You are on page 1of 2

ISA HANGGANG LIMA

Lagi kong naaalala ang isa,

Ang bilang na lagging nangunguna.

Ako minsan kapag nagsosolo

Nag-iisa, pero iba kapag nasa grupo.

Dalawa, pangalawa sa bilang.

Misan pa nga kulang,

Kapag dalawa, ang isa ay reserba

Pero bakit nagkaiba?

Kapag nasa tatlo ako,

Hindi ko mapigilang kantahin ang tatlong bibi.

Nakakatawa pero yan ang totoo.

Kaya siguro marami sa ngayon ang pabebe!

Apat na, dati apat na taon lang sa hyaskul

Ngayon anime na atb sana’I di magkabuhol.

Sabi nga sa komersyo, dapat apat.

Parang ako lang, tapat at sapat.

Lima, nakalima na pala ako…

Malaking bagay na ito noong bata pa ako

Isa hanggang lima ang turo sa akin,

Sabay palakpak sa akin ng nanay ko noon.


ANG AKING PANGARAP

Ang tawag nila sa akin ay Rap.

Ako’y mahilig mangarap

Kahit hindi ito madali,

Hindi naman ito minamadali.

Sabi nga ng aking pamilya…

Huwag akong mahihiya

Sa paraan kung paano ko makakamit

Ang aking pangarap na hindi nila pinagkait.

Sa walong taon kong pag-aaral

Unti-unti kong nabubuo at nababago ang aking asal,

Dahil sa Diyos ako’y laging nagdarasal

Na sana’y hindi ako mawalan ng pag-asa’t masakal.

Hanggang dito na lang ba ako? Tanong ko…

Ngunit hindi! Walang hanggang dito,

Dahil ako ang magtutuloy at magtatapos nito

Walang tuldok sa taong totoo!

Simple lang ang aking pangarap

Ang makuha ang aking diploma sa hinaharap

Madami mang pagsusulit at kwadernong aking sasagutin

Ito ay aking kakayanin!

You might also like