You are on page 1of 15

Maria, Mapag-ampon sa mga Kristiyano

Pagluluklok Kay Maria, Mapag-ampon


Sa Isang Tahanan

Panalangin ng Pagtanggap:
(Babasahin ng Ama o Ina kasama ang mga anak at kasambahay)

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak (+) at ng Espiritu Santo. Amen

Kabanal-banalan at kalinis-linisang Birheng Maria,


Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ang puso namin ngayon ay
tigib ng tuwa at kagalakan sa pagtanggap namin sa iyo sa
tahanan naming ito. Nais sana naming magpamalas ng aming
pasasalamat sa paraang karapatdapat para sa iyo.

Dahil dito, itinatalaga namin an gaming sarili sa banal na


paglilingkod sa iyo. Yayamang tumanggap ka ng di
mapapantayang kagalakan nang ikaw ay napili ng Diyos bilang
tagapag-ampon ng mga Kristiyano, hinihiling naming
pagkalooban mo kami ng mga biyayang kinakailangan ng aming
kaluluwa, upang sa gayon ay matunghayan namin baling araw
ang Diyos sa kalangitan.

O Kabanal-banalang Birhen, pagpalain mo ang tahanang


ito at an gaming mag-anak ba buong lugod na tumanggap sa iyo.
Ipag-adya mo sa anumang karamdaman, sa kasalanan, at sa
tanang makakasama sa amin. Maghari nawa ang kapayapaan sa
tahanag ito, ang banal at matamis na kapayapaang ipinapangaral
ng iyong Anak na si Jesus. Amen

(Isang Ama Namin, Isang Aba Ginoong Maria at Isang Luwalhati)


Ang Sto. Rosaryo

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak (+) at ng Espiritu Santo. Amen

N: Buksan mo Panginoon ang aming mga labi


B: At Pupurihin ka ng aming biibig

N: Pagpasakitan mo Panginoon ang Pag-ampon at Pag-saklolo


mo sa amin
B: Panginoon Magmadali ka sa Pagtulong sa Amin

N: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo


B: Kapara noong unang una, ngayon at magpasawalang hanggan
Amen.

SUMASAMPALATAYA

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,


na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya naman ako kay


Hesukristong iisang anak ng Diyos,Panginoon nating lahat;
nagkatawang-tao sya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipanako sa krus, namatay inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit,
naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at
nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,


sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga santo,
sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao.
At sa buhay na walang hanggan. Amen.

Ama Namin
Ama namin, sumasalangit Ka,
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo,
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa Langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw


At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.

Aba Ginoong Maria

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya,


Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos


Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.

Luwalhati sa Ama
Luwalhati sa Diyos Ama, Diyos Anak, at sa Diyos Espiritu Santo.

Kapara nang sa unang-una,


ngayon at magpakailan man,
magpasawalang hanggan. Siya nawa.
Mga Misteryo ng Santo Rosaryo

Ang mga Misteryo ng Tuwa (Lunes at Sabado)

1.Ang pagbati ng anghel sa mahal na Birhen


2.Ang pagdalaw ni Birheng Maria kay Santa Isabel
3.Ang pagsilang ni Hesus sa mundo ng Anak ng Diyos
4.Ang paghahain sa Templo sa Anak ng Diyos
5.Ang paghahanap at pagkakita kay Hesukristo sa Templo
ng Herusalem
Ang mga Misteryo ng Liwanag (Huwebes)

1. Ang pagbibinyag ni Hesus sa Ilog ng Hordan.


2. Ang unang himala ni Hesus ng kanyang sarili sa kasalan
sa Cana.
3. Ang pagpapahayag ni Hesus ng Kaharian ng Diyos, sa
pagtawag patungo sa pagbabago
4. Ang pagbabagong-anyo ni Hesus sa bundok ng Tabor
5. Ang pagtatatag ni Hesus ng Banal na Eukaristiya bilang
pagpapahayag na Sakramental ng Misteryong Paskwal
kasama ang kanyang mga Apostoles
Ang mga Misteryo ng Hapis (Martes at Biyernes)

1. Ang pananalangin ni Hesus sa hardin ng Getsemani


2. Ang paghampas ni Hesus na nakagapos sa Haliging Bato
3. Ang pagpaparangal ng mga Tinik ni Hesus
4. Ang pagpapasan ng krus ni Hesus
5. Ang pagpapako at pagkamatay ni Hesus
Ang mga Misteryo ng Luwalhati (Miyerkules at Linggo)

1. Ang pagkabuhay muli ni Hesus


2. Ang pag-akyat ni Hesus sa langit
3. Ang paglapag ng Diyos Espiritu sa Birhen Maria at mga
Apostoles
4. Ang pag-aakyat sa langit sa Mahal na Birhen Kaluluwa at
Katawan
5. Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen Bilang
Reyna ng Langit at Lupa

Panalangin ng Fatima

O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo kami


sa apoy ng impiyerno.
Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na
yaong mga walang nakakaalaala.

Aba Po Santa Mariang Hari

Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa.


Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin.
Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni
Eva.
Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming
pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka
namin,
ilingon mo sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si
Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na
Birhen.
V. Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.
R. Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni
Hesukristo.

Manalangin tayo:

Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay


siyang ipinapagkamit namin ng kagalinga't kabuhayang walang
hanggan sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao,
pagkamatay at pagkabuhya mag-uli, ipagkaloob Mo, hinihiling
namin sa Iyo, na sa pagninilay-nilay namin nitiong mga misteryo
ng Santo Rosaryo ni Santa Mariang Birhen ay hindi lamang
matularan namin ang mga magagaling na halimbawang
nalalarawan sa amin; kundi naman makamtan namin ang mga
kagalingang ipinangako sa amin; alang-alang kay Hesukristo
Panginoon namin; na kapisan Mo at ng Espiritu Santo
nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Litanya sa Mahal na Birheng Maria

Panginoon, maawa ka sa amin.


Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, paka-pakinggan mo kami.
Diyos Ama sa langit, Maawa ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan,
Diyos Espiritu Santo,
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos,
Santa Maria, Ipanalangin mo kami.
Santang Ina ng Diyos,
Santang Birhen ng mga Birhen,
Ina ng Kristo,
Ina ng grasya ng Diyos,
Inang kasakdal-sakdalan,
Inang walang malay sa kahalayan,
Inang 'di malapitan ng masama,
Inang kalinis-linisan,
Inang ipinaglihi na walang kasalanan,
Inang kaibig-ibig,
Inang kataka-taka,
Ina ng mabuting kahatulan,
Ina ng may gawa sa lahat,
Ina ng mapag-adya,
Birheng kapaham-pahaman,
Birheng dapat igalang,
Birheng dapat ipagbantog,
Birheng makapangyayari,
Birheng maawain,
Birheng matibay na loob sa magaling,
Salamin ng katuwiran,
Luklukan ng karungunan,
Mula ng tuwa namin,
Sisidlan ng kabanalan,
Sisidlan ng bunyi at bantog,
Sisidlan ng bukod-tanging katimtimann
Rosang bulaklak ng 'di mapuspos ng bait sa tao ang halaga,
Torre in David,
Torre na garing,
Bahay na ginto,
Kaban ng tipan,
Pinto sa langit,
Talang maliwanag,
Mapagpagaling sa mga maysakit,
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan,
Mapang-aliw sa nangagdadalamhati,
Mapag-ampon sa mga kristiyano,
Hari ng mga anghel,
Hari ng mga patriarka,
Hari ng mga propeta,
Hari ng mga apostol,
Hari ng mga martir,
Hari ng mga confesor,
Hari ng mga Birhen,
Hari ng lahat ng mga santo,
Haring ipinaglihi na 'di nagmana ng salang orihinal,
Haring iniakyat sa langit,
Hari ng kasantu-santosang Rosaryo,
Hari ng kapayapaan.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.


Patawarin mo po kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.


Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.


Maawa ka sa amin.
N: Sa iyong tangkilik kami’y dumudulog, O banal na Ina ng
Diyos, huwag mo nawang siphayuin ang aming mga dalangin sa
aming pangangailangan, bagkus iligtas mo kami sa lahat ng
panganib, O maluwalhati at pinagpalang birhen.

N: O Maria, Mapag-ampon sa mga Kristiyano


B: Ipanalangin mo kami
N: O Panginoon, dinggin mo an gaming panalangin
B: At Sumapit nawa sa Iyo an gaming daing

N: Manalangin tayo:

O makapangyarihan at walang hanggang Diyos, inihanda


mo sa pakikipagkaisa ng Espiritu Santo ang Katawan at
kaluluwa ni Maria, Maluwalhating Birhen at Ina, upang siya ay
maging karapatdapat na tahanan ng Iyong Anak. Loobin mo na
sa kanyang panalangin, ay mailigtas kami sa lahat ng kasamaan
at sa kamatayang walang hanggan, yayamang buong galak
naming pinararangalan siya. Alang alang kay Jesukristong aming
Panginoon.

B: Amen

Memorare
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria,
Na kailan ma’y di-narinig na may dumulog sa iyong pag-
aampon,
Humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo,
Na Iyong pinabayaan.
Dala ng pag-asa na ito,
Dumudulog ako sa Iyo oh Birhen ng mga birhen,
Ina, sa Iyo ako’y lumalapit,
Sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.
Oh Ina ng walang hanggang berbo,
Huwag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog,
Bagkus, sa Iyong habag,
Pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

Panalangin Para sa mga Yumao

N: Kapayapaan Kailanman ay igawad ng Maykapal sa mga


Yumao nating Mahal
B: Sila nawa ay silayan ng Ilaw na walang hanggan
N: Mapahinga nawa sila sa Kapayapaan. Amen

Pangwakas

N: Pagpalain (+) nawa tayo na Panginoon, Patawarin tayo sa


ating mga kasalanan at Patnubayan tayo sa buhay na walang
hanggan

B: Amen.
Pagpapaalam

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak (+) at ng Espiritu Santo. Amen

O Inang Kaibig-ibig dumating na ang sandal ng iyong


paglisan sa aming maralitang tahanan na iyong pinagingdapat na
maging iyong ring tahanan sa loob ng Pitong araw na
pamamalagi mo sa aming piling.

Di kayang banggitin ng aming mga labi ang pasasalamat


na naguumapaw sa aming mga puso. Udyok ng iyong
pagmamahal O Mahal na Ina, minarapat mong makiisa sa aming
kahit sandal. Maraming Salamt, mahal na Ina, manumbalik kang
muli sa aming piling, dito’y hihintayin ka namin ng buong
pananabik.

Sa Iyong Paglisan, O Mahal na Ina, baunin mo an gaming


mga Puso, at nawa’y manatili kami sa iyong kalinislinisang puso.
Pagpalain mo kami at an gamin tahanan Ngayon at
Magpasawalang hanggan. Amen.

(Isang Ama Namin, Isang Aba Ginoong Maria at Isang Luwalhati)


Pagtatalaga at Pag-aalay ng Tahanan Kay
Sta. Maria, Mapag-ampon sa mga
Kristiyano

O Kalinis-linisang Birheng Maria, Niloob ng Diyos na


ikaw ay maging tagapag-ampon ng mga Kristiyano. Ngayon ay
itinatalaga at inuukol namin ang aming tahanan at mag-anak sa
iyong kalinislinisang puso. Panagalagaan mo, Inag kaibig-ibig an
gaming abang pamamahay. Pabanalin mo an gaming pamilyang
sa iyo’y nagmamahal. Ilayo o kami sa anumang kapahamakan;
ang bawa’t nakapipinsalang sunog, baha, kidlat at lidol, sampu
ng mga magnanakaw at masasamang loob. Pagpalain at
patnubayan mo kami sa lahat ng sandal. Pagindapatin mo na ang
lahat ng miyembro ng aming mag-anak, naririto man o wala ay
maligtas sa lahat ng kasamaang palad. At higit sa lahat ipag-adya
mo kami sa lahat ng tukso at kasalanan. Ikaw sana ay maging
Reyna ng aming pamamahay, na magmula ngayon ay iyung-iyo,
magpasawalang hanggan. Amen.
Awit sa Mahal Na Birheng Maria Auxilliadora

O Maria Auxilliadora
Ikaw ang aming Patrona
Mabunying Lingkod ng Diyos
Na sa amin ay hinirang

O Maria Auxilliadora
Ikaw ang aming patnubay
Ikaw ang aming tangkilik
Sa Diyos na Marangal

Mapalad ka , Mapalad ka
Mapalad Ka sa tanang lahi
Dakila ka, dakila ka
Mapag-ampon ng Binyagan

O Maria Auxilliadora
Ikaw ang aming patnubay
Ikaw ang aming tangkilik
Sa Diyos na Marangal

O Maria Auxilliadora

You might also like