You are on page 1of 3

awtput blg 4

Aking Sarili

Tulang aking nilikha na walang tugma


Di para sa kanya o para sa mundo,
Kundi sa sarili mo’t sa sarili ko.
Mga katangian ko at sa buhay ko
Dito nakasaad at iyong malalaman,

Aking sarili at iyong maunawaan.


Pangalan ko ay Jayson B. Candelaria,
May katangian at kinatatakutan.
Ako’y simpleng bata at di pa malaya,
Umaasa pa sa aking mama’t papa.

Ako’y estudyante na siyang responsable


Sa bahay man o sa paaralan.
Ako ay kaibigan at kayamanan,
Kasama mo sa iyong kapighatian.
Ako’y laging kasama sa katiisan,

Sa huli ako’y iyong masusulyapan.


At sa kabila ng iyong kahirapan,
Ako ay sandalan na may kasiyahan.
Ang kasiyahan ko’y maaasahan,
Ngunit ako’y may takot na masugatan.

Aking nabatid, aking kilos ay mali


Di nag-isip kumilos ng dali-dali.
Gulo’t abala ang hatid sa marami
Mabuti’ nalunasan ng dali-dali.
Kaya’t tula’y nalikha na walang tugma

Di dahil gusto, kundi para sa grado.


Patawad Ginoo at ito lang ang nabuo,
Tungkol sa aking sarili’t sa buhay ko.
Gawain upuan blg 4

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang
takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na
edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga
university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon
ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na
pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay
pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science,
English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa.
Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang
matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang
pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa
kanilang mga inaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at


impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo
na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang
dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang
kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata
sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila
hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang
pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang
magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na
ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na
kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga
layunin nito.

Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng


kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang
magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging
kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang
lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang
matupad. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.
awtput blg 6

Alamat ng Ampalaya (Buod)


Noong unang panahon, sa bayan ng mga gulay, ang lahat ay may kanya kanyang
katangian.

Ang kalabasa ay may kakaibang tamis, ang kamatis ay may asim at makinis na kutis, ang
luya ay may kakaibang anghang, ang labanos ay may sobrang kaputian, ang talong ay may
lilang kulay, ang mustasa ay luntian.

Ngunit may isang gulay na may kakaibang anyo. Ito ay si ampalaya. Siya ay may maputla
at may lasang di maipaliwanag.

Araw araw, walang ginawa si ampalaya kundi ikumpara ang sarili sa ibang gulay.

Isang araw, nagplano si ampalaya na kuhanin ang taglay na katangian ng ibang gulay.
Nang sumapit ang gabi, naisakatuparan nya ang balak. Isinuot nya ang taglay na katangian
ng lahat ng gulay.

Tuwang tuwa si ampalaya sakapagkat ang dating di pinapansin ay pinag kakaguluhan na


ngayon.

Ngunit walang lihim na di mabubunyag, napagkasunduan ng lahat ng gulay na sundan ang


kakaibang gulay.

Dito nila nalaman na ang magandang gulay ay walang iba kundi si ampalaya. nagalit ang
lahat at si ampalaya ay iniharap sa diwata ng lupain.

Bilang parusa, ang balat ni ampalaya ay kumulubot at ang lasa sa loob ng kanyang
katawan ay naging mapait na dulot ng pag hahalo halo ng lasa ng ibang gulay.

You might also like