You are on page 1of 2

Anyong Lupa

Sa agham pangmundo at heolohiya, ang anyong lupa o pisikal na katangian ay


binubuo ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa
kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa
katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya.
Mga Anyong Lupa

Kapatagan isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at
pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. Isang
halimbawa nito ay ang kapatagan ng gitnang Luzon.
Bundok isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na
mas mataas kaysa sa burol. Ang mga halimbawa nito ay ang Bundok
Banahaw at Bundok Apo.
Bulkan isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay
maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan,
una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad
ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri
naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang
ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo.
Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo.
Burol higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang
tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan
ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay
tsokolate.
Lambak isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga
produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
Talampas patag na anyong lupa. Ang kaibahan nito sa lambak ay nakalatag ito sa
isang mataas na lugar.
Baybayin bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.
Bulubundukin matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
Pulo mga lupain na napalilibutan ng tubig.
Yungib mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin
ng tao at hayop.
Tangway pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.
Tangos mas maliit sa tangway.
Disyerto mainit na anyong lupa.
Kapuluan mga grupo ng malalaki at maliliit na pulo na napapaligiran ng
katubigan.
Anyong Tubig
Ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig,
kadalasang tinatakpan ang ibabaw ng isang planeta katulad ng Daigdig. Hindi
kinakailangan na hindi gumagalaw o nakapaloob ang isang anyong tubig; ang mga ilog,
sapa, kanal, agusan, bambang at ibang katangiang pang-heograpiya kung saan dumadaloy
ang tubig mula sa isang lugar hanggang sa isa pang lugar ay tinturing din na anyong
tubig.
Mga Anyong Tubig
Karagatan - ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang
tubig nito.
Dagat - malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan.
Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa
mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat
Sulu, Dagat Celebes, at Dagat Mindanao.)
Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat.
Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
Look - isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang
sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat
o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng
Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.)
Golpo - isang malawak na look.
Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
Bukal - anyong tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig
tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa
pagiging kapuluan nito.
Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
Batis - isang ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos na tubig.

You might also like