You are on page 1of 2

Ama sa Iyong mga Kamay, inihahabilin Ko ang aking kaluluwa

(Lukas 23:46)

Siguro makikita dito ang pananabik ng Panginoon na nagkaroon na ng katuparan ang lahat ng
kanyang ginawa, napanalunan na niya ang Kanyang minimithi, naramdaman niya na hindi
nasayang ang pakikiisa niya bilang tao sa atin, sapagkat ang katuparan ng lahat ay nagtagumpay
na, ang kabuuan ng kanyang ministeryo bilang Diyos sa katauhan ng pagiging tao ay nagtapos sa
pagpapasimula ng buhay,ng kaligtasan. Sinupil nya ang kamatayan ng bawat isa, muling
pumasok ang buhay, at ang kabuuan ng kanyang gawaing pagliligtas.
May dalawang yugto ang buhay ng tao: ang buhay na pansamantala at ang buhay na walang
hanggan, sa unang yugto tayong lahat ay pinagkatiwalaan ng lahat nag bagay na mayroon sa
mundo at nakatadhanang magsulit ng lahat ng ginawa sa pamamagitan ng mamatay at mabulok
ang katawang lupa sa ikalawang yugto ang pangalawang kapanganakan,dito matatanto ang
buhay na walang hanggan. Sa buhay ng tao, ang kamatayan ay pinakangkinatatakutan, Bakit
kaya? Dahil ba hindi tayo handa? Dahil kaya sa takot na baka masunog an gating mga kaluluwa
sa impyerno ng dahil sa ating mga kasalanan? o baka dahil sa gusto pa nating sagarin ang ating
buhay at siyahin pa ito? ngunit ito dapat ay magbunga ng pananabik, ang kamatayan ang
pangalawang hakbang patungong kaligtasan, ang una ay ang ating mga mabubuting gawain. Ang
konklusyon ng gawaing pagliligtas ay ang maganda at banal na kamatayan. Nakaramdam nadin
ako ng kawalan, nawala na ang ilan sa aking mga mahal sa buhay ngunit sabi ko alam na ng
Diyos kung ano ang gagawin Niya sa kanila, Diyos na ang bahal sa kanila. Ang salitang ito ay
ang salita ng pag-asa, kasi dito sa pagkakataong ito ipinagkakatiwala ng isang taong mamatay
ang kanyang kaluluwa sa Diyos, sapagkat ang taong ganito ay hindi nabigong umasa na syay
maliligtas. He created new life out of death and He brings hope through death, fearing death is
sin and fear of death is caused by it. Matuto sana tayong lahat na umasa na sa kabila ay may
pag-asa, ang buhay na walng hanggan na sana ay makamit. Ika nga ng isang kanta,We hold the
death of the Lord deep in our hearts, living now we remain with Jesus the Christ.
Ang nais iparating nito na ang mabuhay ay ang pag-aalaala ng kamatayan na puno ng buhay. Si
Kristo sa Kanyang pagpanaw at sa paghahabilin ng kanyang kaluluwa ay nagpamahagi ng buhay.
Handa Syang namatay para sa ating lahat. Ikaw ba, handa ka bang mamatay?

Hugo Rafael S. Romana


Grade 9-St. Mark

You might also like