaking bahagi sa tsart. Ibig sabihin nito ay malaking porsiyento ng kanilang baon o kita (kung may negosyo o trabaho) ay napupunta sa pagbili ng pagkain. Isang dahilan kung bakit ay dahil ang pagkain ay mahalaga at nararapat lamang para sa kalusugan natin. Maaaring isa sa mga dahilan kung bakit malaking bahagi ng pera ang napupunta rito ay ang kamahalan ng pagkain at bilihin ngayon. Alam naman nating lahat na ang mga presyo ng bilihin ay patuloy na tumataas dulot ng krisis. Isa pa sa mga maaaring dahilan ay ang kakulangan sa pagkontrol sa sarili. Minsan ay hindi natin mapigilang bumili ng mga pagkaing masasarap o matagal na nating hindi natitikaman. Pangalawang pangunahing gastusin ay ang transportasyon o pamasahe. Maraming estudyante ang bumabiyahe pa araw-araw mula sa malalayong lugar upang pumasok sa klase. Kahit may student discounts, malaki-laki pa rin ang perang napupunta rito. Ikatlo ang gastusin sa paaralan. Nabibilang dito ang gastos sa pagpapapakopya ng mga handout mula sa mga propesor. Sumusunod sa listahan ang internet o kompyuter, hilig o gusto (gadgets), at sa kasintahan. Mga Pamamaraan sa Pagbadyet at Pag-ipon Ngayong alam na natin ang mga hakbang sa pagbabadyet, nararapat ring malaman ang ilan sa mga pamamaraan tungo sa mabisa at epektibong pagbabadyet. Kailangan alam natin ang mga pamamaraan upang lalo pa tayong maka-ipon o kumita ng pera. Ayon kay June Walbert,
9

dahil karamihan sa mga estudyante sa kolehiyo ay walang sapat na karanasan sa paghawak ng pera, responsibilidad ng mga magulang na ipaalam sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng paggastos ng pera sa wastong paraan (Better Budgeting for Students, http://www.msnbc.msn.com/id/94028721). Isa sa mga pamamaraan ay bigyang limitasyon ang mga gastusin. Ayon sa Young Money Magazine, magagawang limitahin ang gastusin sa pagkain sa pamamagitan ng pagbili ng pagkaing hindi mabilis maubos at mabulok tulad ng instant noodles, embutido, longganisa, tocino at iba pang mga ready-to-cook na pagkain . Pumili rin ng pagkaing madaling lutuin o gawin. Sabi naman sa artikulong Epektibong Pagbabadyet ni Jonathan Poblacion, hanggat maaari, magbaon na lamang ng pagkain sa paaralan at iwasang bumili sa mga restaurant o fast food chains. Kung lalabas naman o may pupuntahang lakad kasama ang mga kaibigan, magdala lamang ng sapat na perang gagastusin. Kung malaking halaga ng pera ang dala, malaki rin ang posibilidad na mapagastos sa mga bagay na hindi naman talaga kailangan (Budgeting tips for Students, http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm). Sa pagbili naman ng kagamitan tulad ng mga damit, sapatos at alahas, mas epektibo ang paglilimita ng gastusin kung maghahanap ng murang tatak subalit maganda rin naman ang kalidad. Mag-ikot muna sa ibat ibang tindahan upang mapagkumpara ang mga presyo ng iyong bibilhin. Kadalasan, ang ibang tindahan o tindero/tindera ay mas mababa sumingil kumpara sa ibang tindahan o tindero/tindera. Pairalin din ang pagiging malikhain at resourceful. Hanggat maaari, matutuong magresiklo ng mga bagay-bagay. Nakatipid ka na, nakatulong ka pa sa kalikasan (Budgeting tips for Students, http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm). Kung may sarili namang sasakyan, nararapat na gamitin lamang ito kung talagang kailangan. Kung malapit lang naman ang iyong pupuntahan, mas makabubuti kung maglakad na lamang o gumamit ng bisikleta. Maari ring mag-carpool kasama ang mga iyong kaibigan upang makatipid sa gas (Young Magazine, http://www.youngmoney.com/aboutus/press/040824). Maging pamilyar rin sa mga diskwento na ibinibigay ng unibersidad. Kalimitan ay nagsasagawa pa sila ng libreng mga konsyerto para sa ikalilibang ng mga estudyante nito (Budgeting tips for Students, http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm). Kung nakatira naman sa dormitoryo o apartment, bayaran ang mga bayarin sa tamang oras. Huwag nang hintaying magpatong-patong ang mga ito (Budgeting tips for Students, http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm). Mabisa rin ang pagkakaroon ng savings account o joint accounts sa mga magulang upang masubaybayan ang paggastos at makasigurong nababayaran ang mga bayarin (Better Budgeting for Students, http://www.msnbc.msn.com/id/94028721). Mabisang paraan din ang pagtatabi agad ng pera sa oras na ito ay nakuha o natanggap. Maaaring itabi ang 5-10% ng baon o kita para siguradong may ipon. Kung hindi naman
10

masyadong nahihirapan sa paaralan at kung may sapat na oras, maaaring magkaroon ng negosyo o sideline. Mabisa rin ito dahil bukod sa iyong baong pera, may dagdag kita ka. Dahil rito, dadami pa ang iyong ipon (May Plano ka ba?,http://masaganang-pinoyblogspot.com/2007_01_01_archive.html, Budgeting tips for Students, http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm). ALAWANS NG MGA NAGRERENTA NG BOARDING Ang layunin ng alawans ng mga nagrerenta ay upang makatipid sa pamasahe kung magmumula sa isang malyong lugar ang mag-aaral. Ang paaralan ay mas malapit na sa paaralan. Ang "malayo-mula sa-post" na edukasyon allowance ay maaaring gamitin upang magbayad para sa pagtuturo, kuwarto at board, walang kasama hangin bagahe at panaka-nakang transportasyon sa pagitan ng mga post at ang mga hinirang na paaralan ng boarding. ALAWANS NG MGA NAG BYABYAHE Ang alawans na ito Pinapahintulutan ng isang buweltahan taun-taon sa pagitan ng isang paaralan na pumasok at ang banyagang post ng pagtatalaga. Ang pakinabang na ito ay lalo na inilaan upang pagsamahing muli ang isang full-time na post-sekundaryong mag-aaral na pumapasok sa kolehiyo (kabilang ang mga post-baccalaureate antas), teknikal o bokasyonal na paaralan sa mga empleyado / magulang paghahatid sa US pamahalaan sa ibang lugar. Gayunpaman, ang pang-edukasyon na paglalakbay ay maaaring bayaran para sa isang bata sa sekundaryong paaralan (grado 9 sa pamamagitan ng 12) sa halip ng edukasyon ng allowance na inilarawan sa itaas. Pang-edukasyon sa paglalakbay ay hindi maaaring bayaran sa parehong oras bilang ang alawans ng edukasyon at hindi dapat malito sa transportasyon bahagi ng ang "malayo-mula sapost" na edukasyon alawans. Educational travel can commence from either the school or the post, but only one round trip between school and post is allowed annually. Pang-edukasyon paglalakbay ay maaaring pasimulan mula sa alinman sa paaralan o sa mga post, ngunit lamang ng isang buweltahan sa pagitan ng paaralan at pagkatapos ay pinapayagan taun-taon. Based on a change in law, the DSSR changed effective July 22, 2007 eliminating the restriction that the school attended full-time had to be in the United States. Batay sa isang pagbabago sa batas, ang DSSR ang nagbago epektibo Hulyo 22, 2007 aalis ang paghihigpit na pumasok ng paaralan ng full-time na nagkaroon na maging sa Estados Unidos.

11

Kabanata III DISENYO AT PARAAN G PANANALIKSIK 1. Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa paraang deskriptiv. Sa maikling paglalarawan ito ay kumakatawan sa mga bagay na maaaring binibilang at pinag-aaralan kaya tinawag rin itong statistikal na pananaliksik. Ang mga datos ng pananaliksik na ito ay nababatay sa katotohanan, tumpak at maparaan. Sa mga mabilisang pag-aaral madalas ginagamit ang pamaraang ito. Sapagkat ito ay nagbibigay lamang ng simpleng pagbubuod sa kung ano ang nakalap na impormasyon. Kasama ng simpleng graf na bubuo ng isang makabuluhang interpretasyon at konklusyon. 2. Respondente Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay isang daang (100) magaaral sa pitong seksyon na kumukuha ng kursong Accountancy sa Kolehiyo ng San Luis sa ikalawang semester ng taong 2011-2012. Sila ang mga napiling respondente para sa pananaliksik sapagkat ang kursong ito ay may kinalaman sa pera at sila ang tagapagtaguyod at tagapagpanatili ng pinansiyal na mga talaan kaya sila ang angkop sa pananaliksik na ito. 3. Instrumento ng Pampananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pasarvey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarvey-kwestyoner na naglalayong kumalap ng mga datos kaya nasuri ang damdamin, pananaw at kaalaman hinggil sa tamang paggamit ng allowans ng mga respondente. 4. Tritment ng mga Datos Ang pamaraang papel na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik sa loob ng maikling panahon lamang. Sa pamamagitan ng survey, pag-tally at pagkuha ng porsyento nakuha ang mga datos sa pag-aaral na ito.

12

Kabanata IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod: Inalam din sa pagsusuri ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang edad. Lumabas na 30% ang may edad na 15-16 sa mga respondente. Ito ang tamang edad sa unang taon sa kolehiyo ng isang mag-aaral. 65% naman ang mga respondente na may edad ng 17-18. Ito ang mga respondente na maaring leyt na nag-aral o may problemang pinansyal. Ang 5% naman ay ang mga respondente na may edad na 19 pataas. Ang mga respondenteng ito ay maaaring retakers o kaya leyt na nag-aral o kaya naman may problemang pinansyal. Graf 1

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Edad

70%
porsyento ng distribusyon

60% 50% 40% 30% 20% 10% 0% 15-16 17-18


edad

19-pataas

13

Mabibigyang interpretasyon ang graf 1 sa mga susunod na graf kaugnay nito.

Ideal na alawans sa may edad na 15-16 na respondente: Apatnaput anim na porsyento (46%) sa mga respondente ang may ideal na alawans na P20-P50. Ang respondente dito ay isinakto lamang kung magkano ang tamang alawans upang hindi ito maging malaking gastos sa pamilya kaya ito lamang ang halaga ng kanilang ideal na alawans. Dalawamput apat na porsyento (24%) naman sa mga respondente ang may ideal na alawans na P50-P80. Labimdalawang porsyento (12%) naman sa mga respondente ang may ideal na alawans na P120-P150. Maaaring ang mga respondente dito ay ang mga nagbobording o kaya naman sila ay araw-araw na bumabyahe para lang makarating sa paaralan. Siyam na porsyento (9%) naman sa mga respondente ang may ideal na alawans na P80-P12O kung saan sakto lamang sa kanilang pangangailangan. At siyam na porsyento (9%) din ang may ideal na alawans na P150 pataas. Ang mga respondente naman dito ay maaaring may kagustuhan na may maipon na pera kaya medyo may pagkamataas ang ideal na alawans. Graf 2

14

Ideal na alawans sa may edad na 17-18 na respondente: Apatnaput pitong porsyento (47%) sa mga respondente ang may ideal na alawans na P20-P50. Maaring isinakto lang ng mga respondente ang sukat ng kanilang pang araw-araw na gastusin. Dalawamput anim (26%) naman sa mga respondente ang may ideal na alawans na P50-P80. Sampung porsyento naman sa mga respondente ang may ideal na alawans na P80-P120. Siyam na porsyento naman sa mga respondente ang may ideal na alawans na P150 pataas. Ang mga respondente naman dito ay maaaring may kagustuhan na may maipon na pera kaya medyo may pagkamataas ang ideal na alawans o kaya naman ito ay mga taong maluho. At walang porsyento (8%) naman sa mga respondente ang may ideal na alawans na P120-P150. Maaaring ang mga respondente dito ay ang mga nagbobording o kaya naman sila ay araw-araw na bumabyahe para lang makarating sa paaralan. Graf 3

15

Graf 4
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Halaga ng Alawans

5% 2% 18%
P100-200 P200-pataas P50-pababa P50-100

75%

Sa graf na ito ay pinapakita ang halaga ng alawans na ibinibigay ng kanilang mga magulang sa isang araw. Sinasabi na marami sa kanila ang binibigyan ng P100-P200 na may pitongput limang porsyento (75%) ng mga respondente, sinasabi rin na ito ang tamang halaga o sapat sa isang araw na gastusin ng isang mag-aaral ng Bachelor of Science in Accountacy (BSA). Labing walong porsyento (18%) naman ng mga respondente na may P200-pataas ang alawans, may mga respondente ang nagbabiyahe ng ilang oras din, halimbawa na lamang sa Rosario, La union, Sudipen, at Tagudin na umuuwi araw-araw, kung kayat malaki rin ang halaga ng kanilang alawans. Limang porsyento (5%) naman sa mga respondente ang may P50-P100 ang alawans sa isang araw, at dalawang porsyento (2%) lamang ang binibigyan ng P50-pababa na alawans, ang mga respondente na malapit lamang ang tirahan o nagboboarding malapit sa paaralan.

Limampung porsyento (50%) sa resulta ng mga respondente na nagsasabing pagkain ang pinakapinaggagastusan, labing siyam (19%) na porsyente naman sa pamasahe, siyam na porsyento (9%) naman sa internet (research, asaynment) at ganoon din sa internet (laro, facebook, twitter), pitong porsyento (7%) naman sa damit at anim na porsyento (6%) naman sa girlfriend o sa boyfriend. Pansinin ang kasunod na graf:

16

Graf 5 Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Alokasyon ng Kanilang Alawans

Nalaman din ng pagsusuring ito, kaugnay sa graf 4 at graf 5, ang pamasahe ng mga respondente na bumabiyahe papunta sa paaralan. Narito ang nakalap na mga datos (table 1): Table 1 Halaga ng Pamasahe ng mga Respondente Pamasahe Lugar (pesos) San Juan Bacnotan Balaoan Bangar Luna Sudipen 10 20 30 40 40 50
17

Pamasahe Lugar (pesos) Bauang Caba Aringay Agoo Rosario 15 20 25 30 40

Tagudin

50

Lumabas ang mga sumusunod sa kung ano-ano nga ba ang pagkaing binibili ng mga respondente sa isang araw lamang ng table 2. Table 2 Pagkain sa isang araw Karaniwang Halaga(pesos) binibili Budget meal tubig softdrinks sandwich junk foods 50 12 10 18 13

18

Graf 6

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Porsyentong Naitatabi sa Kanilang Alawans


70% 64%
Porsyento ng Mga Respondente

60% 50% 40% 30% 20% 10% 0% 20% 40% 50% sa isang linggo 10% 0% 75% sa isang linggo 26%

Porsyento na Naitatabi sa isang Araw

Malaki ang gastusin ng isang mag-aaral kahit sa isang araw lamang dahilan ng maraming bagay na pinaglalaanan. Sa graf na ito ay pinakikita na 20% lamang ang natatabi ng karamihan sa respondente na binubuo ng 64%. Sa 26% ng mga respondente ay may 40% sa isang araw ang kaya nilang maitabi. Lumabas din ang 10% ng mga respondente na may 50% din naman silang naitatabi sa isang lingguhan nilang alawans ngunit wala sa mga respondente ang nagsasabing nakakatabi sila ng 75% ng kanilang alawans saisang lingo.

19

Graf 7

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Ideal na Alawans

10%

0%

P20-pababa P20-50 P50-80 P80-120 P120-150 P150-pataas

10% 47%

9%

24%

Sa graf na ito makikita ang ideal na alawans ng mga respondente sa pagsusuri na ito. Ayon sa nakararami o 47% ng mga respondente, sapat na sa kanila ang P20-P50 na alawans sa isang araw. Kung ikokompara ito sa mga naunang datos, ito ay tumataliwas sa unang suri ngunit ang mga respondenteng nagsabi nito ay sinabing ideal lamang ito at kung tutuusin kasya na ang halagang P50 sa isang araw. Ito ang nais ng nakararami sa mag-aaral ng Bachelor of Science in Accountancy na sa pagpasok nila sa paaralan upang hindi mapagastos. Kung wala namang gagastusin gaya ng tubig na maaari namang marefill na lamang, at kung maaari din namang magbaon ng makakain gaya ng gawain ng mga estudyante sa hayskul at elementarya. Sa 24% ng mga respondente ang nagsabing P50-P80 ay sapat na din. May 10% porsyento naman ang nagnanais na P120-P150 at P150-pataas ang kanilang alawans. Kung mapapansin, mababa ang ideal na alawans ng mga mag-aaral ng unang taon sa kursong Bachelor of Science in Accountancy sa Kolehiyo ng San Luis, sa halaga ng kanilang alawans na ibinibigay ng kanilang mga magulang.

20

Kabanata V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Lagom Ang pag-aaral na ito ay magbibigay alam sa mga bagay na pinaglalaanan at kung saansaan pa napupunta o ang alokasyon ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA) sa Kolehiyo ng San Luis. Gamit ang deskriptiv-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng sarvey-kwestyoneyr na pinasagutan sa sandaang (100) respondente na binubuo ng mga estudyanteng nasa unangh taon ng kursong BSA sa Kolehiyo ng San Luis. 2. Kongklusyon Pagkatapos i-tally ang resulta ng sarvey-kwestyoneyr, nalaman ng mananaliksik kung saan kaunti lamang ang karamihan ang mga sumusunod na kongklusyon: a. Makikita na sapat lamang ang alawans na ibinibigay sa mga mag-aaral ng Bachelor of Science in Accountancy ang binibigay sa isang araw. b. Mula sa mga nakalap naming mga datos, makikita na ang pinakamalaking bahagdan ng pera ang napupunta sa pagkain na isa sa mga pangunahing gastusin ng mga mag-aaral ng BSA ay ang pagkain. Sumunod dito ang transportasyon, maraming estudyante ang bumabiyahe pa araw-araw mula sa malalayong lugar upang pumasok sa klase. Kahit may student discounts, malaki-laki pa rin ang perang napupunta rito. c. Ayon na rin sa mga datos na nakalap, malimit na lang ang paggastos ng mga estudyante sa kursong BSA ang nabibigyang tuon ang pansariling pangangailangan gayundin sa karelasyon nila. d. Nalaman din ng pagsusuring ito na binibigyan ng badyet ang paggamit ng internet. e. Dahil sapat ang pera na binibigay sa mga mag-aaral ng BSA, kaunti lamang ang naitatabi nila. 3. Rekomendasyon a. Magdala lamang ng sapat na halaga sa tuwing papasok sa paaralan. Dapat ipunin lamang ang sobra o ang pera na hindi mo nagastos upang magamit pa ito sa mga mahahalagang bagay. b. Dapat iwasan ang pagiging magastos. Huwag bili ng bili lalo na kung itoy hindi kinakailangan. Kailangang malaman ng isang estudyante kung paano kontrolin ang kanyang alawans at kung magkano ba talaga ang kanyang kinakailangan para sa mga gastusin sa bawat araw.
21

c. Para makatipid o para maging isang ganap na wais na estudyante, gumawa ng listahan ng mga ginastos sa bawat araw at kung ilan ang natirang pera. Marami man sa mga kabataan ngayon ang hindi maiwasan ang pamamalagi sa harap ng kompyuter, gawan na lamang ito ng paraan gaya ng pagbibigay iskedyul kung kalian ka lang ba dapat magkompyuter. d. Sa buhay ng isang estudyante, ang alawans ang pinakamahalaga sa pang-araw-araw na pangangailangan ngunit kung itoy babalansehin para makatipid, ang pinakamabisang paraan ay ilaan lamang ito para sa mga importanteng bagay.

22

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Dagdag Alokasyon ng mga Estudyante Igigiit ni Meliza Maluntag mula sa http://www.remate.ph/2011/09/dagdag-alokasyon-sa-mga-estudyante-igigiit/ 2012 Badyet sa Edukasyon: Kaltas sa SUCs at kakapusan sa DepEd ng Pinoy Weekly Staff mula sa http://pinoyweekly.org/new/2011/08/2012-badyet-sa-edukasyon-kaltas-sa-sucs-atkakapusan-sa-deped/ http://akademikofilipino.blogspot.com/2010/03/isang-pag-aaral-tungkol-sa-epekto-ng.html http://translate.google.com.ph/translate?hl=tl&langpair=en|tl&u=http://pisdtv.pisd.edu/communi cations/features/qP2tJ8dYObYZQ_XJWUZp http://tl.answers.com/Q/Ano_sa_Filipino_ang_benefit http://www.msnbc.msn.com/id/94028721 http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm http://www.youngmoney.com/aboutus/press/040824 http://www.msnbc.msn.com/id/94028721 http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm http://studentbudgetingustnursing.blogspot.com/

23

APENDIKS A

Mahal naming Respondente, Pagbati! Kami ay mga mag-aaral ng Filipino 2 na kasalukuyang gumagawa ng isang pag-aaral hinggil sa Pagsusuri sa Alokasyon ng Alawans ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA) sa Kolehiyo ng San Luis. Kaugnay nito, naghanda kami ng kwestyoneyr upang makapangalap ng mga datos na kailangan naming sa aming pananaliksik. Mangyaring pakisagutan nang buong katapatan ang nga sumusunod na aytem. Tinitiyak naming magiging konfidensyal na impormasyon ang anumang tugong makukuha namin sa inyo. Maraming salamat! - Mga Mananaliksik ______________________________________________________________________________ Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang nga kasunod na patlang. Kung may pagpipilian, lagyan na lamang ng tsek ang kahon na tumutugon sa iyong sagot. 1. Pangalan (opsyonal) _______________________________ 2. Kasarian

Babae
3. Edad

Lalaki

15-17 17-18

19-pataas

4. Ilan ang halaga ng alawans na binibigay sa iyo sa isang araw ng pasukan? Alin sa mga sumusunod: P50 pababa P200 pataas P50 P100 Iba pa (paki-specify):__________ P100 P200
24

5. I-rate ang top na pinaglalaanan ng iyong alawans (1-6) Pagkain Internet o kompyuter (laro, facebook, twitter) Internet (research, asaynment) Pamasahe Damit at extra-curricular activities Girlfriend o boyfriend 6. Sa kabuuan, ilan ang naitatabi mo sa iyong alawans?

20% ng iyong alawans sa isang araw. 40% sa isang araw


7. Ano ang ideal na alawans ang para sa sarili? P20 pababa P20 P50 P50 P80 Maraming salamat sa paglalaan ng panahon.

50% sa isang araw. 75% sa isang linggong alawans. P80 P120 P120 P150 P150 pataas

25

APENDIKS B MGA MANANALIKSIK: * Kabilang rin dito si Angel Joy C. Apilado na nakatira sa Dalumpinas Este, San Fernando city, La Union. Ang kanyang e-mail address ay apiladoangelshasshy@yahoo.com. Siya ay pinanganak noong ika-5 ng Abril, 1995 at sa kasalukuyan, siya ay 16 na taong gulang pa lamang. Siya ay isang filipina at may relihiyon na Iglesia ni Cristo. Siya ay nag-aral sa Dalumpinas Community School noong elementarya at MV Montessori Integrated School naman para sa sekondarya at ngayon ay nag-aaral siya sa Saint Louis College na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA). *Kabilang rin dito si Veronica T. Asunto na nakatira sa TJD Beachview Subdivision, Namonitan, Sto. Tomas, La Union. Ang kanyang e-mail address ay lee_07nover@yahoo.com. Siya ay pinanganak noong ika-7 ng Hulyo, 1995 at sa kasalukuyan, siya ay 16 na taong gulang pa lamang. Siya ay isang filipina at may relihiyon na Roman Catholic. Siya ay nag-aral sa Sacred Heart Learning Center noong elementarya at sa Saint Marys Academy para sa kanyang sekondarya at ngayon ay nag-aaral siya sa Saint Louis College na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA). * Kabilang rin dito si Christelle A. German, lider ng grupo na gumawa at nag-edit ng pananaliksik na ito. Siya ay nakatira sa #17 Ven-flor Vill. Dalumpinas Oeste, San Fernando City, La Union. Ang kanyang e-mail address ay kissthelgerman@yahoo.com. Siya ay ipinanganak noong ika-25 ng Disyembre, 1995 at sa kasalukuyan, siya ay 16 na taong gulang pa lamang. Siya ay isang filipina at may relihiyon na Roman Catholic. Nag-aral sia sa San Lorenzo Science School ng nursey hanggang grade 1 at ipinagpatuloy niya ang pag-aaaral sa Saint Louis College hanggang ngayong nasa kolehiyo na siya na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA). * Kabilang rin dito si Jessa M. Macadaeg na nakatira sa #024 Sinapangan Norte, Bangar, La Union. Ang kanyang e-mail address ay JESSA_124@yahoo.com. Siya ay pinanganak noong ika16 ng Agosto, 1994 at sa kasalukuyan, siya ay 17 na taong gulang pa lamang. Siya ay isang filipina at may relihiyon na Roman Catholic. Siya ay nag-aral sa Sinapangan Elementary School noong elementarya at sa Regional Science High School for Region 1 noong sekondarya at ngayon ay nag-aaral siya sa Saint Louis College na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA). * Kabilang rin dito si Arriane Joy M. Paneda na nakatira sa Capas, Agoo, La Union. Ang kanyang e-mail address ay yhannie_jhoy@yahoo.com. Siya ay pinanganak noong ika-7 ng Pebrero, 1995 at sa kasalukuyan, siya ay 17 na taong gulang pa lamang. Siya ay isang filipina at may relihiyon na Baptist. Siya ay nag-aral sa Agoo Christian Learning Center noong elementarya
26

at Agoo Montessori Learning Center sa kanyang sekondarya at ngayon ay nag-aaral siya sa Saint Louis College na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA).

* Kabilang rin dito si Janine B. Ruiz na naktira sa Balloga, Bacnotan, La Union. Ang kanyang email address ay janinecute09@yahoo.com. Siya ay pinanganak noong ika-9 ng Enero, 1995 at sa kasalukuyan, siya ay 17 na taong gulang pa lamang. Siya ay isang filipino at may relihiyon na Roman Catholic. Siya ay nag-aral sa Quirino Elementary School noong elementarya at sa Stella Maris Academy at ngayon ay nag-aaral siya sa Saint Louis College na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Business Administration. * Kabilang rin dito si Mark Joseph O. Danao na naktira sa San Juan, Agoo, La Union. Ang kanyang e-mail address ay wangweng09@yahoo.com. Siya ay pinanganak noong ika-14 ng Mayo, 1995 at sa kasalukuyan, siya ay 16 na taong gulang pa lamang. Siya ay isang filipino at may relihiyon na Roman Catholic. Siya ay nag-aral sa Sanijubar Elementary School noong elementarya at Agoo Kiddie Special School sa kanyang sekondarya at ngayon ay nag-aaral siya sa Saint Louis College na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA). * Kabilang rin dito si Russell Reynald V. Gaerlan na nakatira sa #084 Bonifacio St. Ilocanos Sur, San Fernando City, La Union. Ang kanyang e-mail address ay ruzzlthegreat@yahoo.com. Siya ay pinanganak noong ika-20 ng Hunyo, 1994 at sa kasalukuyan, siya ay 17 na taong gulang pa lamang. Siya ay isang filipino at may relihiyon na Roman Catholic. Nag-aral siya sa Christ the King College noong elementarya at sekondarya at ngayon ay nag-aaral siya sa Saint Louis College na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Business Administration. * Kabilang rin dito si Jedd B. Oliveros na nakatira sa Baccuit Sur, Bauang, La Union. Ang kanyang e-mail address: jedd_pucca_08@yahoo.com. Siya ay pinanganak noong ika-4 ng Oktubre, 1994 at sa kasalukuyan, siya ay 17 na taong gulang pa lamang. Siya ay isang filipino at may relihiyon na Roman Catholic. Siya ay nag-aral sa Saint Peter and Learning Center noong elementarya at sa Sacred Heart School noong sekondarya at ngayon ay nag-aaral siya sa Saint Louis College na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA). Ang kanyang pananaw sa buhay ay ang mamuhay siya sa mundong ito na masaya at kasama ang kanyang pamilya at mga minamahal sa buhay. * Kabilang rin dito si Efren C. Reyes, Jr. na nakatira sa #128 Calincamasan, San Juan, La Union. Ang kanyang e-mail address ay slc_rotc@yahoo.com. Siya ay pinanganak noong ika-5 ng Hulyo, 1994 at sa kasalukuyan, siya ay 17 na taong gulang pa lamang. Siya ay isang filipino at may relihiyon na Roman Catholic. Siya ay nag-aral sa Santo Rosario Elementary School noong elementarya at sa Saint Louis College noong sekondarya at sa kasalukuyan na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Secondary Education.

27

You might also like