You are on page 1of 9

Modyul # 1 Teksto:

MGA TALA TUNGKOL SA BUHAY-FILIPINO


Ma. Stella Valdez

Naging ugali ko na ang mag-obserba ng mga tao – maaaring dahil sa aking


meyjor (antropolohiya at sikolohiya), o dahil marami talagang oportunidad para
mapansin ang interesting at kakaiba nating personalidad bilang isang lahi, bilang isang
bayan. Naging espesyal kong interes ang pagsusuri kung bakit magkakaiba ang paraan ng
pagtanaw o pagtanggap ng mga grupo ng tao sa iisang penomena, gayong pareho ang
bayolojikal meyk-ap ng ating mga pandama. Marahil, dito nga pumapasok ang
impluwensya ng tinatawag nating kultura, na sa isang simpleng paliwanag ay ang
paraang napili ng isang grupo ng tao para mag-organisa at maunawaan ang bawat bagay o
penomena na nakapaloob sa kanilang realidad. Kumbaga, nagkakaiba ang mga tao dahil
sa kulturang kinabibilangan nila, at nagkakaroon ng afiniti ang mga taong pareho ang
kultura, dahil inaafirm ng pagkakatulad na ito ang kanilang identidad bilang myembro ng
iisang grupo. Dahil nga sosyal ang kalikasan ng tao, mas magaan para sa kanya ang
makibaka sa kanyang realidad nang may kasama, kaysa nag-iisa.

Nagiging kumplikado, pero mas interesting, ang senaryo kung tatanggapin natin
na sa lob mismo ng isang lipunang may iisang kultura ay makikita rin natin ang mga
ramipikasyon ng kulturang ito, ayon sa halimbawa sa edad, panlipunang estado,
relihiyon, o gender ng mga tao. At dahil madalas at intensiv ang interaksyon nating mga
Filipino sa ibang taong myembro ng ibang kultura, makikita rin natin ang penomena ng
pagtatagisan ng mga kultura. Sa bawat interaksyon natin sa ibang kultura, napipilitan
tayong mag-explor ng mga teritoryong kapwa pamilyar sa atin at sa kanya na isang
banyaga, para maging matagumpay ang negosasyon, para mareyalays ang orihinal na
layunin ng ating pakikipag-ugnayan.

Ayon kay Robinson (1981), ang mga paraan ng ating pakikipag-ugnayan sa ibang
tao na nagpapakita ng ating identidad o marka ng ating kultura ay maaaring pangkatin sa
tatlong sistema: (1) ang verbal, (2) ang extra-verbal, at (3) ang di-verbal. Makikita sa
ating pagsasalita, sa paraan ng ating pagsasalita at sa paggamit ng ating katawan ang
ating pagiging distinct bilang isang myembro ng isang kultura, ani Robinson. Dahil ang
bawat isa sa atin ay awtentikong myembro ng ating kultura, at kung gayon ay isa ring
awtoridad sa kulturang ating ginagalawan, maaari nating gawing ispringbord ang mga
susunod na diskusyon para patunayan, tanggihan o imodifay ang aking mga isasaad na
obserbasyon.

SISTEMANG VERBAL

Mahirap talakayin ang sistemang ito, dahil kasalukuyang magbabago pa ang ating
wikang kinikilalang pambansa, at dahil na rin ang maraming kulturang nakapaloob sa
ating bansa ay aydentifayd sa wikang umiiral sa rehiyon ng bawat kultura. Malaki agad

1
ang aking limitasyon, dahil ang magiging basehan lang ng aking obserbasyon ay ang
aking pagiging Tagalog. Dahil laki ako sa Maynila, isang babaeng tatlumpu’t limang
taong gulang, ang mga tatalakayin kong obserbasyon ay naapektuhan ng aking nabanggit
na bakgrawn. Talagang maiiba ang inyong mga obserbasyon, dahil gaya ng nasabi ko
nga, marami ring ramipikasyon ang ating kultura – maraming subkulturang nakapaloob
sa iisang kultura. Tingnan natin ang kalalabasan ng ating mga obserbasyon.

Sa mga Tagalog (iyong naabutan ko, gaya ng aking mga Lolo at Lola, magulang,
at aking kaedad), nakapasok sa estruktura ng kanilang wika ang pagpapahalaga sa
pagiging magalang. Natatandaan ko na madalas akong makagalitan ng aking Lola at
Ninang dahil hindi ko matutunang gamitin ang po at opo (magalang na katumbas ng oo)
– ho at oho ang mas gusto kong sabihin. Kapag tinatawag nila ako, kalimitang ho! ang
magiging sagot, at hindi po! kaya madalas na masasabihan akong bastos at walang galang
na bata (hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito naaasimileyt). Ang madali ko namang
natutuhan at ginagamit hanggang ngayon ay ang paggamit sa salitang kayo/inyo kapag
kinakausap ko ang isang taong mas matanda sa akin, kilala ko man o hindi, at kahit
magkaiba kami ng istatus sa lipunan. Kung hindi ako nagkakamali, ang ganitong mga
linggwistik na panandang nagpapahiwatig ng paggalang, lalo na ang po at opo, ay hindi
makikita sa lahat ng wika rito sa ating bansa – kaya nga malimit itong pagsimulan ng
away. Halimbawa, aasahan ng isang Tagalog na matanda na makarinig ng ganitong mga
tanda ng paggalang sa isang mas bata sa kanya pero hindi naman Tagalog. O di, walang
modo agad ang magiging leybel ng pobreng bata na nagkataon namang hindi Tagalog.

Iba ang henerasyon ngayon, kahit na sa Tagalog. Karaniwang adres na ginagamit


sa aking ng mga estudyante ang personal at informal na miss, kumain ka na? Imbes na
miss, kumain na kayo? Ganito rin ang panghalip na ginagamit ng aking anak kapag
kinakausap niya ako o ang kanyang ama: Dad, kumain ka na? Gayumpaman, ginagamit
pa rin ang karamihan sa mga kabataan ngayon ang kayo/inyo kapag kinakausap ang isang
matandang di kilala at mas madalas na ginagamit ang ho at oho. Gaya nga ng paliwanag
ng aking anak, inirereserba niya ang paggamit ng po at opo sa mga taong talagang
matanda.

May equivalent din tayo ng please sa Ingles, at ito ang unlaping paki – gaya ng sa
Pwedeng pakiabot ang libro? Pakisara ang pinto. Kadalasan nga, maski na nag-uutos
ako sa mga estudyante, gagamitin ko pa rin ang paki, para hindi magmukhang utos ang
aking sinasabi. Pero para sa akin, parang iba ang –

Pwedeng pakiabot ang libro sa Pakiabot nga ang libro?

Para sa akin kasi, ginagamit ang nga kapag medyo sarcastic o nag-aapura ang
nagsasalita, lalo na kapag ang istres ay bumabagsak sa nga. Magkaiba kasi para sa akin
ang
Teka.
Teka nga

Parang medyo naiirita na ang nagsabi sa ikalawa. Kung mapapansin din natin,
mahirap sabihin nang malumanay ang ikalawa – na kung tataasan man natin ang tono sa
nga, para hndi padaskol ang pagkakasabi nito, ang mataas na tonong lalabas ay isang
tonong pahiwatig ng pagkainis.

Sa pagkakaalam ko rin, tayo lang ang pwedeng mag-usap ng ganito at


magkakaintindihan ang nag-uusap:

Ispiker A: Aba, alam mo ba, sina ano, nag-ano sila sa kuwan kahapon – sinabi ni
kuwan sa akin, alam mo na –

Ispiker B: Sina kwan ba kamo? Buti hindi sila na ano. Ano ang sabi ni ano?

Malinaw agad ang bawnderi ng konteksto ng ganitong interaksyon: alam ng


dalawang ispiker kung sino ang kanilang pinag-uusapan, at kung ano ang nangyari sa
kanilang pinag-uusapan. Ang dalawang ispiker lang na may dati nang alam sa pinag-
uusapan o tungkol sa nasabing paksa ang makakapag-usap nang ganito nang hindi na
nangangailangan pa ng maraming marker para sa ibang detalye. Isang sining ang
ganitong pag-uusap, at lumalabas na insidental lang ang paggamit ng mga salita.

May isa rin tayong distinct na pantawag sa atensyon ng taong hindi natin kilala,
ang hoy! o ang psst! Sa totoo lang, hindi ako lumilingon kapag may nag-hoy! at lalo na
kapag nag-psst! sa akin. Ang sabi ng iba sa akin, mas bastos daw ang psst! kaya lalo
silang hindi tumitingin. Sa mga banyaga, napapansin ko na imbes na verbal nilang
kukunin ang atensyon ng kanilang gustong kausapin, kinakalabit na lang nila ang taong
tinatawag. Siguro rito sa atin, mas alinlangan tayong lapitan ang tao at kalabitin ito.
Bakit kaya? Naging ugali ko na sa LRT na sinasabihan ko ang babaeng nakikita kong
nakabukas ang butones o zipper sa likod (dahil siyempre, gusto ko ring may magsasabi sa
akin kaysa pinagtatawanan ako habang naglalakad). Dahil hindi ako marunong ng hoy o
psst! kakalabitin ko na lang ang babae, at napapansin ko na ang tingin nila agad sa akin
ay defensiv at naghihinala. Makikita natin sa susunod na seksyon ang dahilan.

SISTEMANG EXTRA-VERBAL

Kung hindi makikita sa linggwistik na estruktura ng ibang wika rito sa ating bansa
ang mga pananda ng paggalang, bumibilib ako sa paraan ng kanilang pagsasalita kapag
matanda ang kinakausap. Mas litaw, halimbawa, sa pagsasalita ng isang Ilokano ang
matinding paggalang at mataas na pagtingin sa kanilang matatanda: masuyo at mababa
ang boses, at ubod nang lumanay. Kung tataas man ang tono, mas malapit ang timbre ng
boses sa saya kaysa galit. Iniisip ko nga ngayon kung alin sa dalawa – ang verbal o extra-
verbal – ang mas magandang sukatan ng paggalang, dahil may kilala akong isang
Tagalog na lalaki na matunog na matunog ang mga po at opo, pero kapag mainit naman
ang ulo ay walang pasintabing sisigawan ang mga taong mas matanda sa kanya.

Medyo maglalakas ako ng loob at sasabihin kong halos lahat sa ating mga
Pilipino ay inuugnay ang mababang boses bilang tanda sa paggalang sa mga matatanda.
Ang pagtataas ng boses para sa karamihan sa atin ay tanda ng galit, paghahamon o

3
pagkawala ng pasensya – prelud marahil sa paggamit ng pwersa, o isang pahiwatig na
itinuturing ng nagtataas ng boses na mas mataas ang kanyang posisyon kaysa sa kanyang
sinisigawan. Natural, hanggang ngayon, halimbawa, ni hindi ko pinangarap na sigawan
ang aking ama o ina, o sinumang mas matanda sa akin, hindi dahil takot ako sa kanila,
kundi dahil lagi kong naaalala ang aking Lola na isa sa mga tinitingala kong tao.
Nabanggit ni Yoko, na isa sa mga estudyante namin sa Seattle, Washington na tinuruan
ng Filipino, na mas malaki ang pagpapahalaga ng mga Hapones sa pagiging mahina at
mababa ang boses bilang tanda ng paggalang. Ang boses nga na itinuturing nating
mahina ay malakas pa para sa kanya. Lagi ko nga siyang pinupuna sa klase dahil
napakahina ng kanyang boses kapag nagreresayt siya, at nahihirapan kaming lahat na
intindihin siya. Ang paliwanag naman ni Yoko, guro niya ako (at kung gayon ay superyor
ang aking posisyon kumpara sa kanya na isang estudyante), at kabastusan para sa kanya
ang paglakasan ako ng boses.

Halos unibersal naman ang lakas ng boses na karaniwang ginagamit kapag nasa
panganib ang tao. Sa atin, at sa halos lahat ng kultura, malakas na boses, mataas na tono
at mabilis na ritmo ang karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng babala o paghingi ng
tulong. Kapag may sunog, hindi natin ibinubulong ang sunog... sunog... sunog... kundi
SUNOG! SUNOG! SUNOG! Kaya nga nagtataka ako ngayon sa naobserbahan kong
trend sa mga babaeng narereyp dito sa atin. Sa halos lahat ng mga report sa dyaryo na
aking nababasa, laging pareho na alng ang nagiging akawnt ng biktima: nanlaban siya,
pero huminto na sa pagpiglas nang matutukan ng patalim sa leeg. Bihirang-bihira kong
nababasa na nagtitili ang babae. Noong minsan naman akong naghihintay ng bus sa
EDSA, may bigla na lang akong nakitang lalaking tumatakbong patawid at iniiwasan ang
mga sasakyan. Iniisip ko pa nga kung bakit nagmamadali ang lalaking iyon, at hindi pa
inintindi ang maraming sasakyan na halos mabundol na siya. Pagkatapos noon, bigla na
lang kaming (kasama ang iba pang naghihintay din ng bus) nagulat dahil may nagsabi sa
amin na naisnatsan pala ng kuwintas ang isang babae na malapit din sa amin, at ang
lalaking tumatakbo ang siyang pumigtas ng kanyang kuwintas. Dahil hindi nagbigay ng
sapat na warning ang babae, nagkamali lahat kami ng asesment sa ginawang pagtakbo ng
lalaki, at hindi tuloy nakatulong kahit na papaano. Ang masama pa noon, medyo masama
ang loob ng babaeng nanakawan ng kuwintas dahil walang tumulong sa kanya.

Ganito rin ba sa ibang kultura? May isang artikulo akong nabasa sa dyaryo na
kabaligtaran naman sa atin. Ayon sa report ng pulisya sa New York, takot daw ang mga
holdaper na holdapin ang mga babae dahil agad nagsisisigaw ang babae kapag may
nakitang lalaking sumusunud-sunod sa kanya; na mas makikipaglaban ang babae para sa
kanyang walet; na mas mahirap dukutan ang babae dahil napakaraming laman ng
kanyang bag. Mas gustong holdapin ng mga kriminal ang mga lalaki dahil nahihiyang
sumigaw ang lalaki, agad nitong ibibigay ang walet, at mas madaling makita at makuha
ang walet nito, na laging nasa bulsa sa likod. Kaya minsan, naiisip ko tuloy na mas
madaling mareyp o mabastos ang mga babae rito sa atin dahil hindi sila nanlalaban, o
nagbibigay-babala sa iba para sila ay matulungan.

Sa ating kultura na malalim ang pagkakaugat sa isang tradisyong oral, alerto ang
ating mga tainga kapag may narinig tayong bumubulong. Binabayaan natin malakas ang
ating boses habang nagkukwento tayo sa LRT ng mga bagay-bagay na hindi importante.
Siyempre, hindi agad humina ang boses at nagsimulang bumulong ang nagkukwento,
mapapansin natin saglit na pagtahimik ng lahat, at paggalaw ng ulo kapag ibinulong,
kaya siyempre, ito ang gustong marinig ng lahat. Sa klase halimbawa, kung gusto kong
makuha ang atensyon ng isang maingay na klase, magsasalita ako nang mahinang-
mahina.

Isa pang bagay na medyo nahirapan ang aming mga estudyante sa Seattle ay ang
paggamit ng tamang tono para sa isang katapat na kahulugan. Hindi sapat para sa atin na
sabihin ang salitang hindi para maintindihan ng ating kausap na negatibo ang ating sagot.
Malaki ang pagdepende natin sa extre-verbal na bakgrawn ng verbal na sagot ng ating
kinakausap para malaman natin kung ano talaga ang gusto niyang sabihin. Sa isang
tanong na gaya ng galit ka ba sa akin? Malilintikan tiyak ang nagtanong kung aasa na
lang siya sa verbal na sagot na hindi, nang hindi na nakinig nang mabuti kung paano ito
sinabi. Sa pagkakataong ito, hindi ang salita ng magiging basehan ang sagit, kundi ang
paraan ng pagkakasabi ng salita. Marami ang nagsasabi na hindi raw isang diretsong
wika ang Filipino, dahil tayo ay isang lahi na hindi diretsong magsalita – na hindi tayo
prangka, kumbaga. Kaya dahil hindi natin maprangka ang ating kinakausap, mas
nakabatay ang validiti o katotohanan ng ating mensahe sa ating mga extra-verbal na mga
pananda. Isang problema ito, halimbawa, kapag ang isang Amerikano ang ating kausap,
dahil sa kanila, kung ano ang sinabi nla ay ang gusto talaga nilang sabihin.

Naalala ko ang kwento ng isa kong estudyante – Filipino siyang lumaki sa


Chicago at dito ngayon nag-aaral sa atin. Nainlab siya sa isang estudyante rin na laki
naman sa probinsya. Nagsimula ang malaking problema ng ating binata nang
magkatampuhan sila ng kanyang minamahal. Matapos ang isang matinding pagtatalo,
ganito ang sinabi sa kanya ng dalaga: Ayaw na kitang makita! Ngayon itong si binata,
dahil iniisip niya na baka lalong magalit ang dalaga kapag ipagpilitan niyang kausapin
itong muli, nagpasya ang binata na huwag munang dalawin ang dalaga at hihintayin na
lang ang dalaga ang tumawag sa kanya. Lumapit siya sa akin noon dahil isang buwan na
silang hindi nagkikita at hirap na ang kanyang loob dahil hindi pa siya tinatawagan ng
dalaga. Kaya nang sinabi ko sa kanyang puntahan niya agad ang dalaga, talagang nagulat
itong aking estudyante. Sa totoo lang, ang pakahulugan ko nga sa sinabi ng dalaga, na
kung idedesayfer ay ito ang ibig sabihin: dapat lalo kang magpaliwang, dapat lalo mo
akong kumbinsihin! Ang problema, huminto na sa literal na level ang ating binata.

SISTEMANG DI-VERBAL

Nakapaloob sa sistemang ito ang galaw ng katawan, ang konsepto ng panahon at


ng espasyo ayon sa kulturang ating ginagalawan (Robinson, 1981). Dahil ang mga ito ay
nagkokontribyut din nang malaki sa ating pang-unawa sa pagkakaiba ng mga kultura,
itinuturing silang mga esensyal na bahagi ng identidad ng isang tao bilang myembro ng
isang partikular na kultura. May espesyal na kahalagahan ang mga ito sa atin dahil sa
puntong ito, kumbinsido na ako na ang paraan ng ating pagsasalita, at ang pagkilos ng
ating katawan, ang tunay na nagtataglay ng ating talagang gustong sabihin.

5
Galaw ng Katawan

Kinesics ang tawag sa pag-aaral ng galaw ng katawan (Robinson). Para sa akin,


mas madali kong basahin ang isang tao kung pagtutuunan ko ang kilos ng kanyang
katawan, at mga bahagi ng mukha. Halos lahat ng kultura, halimbawa, malaki ang
pagpapahalaga sa galaw ng mata bilang batayan ng sinseridad at kagandahang-loob ng
tao. Ayaw natin ng patraydor na tingin, at may suspetsa agad tayo sa mga taong hindi
makatingin nang diretso sa atin. Gayumpaman, bastos para sa atin ang matitigan, o
tingnan nang nanunukat (tingnan ako nula ulo hanggang paa). Sa mga matao at siksikang
lugar gaya ng LRT, kalimitang nakapikit ang mga tao para maiwasang titigan ang
kaharap (nagkukunwari naman daw na tulog ang mga lalaking nakaupo, para hindi nila
makita ang babaeng nakatayo sa harap nila). Kung imposible namang pumikit,
kadalasang nakapako ang tingin sa labas ng tren. Ayaw din natin ang malikot ang mata, o
iyong parang may hinahanap agad pagpasok sa isang kwarto. Mayroon din tayong
tinatawag na matalim na tingin, ligaw-tingin, nanghahagod na tingin at nakakatunaw na
tingin. Para sa akin, ang mata ng tao ang tunay na nagpapakita ng kanyang ugali, at
basehan ko ang korte ng mata at pagiging prangka ng tingin ang pagkagusto o pagkaayaw
ko sa isang tao, sa unang pagkikita pa lang.

Ilang tala tungkol sa pag-irap: napagkwentuhan namin ng mga estudyante sa


Seattle ang tungkol pag-irap. Nagulat ang mga Amerikano dahil wala ito sa kultura nila –
hindi nila alam umirap. Sa mga Hapon naman, mayroon silang irap, pera iba ang galaw
ng ulo. Hindi ba ang irap sa atin ay kasama ang pagtaas ng baba (mas mataas, mas
matindi ang irap), sabay baling ng mukha sa oposit na direksyon? Ang irap ng mga
Hapon ay simple lang: ibabaling ang mukha sa kabilang direksyon, at hindi tumataas ang
baba. Kumbaga, tingin sa kanan mula sa kaliwa, o tingin sa kaliwa mula sa kanan lang
ang pag-irap nila. Wala ang flair ng ating irap hindi ba?

At paano naman ang paggamit ng ating bibig (nguso yata ang mas magandang
gamitin dito)? Ang sabi ng isa kong kaibigang titser na matagal tumira sa Amerika, ang
mga Filipino lang ang kayang lamusukin ang kanilang mga labi para gamiting panturo ng
direksyon. Kaya ang resulta, madalas na maaydentifay na Filipino ang titser na ito dahil
habit na niyang ngumuso kapag may nagtatanong sa kanya ng direksyon, kapag may
nakakakita sa kanyang Pilipino. At ang nagtatanong sa kanyang Amerikano syempre ay
talagang natutunganga sa kanyang ginagawa. Bakit kaya mahilig tayong ngumuso? Ang
paliwanag ko na lang sa aking mga estudyante, kasi para naman sa mga Pilipino, bastos
ang tumuro, bastos na gamitin ang hintuturo bilang panturo. Medyo mapaghamon ang
daliring ito. At kapag medyo namali pa ang pagturo ay panduduro na ang magiging
tawag dito. Hindi ba’t marami nang nakikipag-away dahil lang itinuro ang hintuturo sa
kanila? Sapat nang duruin ang isang tao para siya mainsulto, dahil nagpapahiwatig ito na
kaya siyang sukatin (kayang tapatan) ng kalaban.

Marami ring pantulong sa pagbasa na kahulugan ang makikita sa kilos ng iba


pang bahagi ng katawan. May tendensi tayong maging hukot at bagsak ang balikat kapag
kinakabahan tayo o natatakot. Para sa akin naman, may pagkakaiba ang isang lalaking
may diretsong torso at isang lalaking nakatikwas ang dibdib na parang isang tandang –
confident pero hindi mayabang ang una, mayabang naman ang ikalawa. Wala rin akong
tiwala sa mga lalaking parang hari kung maglakad habang tumataas ang dibdib sa bawat
paghakbang – mga indikasyon na konsyus siya na nakatingin sa kanya ang lahat ng
kanyang masalubong, isang lalaking may napakalaking ego. Bihira akong makakita ng
tao, babae o lalaki, nakakuyom ang kamay habang naglalakad, pero para sa akin,
masamang senyal ang ganoon – isang taong galit sa mundo?

Napansin ko rin sa iba kong mga estudyanteng lalaki na naiiba ang kanilang
pakitungo sa kanilang mga kaklaseng babae ayon sa paraan ng paglakad ng mga babae.
Turing kapatid ang atityud ng mga lalaki sa mga babaeng mabilis at maliksi ang kilos
(parang lalaki?), konti o halos walang kembot ang balakang habang naglalakad. Ito ang
mga babaeng sinusuntok-suntok, binibiro – hindi katalo, kumbaga. Sa naging klase ko,
iisa ang napili ng mga lalaki, nang tanungin ko sa kanila kung sino sa kanilang kaklaseng
babae ang mukhang mabait at pwedeng ligawan, at pareho lahat ang kanilang mga
katangian na napansin sa babaeng ito: mahinay kumilos, malumanay ang boses, hindi
bungisngis kung tumawa (nagtatakip siya ng panyo kapag tumatawa), hindi nila nakitang
nagharot o nagtatakbo sa klase ni minsan, hindi maarte kung maglakad (na ang ibig
sabihin, nang ipaliwanag sa akin ng mga estudyanteng lalaki ay hindi magalaw ang
balakang, kaya disente kung maglakad), at hindi nagmemeyk-ap.

Sa pananamit naman, napansin ko na mas malaki ang epekto ng damit sa pagiging


disente o hindi disente ng babae, kaysa sa lalaki. Na ang ibig sabihin, mas madaling
sabihin kung disente o hindi disente ang babae base lang sa damit na kanyang suot.
Parang ganito rin ang epekto ng paggamit ng meyk-ap ng mga babae – mas tinatawag na
disente ang mga babaeng walang meyk-ap, kaysa iyon may meyk-ap. Kaya napapansin
ko na minsan, iba agad ang tingin ng karaniwang Pilipinong lalaki sa isang Amerikana na
medyo hindi konserbatibo ang pananamit. Ngayon lang, halimbawa, may dalawang
estudyante kami sa Seattle na rito nagririserts sa atin – lagi silang naka-sleeveless at
naka-shorts, kaya hayun, maraming Pilipino ang inaaya silang magdeyt pagkadating pa
lang nila. Pero ang dalawang ito ay mas konserbatibo pa sa ibang Pilipinong dalaga na
kilala ko. Sa kasamaang palad (para sa mga babae), nakatali sa pananamit ang pagiging
disente o bastusin ng isang babae.

Espasyo

Sa eryang ito, madalas akong magkaroon ng iritasyon. Dahil dalawa lang kaming
magkapatid sa bahay, nasanay ako sa pagakakaroon ng malaking personal na espasyo.
Siyempre, imposibleng masunod ang gusto kong laging malaki ang aking espasyo.
Sinusuri sa proxemics – ang pag-aaral ng mga interpersonal na espasyo (Robinson) – ang
ganitong krisis na nangyayari kapag dalawa o mahigit pang tao ang nagtatagisan para sa
isang malit na alokasyon ng kanilang personal na espasyong nagkataong nagbubungguan.
Magandang halimbawa ang pagsakay sa LRT o MRT. Napapansin ko na mas delikado
ang babae kapag puno na ang tren. Kabaligtaran naman ang mga lalaki – isisiksik nila
ang kanilang sarili kahit pumuputok na ang tren at hindi na maisara ang pinto.
Gayumpaman, kapag siksikan na talaga, napapansin ko na naiirita lang ang babae kapag
medyo pawisan at mabaho ang kanyang katabing lalaki. Pero kapag mabango (o gwapo

7
pa nga), hindi sila masyadong nagrereklamo.

May kakatwa pa akong naobserbahan na pagkakaiba ng mga Pilipino at


Amerikano tungkol sa espasyo. Gayong hindi ko pa ginagawa ang tinatawag nilang beso-
beso, napapansin ko naman na ididikit nga ng Pilipino (karaniwang babae) ang kanyang
pisngi (pero dampi lang) sa pisngi ng kabesuhan, pero hindi naman magkalapat ang
kanilang dibdib. Kumbaga, patingkayad ang katawan, habang nakadukwang ang mukha.
Hindi naman ginagawa ng mga Amerikano ang tinatawag nating beso-beso, pero normal
sa kanila ang pagyakap at paglalapat ng katawan bilang pagbati at pagpapaalam. Ito pa
nga ang norm, kung tutuusin, gaya ng aking natutunan. Agad akong natrauma nang una
kaming magsimba sa Amerika. Pagdating kasi sa bahagi ng palitan ng peace be with you,
nakita ko ang mga Amerikanong niyayakap ang kanilang katabi – yakap talaga na
magkalapat ang dibdib at tumatagal ng mga dalawang hanggang tatlong segundo.
Talagang nanlamig ako dahil sa buong buhay ko, asawa ko pa lang ang nayakap ko nang
ganoon – ni minsan nga ay hindi ko nayakap ang aking tatay at kapatid na lalaki – at
tapos ay mapipilitan akong yumakap sa mga lalaking hindi ko kilala! Naulit ang ganitong
sitwasyon nang dumalaw kami sa Vancouver, Canada. Sinundo kami sa estasyon ng
isang Canadian na asawa ng pinsang babae ng isa sa aming mga titser. Habang
ipinapakilala ng Canadian ang kanyang sarili ay niyayakap niya ang titser na kanyang
kinakausap. Pagdating sa akin, nagmatigas pa rin ako at agad na inangat ang aking kamay
para makipagkamay sa kanya. Nainsulto siya syempre, at medyo umismid sa akin.
Gayumpaman, naging sapat ang aking imersyon sa kulturang iyon para maunawan ang
kawalan nila ng malisya (kung malisya ngang matatawag iyon) sa katawan. Madali para
sa kanila ang humipo at yumakap ng bawat isa sa kanila bilang tanda ng
pakikipagkaibigan at pagtitiwala (dahil na rin siguro sa kanilang malamig na klima).
Nang magpaalam kami sa pamilyang kumupkop sa min sa Vancouver, mahigpit akong
niyakap ng bawat isa sa kanila, at doon lang ako, sa unang pagkakataon, na muntik nang
maiyak, dahil naramdaman ko kung paano naging resipyent ng ganoong pagtanggap.
Ngayong bumibisita rito sa atin ang mga naging estudyante namin sa Seattle, naging
normal na sa akin ang yakapin sila tuwing sila ay magpapaalam. Natatawa na rin ako
dahil may ibang mga Pilipino na natutunganga kapag nakikita ang ganitong
pagyayakapan. Okey sa atin ang beso-beso, pero hindi pa rin ang yakapan.

Ibang klase rin kung pumila ang mga Pilipino kaysa mga Amerikano. Normal sa
atin ang magsisiksikan sa linya, at gitgitin ang nasa pinakauna. Pero noong nasa airport
ng San Francisco kami at nasa linya ng imigrasyon naman sa Vancouver, maging sa mga
groseri at bangko, normal na tatlo hanggang apat na piye ang layo ng ikalawang tao ng
nakapila mula sa pinakauna. Nagkaroon nga kami ng konting nakakahiyang pangyayari
nang nasa zoo kami sa Vancouver, at hinahanap namin ang CR para sa mga babae.
Nakita namin iyon, at nakita rin namin na may mahabang pila sa entrans ng CR. Tuluy-
tuloy ang aking kasama sa loob at pumila sa harap ng isang cubicle, gaya ng ginagawa
natin dito sa atin. Iyon pala, ganito ang sistema ng pagpila sa kanila: Kung ilan ang
cubicle ay iyon lang ang bilang ng tao na papasok sa CR at maghihintay na sa may pinto
ang iba pa. Kapag nabakante na ang isang cubicle saka pa lang pwedeng pumasok ang
pinakaunang nakapila. Dahil ganito ang sistema, hindi nagkakagulo sa loob ng CR ang
mga tao (pinalabas ng gwardiyang babae ang aking kasama).
Panahon

Kamakailan lamang, naranasan kong maghintay ng isang oras sa isang taong hindi
naman dumating. Usapang aalis ang sasakyan ng alas otso ng umaga; gayumpaman,
naghintay pa rin kami hanggang alas nuwebe bago umalis. Sinasabi sa akin ng aking mga
estudyante na normal sa kanila ang maghintay ng treinta minutos hanggang isang oras
para sa isang kaibigan – minsan nga, ang sabi nila, sinasadya nilang dumating nang trenta
minutos hanggang isang oras makalipas ang orihinal na apoynment, dahil doon pa lang
talagang darating ang kanilang kausap. Isa ito sa mga bagay na hindi ko talagang
maintindihan, at naturingan na akong Pilipino. Minsan nga, nakatanggap kami ng
imbitasyon na dumalo sa isang miting sa isang eskwelahan dito sa Maynila. Ala una
hanggang alas singko ang miting, kaya naman alas dose pa lang ay umalis na ako sa La
Salle. Nanduon ako sa eskwela labinlimang minuto bago ala una, dahil ayokong maging
dahilan ng pagkaabala ng iba. Medyo nagtanong na ako sa sekretarya nang 1:15 na ay
wala pang dumarating. Maghintay lang ako, ang sabi niya. 1:30 na ay wala pa ring tao
kaya nagtanong ako uli sa kanya. Darating daw ang mga iyon, ang sabi niya, dahil nag-
confirm naman ang mga ito. Medyo masama na ang tingin niya sa akin nang dumating
ang ikatlo naming kasama, at 3:15 nang dumating ang ikaapat, pero wala pa rin ang
tagapangulo ng miting. Eksaktong 3:45 nang dumating ang hinihintay naming
tagapangulo at nagsimula ang aming miting ng 4:00. Hindi na ako nakatiis at tinanong ko
ang tagapangulo kung bakit 4:00 na nagsimula ang aming miting, gayong 1:00 ang
nakalagay sa aming imbitasyon. Ang sagot niya sa akin, ganoon talaga ang miting nila,
waiting period ang 1:00 hanggang 4:00, at 4:00-5:00 ang aktwal na miting. Asus! At
kinansel ko ang lahat ng aking apoyntment noong hapon na iyon dahil ang akala ko ay La
Salle taym sila (hindi na akong muling nag-atend ng miting).

Maaaring marami tayong oras na pwedeng waldasin, pero hindi maganda ang
ganitong atityud kapag may mga kausap tayong taong may napakabising iskedyul, at
walang magagamit na oras para maghintay.

At Ngayon?

Isa sa mga napakagandang pag-aralan sa ating kultura ay ang pagpapaalam. Isa


itong ritwal na puno ng lahat ng ating mga nabanggit na, maliban pa sa ibang mga detalye
na mas makakapagbigay ideya kung sino talaga ang Pilipino, kung paano talaga maging
Pilipino. Kahit na sabihin nating marami nang impluwensya ang nakapasok sa ating
kultura, naniniwala ako na hindi pa rin nabubura ang tatak na iyong nagpapakilala sa
ating pagka-Pilipino kahit saan tayo magpunta. ##

You might also like