You are on page 1of 2

Alyana

Ang Batang Puro Mamaya Na

Sa isang maliit na bayan ng San Antonio ay may nakatirang masipag at


mabait na mag-asawa. Sila ay sina Mang Aly at Aling Ana na nabiyayaan ng
isang magandang anak na nagngangalang Alyana.

Si Alyana ay isang batang tamad at palaging umaasa sa kanyang mga


magulang. Siya ay walang alam na gawaing bahay at makalat sa mga gamit.

Isang araw, habang nagtatanim sina Mang Aly at Aling Ana ng mga gulay
sa likod bahay ay inutusan nila si Alyana.
Anak, paki saing naman ng ating hapunan, pagod at gutom na kami ng nanay
mo, pagsusumamo ng ina.
Pwede po ba nay, tay, mamaya na po? padabog na sagot ni Alyana
Hay, naku Alyana, puro ka nalang mamaya na.

Pagkatapos ng hapunan ay inutusan ni Aling Ana si Alyana na magligpit ng


mga gamit niya sa kwarto.
Alyana, ako na ang magliligpit ng kusina, ayusin mo na lamang ang kwarto
mo at pagkatapos ay maglinis ka na rin ng katawan mo bago matulog, utos ng ina.

Mamaya na ako magliligpit ng mga gamit ko, maaga pa naman, bulong ni


Alyana sa sarili.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang nakabibinging
kidlat. Nadagdagan pa ang takot ni Alyana nang biglang mag brownout at wala
siyang makita kahit konting liwanag.

Anak, huwag kang matakot, papunta na ako sa kwarto mo. May dala akong
flashlight, sambit ng ama.
Tay, bilisan niyo po, natatakot po ako sa dilim.
Nagmamadaling pumasok si Mang Aly sa kwarto ni Alyana nang biglang
may natapakan siya at nadulas. Bugh! Aray ko, ang sakit ng balakang ko.
Itay! sigaw ni Alyana. Takot na takot na umiiyak si Alyana sa pag aalala sa
kalagayan ng ama.
Kagyat na tumakbo papunta sa kung saan may malakas na kalabog si Aling
Ana.
Pagkapasok niya sa kwarto ay nakita niya ang kanyang asawa na nakahiga at
nahihirapang gumalaw.
Aly, anong nangyari sa’yo? pag aalala ng asawa.
May naapakan kasi akong bagay sa pinto,sagot ni Mang Aly na namimilipit
sa sakit.
Nay, Tay, pasensya na po kayo. Ako po ang may kasalanan. Hindi ko po
nailigpit ang gamit ko na nakakalat sa sahig, pagsusumamo ni Alyana.

Biglang bumalik na ang kuryente at nakatambad sa kanilang mag-asawa ang


kalat ng kanilang nag-iisang anak. Naku, Alyana, sana naman ay matuto ka nang
magligpit ng iyong mga gamit at hindi puro mamaya na.

Simula noon ay maayos nang naliligpit ni Alyana ang kanyang mga gamit.
Tumutulong na rin siya sa kanyang mga magulang sa pagpapanatili ng kalinisan sa
kanilang tahanan. Mula ngayon, Nay, Tay, hindi na ako si Alyana na puro mamaya
na. Ako na si Alyana, ang batang ngayon na.

You might also like