You are on page 1of 2

Buod ng

Kabanata 22 – Liwanag at Dilim


Ito ang araw ng pagdating ni Maria Clara at ni Tiya Isabel sa San
Diego upang mamalagi doon para sa pista ng bayan. Kumalat ang
balita ng kanyang pagdating sapagkat kinagigiliwan siya lahat ng mga
tao doon. Kumalat din ang madalas na pagkikita nila ni Ibarra, bagay
na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni Maria Clara ang
pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap. Plano ng
magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga
kaibigan. Iminungkahi ni Maria Clara na huwag ng isama si Padre Salvi
sapagkat siya ay nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi
naman ito napagbigyan ni Ibarra dahil sa hindi ito magandang tingnan.
Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating naman si Padre Salvi kung
kaya't nagpaalam na si Maria upang mamahinga. Inimbitahan ni
Ibarra si Padre sa piknik at kaagad naman itong sinang-ayunan ng
kura. Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na rin si Ibarra. Sa kanyang
paglalakad ay nakasalubong niya ang isang lalaking humihingi ng
tulong. Pinaunlakan naman siya ni Ibarra.

BUOD
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para
sa pistang darating. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa
kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa
mga taga San Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa
kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi.
Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si Ibarra at madalas na dalawin
ito. Sinabi ni Ibarra kay Maria na handa na ang lahat para sa gagawin nilang
piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Maria sapagkat makakasama na naman niya
sa pamamasyal ang kanyang dating kababata sa bayan.
Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila
sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa
tuwing makakaharap niya ang kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria
at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung kaya, tuwirang hihingi ni
Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi.
Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria
sapagkat yaon ay lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San
Diego.
Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng
paumanhin si Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit
ang kanyang-ulo.
Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan
iyon ng kura, kaya na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya.
Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan,
nakasalubong niya ang isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa kanya.
Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra ang tulong nito tungkol sa kanyang
problema sa asawa at mga anak.
At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki. :--)

You might also like