You are on page 1of 4

Ambisyon

Karla May Vidal

Isang mahirap na bata si Mia na nangangarap na maging abogado balang araw. Pero
sadyang kay lupit ng tadhana dahil pagkatapos niya ng highschool ay wala silang kakayahan na
makapag-aral siya ng kolehiyo. Kahit ganun ang nangyari, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa
na makapag-aral ng kolehiyo.

Lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran sa buhay. Naghanap siya ng trabaho para
maypang-bayad siya sa kolehiyo at matustusan ang kanyang mga pangangailangan.
Nakahanap naman ng trabaho si Mia. Nagtatrabaho siya sa umaga at paggabi naman ay
pumapasok siya sa pampublikong paaralan sa kursong gustong-gusto niya, ang pag-aabogado.
Kahit nasa pampublikong paaralan siya ay may malaking bayarin at hindi na niya kinaya ang
mga gastos, hindi na kasya ang kanyang pang-araw-araw na pangangailangan sa kanyang
sahod. Kaya huminto muna siya sa pag-aaral, at nagdesisyong mag-iipon muna siya.

Para kay Mia, hindi hadlang ang kahirapan sap ag-abot ng kanyang mga pangarap. Kaya
naghanap ng ibang trabaho si Mia na mas maganda at malaki ang sahod. Namasukan siyang
katulong sa mag-asawang pilipina at amerikano. Maayos naman ang trabaho ni Mia sa mag-
asawa, mababait ang kanyang amo. Nang napag-usapan nila ang buhay ni Mia, nasabi din niya
sa kanyang amo tungkol sa kanyang pangarap na makapag-kolehiyo at makapagtapos ng
abogasya. Mapalad naman si Mia dahil naghandog naman ang kanyang amo na pag-aralin siya
ng kolehiyo kapalit ng pagsisilbi niya sa kanila. Sobrang saya ni Mia sa nangyari kaya
nagpapasalamat si Mia sa kanila dahil matutupad na rin ang kanyang pangarap.

Nagsipag at minabuti ni Mia ang kanyang pag-aaral para makatapos na siya ng kolehiyo sa
pag-aabogasya. Nag-aral siya ng mabuti, hindi niya sinayang ang oportunidad na binigay ng
tadhana sa kanya. May mga pagsubok din siyang dinaanan pero hindi iyon hadlang sa kanyang
pag-aaral.

Nakatapos si Mia sa pag-aaral bilang Cum Laude, dahil sa sipag at tiyaga niya. Laking
pasasalamat niya sa kanyang amo dahil pinag-aral siya ng kolehiyo. Ngayon, isa na siyang
sikat na abogado sa kanilang lugar. Sinabi ni Mia sa kanyang sarili na kahit gaano kahirap ang
buhay, basta’t guto moa ng isang bagay, magagawa at makukuha mo iyon kung pagsisikapan
mga ng mga ito.
Ang Inapi

Isa sa walong magkakapatid si Rona na dahil sa kahirapan ay nanuluyan sa kanyang tiyahin sa


Metro Manila. Labing-tatlong taong gulang lamang siya noon ngunit ipinasa na sa kanya ang
halos lahat ng mga gawaing bahay: paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagsasaing, paglalaba,
pamamalantsa, pamamalengke at kung anu-ano pa.

Lima ang anak ng tiyahin, isang babae at apat na lalaki na animo’y senyorita at senyorito mula
nang pumisan sa kanila si Rona. Ang panganay na si Evelyn, gayong dalawampung taong
gulang na, ay nagpapahilod pa ng kili-kili at likod tuwing maliligo. Pati sarili nitong underwear ay
si Rona pa ang naglalaba. Ang tatlong lalaki naman, maliban sa isa, ay gayon na lamang kung
mag-utos, laging pasigaw o pagalit. Kapag naglilinis ng sahig si Rona ay di man lamang mag-
alis ng sapatos ang mga pinsan kapag dumarating. Animo’y nang-iinis pa na dadaan sa
harapan ng nakaluhod at nakayukong si Rona na nagpapahid ng floor wax. Kadalasan ay
pabalibag pang ihahagis ang pantalong de maong kay Rona at pasigaw na “O, labhan mo ‘yan!
Pag natuyo, plantsahin mo ha?!!

Bakasyon noon.

Halos araw-araw ay ganyan ang gawain ni Rona: linis, saing, laba, plantsa. Ang bibigat pa
mandin ng mga pantalong de maong ng mga pinsan. Ginawa siyang taga-laba ng mga ito.

Si Rona ay hindi itinuring na kamag-anak. Kapag may mga dumadalaw na kaibigan ang mga
pinsan, atsay o katulong ang pakilala sa kanya.

Sa hapag kainan, si Rona ang taga-silbi. Hindi siya isinasabay sa pagkain, laging huli, gayong
mahaba naman ang mesang kainan. Kung ano ang matira ay iyon lang ang makakain niya.
Apat na beses sa isang linggo ay tinapang isda ang ulam nila. Ulo lamang ng tinapa ang
pwedeng kainin ni Rona. Iyon ang laging itinitira sa kanya ng tiyahin.

Sa murang katawan ni Rona, ang hirap ng trabaho at salat na pagkain sa piling ng tiyahin ay
hindi niya inalintana. Siya ay alilang-kanin. Ang mahalaga’y patuloy siyang nakapag-aaral sa
Pasig High School. Lagi niyang nilalakad pauwi ang Pasig at Pateros na halos ay apat na
kilometro ang layo. Wala siyang pocket-money, walang snack, laging nagugutuman. Pagdating
ng bahay, kahit pagod at gutom, kailangan niya munang maghugas ng mga kaldero’t pinggan
na nakatambak sa lababo bago siya makakakain. Kadalasan, matutulog na lang siya ay
pasigaw pa siyang uutusan ng mga pinsan.

“Hoy, plantsahin mo muna yung maong! ‘yung polo!”

Dalawang taon nahirahan at nanilbihan si Rona sa tiyahin. Nang makatapos ng high school ay
kinuha siya ng kapatid at dinala sa Cebu City. Nagpatuloy ng pag-aaral si Rona, naging
academic scholar at nagtapos ng edukasyon nang may karangalan – Magna cum laude. Muli
siyang nag-aral tatlong kurso ang natapos niya at naging Doctor of Education. Nakapag-asawa
siya ng isang abogado.
Ngayon ay isa nang matagumpay na educator at businesswoman si Rona. Isa na siyang
milyonarya at maligaya sa piling ng tatlong anak at mapagmahal na kabiyak.

Sino ang mag-aakalang ang dating inapi ay isa nang matagumpay, at respetadong tao sa
mataas na lipunan? Ang mga pinsan nasa kanya ay nang-api ay walang natapos na pinag-
aralan, ganoon pa rin ang buhay hindi umasenso. Ang iba ay nakapag-asawa ng mga hirap din
ang buhay.
Karla May is a United States politician serving in the Missouri House of Representatives.[1] A
member of the Democratic Party, she was first elected in 2010.[2] Having served the maximum
allowable term in the state house, in 2018 she announced her intention to stand for election to
the Missouri State Senate.[3]
Prior to entering politics, May worked for AT&T, also serving as a shop steward of Local 6300 of
the Communications Workers of America.[4] She received her bachelor's degree from Saint Louis
University in business administration, and a master's degree in education from Lindenwood
University.[4]
May challenged and defeated incumbent State Senator Jacob Hummel (4th district) in the 2018
Democratic primary.

You might also like