You are on page 1of 4

Sanaysay na Pormal Tungkol sa Kapaligiran

Halimbawa ng Sanaysay

Global Warming sa Pilipinas (Sulating Pormal)

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung akoy bibigyan ng pagkakataon na
maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating
kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng
ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang
dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang
magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng
temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at
mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng
ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o
itong tinatawag na suns rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung itoy direktang makapapasok ay siya na
ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter
upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng
ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan,
malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan.
Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng
pagsusunod ng mga fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng
ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran.
Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan
lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng
bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga
taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. 2011 Sanaysay sa Filipino.

Sanaysay na Nagbibigay ng Payo o Inspirasyon

-- Nasa sa Iyong Mga Kamay ang Pagbabago --

Isang madaling pangyayari ang pumasok sa anumang uri ng addiction, ngunit mahirap na sitwasyon ang paglabas sa
ganitong uri ng kondisyon. Ang paghinto sa pag-inom ng alak ay isang mahirap na gawain. Kaya nga naiisip ko na
ang mga taong nakakalabas sa ganitong uri ng bisyo ay maituturing na isang tunay na mandirigma. Ngayon, kung
isa ka sa mga taong nagnanais na makahanap ng mga paraan upang malunasan mo ang iyong sariling bisyo,
mangyaring ipagpatuloy ang pagbabasa sa sanaysay na ito.

Ang mga gawaing narito, na maituturing na simple at payak, ay maaaring makatulong sa iyo o sa isang taong
malapit sa iyo upang makapagsimula na makamuhay ng normal na hindi alipin ng alak o anumang uri ng inuming
nakalalasing. Hindi nga madali ngunit maaaring sa simula lamang. Kapag naipagpatuloy mo at nakalampas ka na sa
mas mahirap na antas ng mga paraang ito, nakatitiyak ka na madali na lamang ang mga susunod na gawain.

Huwag kang sumuko. Maaaring ang kinabukasan mo at ng iyong pamilya ay nakasalalay sa iyong mga desisyon. Ang
desisyon na huminto na sa pag-inom ng alak ay isang mabuting desisyon na siyang magiging daan mo sa tagumpay
at pagkaroon ng katuparan ng iyong mga pangarap.

Subukang alamin ang mga sakit na maaaring maidulot ng labis na pag-inom sa iyo. Tuklasin ang lahat ng mga
negatibong pangyayari sa iyong buhay at ang mga problemang kaakibat nito. Isipin ang mga bagay na sumira sa
iyong relasyon sa pamilya at mga kaibigan. Alalahanin ang mga aspetong hindi sana mangyayari kung hindi ka
naglasing at hindi mo inabuso ang alak.

Kung malalaman mo ang mga bagay na negatibo tungkol sa alcohol at ang mga masasamang epekto ng labis na
pagkonsumo dito, nakatitiyak akong makakapagdesisyon ka na upang itigil ang ganitong uri ng bisyo. Kailangan
mong unawain at alamin ang lahat ng mga masasamang epekto nito sa buhay mo at sa mga mahal mo sa buhay
gaya ng iyong pamilya.

Sa ganitong paraan, malalaman mo ang halaga ng iyong pagbabago. Mauunawaan mo rin nang lubusan kung bakit
kailangan mo nang ihinto ang pag-inom. Makikita mo nang malinaw ang halaga ng iyong pagtigil sa pag-inom at ang
mga bagay na maiiwasan mo kapag naging nabago mo ang iyong buhay.

Mahalaga na malaman mo na ang mga bagay na ito upang maging madali sa iyo ang pag-unawa na kailangang at
dapat kang magbago sa panahon ngayon. Nasa sa iyong mga kamay ang ikapagbabago ng kalidad ng iyong buhay
at pagkatao. Nasa sa iyong mga kamay nakasalalay ang ikabubuti ng iyong personalidad at hindi mo dapat na
sinasayang lamang.

Isang tagalog na sanaysay na halimbawa ng pagbibigay ng payo o inspirasyon sa mambabasa.

Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay)

Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng addiction. Ang mas mahirap ay
ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang alcohol ay isang nakaka-addict na
substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari kang mahulog sa kanyang
patibong. Maaari kang maging addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos
kung wala ito. Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi
umiinom. Sapagkat ang alak nga ay nakapasok na sa iyong sistema at itoy nakagawa na ng isang malakas na
impluwensiya sa iyong katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na
pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na gawain.

Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang epekto ang labis na
pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado
akong malalaman mong walang mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito lalo na sa pagtagal ng
panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom ay isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng
iyong buhay at pati na rin ang kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin
dapat isa-isantabi na ang desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at
makapagpapatibay pa ng lubos ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo
kang alak sa iyong mga mahal sa buhay.
Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa ngat naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan
at isipan. Pero kung ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring mapagtagumpayan mo ito kahit sa
iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At
kung maghahanap ka lamang ng mga programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto
sa pag-inom ng alcohol.

Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para mapaglaban ang iyong kondisyon
bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong
pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-
alang-alang ang mga mahal mo sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi
kailanman maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom ng alak.
Ngunit kahit hindi man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin ang takbo
ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na madaragdagan ang iyong mga
problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa
darating pang panahon. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

Ang Korapsyon sa Pilipinas


Balitang-balita sa ngayon ang pagkakakulong ng tatlong senador na sina Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at
Jinggoy Estrada dahil sa kasong inirereklamo laban sa kanila na Plunder o Pandarambong. Ayon sa ulat ng
midya, ang tatlong senador diumano ay nakipagsabwatan sa tinaguriang Pork Barrel Queen na si Janet Lim
Napoles upang magkamal ng limpak-limpak na salapi.

Eh ano nga ba ang bago sa balitang ito?

Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit panay sa kalabang partido ang mga naaakusahan? Ang ibig sabihin ba
nito ay Demonyo ang mga nasa oposisyon at Santo o Anghel ang kakampi ng Pangulong Aquino?
Lumalabas tuloy na tila ay pulitika ang pangunahing dahilan.

Ang Korapsyon o Pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang pangunahing dahilan
kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang mga Pilipino. Ito rin ang dahilan kung bakit: Karamihan sa
mga ospital sa bansa ay kulang ng nars, doktor, gamot at makabagong kagamitan; Mababa ang kalidad ng
edukasyon sa mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng guro, aklat, silid at pasilidad; Kakaunti ang
pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging dahilan ng kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa ng ating
mga kababayan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa epekto ng korapsyon.

Ang korapsyon sa Pilipinas ay isang malubhang suliranin na nangangailangan ng epektibong solusyon. Ilang
nagdaang administrasyon na nga ba ang nangakong wawakasan ang suliraning ito? Sa bandang huli pala ay
kabilang din sila sa mga kurakot.

Masigasig ang kampanya laban sa katiwalian at korapsyon ng kasalukuyang administrasyon ni Pnoy. Ito ang
kanyang pangunahing plataporma. Ang Tuwid na Daan ang nagluklok sa kanya sa pwesto. Pero ang
nakakalungkot lang ay tila ba may pinipili ang batas laban sa korapsyon.

Kapag kaaway sa pulitika ay agad na nakukulong, ngunit kapag kaalyado naman ay tila tamad ang pamahalaan
sa paghahanap, pag-iimbestiga at pangangalap ng ebidensya.

Hindi bat ganito rin ang nangyari sa nagdaang administrasyon ni Gloria?


Kung ganito ang sistema sa paglaban sa korapsyon- kampihan at may kinikilingan- mas mabuti pa
sigurong..kayo na po ang tumapos sa linyang ito.

You might also like