You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas )

Lungsod ng Maynila ) S.S.

PANIBAGONG SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si MUTYA K. ALCANTARA, may sapat na gulang, walang


asawa, Pilipino, at nakatira sa 80 Katuparan Street, Barangay
Commonwealth, Quezon City, matapos makapanumpa ng naaayon
sa ipinag-uutos ng batas ay malaya at kusang-loob na nagsasaad na:

1. Ang Panibagong Sinumpaang Salaysay na ito ay ginawa ko


upang ireklamo sina Arnel Aldo Agustin, Benjamin Ben
Bautista, at Charles Castro Cariso, pawang nasa hustong
gulang, ng kasong panggagahasa o Rape na nakasaad sa
Article 266-A ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng
Republic Act No. 8353. Ang nasabing panggagahasa ay
naganap noong ika-9 ng Oktubre 2016 sa pagitan ng 12:30 ng
madaling araw hanggang 4:00 ng madaling araw sa isang
abandunadong gusali sa Brgy. 648, Carlos Palanca Street,
Quiapo, Manila.

2. Ako ay nag-aaral sa University of the East (UE) Manila


campus at kumukuha ng kursong Juris Doctor (JD). Ang aking
klase tuwing Sabado ay mula 1:00 ng hapon hanggang 9:30 ng
gabi.

3. Noong gabi ng ika-8 ng Oktubre 2016, matapos ang aking


klase, nagpunta kami ni Steffi Cruz (aking kaklase) sa Coffee
Bean & Tea Leaf (Recto Avenue) bandang 10:30 ng gabi
upang mag-aral para sa nalalapit naming pagsusulit.

4. Kami ay natapos mag-aral mga bandang 12:00 ng hating gabi,


na siya ring oras ng pagsasara ng nasabing kapihan.
Napagpasiyahan naming umuwi na ng mga oras na iyon.

5. Kami ay dumaan ni Steffi sa kanto ng Gastambide. Lumiko si


Steffi sa kanto ng J. Dela Rosa kung saan patungo ang
kanyang tinitirhan. Ako naman ay dumiretso, at kumaliwa sa
kanto ng Loyola upang tahakin ang P. Campa St. patungo sa
Espanya upang doon sumakay pauwi sa amin.

6. Bago ako makakaliwa sa kanto ng Loyola, may tatlong lalake


akong namataan sa may Pica-Pica, isang restobar. Nang ako
ay paliko na ng P. Campa Street, nagulat ako nang may
biglang humatak sa akin na mga lalake at tinakpan ang aking
bibig; sinubukan kong magpumiglas ngunit may biglang
sumuntok sa aking sikmura, at ipinasok ako sa isang kotse.
7. Habang kami ay nasa loob ng kotse, napansin ko na sila ay
amoy alak. Sinimulan nilang hawakan ang mga maseselang
parte ng aking katawan. Pinilit kong manlaban ngunit ako ay
nanghihina pa rin. Wala na akong nagawa kung hindi ang
umiyak dahil sa takot. Narinig ko silang pinag-uusapan kung
saan ako dadalhin. Sumagot ang drayber at sinabi niyang, Ako
na ang bahala. Sa may Ayala bridge tayo.

8. Makalipas ang ilang sandali, huminto ang kotse sa isang


madilim na lugar. Sumigaw ako at sinampal ako ng isang
lalake, sabay sabing, Manahimik ka! Kung hindi ka tatahimik
papatayin ka namin dito. Nang sinabi niya iyon, nakaramdam
ako ng isang matalim na bagay na itinutok sa aking tagiliran.

9. Ibinaba ako ng dalawang lalake mula sa kotse. Pinilit ko pa ring


magpumiglas sa kanilang pagkakahawak sa akin ngunit
sapilitan nila akong ipinasok sa isang madilim na gusali. Ako ay
nagmakaaawa sa kanila at sinabi kong, Wag po! maawa po
kayo sa akin. Sumagot ang isang lalake, habang nakatutok
ang nasabing matalim na bagay, at sinabing, Wag kang
maingay kundi tutuluyan ka talaga namin.

10. Pinilit akong ihiga ng mga lalake. Patuloy akong nanlaban


ngunit mas malakas sila. Inangat ng isa sa kanila ang aking
suot na damit, tinanggal ang hook ng aking bra at iniangat din
iyon, at ibinaba ang aking panty. Umibabaw sa akin ang isang
lalake at sapilitan nyang ipinasok sa akin ang kanyang ari.
Labis akong nakaramdam ng kirot sa aking ari. Lalo akong
napahagulgol sa sakit habang nagmamakaawa na itigil na nila.
Subalit binusalan nila ang aking bibig.

11. Pinagsalit-salitan nila akong gahasain. Wala na akong ibang


nagawa kung hindi ang umiyak at magmakaawa. Sa tuwing ako
ay manlalaban, sinasaktan nila ako sa ibat ibang parte ng
aking katawan, may mga kumagat sa aking dibdib at leeg, at
mayroon din pong humampas sa aking ulo, dahilan para
manlabo ang aking paningin hanggang sa tuluyan na po akong
nawalan ng malay at hindi ko na po namalayan ang sumunod
na mga pangyayari.

12. Noong ika-9 ng Oktubre 2016, nagising nalang ako sa ospital.


Naramdaman ko na masakit ang aking buong katawan. Nakita
ko ang aking ina, na si Maya Alcantara. Napahagulgol ako sa
iyak sapagkat doon ko naalala ang mga pangyayari.

13. Sa araw ding iyon, kinuhanan ako ng medical examination.


Bilang patunay sa nabanggit ay inilalakip ko sa Panibagong
Sinumpaang Salaysay na ito ang kopya ng dokumentong
Medico-Legal Report na may petsang October 9, 2016 bilang
Annex A.
14. Noong hapon ng ika-9 ng Oktubre 2016, nagpunta ang aking
ina sa PNP Womens Desk kung saan malapit nangyari ang
panggagahasa. Inireklamo ng aking ina ang nasabing insidente
noong madaling araw ng ika-9 ng Oktubre 2016. Bilang
patunay sa nabanggit ay inilalakip ko sa Panibagong
Sinumpaang Salaysay na ito ang kopya ng dokumentong
Affidavit na nilagdaan niya noong ika-9 ng Oktubre 2016 bilang
Annex B.

14. Sa hapon ding iyon ay kinuhanan ako ng salaysay, sa Ward-1


ng PGH, ni PO2 Leila Dela Rosa ng PNP Womens Desk,
Police Station 8, Quiapo Manila. Bilang patunay sa nabanggit
ay inilalakip ko sa Panibagong Sinumpaang Salaysay na ito
ang kopya ng dokumentong Affidavit na nilagdaan ko noong
ika-9 ng Oktubre 2016 bilang Annex C.

15. Sa pamamagitan ng kopya ng recording ng CCTV na nakakabit


sa may dulo ng P. Campa St., at dulo ng Loyola, nakita ang
kotse na ginamit ng mga akusado kung saan ako sapilitang
isinakay. Ang kotse ay nakaparada malapit sa
establisyamentong Pica-Pica at makikita sa recording ang
plaka nito. Pinakita ang letrato ng plaka ng nasabing kotse sa
mga empleyado ng Pica-Pica at ikinumpirma nila na ito ay
pagmamay-ari ng isang regular na customer doon.

16. Sa pamamagitan ng isang Verification Report mula sa Land


Transportation Office, napag-alaman na isang Arnel Agustin, 28
taon gulang at nakatira sa 115 Cotabato St., Bago-bantay,
Quezon City, ang nagmamay-ari ng nasabing kotse. Noong ika-
15 ng Oktubre 2016, naimbitahan si Arnel Aldo Agustin,
kasama pa ang dalawang lalaki, sa Police Station 8 ng Quiapo,
Manila upang sumali sa police line-up kung saan sila ay
positibo kong itinuro bilang ang mga lalaking gumahasa sa
akin. Dito ko nalaman na ang mga kasama niyang dalawang
lalaki ay sina Benjamin Ben Bautista, 27 taon gulang, nakatira
sa No. 48 U. Plata, Caloocan; at Charles Castro Cariso, 27
taon gulang, nakatira sa 2 Paraiso St., San Francisco, Quezon
City. Bilang patunay sa nabanggit ay inilalakip ko sa
Panibagong Sinumpaang Salaysay na ito ang kopya ng
dokumentong Verification Report bilang Annex D.

17. Ang panggagahasang ginawa ng tatlong inirereklamo ay labag


sa batas ayon sa Article 266-A ng Revised Penal Code, na
inamyendahan ng Republic Act No. 8353 o ang Anti-Rape
Law, na nagsasaad na:

Article 266-A. Rape: When and How Committed. - Rape is


committed:
1) By a man who shall have carnal knowledge of a woman
under any of the following circumstances:

a) Through force, threat, or intimidation;

b) When the offended party is deprived of reason or otherwise


unconscious; x x x

17. Sa katunayan, ang nasabing krimen ay naisasagawa sa


pamamagitan ng mga sumusunod na elemento ayon sa
Revised Penal Code na pawang naganap sa kasong ito:

a. that the offender is a man

Ang mga inirereklamo ay mga kalalakihang nasa


tamang edad na may kakayahang maisagawa ang
nasabing krimen.

b. that the offender had carnal knowledge of a woman

Malinaw na ang mga inirereklamo ay may maka-


mundong pagnanasa sa biktima (sa akin) na siyang
naging dahilan para pagsamantalahan ang aking
kahinaan at pagka-babae.

c. that such act is accomplished by using force, threat or


intimidation

Makailang ulit kong inalala ang mga pananakit,


pananakot at pang-aabusong ginawa sa akin ng mga
nasasakdal upang maisakatuparan ang kanilang
masamang balak. Lahat ng iyon ay naging pamamaraan
upang maisagawa ang panggagahasa.

18. Bilang karagdagan sa nabanggit, ayon sa Article 266-D ng


nasabing batas, nakasaad dito na:

Article 266-D. Presumptions. - Any physical overt act


manifesting resistance against the act of rape in any degree
from the offended party, or where the offended party is so
situated as to render her/him incapable of giving valid consent,
may be accepted as evidence in the prosecution of the acts
punished under Article 266-A.

19. Sa lahat ng nailahad, buong pagpapatotoo lamang na labag sa


kagustuhan ko ang mga pangyayari. Sa kabila ng aking
pagtanggi at pagmamakaawa, ang nasabing krimen ng
panggagahasa ay naisagawa kung kayat hustiya ang tanging
hinihiling ko.
20. Hinihiling ko sa kagalang-galang na Taga-usig na patawan ng
kaparusahang naaayon sa batas ang mga suspek/akusado sa
kasong ito, at dahil sa kadahilanang nabanggit sa itaas.

21. Nilagdaan ko ang Panibagong Sinumpaang Salaysay na ito


bilang patunay na ang lahat ng nakasaad o nakasulat dito ay
pawang katotohanan lamang at sa katunayan nito ay handa
kong lagdaan sa itaas ng aking pangalan, matapos ko itong
basahin at unawain.

WAKAS NG SALAYSAY NG REKLAMO.

SA KATUNAYAN NG MGA SINASAAD DITO, kusang-loob na


nilagdaan ko ang Panibagong Sinumpaang Salaysay na ito ngayong
ika-4 ng Disyembre 2016 sa Lungsod ng Maynila.

MUTYA ALCANTARA
Nagsasalaysay

PINANUMPAAN sa harap ko ngayong ika-___ ng Disyembre


2016 sa Lungsod ng __________.

PINAPATUNAYAN ko na personal kong sinuri ang nagsalaysay


na kusang-loob at bukas-isip niyang nilagdaan ang kanyang
Panibagong Sinumpaang Salaysay at naintindihan niya ang
nilalaman ng mga nabanggit.

Asst. City Prosecutor

You might also like