You are on page 1of 12

BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE-BASED

MULTILINGUAL EDUCATION III


IKAAPAT NA MARKAHAN

UNANG LINGGO
Unang Araw

I. Layunin
Relates one’s own experiences and ideas related to the topics using a variety of
words with proper phrasing and intonation. (MT3OL-IVa-10.1)

II. Paksang Aralin


A. Paksa
Naiuugnay ang Sariling Karanasan sa Kaugnay na Paksa
B. Sanggunian
MTB – MLE – Teacher’s Guide p. 332 – 333
MTB – MLE – Learner’s Material p. 289 – 291
Curriculum Guide p. 147
C. Kagamitan
larawan, envelope na naglalaman ng mga gawain

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Salita
a. tubig
b. marumi
c. malinis
d. magtipid
e. pangalagaan

2. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng batang naghuhugas ng kamay sa gripo.

3. Pangganyak na Tanong
Mahalaga ba ang tubig? Bakit?

B. Paglalahad
Pagbasa ng Dayalogo

Babasahin ng dalawang bata ang dayalogo nina Myra at Jason. Tatawag ng


dalawang mag-aaral na gaganap bilang si Jayson at Myra.

Myra: Jason, nakalimutan mong isara ang gripo. Tingnan mo, marami ang
nasayang mong tubig.
Jason: Paumanhin. Wala kasing tulo ng tubig kanina kaya nakalimutan kong
isara.
Myra: Sige, pero dapat natin tandaan na hindi dapat nagsasayang kahit isang
patak ng tubig.
Jason: Isang patak? O! Meron namang maraming tubig sa paligid. Tingnan
mo, kahit na ang ulan ay nagbibigay sa atin ng maraming tubig.
Myra: Jason, kung hindi natin aalagaan ang ating pinagkukunan ng tubig, mga
taon mula ngayon, mawawalan tayo ng mapagkukunan ng malinis na
tubig.
Jason: Paano mangyayari yan? Mayroon tayong mga ilog, bukal, talon at
maging mga karagatan. Lahat ng mga iyan ay mga pinagkukunan ng
tubig.
Myra: Ngunit mas malaking tulong kung ngayon pa lang magtitipid na tayo.
Mga tao, mga hayop at mga halaman ay hindi mabubuhay kung walang
tubig.

C. Pagtalakay
Pagsagot sa mga tanong:
1. Sino ang nakalimot isara ang gripo?
2. Anong pinagkukunan ng tubig ang nabanggit sa dayalogo?
3. Ano ang maaaring mangyari kung hindi tayo magtitipid ng tubig?

D. Paglalahat
Ano-ano ang paraan upang makatulong sa pagtitipid ng tubig?

E. Paglalapat
Ipangkat ang mga bata sa apat. Bigyan ng envelope ang bawat pangkat na
naglalaman ng kanilang gawain.

Pangkat 1 – gumawa ng rap na awit tungkol sa epekto ng baha


Pangkat 2 – acting out, pagtitipid ng kuryente
Pangkat 3 – gumuhit ng larawan kung paano mapapangalagaan ang kalikasan
Pangkat 4 – gumawa ng slogan kung paano mapipigilan ang baha

F. Pagtataya
Bilang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang maiwasan ang mga sakuna?

IV. Takdang Aralin

Unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama o Mali.

________1. Ang pagkalulong sa masamang bisyo ay maaaring maging sanhi ng


sakit.
________2. Ang pagtatanim ng mga puno ay nakatutulong upang maiwasan ang
pagbaha.
________3. Ang pangangalaga sa katawan ay nakakaiwas sa pagkakaroon ng
karamdaman.
________4. Kailangan natin iwasan ang pagtatapon ng basura sa ating mga
ilog.
________5. Ang madalas na pagpuputol ng mga puno ay nakatutulong sa
kapaligiran.
BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE-BASED
MULTILINGUAL EDUCATION III
IKAAPAT NA MARKAHAN

UNANG LINGGO
Ikalawang Araw

I. Layunin
Notes important details in grade level informational texts (MT3RC-IVa-1.2.1)

II. Paksang Aralin


A. Paksa
Pagkuha ng mahalagang detalye sa seleksyong binasa
(Sanhi at Bunga)
B. Sanggunian
MTB – MLE – Teacher’s Guide pp. 333 – 338
Curriculum Guide p. 147
C. Kagamitan
tsart ng kwentong Bakit Maalat ang Dagat, mga larawan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Salita
a. maalat
b. higante
c. Makati
d. kinamot
e. maliit
2. Pagwawasto ng takdang aralin
3. Balik – aral
Bakit mahalaga ang pagtitipid ng tubig?
4. Pagganyak
Pagpapakita ng asin sa klase.
Ano ang lasa ng asin?
5. Pangganyak na tanong
Bakit maalat ang dagat?

B. Paglalahad
Pagbasa ng Kwento

Bakit Maalat ang Dagat

Maraming taon noon,ang lasa ng dagat ay katulad ng karaniwang


tubig-ulanWalang lasa at matabang. Mapalad naman ang mga tao sa isla dahil
may kilala silang mabait na higante na may itinatagong bundok ng asin sa
kanyang kuweba. Sila ay namamangka patungo sa kuweba ng higante at
dinadala nila ang asin sa kanilang tirahan, para makapagluto ng masarap at
malasang mga pagkain.

Isang panahon, naging maalon ang karagatan at hindi sila


makapamangka para kumuha ng asin. Naubusan ng asin ang mga mamamayan
at di na nila nagustuhan ang walang lasang pagkain. Iniisip nila paano
makakukuha ng asin. Isang paslit ang nagmungkahi na iunat ng higante ang paa
at doon tutulay ang mga mamamayan.
Pumayag ang mabait na higante, at ang mga mamamayan ay
tumulay sa binti ng higante dala ang mga walang laman na sako.Sa kasamaang-
palad ang paa ng higante ay nailagay sa tirahan ng mga mababagsik na langgam
at siya ay pinagkakagat sa kanyang higanteng paa.

"Bilis!" pakiusap ng higante, na tiniis ang pangangati ng mga paa.


Pagkarating ng mga tao sa isla ng higante, ibinalik niya ang paa at kinamot ang
nangangating binti. Napangiti ang mga mamamayan kung paano nabulabog ng
mga maliliit na langgam ang higante.

Nakuha ng mga tao ang kanilang asin at muling iniunat ng higante


ang binti. Kinagat agad siya ng mga langgam sa namamagang paa. Pinakiusapan
niya na bilisan ng mga tao ang kanilang pagtawid. Pero sa halip na makinig at
maniwala na maapektuhan siya ng kagat ng maliliit na langgam. Kaya dahan-
dahan silang tumawid habang nagkukuwentuhan. At bago makatawid ang mga
tao sa kabilang panig ng karagatan, inihampas ng higante sa dagat ang masakit
na binti na kinakagat ng langgam. Lahat ng saku-sakong asin ay nahulog sa
dagat at nalusaw.

C. Pagtalakay
1. Ano ang lasa ng tubig-dagat noon?
2. Saan kumukuha ng asin ang mga tao?
3. Paano sila tinulungan ng higante?
4. Ano ang nangyari sa higante habang tinutulungang makatawid ang mga tao sa
dagat?
5. Bakit naging maalat ang tubig sa dagat?
6. Sa palagay ba ninyo totoong nangyari ang kuwento?
7. Kung lahat ng tubig ay maalat, ano ang maaaring mangyayari sa atin?
8. Kung walang asin, ano ang maaring mangyari sa atin?

D. Pagsasanay
Sanhi at Bunga
Sagutin ang mga tanong:
1. Bakit tatawid ang mga tao patungo sa isla ng higante?
2. Bakit gusto nila na malasa ang kanilang pagkain?
3. Anong nagyari sa mga mamamayan nang mawalan sila ng asin?
4. Ano ang nangyari nang kagatin ng mababagsik na langgam ang binti ng
higante?
5. Ano ang nangyari ng nahulog sa dagat ang lahat ng asin?

E. Paglalahat
Sanhi – ang sumasagot sa tanong na bakit. Ito ay nagbibigay ng dahilan.
Bunga – nagbibigay ng resulta. Sinsagot nito ang tanong na ano ang
nangyari?

F. Paglalapat
Bilugan ang sanhi, ikahon ang bunga
1. Kinamot ang nangangating binti.
2. Kinagat ng langgam ang binti ng higante.
3. Hindi naniwala ang mga tao sa sinabi ng higante.
4. Inihampas ng higante ang kanyang mga binti sa dagat.
5. Nahulog ang saku – sakong asin sa dagat at nalusaw.
F. Pagtataya
Punan ang sanhi at bunga

Sanhi Bunga
Mataas ang nakuha niyang marka sa
pagsusulit.
Nakatawid ang mga tao sa isla ng higante.

Kinagat ng mababagsik na langgam


ang binti ng higante.
Napasigaw sa sakit ang higante at
inihampas ang paa sa dagat.
Nahulog ang saku-sakong mga asin sa
dagat.

IV. Takdang Aralin

Basahin at unawain ang pangungusap. Bilugan ang sanhi, salungguhitan ang


bunga.
1. Si Ana ay naligo sa ulan kaya siya ay nagkasakit.
2. Sumakit ang ngipin ni Marco dahil sa madalas nyang pagkain ng kendi.
3. Dahil sa aking pagpupuyat sa panonood ng telebisyon ay tanghali akong
nagising.
4. Mahilig kumain ng kendi si Maria, kaya maraming sira ang kanyang ngipin.
5. Nabali ang kamay ni Roland sa kanyang pagkakahulog sa hagdan.
BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE-BASED
MULTILINGUAL EDUCATION III
IKAAPAT NA MARKAHAN

UNANG LINGGO
Ikatlong Araw

I. Layunin
Identifies and uses adjectives appropriate for the grade level (MT3G-IVa-2.4.2)

II. Paksang Aralin


A. Paksa
Pang-uri
B. Sanggunian
MTB – MLE – Teacher’s Guide pp. 338 – 340
MTB – MLE – Learner’s Material pp. 291 -292
Curriculum Guide p. 147
C. Kagamitan
tsart ng kwentong Nang Magkakulay ang Nayon, mga larawan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Salita
a. masaya
b. berde
c. marumi
d. dilaw
e. malungkot

2. Pagwawasto ng Takdang Aralin


3. Balik – aral
Ano ang sanhi?
Ano ang bunga?
4. Pagganyak
Tumawag ng isang mag-aaral at ilalarawan ito ng mga kaklase

B. Paglalahad
Basahin ang kwentong “Nang Magkakulay ang Nayon”.

Nang Magkakulay ang Nayon

Noong araw nag-isip ng lubos si Juanito, kasi malungkot sa nayon


nila. Malungkot, ang dami ng alikabok. Walang kulay ang mga bahay, hayop at
halaman. Walang araw ang nayon ng alikabok. Lahat ng bagay ay may
alikabok. Tamad maglinis ang mga tao. Mahilig maglasing ang mga lalaki.
Mahilig naman matulog ang mga babae.

Isang araw, may dumating na isang lalaki. Nakita ito ni Juanito.


Mabilis itong lumakad at masayang nilapitan ito ni Juanito. Nagpunta ang
lalaki sa isang tindahan. Sumunod naman si Juanito sa lalaki. Tulog ang may-ari
ng tindahan. Puro alikabok ang tindahan. Puro alikabok ang mga garapon sa
tindahan. Puro alikabok ang estante sa tindahan. Ibig maupo ng lalaki, pero
maalikabok ang upuan kaya nilinis nya muna ang upuan. Nagulat si Juanito.
May kulay pala ang upuan. Kulay pula ang upuan. Nilinis din ni Juanito ang
isang upuan. Kulay asul naman ang upuan nyang nilinis. Tuwang-tuwa si
Juanito sa paglilinis. May dumating na ibang mga bata. Nilinis din nila ang isa
pang upuan. Kulay dilaw naman ang upuang kanilang nilinis. Tuwang tuwa sila
sa paglilinis. May kumuha ng walis, may kumuha ng basahan at tubig, may
kumuha din ng eskoba at bunot. Nilinis nila ang dingding ng bahay. Iba-iba ang
kulay ng dingding. May dingding na kulay pula, may dingding na kulay asul, at
may dingding din na kulay dilaw. Nilinis din nila ang mga halaman. Kulay
berde ang mga dahon ng halaman, at sumigla ang mga ito. Nilinis nila ang mga
bulaklak. Iba’t iba ang kulay ng mga bulaklak. May bulaklak na kulay lilac,
may bulaklak din na kulay kahel. Kumuha ng hagdan ang lalaki at nilinis ang
langit. Dilaw ang kulay ng araw. Lalong sumaya ang paligid. Lalong lumitaw
ang mga kulay sa liwanag ng araw. Nagbunyi ang mga tao sa nayon ng
alikabok. Nahinto ang paglalasing ng mga lalaki. Tulong-tulong sila sa
paglilinis ng paligid. Pagkatapos, nilapitan nila ang lalaki. Gusto nilang
magpasalamat sa lalaki. “Maraming salamat Ginoo”, sabi ng taga alikabok sa
lalaki. “Walang anuman. Gusto kong pintahan ang inyong nayon. Tulungan nyo
akong pintahan ang inyong paligid. Halina’t kulayan natin ang inyong paligid.
Kulayan natin ang mga hayop, mga bungang kahoy.” Masaya na si Juanito.
Masaya na rin ang buong nayon. Binago na nila ang pangalan ng kanilang
nayon. Bahaghari na ang bagong pangalan ng kanilang nayon. Malinis at
masaya na ang bayan ng Bahaghari.

C. Pagtalakay
Pagsagot sa mga pangganyak na tanong.
1. Anong mga salita ang naglalarawan sa ayos ng nayon?
2. Paano inilarawan ang nayon ng alikabok?
3. Bakit tinawag ng bahaghari ang nayon ng alikabok?

D. Paglalahat
Ano ang pang-uri?
Ang pang – uri ay salitang naglalarawan.

E. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Ibigay ang activity card. Salungguhitan ang pang-uri
1. Nakalimutan ng tamad na bata na magsipilyo ng ngipin.
2. Ang aking asul na damit ay namantsahan.
3. Ang bahay ng aking tiyahin ay Malaki at maganda.
4. Mayroon akong bagong tsinelas.
5. Si tatay ay may alagang sampung baka sa bukid.
Pangkat 2
Sumulat ng limang pangungusap na may pang-uri
Pangkat 3
Gumawa ng rap na ginagamitan ng pang-uri
Pangkat 4
Iguhit ang inyong paboritong pasyalan. Ilarawan ito sa klase

F. Pagtataya
Basahin ang talata at bilugan ang mga pang-uri.

Si Nelia ay may sampung masarap na cupcakes. Dinala niya ang


mga ito sa paaralan. Inilagay ni Nelia ang bawat isa sa loob ng malinis at
maliit na supot. Ibinigay niya ang tatlong cupcakes sa kaniyang mabait na
guro.

IV. Takdang Aralin


Ilarawan ang paborito mong laruan.
BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE-BASED
MULTILINGUAL EDUCATION III
IKAAPAT NA MARKAHAN

UNANG LINGGO
Ikaapat na Araw

I. Layunin
Notes important details in grade level informational texts (MT3LC-IVa-1.2.1)
Identifies and uses adjectives appropriate for the grade level (MT3G-IVa-2.4.2)

II. Paksang Aralin


A. Paksa
Naitatala ang mahahalagang detalye
Pang-uri
B. Sanggunian
MTB – MLE – Teacher’s Guide pp. 340 – 342
MTB – MLE – Learner’s Material pp. 292 -295
Curriculum Guide p. 147
C. Kagamitan
Tsart ng kwentong Ang Unang Pinya, larawan ng pinya

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang salita
a. masipag
b. marami
c. nagsisi
d. bubulung-bulong
e. nawala
2. Pagwawasto ng Takdang Aralin
3. Balik – aral
Ano ang pang-uri?
4. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng pinya

B. Paglalahad
Pagbasa ng Kwento

Ang Unang Pinya

Noong unang panahon may isang pamilyang nakatira sa isang


malayong lugar. Si Mang Andres ay isang masipag na magsasaka. Si Aling
Sebya ay isang butihing ina ng tahanan. Mayroon silang anak na batang babae
na ang pangalan ay Josefina. Siya ay si Pina sa kaniyang mga magulang at mga
kaibigan.

Sapagkat walang ibang tutulong kay Aling Sebya, kailangan ni


Pina na tumulong sa kaniyang nanay sa mga gawaing bahay. Siya ang
nagwawalis ng sahig, naghuhugas ng mga pinggan, at kung minsan ay
tumutulong rin sa kaniyang nanay sa pagluluto. Subalit may isang katangian si
Pina na ayaw ng kaniyang mga magulang. Siya ay laging nagrereklamo tungkol
sa kaniyang mga ginagawa. At madalas niyang sagot ang “hindi ko alam” o
“hindi ko makita” kapag siya ay inuutusan na hanapin ang isang bagay.
Isang araw, habang si Pina ay nakahiga sa kaniyang kama,
inutusan siya ng kaniyang nanay na hanapin ang gunting. Nagsimula na si Pina
na magreklamo at bumubulong-bulong habang inuutusan ng kaniyang nanay.
Nagalit ang kaniyang nanay. At nahiling na sana ay magkaroon si Pina ng
maraming mata upang madali niyang makita ang lahat ng kaniyang hinahanap
sa isang pitik lang ng kaniyang mga daliri.

Hinanap ni Aling Sebya si Pina sa kung saan-saan ngunit hindi


talaga niya ito makita. Naupo siya sa isang sulok kung saan huli niyang nakita
ang kaniyang anak. Makalipas ang ilang minuto, napansin niyang may hindi
pangkaraniwang bagay sa sulok. Siya ay tumungo at ito ay kinuha. Ito ay parang
isang prutas na hugis oblong at kulay dilaw. Marami din itong mga marka na
parang mga mata sa palibot. At bigla niyang naisip ang mga salitang huli niyang
nabanggit sa kaniyang anak at siya ay naghinagpis at napaiyak nang malakas
habang binabanggit ang pangalan ng kaniyang anak na si Pina.

At iyon ang naging simula ng unang pinya.

C. Pagtalakay
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Saan naganap ang kuwento?
3. Anong uri ng bata si Pina?
4. Anong ugali ni Pina ang hindi nagustuhan ng kanyang magulang?
5. Meron bang pagkakataon na ikaw ay nagreklamo kapag inuutusan ng inyong
mga magulang?
6. Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng nag-uutos sa iyo kapag ganoon
ang ginagawa mo?
7. Dahil doon ano ang nahiling ng nanay ni Pina nang marinig niya ang reklamo
ni Pina habang ginagawa ang kaniyang pinag-uutos?
8. Bakit kaya nawala si Pina at saan siya napunta? Bakit mo nasabi na iyon ang
dahilan ng pagkawala ni Pina?

D. Paglalahat
Ano ang mga dapat tandaan sa pagbabasa ng kuwento?

E. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Pangkatin ang mga bata sa apat. Buuin ang web.

Pangkat 1 – Ilarawan ang matalik na kaibigan.


Pangkat 2 – Ilarawan ang silid – aralan.
Pangkat 3 – Ilarawan ang paaalan.
Pangkat 4 – Ilarawan ang paboritong pasyalan.
F. Pagtataya
Ibigay ang dalawang pang-uri na naglalarawan sa mga sumusunod.

IV. Takdang Aralin


Ilarawan ang iyong paboritong damit o kasuotan. Humanda na ibahagi ito sa klase.
BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE-BASED
MULTILINGUAL EDUCATION III
IKAAPAT NA MARKAHAN

UNANG LINGGO
Ikalimang Araw

I. Layunin
Notes important details in grade level informational texts (MT3LC-IVa-1.2.1)
Writes a 3-5 step procedural paragraph using signal words such as first, next, last,
then, and next (MT3C-IVa-i-1.6)

II. Paksang Aralin


A. Paksa
Naitatala ang mga Mahahalagang Detalye
Hudyat na Salita
B. Sanggunian
MTB – MLE – Teacher’s Guide p. 342 – 343
MTB – MLE – Learner’s Material p. 295 -297
Curriculum Guide p. 147
C. Kagamitan
5 baso na iba – iba ang taas, tsart para sa hudyat na salita

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang salita
a. masipag
b. marami
c. nagsisi
d. malalim
e. nawala
2. Balik – aral
Balik – aralan ang kuwentong “Ang Unang Pinya”
Anong nangyari kay Pina?
Bakit naging pinya si Pina?

3. Pagganyak
Magpapakita ng limang basong magkakaiba ang taas.

4. Pangganyak na tanong
Ano ang inyong napapansin?

B. Paglalahad

Basahin ang sumusunod na pangyayari mula sa kuwento:


- Hinanap ng nanay si Pina ngunit hindi talaga niya ito makita.
- Nagsimula na si Pina magreklamo.
- Ipinahanap ng nanay ang gunting kay Pina.
- Nagalit ang nanay at biglang kumulog nang malakas.
- Nakakita siya ng isang hugis oblong at kulay dilaw na prutas na puno ng
maraming marka na parang mga mata.

C. Talakayan
1. Tama ba ang pagkakasunod – sunod ng pangyayari sa kuwento?
Paano natin ito isasaayos?
Hayaan ang mga mag-aaral na isaayos ayon sa pagkakasunod – sunod ng
mga pangyayari.

Pag-aralan ang mga sumusunod na talata. Tandaan ang mga salitang may
salungguhit.

Una, ipinahanap ng nanay ang gunting kay Pina. Pagkatapos nito, nagsimula
na si Pina magreklamo.Kaya, nagalit ang nanay at biglang kumulog ng
malakas. Kasunod nito, hinanap ng nanay si Pina ngunit hindi talaga niya ito
makita. At sa huli, nakita siya ng isang hugis oblong at kulay dilaw na prutas
na puno ng maraming marka na parang mga mata

2. Ano – ano ang mga salitang ginamit sa pagkakasunod – sunod ng mga


pangyayari?
3. Ang mga salitang ito ay tinatawag na hudyat na salita. Bakit ito tinawag na
hudyat na salita?

D. Paglalahat
Ano ang hudyat na salita?
Ano – ano ang mga hudyat na salita?

Ang mga hudyat na mga salita ay maaaring gamitin upang matukoy ang
pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa o narinig.
Halimbawa: una, ikalawa, ikatlo, kasunod, pagkatapos, sa hulihan, sa wakas, o
katapusan

E. Paglalapat
Pangkatin ang mga bata sa apat. Bawat pagkat ay magsusulat ng hakbang sa
pagsasagawa ng mga gawain na naiatang sa kanila.

Pangkat 1
Hakbang sa pagsasaing

Pangkat 2
Hakbang sa paglilinis ng bahay

Pangkat 3
Hakbang sa paghuhugas ng pinagkainan

Pangkat 4
Hakbang sa paghahain ng pagkain sa mesa

F. Pagtataya
Sumulat ng 3-5 pangungusap gamit ang mga hudyat na salita tungkol sa iyong
paghahanda sa pagpasok sa paaralan.

You might also like