You are on page 1of 1

Marami ang pinagdaaanang pagsasakripisyo ng ating bayan upang makamit ang kung anong meron tayo ngayon sa ating

lipunan. Ang iba ay nagbuwis ng buhay, katulad nila Ninoy Aquino, Jose Rizal, Andres Bonifacio, at mga iba nating kababayan na nabuhay sa isang mundong walang pagkakapantay pantay, walang kalayaan, bulag ang hustisya, salat sa karapatan. Ngunit, upang maibigay sa susunod na henerasyon ang mga pinagkait na kapalaran na maibigay sa kanila, kinailangan pa nilang magbuwis ng buhay upang makamtan ang kung anong meron tayo ngayon. Ito ang tinatawag nating mga karapatan. Matatandaang humigit kumulang limandaang taon na ang nakalipas nung tayo ay sinimulang sakupin ng mga bansang banyaga. Noong mga panahong iyon, ang ating bansa ay kulang sa lakas kaya mabilis tayong nasakop at napasakamay ng pamumuno n gating mananakop. Labis na hirap ang dinanas ng ating mga ninuno, ang maapi sa sariling bansa. Kaya upang maibsan ang mga ito, sila ay naglakas ng loob, kahit na alam nila sa salat sila sa lakas, upang magkaroon ng kalayaan ang ating bansa. Sa pagsapit ng ikalawang milenyo, ang henerasyon ng mga Pilipino ay may kumpletong tinatamasang karapatan. Masasabing nagtagumpay ang ating mga ninuno sa kanilang laban at tayo ay nagantimpalaan ng katuparan ng pangarap na kalayaan. Subalit, sa panahon ngayon tama nga ba na maging lubos ang mga karapatan natin? Sa isang pahayag ng isang tao ng kaniyang opinyon, hindi maiwasan na may ibang taong masaktan. Sa pag angkin ng isang pag aari, laging may isang mawawalan. Tanungin natin ang ating mga sarili. Karapat dapat ba nating makamit ang pinaghirapan n gating mga ninuno? Hindi ba tayo umaabuso sa mga karapatang ito? Ang labis ay hindi maganda. Labis na pagmamahal, labis na kalayaan, labis na karapatan. Siguro masyadong naging maluwag sa atin ang kapalaran na kaya tuloy, hindi natin napahalagahan at naging abusado tayo sa mga ibinigay sa atin. Sana maging responsable naman tayo. Sana matuto tayong managot sa ating mga ginagawa at sana, pahalagahan natin ang ating kapwa kagaya ng pagpapahalaga n gating mga ninuno sa ating bayan.

You might also like