You are on page 1of 36

ITIM NA NAZARENO: ISANG PAGSUSURI

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguyuran ng Departamento ng Filipino,


Kolehiyo ng Sining at Agham, University of Perpetual Help System DALTA

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino, Pagbasa at


Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Nina:
Calopez, Rochelle Anne J.
Alsonaldo, Paul R.
Dimapilis, Ma. Minorca R.
Furigay, Manuel Roman L.
Micosa, Kier Dustine E.
Nievarez, John Patrick N.
Perino, Christchine Grace C.
Tito, Richard M.

Marso 2015

DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagpatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito ay pinamagatang Itim na
Nazareno: Isang Pagsusuri ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa BS
Electronics Engineering, BS Computer Engineering, BS Business Administration, BS
Occupational Therapy at BS Hotel and Restaurant Management na kinabibilangan nina:

Rochelle Anne J. Calopez

Kier Dustine E. Micosa

Paul R. Alsonado

John Patrick N. Nievarez

Ma. Minorca R. Dimapilis

Christchine Grace C. Perino

Manuel Roman L. Furigay

Richard M. Tito

Tinanggap sa ngalan ng kagawaran ng Filipino 2, Kolehiyo ng Sining at Agham,


University of Perpetual Help System DALTA, bilang isa sa mga pangangailangan sa
asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Noel M. Delos Reyes Jr.
Instraktor
PASASALAMAT
Taos-puso po kaming nagpapaabot ng aming pasasalamat sa mga sumusunod na
indibidwal at tanggapan dahil sa mahalagang tulong at kontribusyon at suporta sa matagumpay
na reyalisasyon ng pamanahong papel na ito:
Kay Ginoong Noel M. Delos Reyes Jr., ang sagisag na guro sa Filipino sa
pagtulong sa amin at paggabay sa paggawa ng isang pamanahong papel sa
pamamagitan ng pagtuturo sa tamang hakbangin sa pagsulat ng isang
pamanahong papel.
Lalo na sa aming mga magulang sa kanilang pagmamahal, suporta at pag-unawa
pati na rin sa suportang pinansyal na ibinibigay nila habang isinasagawa ang pagaaral na ito.
Sa mga taong nagbigay ng oras sa pagbibigay ng impormasyon at pumayag
magbigay ng panayam tungkol aming pagsusuri.
Sa mga taong nagbigay ng tulong at lakas ng loob na masakatuparan naming ng
maayoos itong pagsusuri.

Higit sa lahat, sa Poong Maykapal sa pagbigay ng kaalaman at lakas, kalinawan


sa pag-iisip at tatag ng loob upang mapagtagumpayan naming matapos ang
gawaing ito sa takdamg araw n gaming guro.

Muli, kami ay nagpapasalamat.


MGA MANANALIKSIK
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito ............................................................1-6
1.
2.
3.
4.
5.
6.

Introduksyon ................................................................................................ 1-2


Problema at Suliranin .................................................................................. 3
Layunin ng Pag-aaral ................................................................................... 3
Kahalagahan ng pag-aaral ............................................................................ 4
Saklaw at Limitasyon .................................................................................. 5
Depinasyon ng Terminolohiya ..................................................................... 5-6

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura ......................................... 7-9


Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik ................................................... 10
1. Disenyo ng Pananaliksik ............................................................................. 10
2. Respondate .................................................................................................. 10
3. Instrumento ng Pananaliksik........................................................................ 10
Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos ................................. 11-22
Kabanata V: Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon ............................................ 23-25
1. Lagom .......................................................................................................... 23
2. Konklusyon .................................................................................................. 24
3. Rekomendasyon............................................................................................ 25
Listahan ng mga Sanggunian ..................................................................................... 26
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


1. Introduksyon
Ang Itim na Nazareno na kilala rin bilang Poong Hesus Nazareno ay ang gataong imahen
si Hesus na may pasan-pasan na krus na nakalagak sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila, Ito ay
gawa sa maitim na kahoy at nakabihis ng maroon na bata. Sinasabing nasunog ito sa galeong
sinasakyan nito mula Mexico patungong Maynila ngunit walang katiyakan ang sanhi ng itim
nitong kulay at pawang mga pagpapalagay lamang.
Maraming mga deboto ng Poong Hesus Nazareno ay nauugnay sa kanilang kahirapan at
pang-araw-araw na pakikibaka sa sugat at masaklap na naranasan ni Hesus, na kinakatawan ng
imahe. Kahit na ang pintakasi ng Basilica mismo na si San Juan Bautista, ang Itim na Nazareno
ay mapuspos ito dahil sa apela ng masa. Ang mga deboto ay nagbigay pugay sa pamamagitan ng
pumapalakpak ang kanilang mga kamay, sa katapusan ng bawat misa na inaalay sa dambana.
May kaniya-kaniyang dahilan o katwiran ang bawat taong pumupunta sa Quiapo at
dumudulog sa paanan ng Nazareno kung kayat para sa kanila, maituturing na makatwiran ang
kanilang ginagampanang pagdedebosyon. Marami sa kanila ang mayroong kilala na nakaranas
na o sila pa mismo ang nakaranas ng kapangyarihan ng Seor na minsan nang nagligtas at simula
noon ay inaasahang parating magliligtas sa kanila sa kanilang mga pangangailangan. Ang
kanilang pagdedebosyon ay kusang pagtanaw ng tinatawag nating utang-na-loob. Kaakibat ang
patuloy na pananampalataya sa patrong pinopoon. Ito ay walang iba kundi isang pagsasakatawan
ng panalanging anamnesis na siyang pamamaraang gamit sa opisyal na liturhiya ng Simbahan
kung saan ginugunita ang mga mapagligtas na gawa ng Panginoon upang hilingin na ganapin
niyang muli sa kasalukuyan ang mga kababalaghang ginawa na niya sa nakaraan. Para bang
sinasabi sa Diyos na, kung nagawa niyo po noon, anupat gawin niyo rin po para sa amin
ngayon.

Kung kakapanayamin, ibat-iba ang pinagmulan ng pagdedebosyon ng bawat taong


pumupunta sa Quiapo upang dumulog sa Nazareno. Mayroong mga nagmana nito mula sa
kanilang mga magulang o pamayanan. Marami kasi sa mga parokya at maging barangay sa
Maynila ang may kani-kanilang imahen ng Nazareno na kanilang inililibot tuwing unang
Biyernes ng buwan. Dinadala nila ang mga ito sa Quiapo upang isama sa taunang prusisyon ng
orihinal na Nazareno upang sariwain ang kaugnayan nito sa iisang Seor. Mayroon namang
mga nagpapatuloy ng naging panata ng kanilang mga magulang o na sa pagsama sa
pamamanata ng mga ito ay minsang nangako na rin sa Nazareno ng kanilang sariling panata.
Mayroon namang nakatutuklas ng debosyon sa Nazareno sa pamamagitan ng kanilang
paghahanap ng makakapitan. Ganito ang kuwento ng isa sa mga tanyag na deboto ng Nazareno
na walang-iba kundi ang ating dating Pangalawang-Pangulo, Noli de Castro, na taon-taong
nagpupunta sa Quiapo upang makibahagi sa prusisyon. Bago at nagsisimulang mamamahayag pa
lang siya noon nang unang humingi ng pamamatnubay sa Seor. Ngayon, ipinagpapasalamat
niya ang naging tagumpay ng kanyang karera sa grasya ng Nazareno na kanyang itinuturing na
patron. Marami pa ang lumalapit na katulad niya: mga estudyanteng humihingi ng tulong upang
makapagtapos sa kanilang pag-aaral, mga binata at dalagang humihingi ng tulong upang
makahanap ng mabuting mapapangasawa, mga maysakit na hangad ang mapagaling, mga taong
may mabigat suliranin sa pera, mga ama at ina ng tahanan na humihingi ng tulong upang
makapasok sa isang magandang hanapbuhay at mabigyan ng masaganang buhay ang kanilang
mga mag-anak.
2. Problema at Suliranin
Ang pamanahong papel na ito ay upang matukoy ang mga impormasyon hinggil sa
pagsusuri sa itim na Nazareno:
1. Sino si Poong Hesus Nazareno?

2.
3.
4.
5.

Saan nang galing ang Poong Hesus Nazareno?


Anu-ano ang mga nagagawang milagro ng Poong Hesus Nazareno?
Bakit maraming deboto ang Poong Hesus Nazareno?
Ano ang karamihang pinagdarasal ng mga deboto sa Poong Hesus Nazareno?
3. Layunin ng Pag-aaral
Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay impormasyon hinggil sa aming pananaliksik

tungkol sa pagsusuri sa itim na Nazareno:


1.
Upang malaman kung sino si Poong Hesus Nazareno?
2.
Upang mabatid kung saan nanggaling ang Poong Hesus Nazareno?
3.
Upang malaman ang mga nagagawang milagro ng Poong Hesus Nazareno?
4.
Bakit maraming deboto ang Poong Hesus Nazareno?
5.
Ano ang karamihang pinagdarasal ng mga deboto sa Poong Hesus Nazareno?

4. Kahalagahan ng Pag-aaral

Narito ang mga kahalagahan ng pananaliksik batay sa ibat ibang antas:

LIPUNAN
Naniniwala kaming mga mananaliksik na nakakatulong sa pagpapabuti ng ating lipunan.
Sa pamamagitan ng pamamanata sa Poong Nazareno nawawaksi ng mga mamayanan ang mga
tama at mali. Dahil rito nagging matiwasay ang bawat prusiyon at pagtitipon ng mga
namamanata. At nagkaroon ng matibay na pagkakaisa ang mga Filipino. Higit sa lahat ay ang
matibay na pananampalataya sa poong maykapal.

AKADEMYA
Nakakatulong ito dahil sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malalim na pananampalataya
sa Poong Nazareno ang mga tao. Binibigyan tayo ng pag-asa na magpatuloy sa ating buhay basta
tayo ay manalig at makgdasal sa poong maykapal. Ang mga tao ay tinatahak ang daan patungo sa
tama at sa pag-unlad nila sa tulong ng gabay ng poon. Ang mga kabataan sa panahon ngayon ay
maagang namumulat sa tamang gawain at tamang landas.

SARILI
Ito ay makakatulong sa paghubog ng ating pagkatao bilang isang Kristyano. Lalo natin
napagtitibay ang ating pananamampalataya at nawawaksi natin ang mga tamang gawain.
Nagiging mas matalino tayo sa pagpili ng tamang landas at mas natututo tayong magpahalaga sa
ating pananampalataya na siyang ating nagiging lakas sa pag harap sa ating mga pagsubok sa
araw-araw. Higit sa lahat natututo tayong magkaisa, magtulungan at magpaubaya dahil sa ating
pananampalataya na siyang nakakahanga sa ating mga Filipino.
5. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Itong pamanahong papel na ito ay pinag-aaralan at sinusuri ang Poong Nazareno.
Nakatuon kami sa pagsusuri sa kung sino siya, saan siya nagmula at kung paano ang mga deboto
niya ay nananalig sa kanya.
6. Depinisyon ng Terminolohiya
Upang mas mapadali at ganap na maunawaan ang bawat salita ng mga mambabasa,
minarapat naming bigyan ng mga depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa
kung ano at paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong papel na ito:

Anamnesis paggunita
Basilica- ang gusali na ipinakilala ng mga roman.

Carroza o andas patungan ng Poong Nazareno sa buong translacion ito rin ang madalas

na tinutungtungan ng mga deboto upang mahawakan at mahalikan ang Poon.


Deboto - taong madasalin, taong mapanata
Grasya - ay ang pagpapakita o pagpapamalas ng pagmamahal o pag-ibig at kabutihang
loob sa isang tao na hindi naman karapat-dapat na tumanggap nito. Ang grasyang mula
sa Diyos ang pinakagitna o "puso" ng mensahe ng Bibliya, na nagpaparating na

minamahal at inililigtas ng Diyos ang mga tao kahit na lumalaban sila sa kanya
Hijos de Nazareno - mga anak ng Nazareno, isang samahan ng kalalakihang

nangangalaga sa imahen sa loob at labas ng prusisyon, ang kanilang patron.


Kalakalang Galyon - ay isang uri ng kalakalan na nagmumula sa Mehiko papunta
sa Pilipinas, at pabalik, na isinasagawa noong Panahon ng Kastila sa Pilipinas. Ang mga
produkto ay isinasakay sa mga galyon ng Maynila o kaya sa galyon ng Acapulco.Ito ay
ginagamit sa pagkakalakal ng mga Espanyol o Kastila. Ang mga nakalakal sa Pilipinas ay

ipinagpapalit sa Mehiko at ang nakalakal naman sa Mehiko ay ipinapalit sa Mehiko.


Himala - o milagro ay ang alin mang pangyayari na lumalabag sa pangkaraniwang mga
batas ng kalikasan. Ang mga himala ay pinaniniwalaang mga kamangha-manghang
palatandaan ng kapangyarihan ng (mga) Diyos sa iba't ibang mga relihiyon mula pa sa

sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.


Panata - ang pangkaraniwang pinag-iikutan ng debosyon sa Nazareno. Ito ay ang
pagbigkas sa isang pangakong tutuparin panghabang-buhay kapalit ng pagkakaloob ng
isang tiyak at mahalagang kahilingan. Sa oras ng matinding pangangailangan, marami
ang dumudulog upang humingi ng tulong kalakip ang pangakong palaging tatanawin ang

biyaya kung makakamtan.


Poon - ibang katawagan sa panginoon o apo; binabaybay ding puon. o nililok na wangis
ng mga itinuturing na banal na nilalang katulad ng mga santo, anghel, o maging hubog ni
Hesus.

10

Quirino Grandstand - ito ay nasa Luneta park kung saan dinadala ang Poong Nazareno
bago sumapit ang pista upang mahalikan at mapunasan ng panyo ng mga deboto at dito

rin ginaganap ang misa bago magsimila ang translacion.


Radio Veritas - ay isang himpilan ng radyong AM na nasa pag-aari ng Arkidiyosesis ng

Maynila sa pamamagitan ng Global Broadcasting System sa Pilipinas.


San Juan Butista - Siya ang naghanda ng daan ni Hesus, at siya ring nagsagawa ng
pagbibinyag sa huli. Ginawa ni Juan Bautista ang pagbibinyag na ito bilang isang

paghahanda kay Hesus bago ito mangaral sa mundo.


Translacion - ang paglipat ng Poong Nazareno galling Quirino grandstand patungong

basilica ng Nazareno sa Plaza Miranda.


Mulato - ito ay estado ng paghahalo ng kultura ng mga ninuno ng isang tao.
KABANATA II
NGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ayon kay Archbishop Ledesma (2014), lalong dumami ang mga mananampalataya at

deboto ng Mahal na Hesus Nazareno sa kanilang Archdiocese kung saan ilan sa mga ito ay mga
naging survivors din ng kalamidad gaya na lamang ng mga mga naapektuhan ng pananalasa ng
bagyong Sendong dalawang taon na ang nakakalipas.
Paliwanag ng Arsobispo, mas tumatag ang kanilang pananampalataya matapos ang mga
kalamidad at umaasa siya na ganito rin ang mararanasan ng mga naapektuhan ng bagyong
Yolanda kung saan libo-libo ang nawalan ng mahal sa buhay. Remembering Sendong, Caring
For Yolanda. Ito naman aniya ang tema ng ginagawang pagtulong ng Archdiocese ng Cagayan
De Oro sa mga survivors ng bagyong Yolanda sa Central Visayas.
Ayon kay Archbishop Ledesma, mahalagang malaman ng mga deboto kung ano ba tlaga
ang kahulugan ng kanilang debosyon sa Traslacion ng Hesus Nazareno upang maging ganap at
tunay ang kanilang pananampalataya. Ayon kay Archbishop Ledesma, mahalagang malaman ng

11

mga deboto kung ano ba tlaga ang kahulugan ng kanilang debosyon sa Traslacion ng Hesus
Nazareno upang maging ganap at tunay ang kanilang pananampalataya.
Ayon kay Father Anton Pascual (2003), na ang debosyon ng mga tao sa Itim na Poong
Nazareno ay nagpapakita ng pananampalataya ng mga tao sa Panginoon, sa harap ng kahirapan
at mga problema. Ayon kay Pascual, na siya ring chairman ng Caritas Manila, social arm ng
Archdiocese of Manila, kahit pa maraming taong nasaktan sa prusisyon ay ipinakita pa rin ng
mga namamanata ang kanilang pananampalataya sa Diyos. Naniniwala rin si Pascual na kaya
lumalapit ang mga tao sa Panginoon ay para sa kanilang kaligtasan at pag-asa na malalampasan
ang mga problema at kalamidad sa buhay. Pinansin naman ni Fr. Anton Pascual, na marami sa
mga nagpunta at sumali sa traslacion o prusisyon ay hindi masyadong nagsisimba at hindi
naaabot ng Katesismo ng Simbahan. Pansin niya, marami sa mga pumupuntang deboto ay hindi
para magmisa kundi para sa prusisyon lamang kaya malaking hamon ito para sa simbahan na
bigyan ng tamang edukasyon o turuan ang mga deboto upang magkaroon ng maayos na
traslacion, debosyon at pananalig sa Poong Nazareno.
Ayon kay Cardinal Tagle (2014), ang tunay na deboto ng Poong Hesus Nazareno ay
hindi naninira at hindi nanghuhusga sa kapwa. Ang tugatog ng kanyang pakikipagkapwa-tao sa
atin ay yaong pakikiisa sa ating pagdurusa. Kung tutuusin puwede naman siyang exempted sa
dusa kasi wala naman siyang ginawang masama, wala siyang kasalanan kung mayroon mang
nagdurusa ay yung mga gumawa ng masama. Pero sa kanyang pakikipag-isa sa atin, yung mga
epekto ng ginawa nating masama ay dinanas ni Hesus ang matinding paghihirap na kung tutuusin
ay hindi dapat danasin dahil hindi naman siya gumawa ng masama pero ganun niya tayo
pinakisamahan nakipagkapwa tao sa atin pati yung dapat na tayo ang dumaranas ay niyakap niya
upang tayo ay maligtas, upang tayo ay mapabuti, upang tayo ay mabago niya, mapabago ang
takbo ng ating buhay.paglilinaw ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas.

12

Ito ang paalala at mensahe ng Kardinal sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno para sa
nalalapit at taunang pagsasabuhay sa makasaysayang paglalakbay ng Poon o tinaguring
Traslacion 2014 mula sa Quirino Grandstand pabalik sa kanyang tunay na tirahan ang Minor
Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church. Ipinagdarasal at umaasa si Cardinal Tagle na sa
pagde-debosyon kay Hesus Nazareno ay makita ng mga deboto sa kanya ang halimbawa ng
tugatog ng esperitwalidad ng pakikipagkapwa-tao.
Ayon kay Bishop Emeritus Teodoro Bacani (2012), kailangang ipaunawa sa mga
deboto na hindi na kailangan pang sumampa sa andas at makipagbalyahan para makapunas o
mahipo lamang ang imahe ang Poong Nazareno upang maipadama ang tunay na
pananampalataya.
Kailangang turuan ang mga deboto ng tamang impormasyon at edukasyon sa tamang
pagsamba at pananampalataya sa Itim na Nazareno.Ito ang obserbasyon ni Novaliches Bishop
Bacani matapos magpakita ng kawalan ng disiplina ang mga deboto na nagpupumilit na
makapunas, makahawak sa lubid at makasampa sa karosa ng Itim na Nazareno kahit pa
nakakasakit na sila ng kapwa deboto.
Ang paghawak sa kamay at pagpunas sa Poon ay hindi dapat maging tanda ng
pananampalataya kundi ang importante ay ang paniniwala ng tao, aniya. Paliwanag ni Bacani,
hindi sa pamamagitan ng imahe o estatwa ang pagdedeboto dahil ang pananampalataya sa
Panginoon ay nasa puso at isipan. Ang importante ay paniniwala ng tao, it is not the touch of
the hand that matter kundi ang mahipo ang Panginoon sa pamamagitan ng pananampalataya,
paliwanag ni Bacani, sa panayam ng Radio Veritas. Ang ating paghawak sa kamay, pagpunas ay
hindi dapat maging tanda ng pananampalataya. Hindi sa pamamagitan ng imahe ang
pagdedeboto, dapat i-educate ang mga tao, ituon ang isip at pansin hindi lamang sa estatwa kundi
ang inilalarawan ng estatwa na si HesuKristo na siyang puso, isip at pananampalataya. Kahit

13

hindi mo mahawakan ang Poon kung matingnan mo sa pamamagitan ng pananampalataya ay lalo


kang pagpalain, dagdag ni Bacani.

KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIKS
1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pananalisik na ito ay isinagawa ayon sa pamamaraang deskriptib analitik.
Ang pangunahing layunin ng ganitong uri ng pananaliksik ay upang mailarawan at mapag-aralan
ang mga datos na nakalap at mga katangin tungkol sa kung ano ang naaral at tinangkang
maunawaan at suriin ang Poong Nazareno.
2. Respondante
Ang nakuhanan naming ng kaalamang ito ay sa pamamagitan ng mga deboto ng Poong
Nazareno sa simbahan ng Quiapo at ang mga nagtitinda. At sa ibang taong bukas loob na
nagbigay ng panayam sa amin Karamihan ng impormasyon sa pananaliksik ay sa kanila naming
nakuha.

3. Instrumento ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa naming sa pamamagitan ng pananaliksik sa Internet,
pangangalap ng mga datos sa libro at pag-iinterbyu. Kaming mga mananaliksik ay pare-parehong
naghanap gamit ang Internet, mga libro at nagsagawa ng interbyu upang malaman ang tungkol sa
Poong Nazareno.

14

KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakilala kung sino ang Poong Nazareno at
maipakita ang ibat-ibang pamamanata ng mga Filipino sa kanya

Sapagkat mapanganib ang pagbagtas ng mga galyon paroot-panaog sa Acapulco at


Maynila dahil sa mga bagyo at mga pirata, naisipan ng mga Kastilang maglulan ng mga
relihiyosong imahen upang magsilbing gabay at tagapagtanggol ng mga ito. Kabilang sa mga ito
ang imahen ng Nazareno na dumating sa Pilipinas noong 1606, pati na ang imahen ng
Inmaculada Concepcion na unang naglayag noong 1626 at nagpabalikbalik hanggang
napabantog bilang patrona ng mapayapa at mabuting paglalakbay: ang Nuestra Seora de la Paz
y Buen Viaje o mas kilala ngayon bilang Birhen ng Antipolo.Nababalutan ng alamat ang
kuwento ng imahen ng Nazarenong itim ang kulay ng balat. Sinasabing nangitim ang imahen
dahilan sa isang sunog na naganap sa barkong sinasakyan nito kung saan bahagya itong nasunog

15

ngunit naisalba naman nang buo. May nagsasabi ring sinadya ng Mehikanong manlililok na
gawing mulato ang kulay ng imahen, upang maging mas hawig sa kanyang sariling balat kaysa
sa balat ng mga mestisong mananakop.
Unang iniluklok ang imahen sa simbahan ng mga Agostinong Rekoleto sa may Luneta,
malapit sa Intramuros, at kasalukuyan itong matatagpuan sa Parokya ni San Juan Bautista sa
Quiapo na itinanghal bilang Basilika Menor ng yumaong Papa Juan Pablo II noong 1988.
Tuwing Biyernes, binansagan nang Araw ng Quiapo, dinarayo ang imahen ng
maraming deboto mula pa sa ibat-ibang panig ng kalakhang Maynila at mga karatig-bayan. Sa
mga araw na ito, parating nag-uumapaw sa dami ng tao ang malaking simbahan kahit na patuloy
ang pagmimisa mula ika-apat ng madaling-araw hanggang ika-walo ng gabi. Kapansin-pansin
ang haba ng pila ng mga debotong nais na pumunas at humalik sa paa ng imahen. Mayroon ding
mga naglalakad nang paluhod patungo sa altar bagamat ipinagbawal na ang pagsasagawa nito
habang nagmimisa.
Dumaragsa naman ang mga deboto tuwing ika-9 ng Enero, ang anibersayo ng Traslacion
o paglipat sa imahen mula sa Luneta patungong Quiapo, para sa taunang prusisyon na siyang
pinakamahaba at pinakamaringal sa buong Kamaynilaan. Siyam na araw ng nobena ang
isinasagawang paghahanda na dinadaluhan ng makapal na taong sinasakop ang buong paligid ng
simbahan at umaapaw hanggang sa mga pangunahing pambuklikong daan sa tabi nito, lalo na sa
unang Biyernes ng taon at sa mismong araw ng pista. Sa mga nakaraang taon, dinadala muli ang
imahen sa Quirino Grandstand sa Luneta kung saan ginaganap ang mga pagmimisa, pagdarasal,
pagpapahalik sa imahen at iba pang mga palatuntunan at gawaing relihiyoso.
Hindi bababa sa limang oras inaabot ang prusisyon na magdadala sa imahen mula sa
Luneta pauwi sa kanyang Basilika sa Quiapo. Nakayapak ang marami sa mga nagsisidalo na
karamihan ay kalalakihan na nagsisiksikan at nagtutulakan, makalapit lamang sa imahen o kahit
man lang sa mga pisi na humihila sa carroza o andas na sinasakyan nito Inihahagis nila ang

16

kanilang mga tuwalyang puti upang ipunas ng mga kalalakihang nagbabantay sa imahen na may
pag-asang maibabalik ito sa kanila taglay na ang bisa at pagpapala ng kanilang patron. Ang iba
naman ay nag-aabang sa gilid ng mga daan, tangan ang mga kandila at puting panyong kanilang
iwinawagayway upang magbigay-pugay sa Seor.
Ang debosyon sa Nuestro Padre Jess Nazareno ay nakahatak ng milyun-milyong mga
deboto kung saan nagmula ang katanyagan sa timog at hilagang bahagi ng Luzon at unti-unting
lumaganap sa buong bansa. Ang katangi-tanging debosyon na ito ng mga Filipino sa Itim na
Nazareno ay nakapagbigay ng karagdagang papuri mula sa dalawang papa: sina Innocent X
noong 1960, sa pagkakatatag ng Cofradia de Jess Nazareno at Pius VII noong 19th century, sa

pamamagitan ng pagbibigay ng indulhensya sa mga nagdadasal sa imahe ng Itim na Nazareno.


Sa kasalukuyan, ang debosyon sa Itim na Nazareno ay patuloy na nagbibigay ng sigla at
kapayapaan sa mga deboto sa kabila ng mga sakit, galos, sugat at kung minsan ay kamatayan na
nagaganap tuwing prusisyon, at tila 'di inaalintana ng mga deboto.

17

Mahigit 200 taon nang ipinagdiriwang ang kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno at
ang estatwa nito ay inilalagay sa isang karwahe tuwing Enero, gamit ang makapal na lubid at
ipinaparada sa mga kalye ng Quiapo ng mga debotong lalaki na nakasuot ng kulay maroon. Ang
mga Katoliko na nagmula sa buong ka-Maynilaan ay sama-samang dumadayo sa Quiapo upang
makakuha ng pagkakataong mahawakan ang imahe o di kaya ay magkamit ng isang milagro.
Naghahagis din sila ng tuwalya sa mga lalaking nakabantay sa estatwa ang hinihiling na ipunas
ang kanilang tuwalya sa estatwa sa pag-asang madala nila ang milagro sa kanilang pag-uwi.
Buong taon, iniingatan ng mga Hijos del Nazareno, isang samahan ng kalalakihang
nangangalaga sa imahen sa loob at labas ng prusisyon, ang kanilang patron. Buwan-buwan,
sinasabon ang buhok nito na yari sa tunay na buhok ng mga kababaihang nagpahaba ng kanilang
buhok upang ialay sa Nazareno. Nililinis at pinupunasan rin ito ng rose oil at iba pang
mamahaling pabango na siyang pinagmumulan ng pananatili ng kintab at halimuyak ng imahen
sa kabila ng kalumaan nito. Saka ito binibihisan ng panibagong damit na purpurang hinabian ng
gintopawang kaloob lahat ng mga deboto at napakarami na hindi kakailanganing mag-ulit ng
damit ang Nazareno.
Ang ilan sa mga karaniwang pinagdarasal ng mga deboto ng Poong Nazareno at
ang mga milagro nito ay ang mga sumusunod:
1. Ang Panginoon ang nakakapagpagaling ng may sakit

18

Isa rin ang pamilya nina Karen Valerio sa milyun-milyong taong dumaragsa sa Quiapo
tuwing Pista ng Nazareno. Ang kanilang pakay: humingi ng tulong para sa anak na may sakit.
Isinilang na may cerebral palsy at epilepsy ang 20 anyos na anak ni Karen. Mula nang
isilang ito, naging deboto na ng Itim na Nazareno si Karen at ang kanyang asawa.
Para sa kanila, pagdarasal at pagpupunas ng bimpo sa Poon ang dahilan kung bakit
hanggang ngayon ay nagiging maayos ang kalagayan ng kanilang anak.
Malaki raw talaga ang ikinaayos ng kanilang anak tuwing dinadala ito sa prusisyon.
Minsan hindi nakakatulog itong batang ito, sabi ni Karen. Pero kapag hinahaplos ko na yung
ulo niya ng langis [mula sa Nazareno], nakakatulog na siya. Hindi ko alam kung bakit.
Dagdag niya, Kada may nararamdaman siya o ano pa man, nagsisimba kaagad ako.
Nagpupunta ako ng Quiapo. Naiisip ko talaga na ipanata siya lagi.
Malaking himala para sa pamilya na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kanilang
anak. Nabigyan na raw kasi ito ng taning ng doktor noong bata pa ito. Patotoo ko talaga ito.
Totoong buhay ang Diyos. Nandiyan lang Siya lagi, huwag lang lang tayong mawalan ng tiwala
sa Kaniya, ani Karen. Siya lang talaga ang tutulong, walang iba. Lalung-lalo na ang Poong
Nazareno.

2. Second life ko na talaga ito

19

Taong 1996 nang madawit sa isang malagim na aksidente si Marisa Cawoili. Habang
nagbabakasyon sa Moalboal, Cebu, aksidenteng nahagip ng motor ng bangka ang kanyang buhok
at kinain ang malaking bahagi ng kanyang ulo.
Scalp avulsion [ang nangyari], 90 percent, ani Marisa. Sabi na lang sa kin ng doktor,
Swerte mo dahil hindi tinangay pati yung sa mata mo kasi buo siyang hinatak [ng motor].
Tatlong araw na hindi nagising si Marisa matapos ang aksidente, kaya maituturing na raw
niyang pangalawang buhay ang tinatamasa niya ngayon. Isa lang ang isinigaw ko. Sabi ko sa
Kanya, Lord, isa pang pagkakataon. On that spot, siya na mismo ang gumising sa kin. Simula
non, sabi ko, Sige Lord, mag-uumpisa na ko, aniya.
Nagising man at nakaligtas sa trahedya, hindi naman daw niya natupad ang ipinangakong
pamamanata. Taong 2009 nang magsimulang mag-ayuno si Marisa dala ng kanyang asawa na
nagturo sa kanyang magpasalamat para sa pangalawang buhay na ibinigay sa kanya.
Puspusan man ang ginawang pananampalataya ni Marisa, nawala rin ang kanyang asawa
nang dapuan ito ng colon cancer.
Ngunit sa kabila nito, patuloy pa rin si Marisa sa kanyang panata. Ang pag-aayuno ko,
taun-taon. Hindi yung paghiling ng kung anu-ano, kundi pasasalamatpasasalamat na binigyan
Niya ko ng isa pang pagkakataon at tinanggap Niya pa rin ako [kahit na] hindi ako tumupad,
sabi ni Marisa.

3. Ang Poon ang tumulong sa akin

20

Limang taong gulang pa lamang si Antonio Nacua, ngayoy 72, nang mamulat siya sa
mundo ng mga deboto. Mula nang dalhin siya ng kanyang lola sa simbahan upang mamanata sa
mga Poon, naging buo na rin ang pananampalataya niya sa mga ito, lalung-lalo na sa Itim na
Nazareno.
Yung may sakit, napapagaling Niya. Ang walang [anuman], nabibigyan Niya ng
kaluwagan. Kaya doon ako lumapit, ani Mang Antonio. Importante sa akin ang Poong
Nazareno dahil Siya ang tumulong sa akin.
Dekada 60 nang dumaan sa matinding kahirapan ang pamilya ni Mang Antonio. Kahit
nakatapos siya ng pag-aaral at nakapagtrabaho sa ibang bansa, hindi raw talaga maiiwasan ang
dumating sa puntong wala na siyang ibang makapitan kundi ang kanyang paniniwala sa Poon.
Ilang buwan ako noong walang makita [na trabaho], aniya. Nung wala talaga akong
makitang hanapbuhay, binenta ko na yung bahay ko. Nabenta ko ng mga P580,000.
Noong di ko na kaya, tinulungan Niya ako. Sa awa naman daw ng Panginoon at sa
tulong ng Nazareno, nakapag-ipon siya, nakabili ng jeep na pampasada, at napagtapos pa ang
apat na anak na ngayon ay may kanya-kanya na ring pamilya. Sa dami ng naranasan kong
hirap, pinagtiyagaan ko lahat yun, para mabuhay lang ang mga anak ko, sabi ni Mang Antonio.
Hanggang kung kailan ako mamatay, mamamanata ako.Habambuhay sa Kanya pa rin
ako. Wala nang iba.

4. Milagro kay Marlon

21

Halos walong taon nang namamanata sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ang 28-taong
gulang na si Marlon Estero, may kapareha sa buhay at naitatawid ang pang-araw-araw na
pangangailangan sa pamamagitan ng pagtitinda ng gulay sa Quiapo.
Simple at hindi man kasing-garbo ng buhay ng mga spoiled brat na mayayaman, kapag
nakaharap si Marlon ay madadama ang galak sa puso nito dahil sa dalisay na pananampalataya
sa Itim na Nazareno.
Nagsimula po akong mamanata nang makaligtas po ako sa salvage. Napagkamalan po
siguro akong pusher ng drugs dahil yung lugar na pinagdamputan po sa akin sa Caloocan (City)
ay malala ang bentahan ng iligal na droga.
Dinala po ako sa isang hindi ko na po alam na lugar. Kinukuryente po ako. Dasal po ako
nang dasal at lahat po yata ng santo na alam ko ay natawag ko na ang hirap po, ang sakit-sakit
ng katawan ko, at pagdating po sa akala koy katapusan ko na ay tumawag po ako at mataimtim
na nagdasal sa Poong Nazareno.
Pagkatapos po akong tortyurin, binaril po ako sa noo na tumagos sa kaliwa kong panga.
Nabulag po ang isang mata ko dahil sa pagkakabaril sa akin.
Wala na po akong malay-tao at nagising na sa ospital. Pero ang pagkakasabi po sa akin
ay nakita ako ng isang mag-asawa na nakatira sa ilalim ng tulay na palutang-lutang po sa ilog.
Naniniwala po ako na kaya po Niya ako binigyan ng pangalawang buhay ay para sa aking
misyon na maging isang deboto ng Itim na Nazareno at maging mabuting tagasunod po sa aral at
pagsasakripisyo ng Panginoon, ayon sa bulag na si Marlon.
5. Gumaling si Luisa

22

Isa pa sa deboto na nakaranas ng paghihimala ng Itim na Nazareno ay si Ma. Luisa


Avancenia, 56-anyos, maybahay at taga-Caloocan City.
Ako po ay nakaranas ng isang himala noong 2012. Mayroon akong bukol sa kanang
dede ko. Namamanata po ako sa Poong Nazareno.
Pagkatapos po ng 6 weeks, biglang nawala ang bukol ko kaya alam ko po na isang
himala ang nangyari sa akin sa tulong ng pamamanata ko sa Poong Nazareno, paghahayag ng
ginang.
Pananampalataya at pag-asa
Taun-taon, makikita ang masidhing pananampalataya ng mga Katoliko sa poong
Maykapal lalo na ng mga deboto pagsapit ng kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo.
Totoo man ang mga himala, ang mahalaga ay hindi nawawalan ng pag-asa ang maraming
Filipino at sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos ay hindi basta-basta bumibigay sa
anumang pagsubok at hamon ng buhay.
Sabi nga ni Bishop Bacani, maraming deboto ang nagsasakripisyo dahil tunay na
dinidinig at tinutugunan ng Itim na Nazareno ang kahilingan ng mga mananampalatayang
Filipino kaya nagdudumilat ang katotohanan na marami ang namamanata sa Kanyang
kapistahan.

6. Pinagkalooban kami

23

Ang pangulo ng kanilang samahan na si Jayson Manalo, 41-anyos, ay deboto na


magmula noong 1998. Aniya kasama na sa tradisyon ng kanilang pamilya ang pamamanata sa
Itim na Nazareno.
Ikinuwento niya ang ilan sa naranasan niyang himala magmula nang siya ay
manampalataya, Matagal po akong hindi nagkaanak, 12 taon
Nang mamatay ang nanay ko noong 1999 pumasan po ako at hiniling na bigyan ako ng
anak. Tuloy-tuloy akong pumasan at taong 2001 ay pinagkalooban po kaming mag-asawa ng
anak na lalaki, nang sumunod na taon anak na babae naman. Isa lang ang hiniling namin
dalawang anak ang ibinigay niya, masayang niyang kuwento.

7. Utang ko sa kanya ang buhay ng anak ko


Si Maricris Francisco, 20-anyos, apat na taon na siyang deboto ng Itim na Nazareno,
miyembro ng Batang Bagumbayan Navotas Chapter, isang samahan ng mga deboto ng Black
Nazarene.
Inamin niya na sa umpisa ay mahirap maging deboto, aniya, mahirap kung sa mahirap,
pag naging deboto ka dapat buo ang loob mo sa paglilingkod, hindi dahil naaya ka lang.
Kung may himala siyang maituturing, ito ay ang pagiging mas matibay ng samahan
nilang mag-asawa.
Utang ko sa Itim na Nazareno ang buhay ng anak ko, may butas ito sa puso at hanggang
ngayon alam ko na patuloy niya itong pinagagaling.

24

8. Siya ang tumulong sa amin

Ayon kay Jm Dela Cruz, isang deboto at nagtitinda sa tabi ng simbahan ng Quiapo.
Maraming deboto ang Poong nazareno o Ama (kanyang tawag dito) dahil paghumiling ka sa
Poon ay walang dudang natutupad basta manalig ka lang sa kanya at magdasal. Napatunayan
niya na rin ito dahil isa siyang deboto ng Poong Nazareno sa matagal na panahon. Kasama si Jm
sa milyun-milyong deboto sa pista ng poong Nazareno walang takot niyang sinusuong ang dagat
ng mga tao makalapit at makahawak lang sa lubid ng andas nito. Ayon kay Dela Cruz, nawawala
ang pagod niya kapag nandoon na siya sa malapit sa Poon. Ang kanyang pinagdarasal sa Poon ay
gabayan silang pamilya sa araw-araw at huwag sila magkahiwa-hiwalay magpapamilya. Dahil sa
kanyang pamamanata ito ay natutupad at ito ang kanyang pangako sa Poon na habang nabubuhay
siya ay mamanata siya at magpapasalamat sa dulot na biyaya ng Poong Nazareno sa kanyang
pamilya.

25

KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
1. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pananaliksik tungkol sa Poong Nazareno at ang mga boto
nito upang malaman ang bawat istorya sa likod ng matibay na debosyon ng mga tao sa Poong
Nazareno.
Gamit ang diseyong diskriptib-analiktik, ang mga mananaliksik ay limkha nga mga ibatibang tanong na may kaugnayan sa aming pananaliksik ukol sa pagsususri sa ibat-ibang istorya
ng debosyon ng mga tao sa Poong nazareno at sa Kanyang pinagmulan sa pamamaraan ng mga
makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng internet at libro ay nakakuha kami ng ibat-ibang
impormasyon at kaalaman hinggil sa aming paksa.

26

2. Konklusyon
Batay sa inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod:
1. Ang Itim na Nazareno na kilala rin bilang Poong Hesus Nazareno ay ang gataong imahen
si Hesus na may pasan-pasan na krus na nakalagak sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila.
2. Ang Poong Nazareno ay nagmula sa mga kastila, dinala nila ito sa kanilang paglalayag
upang kanilang maging gabay at tagapagtanggol.
3. Ang ilan sa mga mga milagro ng poong Nazareno ay nagpapagaling ng mga may sakit,
tumutulong sa mga hindi magkaanak, at tumutulong sa mga gustong umunlad sa buhay.
4. Dahil sa dami ng pagsubok sa buhay ng mga Filipino ang nakikita nilang tanging pag asa
ay ang paglapit sa Poong Nazareno na nagbibigay ng milagro.
5. Ang kalimitang pinagdarasal ng mga deboto nga Poong Nazareno ay ang bigyan sila ng
gabay sa pamumuhay, pagalingin ang kanilang mga mahal sa buhay, humihiling na sa
mga bagay na gusto nila makamit at higit sa lahat ay ang pagpalain sila ng Poong
Nazareno sa lahat ng oras.

6. Rekomendasyon
Kaugnay sa mga kongklusyon na nabanggit buong pagpapakumbabang inererekomenda
ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
1. Dapat nating bigyang pansin ang ating pananampalataya, lalo natin itong palalimin upang
magkaroon tayo ng mabuting kalooban.
2. Magandang palawakin natin ang ating debosyon upang gumanda ang ating pundasyon sa
pananampalataya.
3. Sa lahat ng paghihirap na nararanasan natin sa panahon ay huwag mawalan ng pag-asa
sapagkat tayo ay kumapit at manalig sa Poong Nazareno tayo ay kanyang matutulungan.

27

4. Magkaroon ng inspirasyon kapag ikaw ay may problema sa buhay sa pamamagitan ng


pakikinig sa ibat ibang kwento ng mga mananampalataya at mga pari sa simbahan.
5. Huwag kalilimutang lumapit sa Kanya, may problema man o wala, marapat lamang na
tayoy magpasalamat sa ating nakukuhang biyaya.

Listahan ng mga Sanggunian


http://www.gmanetwork.com/news/story/344158/publicaffairs/frontrow/ang-panata-ng-mgadeboto-ng-itim-na-nazareno
http://fonsetculmen.blogspot.com/2012/01/ang-debosyon-sa-nazareno.html
http://www.abante.com.ph/issue/jan0514/news04.htm.
http://veritas846.ph/poong-hesus-nazareno-simbolo-ng-pag-asa-at-pagbangon-sa-pagkakadapa/
http://tl.wikipedia.org/wiki/Itim_na_Nazareno
http://www.remate.ph/2014/01/debosyon-ng-mga-deboto-sa-itim-na-nazareno-tunay-napananampalataya/
http://xiaochua.net/tag/nazareno/
http://filipino101itimnanazareno.blogspot.com/
http://ayon-sa-nasusulat.blogspot.com/2011/01/itim-na-nazareno-ng-quiapo.html

28

APENDIKS

29

30

31

Nagpunta kami sa Quiapo Church ang Basilika ng Nazareno. Kasama sina Ma. Minorca
R. Dimapilis, Manuel Roman L. Furigay, Kier Dustine E. Micosa at John Patrick N. Nievarez
upang mangalap ng datos tungkol sa Poong Nazareno at maranasan ang pagsimba rito.

32

Kasama sina Tito, Perino at Alsonado maginterview kami ng mga deboto ng poong
Nazareno na sila ring nagtitinda malapit sa simbahan.

33

Ang aming panayam kay Jm Dela Cruz na nagtitinda ng panyo at kwintas ng Poong
Nazareno sa gilid ng simbahan.

34

Kuha po ito sa tabi ng simbahan kung saan maaring mahawakan at magpunas ng panyo
sa imahen ng Poong Nazareno. At ang nasa ibaba naman po ay kuha naming sa harapan ng
Simbahan.

35

Ang

ilan sa

mga

bagay

na

nagpapatibay sa debosyon ng mga nagsisimba sa Basilika ng Nazareno. Ang mga replica ng


Nazareno, pagsabit ng sampaguita, at pagtirik ng kandila para sa ilang kahilingan

36

Ang kuha po sa loob ng basilica menor ng Nazareno.

You might also like