You are on page 1of 11

Si Jose Abad Santos ay ipinanganak noong 19 Pebrero 1886 sa San

Fernando, Pampanga. Siya ang ikapitong anak sa sampung mga anak nina
Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Ang kanyang ama na naging juez de
ganados ay namatay noong 1892 noong siya ay anim na taong gulang pa
lamang. Pagkatapos ng isang taon si Jose ay naging estudyante ni Calixto
Arevalo. Kumuha naman siya ng bagong guro na si Felix Dizon na gumagamit
ng wikang Kastila sa pagtuturo.
Sa mga huling yugto ng pananakop ng Amerikano, nag-aral siya sa
isang pampublikong paaralan na itinatag ng mga Amerikano. Sa edad na 14
noong 1900, nabasa niya ang librong The American Citizen, na nag-udyok sa
kanya para maging isang abogado. Sa taong 1904 ay naging isa siyang
pensionado ng gobyerno. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos kasama ang 28
na iba pang pensionado. Nag-aral siya sa Sta. Clara College ng ilang buwan.
Itinuloy niya ang pag-aaral sa Unibersidad ng Illinois noong 12 Hunyo 1905.
Pagkatapos ng isang taon ay lumipat siya sa Northwestern University kung
saan nakuha niya ang titulong Batsilyer sa mga Batas.
Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (30 Agosto 1850 - 4
Hulyo 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay
isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa
dyaryo ay Plaridel. Pinalitan niya si Graciano Lpez Jaena bilang
patnugot ng La Solidaridad.
Mayaman ang mga magulang ni Marcelo. Marami silang palaisdaan
at sakahan. Si Julian Hilario del Pilar, ang kanyang ama, ay tatlong beses
na naging gobernadorcillo. Naglingkod din si Julian bilang oficial de
mesa ng alkalde mayor. Ang ina ni Marcelo ay si Blasa Gatmaitan. Kilala
si Blasa sa bansag na Blasica.
Pang-siyam sa sampung magkakapatid, ang mga kapatid ni Marcelo
ay sina: Toribio (paring ipinatapon sa Guam noong 1872),Fernando (ama
ni heneral Gregorio del Pilar), Andrea, Dorotea, Estanislao, Juan, Hilaria
(maybahay ni Deodato Arellano), Valentin at Maria.
Ang tunay na apelyido ng pamilya ay "Hilario". Ginamit nila ang
apelyidong "del Pilar" alinsunod sa kautusan ni Gobernador
Heneral Narciso Claveria noong 1849.
Si Antonio Luna de San Pedro y Novicio-Ancheta o higit na kilala
bilang Antonio Luna (29 Oktubre 1866 - 7 Hunyo 1899) ay
isang Pilipinongparmasiyotiko at isang heneral na lumaban
sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya rin ang nagtatag ng kauna-
unahang akademyang militar sa Pilipinas, na naitatag noong Unang
Republika ng Pilipinas. Tinagurian siya bilang pinakamahusay na
Pilipinong opisyal ng militar noong digmaan.
Sinundan niya si Artemio Ricartebilang kumander ng Hukbong
Pilipinong Mapaghimagsik, at nagbuo ng mga prupesyunal na
sundalong gerilya. Ang kanyang maigting na depensa, na tinawag
ngayong Linyang Depensa ni Luna, ang nagpahirap sa mga hukbong
Amerikano sa mga lalawigan sa hilaga ng Maynila.
Si Melchora Aquino (kapanganakan 6 Enero 1812, kamatayan 2 Marso
1919) o Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit
kung pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga
katangiang maaring ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit
na tindahan sa Balintawak. Tinagurian siyang Tandang Sora, sapagkat matanda
na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio
noong taong 1896.
Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio at may
anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang
ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong
pamilya at hindi muling nagpakasal.
Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa
pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres
Bonifacio. Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na
pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa
kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila
ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar
na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting
tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda,
babae o lalaki.
Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864Mayo 13, 1903),
kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay
isang Pilipino teoretista na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika
ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-
unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa
Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio
Mabini at Dionisia Maranan.
Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa
kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy
sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa
pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo
Tomas naman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang
nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.
Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng paralisis ng bata na lumumpo sa
kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na
ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang
pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini
bilang kalihim panglabas at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat
niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".
Si Dr. Jos Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo
1861 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag
na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng
mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala
bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga
Pambansang Bayani.
Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at
pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal
Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-
aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer
ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de
Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na
nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya
sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta,
pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na
ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tngere, at
ang kasunod nitong El filibusterismo. Isa ring poliglota si Rizal, na
nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.
Si Lapu-Lapu (nakilala 1521) ay isang datu sa pulo ng Maktan, isang
pulo sa Kabisayaan, Pilipinas, na nakilala bilang pinakaunang katutubo
ng kapuluan na lumaban sa pananakop ng mga Kastila. Siya rin ang dahilan ng
pagkamatay ng manlalakbay na si Fernando Magallanes. Itinuturing siya
bilang pinakaunang bayaning Pilipino. Kilala rin siya sa mga
pangalang ilapulapu, Si Lapulapu, Salip Pulaka, at Khalifa Lapu
o Caliph Lapu (ibinabaybay din bilang Cali Pulaco), subalit pinagtatalunan ang
pinagmulan ng mga pangalan nito.
Ang mga mamamayan ng Kapuluan ng Sulu ay pinaniniwalaan na si
Lapu-Lapu ay isang Muslim na mula sa mga Tausug. Pinaniniwalaan din na si
Lapu-Lapu at Rajah Humabon ay mga nagtatag ng Kasultanan ng Cebu.
Bilang isang pinuno ng Maktan, si Lapu-lapu ay sadyang may matibay na
paninindigan. Bilang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga
mapanlinlang mga alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng
magandang posisyon at natatanging pagkilala si Lapu-lapu, subalit kapalit nito
ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at
sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin ang mga
lupang tunay na pag-aari ng mga nitibo at partikular na ang kamag-anak at
pamilya Lapu-Lapu (Lapulapu). Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi
ni Lapu-lapu sa kanyang alok.
Si Jose Apolonio Burgos ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur noong ika-9
ng Pebrero, 1837. Ang kanyang ama ay si Tenyente Jos Tiburcio Burgos at ang
kanyang ina ay si Florencia Garcia.
Siya ay naulila sa magulang noong siya ay walong taong gulang pa lamang.
Bilang isang mag-aaral, siya ay may angking katalinuhan. Nagtapos siya
ng Bachiller en Artes sa Colegio de San Juan de Letran. Naging pari noong
Pebrero 11, 1885 at itinalaga sa Katedral ng Maynila. Nagpatuloy siya sa pag-
aaral at nakatapos siya nang may karangalan para sa kursong Teolohiya (1859),
Pilosopiya (1860), "Bachelor of Canon" (1866), at "Doctorate's Degree" para sa
Teolohiya (1868) at "Canon Law" (1871).
Si Padre Burgos ay naging aktibong kasapi ng kilusan na pinamumunuan
ni Padre Pedro Pelaez. Ipinaglaban nila ang karapatan ng mga Pilipinong pari at
sila ay nagtagumpay. Nang namatay si Padre Pelaez, ang kilusang ito ay
pinamumunuan ni Padre Burgos kasama sina Padre Mariano Gomez at
Padre Jacinto Zamora.
Si Urduja (ca. 1350 - 1400 CE), ay isang maalamat na
prinsesang mandirigma na kinikilang bayani
sa Pangasinan, Pilipinas.Siya ay kinikilala ng mga Pangasinense na
siya ang lola ni Rajah Matanda. Ang pangalang Urduja ay tila nagmula
sa Sanskrit, na maaaring mangahulugan gaya ng mga pangalan
baryasyo nito na "Udaya," na nangangahulugang "tumaas" o "bukang
liwayway," o ang pangalang "Urja," na nangangahulugang "hininga o
pagbigay ng hangin sa mga nangangailangan."
Si Emilio Jacinto y Dizon (15 Disyembre 1875 16 Abril 1899), ay
isang Pilipinongrebolusyonaryo at kilala bilang Utak ng Katipunan.
Ipinanganak si Emilio Jacinto sa Tondo, Maynila at ang mga magulang
niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa Colegio de San
Juan de Letran, at lumaon at lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas upang
mag-aral ng abogasiya. Naging kamag-aral niya rito sina Manuel
Quezon at Sergio Osmea. Hindi siya nakapagtapos sa kolehiyo, at sa gulang na
17, si Emilio Jacinto ang pinakabata sa lihim na samahan na tinawag
na Katipunan. Naging tagapayo siya sa mga usaping pampiskalya at kalihim
ni Andrs Bonifacio. Lumaon ay nakilala siya bilang Utak ng Katipunan.
Inatasan siya ni Bonifacio na mamuno sa Laguna. Siya ay nakasulat ng mga
akda tulad ng A Mi Patria at ang Kartilya ng Katipunan. Siya rin ay isa sa mga
sumulat ng pahayagan ng Katipunan na tinatawag na Kalayaan. Sumulat siya sa
pangalang "Dimasilaw" at ginamit ang alyas na "Pingkian" sa Katipunan.
Namatay sa sakit na malarya si Jacinto noong 16 Abril 1899 sa Magdalena,
Laguna.
Si Andrs Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre 1863 10
Mayo 1897) ay isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo.
Binansagan siyang "Ama ng Katipunan". Siya ang nagtatag at
lumaon naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglayong
makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at
nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.Kinikilala rin siya ng
ilang mga dalubhasa sa kasaysayan blang unang Pangulo ng
Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na kinikilala.
Anak si Andres nina Santiago Bonifacio at Catalina de
Castro ng Tondo, Maynila, at panganay sa limang magkakapatid.
Ang kaniyang mga kapatid ay sina Ciriaco, Procopio, Troadio,
Esperidiona at Maxima. Mananahi ang kaniyang ama na
naglingkod blang teniente mayor ng Tondo, Maynila,
samantalang ang kaniyang ina ay isang mestisang ipinanganak
mula sa isang Kastilang ama at isang inang may Pilipinong may
lahing Tsino. blang kaugalian, isinunod ang pangalan niya sa
kapistahan ng santo ng araw ng kaniyang kapanganakan, si San
Andres.

You might also like