You are on page 1of 15

NINE STARS

by Alyloony

Sabi nila, pag nag bilang ka daw ng siyam na bituin sa loob ng siyam na gabi, at sinabi mo ang
wish mo sa huling araw, magkakatotoo daw ito. Sa totoo lang, hindi ako masyadong
nagpapapaniwala sa mga kasabihan na yan. Naisip ko kalokohan lan g yan! Paano naman
madidiktahan ng pagbibilang ng siyam na bituin sa loob ng siy am na gabi ang mga mangyayari
sa buhay natin? Pero sabi nga nila, ang desperadong tao, kung ano-ano na ang pinaniniwalaan.

Hindi ko inakala na mahuhulog ang loob ko sa isang lalaki to the point na magigi ng desperado
ako. Kaya ito ako ngayon, nagbibilang ng siyam na bituin sa loob ng siyam gabi. Wala naman
mawawala kung susubukan ko di ba? Tsaka malay natin, naka guhit pala sa mga bituin na yan
ang kapalaran ko.

“one, two, three, four, five, six, seven, eight, nine.”

“Claire, anong ginagawa mo?”

Napatingin ako sa likod ko para tignan kung sino ang nagsalita. Nakatayo sa harap ko ay isang
lalaking naka suot ng jacket at naka jogging pants habang may hawak hawak na tray.

“C-chim, ikaw pala!”

“Pwedeng maki-share ng table?”

“Sure!”
Inilapag niya yung tray na dala-dala niya at naupo siya sa tabi ko. Tinignan niya ako atsaka
nginitian.

Eto na naman ang puso ko, halos matunaw ng dahil ngiti na yan.

Siya si Chim Rodriguez, ang dahilan ng pagbibilang ko ng siyam na bituin. Kaklas e ko siya sa
paaralan na pinapasukan ko ngayon. Yung town house na tinitirahan n iya, malapit lang sa
condominium na tinutuluyan ko. Sa gitna ng condo namin at t own house nila, mayroong isang
coffee shop. Naging routine ko na siguro na pagka kain ng hapunan, dumidiretso ako sa coffee
shop na ito para uminom ng kape o ng hot chocolate habang gumagawa ng assignment. Kung
wala naman akong assignment, nandun lang ako naka pwesto sa balcony at nagpapahangin,
minsan naman nagbabasa ng libro. Pero ngayon, nagkaroon ako ng bagong routine---ang
pagbibilang ng nine na stars.

Katulad ko, madalas din pumunta si Chim sa coffee shop na ito kaya naman madalas ko siyang
nakikita. Hindi naman talaga kami ganoong ka-close eh pero nung minsang madaming customer
sa coffee shop at wala siyang maupuan, tinanong niya kung pwede siyang maki-share saakin ng
table. Dahil kakilala ko naman siya, pumayag ako. Naalala ko yung gabing yun, habang busy
siyang inumin yung kape na inorder niya at kainin yung cake niya, ako naman, busy sa
pagbabasa ng libro.

“The fault in our stars?” tanong niya saakin kaya naman napaangat ako ng ulo, “nabasa ko na
ang libro na yan. Maganda yan sobra.”

Nginitian ko siya “oo nga eh, idol ko na si John Green ng dahil sa librong to. Act ually, this is my
third time on reading this book.”

That night, hindi na ako nakapagbasa pa ng libro dahil nagkwentuhan na lang kami ni Chim
doon. It turns out na ang dami pala naming common interest lalo na pagdating sa mga libro.
Ang dami dami niyang i-kinuwento saakin nung gabing yun at ako naman, napatitig na lang sa
kanya.

“Ang ganda naman ng ngiti ng isang to” nasabi ko na lang sa sarili ko “at ang ganda rin ng mata
niya”
The next day after ng kwentuhan namin, ipinahiram niya saakin yung isang librong ikinukwento
niya saakin. After that, doon na kami nagsimulang maging close at doon narin ako unti-unting
tinamaan sa lalaking ito.

Back to reality.

Pinanuod ko si Chim habang umiinom ng kape. Bat ba ang gwapo ng isang to? Pwede na siyang
maging model ng coffee shop na ito. Para kasi akong nanuuod ng commercial habang tinitignan
ko siya eh.

“May dumi ba ako sa mukha?” tanong niya saakin kaya naman medyo natauhan ako na napa

titig na pala ako ng husto sa kanya.

“A-ah wala naman. Bakit?”

Nginitian niya ulit ako, “wala lang. Grabe ka kasi makatitig saakin eh. Bakit, nagiging kamukha
ko na ba si Augustus Waters?” natatawa-tawa niyang tanong. Si Augustus Waters yung isa sa
fictional characters nung librong madalas namin pag kwentuhan.

“Hindi ka pwedeng maging si Augustus Waters kung hindi ka pa nakakahanap ng iyong Hazel
Grace, pagbibiro ko sa kanya.

“Paano ka naman nakakasiguradong wala pang dumarating na Hazel Grace sa buhay ko?”

“Bakit meron na ba?” pabirong tanong ko sa kanya pero deep inside kinakabahan ako. Shet,
baka meron na nga talaga siyang ibang gusto. Baka meron nang ibang nagpatibok ng puso niya.

“Oo naman! sagot niya.”


“W-wow! Sino naman kaya yun?” tanong ko ulit sa kanya while trying to sound playful.

“Gusto mo talaga malaman kung sino ang Hazel Grace ko?”

“Sino ba?”

Binigyan niya ako ng isang ngiti. Tinitigan niya ako sa mata habang unti-unting inilalapit ang
mukha niya saakin. My heart skips a beat. Halos mapatigil ako sa pag hinga and I feel a tight
knot on my stomach. Naramdaman ko ang hininga ni Ch im sa may tenga ko kasabay ng isang
bulong.

“Secret,” at lumayo na siya saakin sabay tawa ng malakas.

Bwiset na to!

Pinapakilig ako!

The next day, P.E class namin sa school. Nakaupo ako kasama ng mga kaibigan ko d oon sa
bleacher at pinapanuod yung mga lalaki naming classmate maglaro ng basketball.

Todo cheers at sigawan ang mga kaibigan ko sa mga naglalaro habang ako naman eh nakapako
lang ang tingin ko kay Chim. Hindi ko alam kung yung team ba niya ang lamang ang score o yung
kabilang team. Mukha ngang hindi panunuod ng basketball game ang ginagawa ko eh kundi
panunuod kay Chim. Napaka seryoso ng mukha niya hab ang nag lalaro. Medyo pawisan na rin
siya at yung ilang strands ng buhok niya ay natatakpan na ang mga mata niya. Hinawi niya
pataas ang buhok niya gamit ang mg a daliri niya. Nang mapunta na sa court nila ang bola,
pinanuod ko siyang tumakbo. Ang bilis niya, gawa narin siguro ng mahahaba niyang mga hita
kaya ang lalaki ng mga hakbang niya. May humaharang sa kanya ngayon na isang player pero
madali siyang naka-overtake dito. Ipinasa kay Chim nung ka-team niya ang bola. Nasalo niya.
Pumorma siya na para bang isa siyang sikat na NBA player sabay inihagis ang bola sa ere.
Pumasok ang bola sa ring. Three points shot. Naghiyawan ang mga nanunuod.

“Ang galing mo Chim!!” dinig kong sabi nung isa namin kaklase, si Karen.

Syempre papatalo ba naman ako ng pag c-cheer sa kanya? Tumayo ako at pumalakpak, “good
job Chim!! The best ka talaga!!”

Napatingin siya sa direksyon namin at kinindatan ako.

God, he's beautiful.

Mamayang gabi, ika-second night ko ng pagbibilang ng nine na stars sa langit. Gusto ko na agad
matapos ito para makapag wish na ako.

Gusto kong maging kami. Please, sana maging kami.

Nung ika-tatlong gabi naman ng pagbibilang ko ng bituin, hindi ako nakapunta sa coffee shop
nun dahil nagpatulong ang mama ko sa pag-gawa ng tiramisu cake. Sabi niya kasi, ibibigay daw
niya doon sa kapit-bahay namin na kalilipat pa lang kahapon sa condominium na ito. At bilang
isang mabuting kapit-bahay, dapat namin sila i-welcome kaya naman ito, na-stuck ako sa bahay.

Nang matapos kaming gumawa ni Mama ng tiramisu cake, sumilip ako sa bintana ko.
Madaming stars ngayon sa langit na para bang ipinapahiwatig saakin na malapit ng magkatotoo
ang hiling ko. Ika-tatlong araw na ngayon, six more nights to go. Na gsimula na ulit akong mag
bilang.

“one.. two.. three.. four.. five.. six.. seven.. eight.. nine..”


Biglang tumunog ang cellphone ko at halos lumundag ang puso ko ng makita kong na g text
saakin si Chim.

wala ka sa coffee shop? :'( text niya saakin

Napahiga ako sa kama at nagpagulong gulong ng dahil sa kilig. May emoticon na crying face sa
text niya! Ibig sabihin ba nito nalulungkot siya dahil wala ako nga yon sa coffee shop?
Nalulungkot siya dahil hindi niya ako makakasama ngayon! Siguro dahil mahal niya ako kaya
siya nalulungkot? Alam kong napaka-aga pa para mag assume pero anak ng stars, kinikilig ako!

Nag reply ako sa kanya. Sorry, tinulungan ko kasi si mama gumawa ng tiramisu cake kaya hindi
ako nakapunta.

Agad agad naman siya nag reply saakin. Ay ganun ba? Sayang naman. Teka, matutulog ka na
ba? Tara kwentuhan muna tayo.

Sa totoo lang, patulog na sana ako dahil medyo inaantok na ako pero ng dahil dit o, nagising
ang diwa ko.

Hindi pa ako matutulog! Tara kwentuhan muna tayo. Reply ko agad sa kanya.

Tinawagan ako ni Chim at buong gabi kaming nag kwentuhan. Ang ganda ng boses niya sa
telepono, napaka kalmado at para bang hinaharana ako nito kahit na nagku-kwento lang naman
siya about sa action movie na napanuod niya. Meron siyang ikinukwento na part nang movie na
nakakatawa at habang sinasabi niya saakin yung mga n angyayari sa movie, tumatawa siya.
Wala naman akong naintindihan sa kinukwento niya kasi puro tawa lang ang ginawa niya at isa
pa, masyado kasi akong nag co-concentrate sa tunog ng pagtawa niya eh kaya hindi ko na
naiintindihan yung iba pa niyang sinasabi.
Ganito ba talaga ang ma-inlove ng husto? Yung tipong simpleng galaw ng taong mahal mo,
simpleng paghawak niya sa buhok niya, simpleng way kung paano siya uminom ng kape, pati na
rin kung paano lumiit ang mga mata niya kada ngumi-ngiti siya at kung paano mamula ang
tenga niya kada tumatawa siya eh para sayo napakaganda ng bagay na?

Buti na lang kinabukasan matapos kaming mag-usap ni Chim ay walang pasok kaya hindi ko
kinakailangan bumangon ng maaga. Nag stay lang ako sa loob ng kwarto ko un at pinanuod
yung movie na ikinukwento ni Chim saakin para naman mas maintindi han ko yung part ng
pelikula kung saan siya nalungkot at kung saan din siya nata wa ng husto. Pag-dating nang gabi,
ginawa ko na yung usual routine ko na pagpunta sa coffee shop. Balak ko sana ulit basahin yung
The Fault in our Stars kaso hindi ko ito mahanap. Tinignan ko sa bookshelf ko, sa side drawer
ko, sa kama ko, sa ilalim ng unan, ng blanket, sa ilalim ng kama at ng study table ko kaso wala.
Hinalungkat ko yung bag ko at pinagbali-baliktad ito, itinaktak ko pa nga eh, kaso wala talaga.

Lumabas ako ng kwarto ko at tinanong si Mama kung nakita ba niya yung libro ko.

“Hindi eh, ano bang itsura ng libro na yun?” tanong niya saakin

“Yung color blue na libro mama, yung mga ganitong kalaki,” ipinakita ko kay Mama yung sukat
nung book gamit ang hand gesture ko.

“Wala talaga eh. Baka naman naiwan mo sa locker mo sa school.”

Naalala ko naman bigla na dinala ko pala sa school namin yun nung isang araw. Sa na nga
naiwan ko lang sa locker ko. Ayoko naman mawala yun kahit pa alam kong pw ede parin ako
makabili ng panibagong copy. Dahil kasi sa librong yun kaya kami n aging close ni Chim eh. Hay,
sana talaga nasa locker ko lang yun.

Malungkot akong pumunta sa coffee shop nun. Mas nakakalungkot pa nung dumating a ko
doon, wala si Chim. Inorder ko yung usual na coffee na binibili ko, Caramel M acchiato, tapos
pumwesto ako doon sa usual spot ko, sa balcony. Napatingin ako s a kalangitan. Madami ulit
stars ngayong gabi. Para ma-distract ako, nag start na lang ulit ako mag bilang.

“nine..” bulong ko ng mabilang ko na ang ika-siyam na bituin.

“Oh nakatingin ka na naman sa langit. Ano ba talaga ang tinitignan mo?”

Nung marinig ko ang boses na yun, dali-dali akong napalingon at ayun nga, sa harap ko, ay ang
lalaking inaantay ko.

“Chim!”

Nginitian niya ako at naupo sa tabi ko, “no tiramisu cake making for tonight?” tanong niya
saakin.

“Wala. Naibigay na rin ni Mama sa kapitbahay namin yung tiramisu. Nasarapan naman

daw sila.”

Ganun? Next time dapat ako naman ang bigyan mo ng tiramisu ah?

Natawa naman ako sa sinabi niya pero nangako din na next time dadalhan ko siya ng tiramisu.

“Pero balik sa tanong ko kanina, ano ba yung tinitignan mo sa langit ha? Parang may binibilang
ka. Ano ba yun?”

“Ah wala lang yun! Nagagandahan lang ako sa mga stars”


Tumingin siya sa kalangitan, “alam mo, hindi ko talaga makita yung mga constellation na
sinasabi nila kahit anong tingin ko. Wala naman din akong nabubuong mga kung anu-anong
shapes sa pag co-connect ng mga stars na yan. Pero katulad ng sinabi mo, ang ganda nga nila.
Yung pag shine pa lang nila sa kalangitan napaka breath taking na. Hindi ko na kailangan pang
hanapin ang mga constellation na yan par a ma-appreciate ko ang ganda nila. Being a star that
shines brightly in the sky is enough.”

Napangiti ako sa sinabi ni Chim. Kung paano niya na-appreciate ang mga stars, ganun din ako sa
kanya. Oo gwapo siya, talented, gentleman at mabait. Almost perfect na kung baga. Alam ko rin
naman na meron siyang mga flaws eh. Pero behind his perfections and flaws, I saw Chim. Only
Chim. At nahulog ako sa kanya ng ganun.

Lumipas ang tatlong araw, at hindi ko ineexpect na sa loob ng tatlong araw, madami na ang
pwedeng mangyari.

Nung ika 5th night ng pagbibilang ko ng stars, nandun ulit ako sa coffee shop nun pero mas
naunang dumating si Chim saakin. Nag star gazing lang ulit kami sa balcony ng coffee shop
habang ako naman, nagbibilang ng stars sa isip ko. Nung gabi din pala na yun, nai-kwento ko sa
kanya na nawawala yung libro ko na The Fault in our Stars. Sad to say, wala din ito sa locker ko.
Tinignan ko kung nasa lost and found ito pero wala din. Medyo nakaka depress pero na-cheer
up naman ako sa sinabi saakin ni Chim noon.

“Ilang beses mo na bang nabasa yung librong yun?”

“Halos mga limang beses na! Ganun ko talaga siya kagusto!”

“Hmm, limang beses na pala eh. Malay mo may nakapulot nun ngayon at kasalukuyang
binabasa narin ang libro na yun. Malay mo sa mga panahon na ito, napapakilig narin ni
Augustus Waters at Hazel Grace ang tao na yun. Or baka dahil sa librong yun, na-inspire ulit ang
tao na yun na harapin ang buhay. Ayaw mo nun, nakatulong ka? Naipabasa mo sa iba ang
librong gustong gusto mo. For sure naman kung sino ang nakapulot nun, iniingatan niya yun
eh.”

And that made me happy.

Nung ika-anim na gabi, medyo late na ako nakauwi dahil may tinapos kaming project sa school
kaya naman habang pauwi na ako, doon ko naisipan magbilang ng bituin. Nagulat naman ako ng
makita ko si Chim sa likuran ko. Medyo inis siya nun. Sinabi niya saakin bakit daw ako
naglalakad ng ganitong oras mag-isa. At talagang pinagalitan pa ako na para bang siya ang tatay
ko. Kung hindi ko mahal ang isang to, malamang nagalit ako sa kanya. Pero dahil may pagtingin
ako sa lalaking ito, kinilig ako sa concern niya. Sabay kami naglakad pauwi. Nung papasok na
ako sa condo unit nagulat ako ng biglang hawakan ni Chim ang kamay ko.

“Uhmmm Claire, may gusto sana akong sabihin sayo eh.”

“Hmm? Ano yun?”

Napakamot ng ulo si Chim, “kaso nahihiya ako.”

“Eh?! Ano ka ba!” hinampas ko yung braso ni Chim in a playful manner, “saakin ka pa nahiya.
Ano nga yun?”

“Eh wag muna ngayon,” nginitian niya ako “bukas may lakas na ko ng loob sabihin yun kaya
magkita tayo sa coffee shop ha?” nagulat ako ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya at
niyakap niya ako sabay bulong saakin ng “good night Claire.” Humiwalay din siya agad sa
pagkakayakap saakin tapos nag wave lang siya at umalis na.

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko any moment sasabog ito.
Niyakap ako ni Chim. At isa pa, may sasabihin daw siya saakin bukas. Kung ano man yun, hindi
pa ako sigurado pero isa lang ang pumapasok sa isipan ko. At sana tama ako ng hinala. Ika-anim
pa lang na gabi. Tatlong gabi pa. Pero malay natin, advance nang matutupad ang wish ko.
The next day, habang nagka-klase kami, ipinaalala ulit saakin ni Chim yung usapan naming
pagkikita sa coffee shop. Nahalata ko naman na ni-lo-look forward din niya yun kaya mas lalo
akong na-excite kaya naman paguwi ko sa bahay after ng klase, dali-dali akong kumain ng
hapunan at naligo. Nagpaalam ako kay mama na pupunta lang ulit ako sa coffee shop at umalis
na parang normal lang kahit deep inside, kinakabahan ako na ewan. Habang naglalakad ako
papunta sa coffee shop, nagbibilang ako ng stars habang paulit ulit kong tinatanong na “Ito na
ba yun? Mangyayari na ba talaga ang wish ko?”

Pagkadating ko doon, umorder muna ako ng inumin, this time hot chocolate naman. Sabi kasi
nila nakakapagpa-relax daw ang chocolate. Pumunta ako sa balcony at na kita kong nandun sa
si Chim. Nilapitan ko siya.

“uy kanina ka pa?”

“Hindi naman. Salamat sa pagpunta, Claire.”

Naupo ako sa tapat niya, “uhmm ano ba yung sasabihin mo saakin?” tanong ko sa kanya while
trying to act na hindi ako excited sa kung ano man ang sasabihin niya.

Huminga ng malalim si Chim at nag sip doon sa coffee na inorder niya, “you see Claire,” nagulat
ako ng biglang hawakan niya ang kamay ko, “Claire I like to court. . . . Karen.”

One second, two second, three seconds. Nag lo-loading ang utak ko. Parang nabingi ata ako sa
sinabi niya. Bakit feeling ko mali ang pagkakarinig ko?

“Ano ulit yun?” tanong ko sa kanya


“I want to court Karen. You know her right? Yung kaklase natin na petit na maganda na
nakasalamin? Nainlove na ata ako sa kanya at ayoko na magpaka torpe,” mas hinigpitan niya
ang hawak sa kamay ko “help me please? Gusto ko na magtapat sa kanya.”

Hindi ko expected na nung gabing yun, uuwi ako ng luhaan. Well I tried not to cry in front of
him at nag succeed naman ako. Pero the moment na umalis na siya sa harapan ko, tuloy tuloy
na ang pag bagsak ng luha ko. Tama nga talaga ang sabi nila, kung ayaw natin masaktan, wag
tayong maging assuming. Nag-assume ako na ma gtatapat siya saakin, na ako ang gusto niya.
Nag-assume ako na nung nanunuod kami ng basketball, ako ang kinindatan niya, pero ibang tao
pala yun. Nag-assume ako na baka ako ang Hazel Grace niya, hindi pala.

Masakit.

At mas masakit pa kasi saakin siya humihingi ng tulong at hindi ko siya magawang matanggihan.
Nakakainis pang isipin na habang sinasabi niya kung gaano niya kagusto si Karen, kitang kita ko
ang saya sa mata niya which I found very beautiful but painful at the same time.

Bakit ba nahantong ang lahat sa ganito?

The next day, tinupad ko ang pangako ko sa kanya. Kinausap ko si Karen at sinabi kong pumunta
siya doon sa coffee shop na malapit saamin. Habang niyayaya ko siya, hinihiling ko sa isip ko na
sana busy si Karen, na sana masama ang pakiramdam niya o may iba siyang pupuntahan o kaya
naman hindi siya interesadong pumunta s a coffee shop. Kahit anong dahilan okay lang basta
wag siyang pumayag at wala din akong planong pilitin siya.

Pero nakakainis, isang tanong ko pa lang, pumayag na agad siya.

Sinabi ko kay Chim ang good news (pero para saakin bad news.) Nakita ko naman na sobrang
saya niya ng malaman niyang napapayag ko si Karen kahit na ang tanging ginawa ko lang ay
tanungin siya. Nagpatulong pa saakin si Chim pumili ng pwedeng ibigay kay Karen. Nakakainis
namang buhay to.

Ika 8th night ngayon. Isang gabi na lang sana, mag w-wish na ako. Kaso mukha ata ng
masyadong mahaba ang nine nights para saamin. Nawala na ang libro ko, nawalan pa ako ng
lovelife.

Napatingin ako sa langit. Another starry night. Naisip ko, mag bibilang pa kaya ako? O baka
naman paasahin ko lang ang sarili ko sa paniniwalang ito?

Pero kahit na gulong gulo na ang isip ko, nag bilang parin ako ng siyam na bituin.

At kung nakakatawa nga naman, yung ika-siyam na gabi ng pagbibilang ko ng bituin ay yung
mismong gabi din kung saan ko dinala si Karen sa coffee shop para i-mee t si Chim.

Katulad nung gabing nakipag kita siya saakin dito, nauna din ng dating si Chim.

Nakaupo siya sa usual spot ko namin na ngayon ay i-sh-share niya na sa ibang babae. Nakasuot
ng polo si Chim at black pants. Sa kamay niya ay yung binili niyang teddy bear. Ang gwapo niya
tignan, ang ganda ng ngiti niya, at yung mga mata niya, bakit mas nagniningning pa kesa sa mga
bituin na binibilang ko? Kung pwede lang na sana saakin na lang siya nakatingin, ako na lang
sana ang nginingitian niya at para saakin sana yung teddy bear na hawak niya, kaso hindi eh.

“A-ano to?” gulat na tanong ni Karen at naglakad siya papalapit kay Chim “Chim? Ano ito?

Nginitian siya ni Chim, “alam kong napaka torpe ko dahil ngayon lang ako gumawa ng move,
pero Karen, Mahal kita.”
Pagkasabi ni Chim nun, tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanila. Ayoko ng marinig pa
yung sasabihin ni Karen. Ayoko ng ma-witness kung paano sila mag-aminan dalawa. It's too
painful to see.

Nang makalabas ako ng coffee shop, napatingin ako sa kalangitan. Hindi katulad nung mga
nakaraang gabi, wala ako halos makitang bituin ngayon sa langit.

Ika 9th night ngayon. Huli na ba talaga ang wish ko?

Napapikit ako. Dapat ang hihilingin ko ngayong gabi ay sana maging kami ni Chim. Pero
mukhang magiiba na ang wish ko.

Sana... Sana, dumating na yung lalaking para saakin.

Dumilat ako at tumingin sa kalangitan para maghanap ng bituin.

“one...” sabi ko ng makakita ako ng isang star “two... three... four, five, six, seven, eight…”
umikot ikot ako para maghanap pa ng star. Wala akong makita. Isa na lang eh. Isa na lang.
Naramdaman kong namumuo na ang luha sa mata ko pero nakatingala parin ako at pilit na
naghahanap ng bituin. Isa na lang please, isa na lang.

“Uy miss!”

Bigla akong bumangga sa isang tao at natumba. Naramdaman ko naman na may kamay na
umaalalay saakin patayo.
“Uy okay ka lang ba?”

Nakita ko sa harap ko ay isang lalaking hindi pamilyar saakin

“Teka kilala kita!” sabi nung lalaki.

“Ha?”

“Ikaw si Claire di ba? Ay!” may inilabas siyang book sa bag niya, “sayo to di ba?”

Nagulat ako ng inaabot niya yung libro ko na The Fault in our Stars.

“Teka paano napunta sayo to? Tsaka bat kilala mo ako?!”

“Nakita ko yan sa corridor sa condo natin, nahulog mo ata. Ako yung bago niyong kapit bahay.
Salamat pala doon sa tiramisu cake ah” inilahad niya ang kamay niya “ay nakalimutan kong
magpakilala, Lewis nga pala.”

Inabot ko ang kamay niya para makipagshakehands ng bigla naman akong mapatitig sa t-shirt
niya.

Doon sa t-shirt niya, may nakaprint na isang star.

“Nine…”

-END-

You might also like