Professional Documents
Culture Documents
Ang Naga o mas kilala sa tawag na Narra (Pterocarpus indicus), na Pambansang Puno
ng Pilipinas,ay isang puno na pinahahalagahan dahil sa angkin nitong tibay, bigat at magandang
kalidad. Inihahalintulad ito sa mga Pilipino, na tulad ng Narra, ang mga Pilipino ay sadya ring
matatag. Ang punong ito ay matatagpuan sa bawat lugar sa bansa. Ipinangalan ito alinsunod sa
isang siyudad sa Naga, Bikol. Tinatawag din itong Asana ng mga Tagalog, Balauning ng mga
Mangyan, Daitanag ng mga Kapampangan at Odiau ng mga Pangasinense.
Karaniwang tanawin ang halaman na ito sa rehiyon. Tumutubo ito sa mga sub-tropikal na
mga klima at mamasa-masang tropikal na lugar.
Ginagamit ang mga dahon sa kugon at pambalot ng pagkain. Nabawasan ang laki ng mga
ligaw na mga halaman dahil sa sobrang pag-ani. Bagaman mabilis na tumubo ang mga dahon
pagkatapos anihin ngunit nagiging maliit ito.
Ang mangga ay kabilang sa genus Mangifera, na binubuo ng ilang mga uri na namumungang
puno sa namumulaklak na halaman ng pamilya ng Anacardiaceae. Likas ang mangga sa
subkontinente ng Indyan lalo na sa Indya, Pakistan, Bangladesh, at Timog-silangang
Asya. Napakaraming klase at karaniwang kulay ang prutas nito: may dilaw, luntian o pula. Kakaiba
ang amoy na aromatikong ng prutas nito na maaaring gamitin sa iba’t-ibang sangkap o pabango.
Prinipriserba rin ang mangga at ginagawang panghimagas o pansangkap sa iba’t ibang pagkain.
May iba’t ibang uri ng mangga: may manggang indiyano, kinalabaw, piko o manggang
mansanas. Tumutubo ang mangga sa mga bansang tropikal ngunit maaari ring tumubo ito sa mga
lugar na malamig katulad ng Amerika. Umaabot ang taas ng mangga mula 50 hanggang 80
talampakan, inaalagaan ang puno ng mangga sa pamamagitan ng pagbuga ng mga gamot laban sa
insekto. Sa Pilipinas, partikular sa Zambales at Guimaras, niluluwas ito palabas ng bansa para
pagkakitaan.
Pambansang sagisag ng Pilipinas ang mga bangus. Sapagkat mabagsik sa pagiging matinik
ang mga ito kung ihahambing sa ibang mga pagkaing isda ng Pilipinas, naging tanyag ang pagbili ng
mga naalisan ng tinik na mga bangus mula sa mga tindahan at pamilihan. Ang MF Sandoval Trading
(Bahay-Kalakal na MF Sandoval) ang nagpasimula ng pagbebenta ng mga naalisan ng tinik na mga
bangus sa Lungsod ng Dagupan, Pangasinan. Ginamit ng kompanyang MF Sandoval ang katawagang
“bangus na walang tinik” (boneless bangus) upang maging mas mabili at kaaya-aya ang produkto.
Pambansang Bulaklak “Sampaguita”
Ang sampaguita, kampupot o hasmin (Ingles: jasmin o jasmine) ay isang uri ng palumpong
na may maliliit, mababango at mapuputing mga bulaklak. Mas maliit ang bulaklak nito kaysa ibang
mga sampaga.
Ang litson o letson (sa Kastila: lechón – biik) ay isang inihaw na buong baboy, bata man o
hindi, na karaniwang nilalagyan ng mansanas sa bibig matapos na malutong nakatuhog sa kawayan
habang nakadarang sa nagbabagang mga uling.
Ang tinikling ay ang halo-halo ng biyaya at kilusan na paa. Laban-laban sa pagitan ng paa at
sanga ng kawayan.
Ang Barong Tagalog, Barong Pilipino, o Barong lamang ay burdadong pormal na kasuotan sa
Pilipinas. Magaan lamang ito at sinusuot na hindi nakasuksok sa loob ng pantalon, katulad sa isang
amerikana. Karaniwan itong kasuotang pormal o pang-kasal para sa mga lalaking Pilipino.
Ang Baro’t saya ay isang uri ng pambansang damit sa Pilipinas na isinusuot ng mga
kababaihan. Ang pangalan ay mula sa dalawang salitang Tagalog na baro at saya.
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre
1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa
Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na
bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang
Bayani.
Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere, na nilimbag
sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo, na nilathala sa
Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El
Filibusterismo. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na
pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa
Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang
magising ang puso’t diwa ng mga Pilipino.
Ang kalesa ay isang sasakyang hinihila ng kabayo. Nakikita ito sa mga probinsiya ng Ilokos,
lalo na sa may Vigan City, ang kabuuan ay yari sa kahoy at nilalagyan ng bakal bilang suporta. Ang
kalesa ay pinapatakbo ng isang kutsero. Nilalagay ng sapin ang ilalim ng puwitan ng kabayo para
dito babagsak ang mga dumi nito. May nakasabit ding mga balde ng tubig para inumin ng kabayo.
Ang perlas ay isang uri ng hiyas na naaani mula sa ilang uri ng mga talaba, partikular na
mula sa binga, ang makintab na panloob na bahagi ng kabibe. Nakukuha ang mga ito sa loob ng
kabibe ng mga talabang naturan. Kalimitan itong hugis bilog at putian bagaman may nakukuha ding
itiman o abuhin at ibang hugis bukod sa pagkabilog. Ginagamit ito sa paggawa ng mga alahas. May
mga likas na perlas at mayroong mga sinadya o kinultura sa mga anihang pinangangasiwaan ng tao.
Pambansang Sapin sa Paa “Bakya”
Ang Bakya ay isang uri ng sapin sa paa na yari sa kahoy, karaniwan ay mula puno ng laniti at
santol. Ito ay inuukit na may bahagyang lundo o kurba sa magkabilang bahagi upang bigyan ng
anyong animo’y paa. May kakapalan ang kahoy na ginagamit sa paggawa ng bakya kaya naman
kadalasan ay inuukitan pa ito ng ilang disenyo, gaya ng bulaklak at kabundukan. Nililiha ito upang
kuminis, at kung minsan ay pinipinturahan upang mabigyan ng higit na kaaya-ayang anyo. Mahigit
isang pulgada ang kadalasang taas ng bakya, at may ilan namang nilalagyan ng karagdagang takong
upang mas umangat sa lupa.
Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na tinatawag din na Tatlong Bituin at Isang Araw, ay
isang pahalang na watawat na may dalawang magkasing sukat na banda ng bughaw at pula, at may
puting pantay na tatsulok sa unahan. Sa gitna ng tatsulok ay isang gintong-dilaw na araw na may
walong pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang walong mga lalawigan ng Pilipinas na
nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may
gintong bituin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon – ang Luzon,
Mindanao, at Panay. Maaari rin maging watawat pandigma ang watawat na ito kapag ibinaligtad.