You are on page 1of 2

Amado V.

Hernandez

Si Amado Vera Hernndez (13 Setyembre 1903 24 Marso 1970) ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga
Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap
sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang
bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.

Sariling buhay

Ipinanganak siya sa Sagrada Familia sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo, Maynila kung saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at
sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspondence School). Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la
Rama. Siya ay batang ama at nag ka anak sa maagang idad. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang mga Pambansang Alagad ng Sining si Hernandez para sa
Panitikan, samantalang si de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.

Bilang manunulat

Noong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa pahayagang Watawat (Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa
mga Pagkakaisa at naging patnugot ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang pansin ng mga dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga
salaysayin at tula ay napabilang sa mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong 1922,
sa gulang na 19, naging kabahagi si Hernandez ng samahan pampanitikan na Aklatang Bayan na kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa Tagalog na sina
Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus.

Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang
sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula.

Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa
isang tomo na pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan
ang marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas.
Naipakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik.

Mga gantimpala at parangal

Noong 1973, limang taon mula nang sumakabilang buhay si Hernandez, ginawaran si Ka Amado ng titulong Pambansang Alagad ng Sining. Bagamat matagal-
tagal na rin mula nang pumanaw ang manunulat, patuloy na umaalingawngaw sa mga paaralan at sa mga rali sa lansangan ang kanyang matulaing
pagkamakabayan, lalo na ang mga salita ng tulang "Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan."

Pamana at paggunita

Bawat taon ay ginugunita at ipinagkakaloob ang Gawad Ka Amado sa mga makata, manunulat, mandudula, mang-aawit at mga may-akda ng mga likhang-biswal
na gumagawa ng mga sulating tumatalakay sa mga karanasan ng liping manggagawa.

You might also like