You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 1
School Division of Urdaneta
URDANETA CITY ACADEMIC PATHWAYS
San Vicente, Urdaneta City

BUWAN NG WIKA 2018


(NARRATIVE REPORT)

Ang buwan ng Agosto ay ang tinaguriang Buwan ng Wika ng Pilipinas, alinsunod o batay
sa Proclamation No.1041 na nilagdaan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 13,
1997 na nag-aatas na ang Agosto ay Buwan ng Wika at Nasyonalismo. Sa bisa ng nasabing
proklamasyon, sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filpino ay nagsasagawa ng mga
makabuluhang programa na may kinalaman sa wika at kulturang Pilipino.
Ang URDANETA CITY ACADEMIC PATHWAYS INC. (UCAPI) ay nakiisa sa pagdiriwang
upang ipamalas ang kakayahan o talento sa ibat-ibang uri ng patimpalak.
Ang selebrasyon ng Buwan ng Wika ay may pangkalahatang tema na “Filipino: Wika ng
Saliksik”. Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at
pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layong
palaganapin ang wikang Filipino sa iba't ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at
matematika.

Ang UCAPI ay nakiisa sa adhikaing lalong pagyamanin ang lahing Pilipino at palawakin
pa ang pag-gamit ng wikang Filipino.Tunay na pinahalagahan ng paaralang ito ang pagdiriwang
ng Buwan ng Wika. May iba’t ibang palatuntunan at patimpalak na ginanap gaya ng; Madulang
pagbasa, Paggawa ng poster, Pagsulat ng islogan, Pagbigkas ng tula, Isahang awit, tagisan ng
talino at Pagandahan ng Lakan at Lakambini.
Nagsimula ang programa noong ika-1 ng Agosto sa. Dr. Pastor Edwin T. Murillo Multi-
Purpose Hall. Ang mga pambungad na patimpalak ay Madulang pagbasa, paggawa ng poster at
pagsulat ng islogan na kinalalahokan ng bawat baitang. Ito ay masusing hinusgahan ng mga
inampalan na sina, Bb. Angelica Murillo, Gng. Marilyn Murillo at Bb. Rose Delos Santos. Ang mga
nagsiwagi sa mga patimpalak ay;

MADULANG PAGBASA
Unang Gantimpala: Gio Othoniel Lugtu
Ikalawang Gantimpala: Meja Benitez
Ikatlong Gantimpala: Jasmine Micah Braganza
SLOGAN
Unang Gantimpala: Jet Cyren Escano
Ikalawang Gantimpala: Ethan Lorenzo Plastina
Ikatlong Gantimpala: Phijay Ianne Guadiz
POSTER
Unang Gantimpala: Gio Othoniel Lugtu
Ikalawang Gantimpala: Julia Laurice Almendares
Ikatlong Gantimpala: Mark Kevin Nicolas
Sa pagpapatuloy ng programa noong ika-8 ng Agosto sa parehong bulwagan ng paaralan,
ginanap ang ikalawang bahagi ng patimpalak. Ito ay ang mga, Pagbigkas ng Tula, Isahang awit
at Tagisan ng talino na kinalalahokan ng mga mag-aaral. Ang mga nagsiwagi ay;

TULA
Unang Gantimpala: Alexandra Joane Caoile
Ikalawang Gantimpala: Jet Cyren Escano
Ikatlong Gantimpala: Charles Kent Benito
ISAHANG AWIT
Unang Gantimpala: Sweeshly Joern Corpuz
Ikalawang Gantimpala: Arriane Sagun
Ikatlong Gantimpala: Gio Othoniel Lugto
TAGISAN NG TALINO
Unang Gantimpala: PANGKAT B / Tagasanay Sir Bong at Sir Miah
Ikalawang Gantimpala: PANGKAT C / Tagasanay Sir Aries at Ma’am Jean
Ikatlong Gantimpala: PANGKAT A / Tagasanay Ma’am Ann at Ma’am Alhona

Sa pantapos na gawain ng programa noong ika-18 ng Agosto, ginanap ang aktibidad na


pagpapakita ng mga pagkaPilipino ng bawat mag-aaral ng UCAPI. Pinangunahan ito ng
Pagpaparada ng Katutubong Kasuotan ng mag-aaral at ang mga nakasungkit ng mga titulo ay
sina;
Tindig Pilipino: Dwayne Marcus Pulangas
Tindig Pilipina: Jasmine Micah Braganza
Kisig Pilipino: Dean Andrei Dela Cruz
Kisig Pilipina: Arriane Sagun
Pinakamagarang Katutubong Kasuotan: Zaira Joie De Vera
Pinakamagarang Katutubong Kasuotan: Kyler Ebenezer Fanged

Na sinundan ng patimpalak sa lakan at lakambini na masusing hinusgahan ng mga


inampalan. At ang nakasungkit ng pinakamagarang pambansang kasuotan ay sina;
Arriane Sagun – Unang Baitang
Ethan Lorenzo Plastina – Ikalawang Baitang

At ang nagkamit ng mga laso ng karangalan ay sina;


Lakambini: Arriane Sagun
Lakan: Ethan Lorenzo Plastina
Mutya ng Luzon: Sweeshly Joern Corpuz
Raja ng Luzon Dean Andrei Dela Cruz
Mutya ng Visayas: Mericci Andrea Gansit
Raja ng Visayas: Junnifer Roi Inso
Mutya ng Mindanao: Jean Loreizl Puga
Raja ng Mindanao: Liam Jhan Ventura
Bb. Pananasaliksik XY Zandra Barroga
G. Pananasaliksik Gio Arron De Guzman
Bb. Wika Alexandra Joane Caoile
G. Wika Silverio Jia Christ Locquiao V
Bb. Filipino Ma. Laila Papilla
G. Filipino Charles Kent Benito
Bilang pantapos na gawain, iginawad ang mga medalya nang nagsiwagi sa patimpalak,
mga seripiko ng bawat kalahok. At bilang pantapos na pananalita, ibinigay ni G. Jojit Escano
Pangulo ng PTCA ang ganyang taos-pusong pananalita sa bawat dumalo at nakiisa sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2018.

Inihanda ni:

RENELEEN C. FABIA
FILIPINO COORDINATOR

Nilagdaan ni:

MARILYN S. MARARAC
PUNONG-GURO

You might also like