You are on page 1of 1

Talumpati Para sa Kahirapan

Sa aking magandang mahal na guro, magandang umaga. At sa aking mga


masasayahin at kooperatibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay hayaan
ninyong hiramin ko ang inyong mga taynga.
Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang
pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon?
Pagbebenta ng droga? O kahirapan? Sa aking matagal at masinsinang pagninilaynilay, aking napagtanto na lahat ng mga problemang aking nabanggit kanina ay
resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng
ating bansa ay ang kahirapan.
Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang
kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanaisnais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Tayong
mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay tayo ng
salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng
matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi
masolusyunan dala ng kahirapan.
Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno.
Ninanakaw nila ang ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad
ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales,
kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ang kawalan ng
mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas ng bilihin.
Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga
pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang tustusan?
Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga
Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao.
Wala silang tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat
ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay
nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay.
Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari kong
ibahagi sa inyo. Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng paglaganap
ng kahirapan sa ating bansa.
Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo
makaahon sa kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating
buhay?
Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para
hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking
lipunan. Sa simpleng pamamaraan, akoy magsisikap makapagtapos ng pag-aaral
nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi
pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat
tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na
magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang
henerasyon.
Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating
natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa upang
umunlad ang ating buhay!

You might also like