You are on page 1of 2

Ang pinakanaintindihan kong paksa ay ang Kabanata 4 Si Kabesang

Tales ng El Filibusterismo. Sa kadahilanang malinaw na sinasabi dito na


kaya ipinaglalaban ni Kabesang Tales ang kanyang lupain dahil gustong
agawin ito ng mga prayle na wala namang karapatan sa lupain ni
Kabesang Tales. Kaya naihahalintulad ko ito sa mga Pilipino (kay
Kabesang Tales) na gustong lumaban upang maagaw ang lupain sa mga
mananakop. Ngunit gaya nga ng nangyari sa kasaysayan ay hindi nag
tagumpay ang mga Pilipino sa pagbawi ng kanilang karapatan sa bansa.
Bagama`t ilang taon itong ipinaglaban ng mga Pilipino upang makamit
din sa wakas ang kapayapaan. Siya ring hangad ni Kabesang Tales sa
kanyang lupain. Maihahalintulad ko ang Kabanata 6 Si Kabesang Tales
ng El Filibusterismo sa mga Pilipino dahil inagawan na nga ng lupain ang
mga Pilipino noong panahon ng kastila ay pinagbabayad pa ito sa sarili
nating lupain. Kaya napakagandang halimbawa ng Kabanata 6 Si
Kabesang Tales ng El Filibusterismo sa mga Pilipino sapagkat tayo ay
inagawan na ng lupain at naging manggagawa pa sa sariling lupain.
Kaya sa lahat ng kabanata ang Kabanata 6 Si Kabesang Tales ng El
Filibusterismo ang pinakanatutunan ko. Sa kadahilanang mabilis natin
maihahalintulad ang sarili natin noong panahon ng kastila kay Kabesang
Tales.
Kabanata 6:
Si Kabesang Tales

Ipinasa ni: Rito R. Lumayag Jr.


Baitang at Seksyon: 10 - Juan Ramon Jimenez
Ipinasa kay: Bb. Diann Bacalso

You might also like