You are on page 1of 2

Ambahan ni ambo Ni: Ed Maranan Ang hirap mag hanap ng ambahan ni ambo, kadugo ng brain Balisang nagising si Jack,

malakas ang kabog ng dibdib. Uminom siya ng isang basong tubig. Kay samang panaginip! Nagkaroon ng malaking sunog sa bundok ng Halcon, umabot sa pinakatuktok. Natupok lahat ang mga puno at damo. Paghupa ng apoy ay siya namang pagdilim ng mga ulap, na sinundan ng ilang araw na bagyo at bugso ng ulan. Nalusaw ang lupa at bato sa bundok ng Halcon, at unti-unti itong dumausdos patungong kapatagan, tangay ang lahat ng naiwang buhay na mga tao at iba pang nilalang. Nagtatangisan ang mga Mangyan sa pagkagunaw ng kanilang daigdig - habang siya ay walang puknat ang takbo. Hindi niya malaman kung nasaan na ang kaniyang Ate Anne at mga magulang Umaga na pala. Pagbangon ni Jack ay dumungaw siya agad sa bintana. May tilamsik ng liwanag sa ituktok ng Halcon. Ang bundok ay parang isang tahimik na tanod, luntian at matayog. Bihira niyang makita itong walang suklob na ulap, tulad ngayon. "Balang araw, Jack," sabi sa kaniya ni Ambo noong nakaraang araw, "aakyatin natin iyan, hanggang doon sa ituktok, hanggang doon sa mga ulap!" Lumukso ang kaniyang puso sa sinabing iyon ni Ambo. "Hoy, di maaaring di ako kasama!" sabad ni Anne, ang matandang kapatid ni Jack. "Tayong lahat, aakyatin natin ang mga ulap sa Halcon!" wika ni Ambo. Si Ambo ay isang batang Mangyan. Siya ang matalik na kaibigan ng dalawang tagaMaynilang si Jack at si Anne. Ngayong umagang ito, parang mabigat ang dibdib ni Jack. Hindi mapawi sa isipan ang kaniyang napanaginipan. "Naku, daddy, mommy, para pong totoong-totoo! Para nga akong humihingal Balisang nagising si Jack, malakas ang kabog ng dibdib. Uminom siya ng isang basong tubig. Kay samang panaginip! Nagkaroon ng malaking sunog sa bundok ng Halcon, umabot sa pinakatuktok. Natupok lahat ang mga puno at damo. Paghupa ng apoy ay siya namang pagdilim ng mga ulap, na sinundan ng ilang araw na bagyo at bugso ng ulan. Nalusaw ang lupa at bato sa bundok ng Halcon, at unti-unti itong dumausdos patungong kapatagan, tangay ang lahat ng naiwang buhay na mga tao at iba pang nilalang. Nagtatangisan ang mga Mangyan sa pagkagunaw ng kanilang daigdig - habang siya ay walang puknat ang takbo. Hindi niya malaman kung nasaan na ang kaniyang Ate Anne at mga magulang Umaga na pala. Pagbangon ni Jack ay dumungaw siya agad sa bintana. May tilamsik ng liwanag sa ituktok ng Halcon. Ang bundok ay parang isang tahimik na tanod, luntian at matayog. Bihira niyang makita itong walang suklob na ulap, tulad ngayon. "Balang araw, Jack," sabi sa kaniya ni Ambo noong nakaraang araw, "aakyatin natin iyan, hanggang doon sa ituktok, hanggang doon sa mga ulap!" Lumukso ang kaniyang puso sa sinabing iyon ni Ambo. "Hoy, di maaaring di ako kasama!" sabad ni Anne, ang matandang kapatid ni Jack. "Tayong lahat, aakyatin natin ang mga ulap sa Halcon!" wika ni Ambo. Si Ambo ay isang batang Mangyan. Siya ang matalik na kaibigan ng dalawang tagaMaynilang si Jack at si Anne. Ngayong umagang ito, parang mabigat ang dibdib ni Jack. Hindi mapawi sa isipan ang

kaniyang napanaginipan. "Naku, daddy, mommy, para pong totoong-totoo! Para nga akong humihingal pagod paggising ko.," bulalas ni Jack nang sila'y nag-aagahan na. "Para namang disaster movie ang panaginip mo!" tudyo ni Anne. "'Yan kasi, palibhasa'y walang mapagpuyatang video dito sa Mindoro, midnight snack naman ang napagtripan, naimpatso tuloy, at muntik nang bangungutin!" "Dati-rati, panay namang masasaya ang mga panaginip ko," sabi ni Jack. Napatingin siya kay Pete, ang kaniyang ama. Tahimik itong kumakain, tila nag-iisip nang malalim.

You might also like