You are on page 1of 10

Malamasusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

I. Mga Layunin: Pagkatapos ng animnapung minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

1.) Naibibigay ang pagkakaiba ng kagustuhan sa pangangailangan.


2.) Nakagagawa ng pamantayan sa pagsusunod-sunod ng mga kagustuhan ayon sa
kahalagahan.
3.) Naiuugnay ang kagustuhan sa suliranin ng kakapusan sa buhay na nararanasan ng tao.

II. Paksang Aralin

1.) Paksa: Kagustuhan at Pangangailangan


2.) Batayang Aklat: Ekonomiks
May Akda: Evelina M. Viloria
Nilda B. Cruz
Julia D. Rillo
Alice L. Lim
Pahina: 79-88
3.) Kagamitan: Cartolina
Aklat ng Ekonomiks
Pentelpen
Pisara
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A) Panimulang Gawain

Pagsasaayos ng mga upuan


Pagdarasal
Pagbati

B) Pagganyak

Bago ang lahat, nais kong malaman Magtaasan ng mga kamay ang may mga
kung sinu-sino ang may mga cellphone sa cellphones na touchscreen)
inyo. Yung touchscreen.

Tatawag ng dalawa hanggang tatlong (Tatayo ang estudyanteng natawag at


estudyante para tumayu at sagutin ang sasagutin ang katanungan)
alinman sa mga katanungan:

1.) Habang hinahawakan mo iyang - Sir kailangan ko po ang cellphone ko


cellphone mo, pwede mo bang sabihin kung upang mapanatili ang komunikasyon
kailangan mo ba talaga yan? Bakit? naming ng papa/ mama ko na nasa
malayong lugar!
Okay salamat!

2.) Anu sa tingin mo, pangangailangan mo - Sir pangangailangan, kasi may mga
o kagustuhan mo ang magkaroon ng importanteng mensahi akong hinihintay
ganyang cellphone? tulad nalang sa scholarship ko syempre
kailangan kong ma inform.
Okay salamat!

Mamaya ay maliwanagan tayo kung anu-


ano ang magiging basihan upang masabi
natin ang tama at posibleng kasagutan.

C) Paglalahad

Nayong umaga ay pag-aaralan natin ang


tungkol sa Kagustuhan at Pangangailangan
ng tao.

At ang ating layunin sa pag-aaral ay


upang:

Maibibigay natin ang pagkakaiba ng


kagustuhan sa pangangailangan.

Makagagawa tayo ng pamantayan sa


pagsusunod-sunod ng mga kagustuhan
ayon sa kahalagahan.

Maiuugnay natin ang kagustuhan sa


suliranin ng kakapusan sa buhay na
nararanasan ng tao.

D) Malayang Talakayan
Magsimula tayo sa kahulugan ng mga
salita:

Anu ba ang ibig sabihin ng


Pangangailangan? Sir pagkain
bahay at damit
Hmm tama kaya? Ating alamin

(ayun sa aklat ng Ekonomiks)

 Ito ang mga bagay na dapat mayroon


ang tao.
At ito ay ang Damit, Bahay, Tirahan

Tama ang sinabi nyo, galing!

Ito ang mga bagay na pawang


pangunahing kailangan ng tao na alinman
dito ang mawala ay maaaring maging sanhi
ng pagkasakit na maaaring mauwi sa
kamatayan ng tao.

Nagkakaiba ang pangangailangan ng


tao batay sa kapaligiran, sitwasyon at kita
nito.

Anu naman ang Kagustuhan? Sir ito ang mga bagay na hindi talaga
kailangan ng tao
Okay tingnan natin ang kanyang kahulugan.

 Ito ang mga bagay na nakakatulong sa


tao upang mapagaan ang kanyang buhay.

 Mga bagay na kadalasan nagdudulot ng


kasiyahan sa tao.
At ibig sabihin nito ang pagkakaroon nyo
ng cellphones ay kagustuhan lamang.

Eh paano kaya itong halimbawa ko: Pagkain nga sya sir pero hindi naman
Junk food? Diba pagkain sya? talaga sya kaylangan ng tao. Nagbibigay
Anu ang sagot nyo? saya lng sya
Tumpak! Galing mo

Madalas ang kagustuhan raw ng tao ang


nagdudulot ng kasamaan sa katawan.
Pwede ba kayong magbigay ng halimbawa? (Mag-iisip ang mga estudyante)

Tama ang sinabi mo! Mga Chinese products sir na hindi


Mga palamuti ay isa sa mga yun masyadong inuusisa ng mabuti bago
gamitin
Sabi dito maaaring raw matugunan ang
pangangailangan ngunit ang kagustuhan ay
hindi sa pagkat walang katapusan ang
kagustuhan ng tao. Kasi pag nakuha muna
raw yung gusto mo ay may sisibol
nanamang panibagong gusto hanggang
tuloy tuloy nayan.

Naalala nyo pa ba si Abraham H. Maslow? Yes sir!

May mga teorya ng Pangangailangan at isa


ang teorya nya doon kung saan ay inuri nya
ang pangangailangan ng tao, ayon sa kanya,
may mga baitang ang ating mga
pangangailangan kung saan may mga
pangunahin at hindi pangunahin.

1.) Baitang ng Pangangailangan

Panga-
ngailanga-
ng maitupad
ang kaganapang
pagkatao
pangangailangan
na mabigyan ng
atensyon,
pagkilala ng ibang tao
pangangailangan na
makisalamuha,makisapi,
magmahal

Pangkaligtasan
Pisyolohikal

Ang una ay:

1) Pisyolohikal- ( pangunahing
pangangailangan )
2) Pangkaligtasan- (seguridad,
kaayusan)
3) Pagmamahal- (pag-aaruga,
pakikisalamuha)
4) Pagpapahalaga- (hinahanap ang
mataas na pagtingin ng kapwa bilang
tanda ng paggalang nila sayo)

5) Pagpapatupad ng kaganapang
pagkatao- (mithiin, ambisyon)
Ito rin ang pinakamataas na baiting sa
pangangailangan ng tao.

Natutukoy ang mga pangunahing


pangangailangan sa layuning manatiling
buhay at malusog ang ating katawan upang
makagawa, makakilos at makibahagi sa
mga Gawain sa lipunan.

2.) Batayan ng Kaunlarang Panlipunan

Ayon kay Michael Todaro, isang


ekonomista, may tatlong pangunahing
kanais nais na katangian ang maunlad at
progresibong bayan.

 Una, sagana sa material na


bagay.

 Ikalawa, malawak ang kalayaan


ng mga mamamayan.

 Ikatlo, mataas ang antas ng


dignidad ng tao.

Ayon sa pananaw na ito, umuusbong


ang mga pangangailangan at hilig ng tao na
sinasagot at tinutugunan upang makamit
ang mga ito.

Dapat sagana sa material na bagay na


nagbibigay kasiyahan sa mga mamamayan
nito upang mabuhay nang matiwasay sa
loob ng kanilang pamayanan.

May mga institusyong pampubliko rin


na nagbibigay ng mga serbisyong tulad ng
edukasyon, kalusugan, transportasyon,
tubig, elektrisidad at iba pa. Dahil dito,
nagiging ligtas sa pagkagutom,
karamdaman, sa pabago-bagong panahon, at
mapaminsalang kapaligiran ang mga
mamamayan.

Tanong, ano ang pagkakaiba ng teoryang


ito sa teorya ni maslow? sir ano nga ba ang pagkakaiba ng
Ganito, teoryang yan sa teorya ni maslow?

Kung kanina, sa baiting ng pangangailangan


ni Maslow ay nakapokus sa isang tao ito
naman ay sa lupinan ng mamamayan. Dito
ipinaliliwanag na umusbong ang
pangangailangan upang makamit ang
tatlong katangian sa pagunlad ng bayan.

Maliwanag na ba? Yes sir


Maliwanag na po
3.) Batayang Empirikal

Nagpapaliwanag sa mga
pangangailangan ng tao. Ayon ito sa
pagsusuri ng mga mananaliksik tungkol sa
mga katangian at palatandaang maaaring
sumukat ng mga kagalingang panlipunan at
kalidad ng pamumuhay. Ito ay itinuturing na
mahalagang mithiin at layunin ng isang
masaganang pamumuhay. Gagawa ng mga
paraan ang mga tao at mga institusyon nito
upang matugunan ang mga panlipunang
layunin.

Pamantayan sa pagsusunod-sunod ng
mga kagustuhan.
Dahil hindi maaaring mapagbigyan ang
lahat ng kagustuhan ng tao, kailangang
pumili ng mga bagay na nais matugunan.
Talagang maraming kagustuhan ang tao na
hindi nya kayang makamtan dahil sa
pagiging limitado ng kanyang kita. Sa
gayon, kinakatawan ng kita ang kakayahang
bumili ng kalakal at paglilingkod.
Oo nga naman, pag kaunti lng ang kita mo
syempre kaunti lng din ang mabili mo.
Hindi ba?
Hindi madali ang pagpili ng kalakal o
Yes sir
serbisyo na tutugon sa kagustuhan o
Hindi ka naman makakabili ng ulam o
pangangailangan ng tao kaya kailangang biskwit sa halagang piso
matiyak kng alin ang pinakakapaki-
pakinabang hindi lng para sa isang tao
kundi para rin sa karamihan.

Kaugnayan ng kagustuhan sa suliranin


ng kakapusan:
Ang suliranin sa kakapusan ay bunga
ng maraming kagustuhan ng tao. Sa kabila
ng limitadong pinagkukunang-yaman.

Ang kakapusan ay malulunasan sa


pamamagitan ng pag una sa
pangungunahing pangangailangan o
prayoridad at hindi ang luho. Ganon din ang
bansa. Kung saan ay ang ikabubuti ng
maraming mamamayan ang dapat bigyang
pansin.

Tanong: ang kultura ba ay nakakatulong sa


pagkontrol ng kagustuhan?
Salamat!

Ang kultura ay nakakatulong


hal. Mga dapat at hindi dapat kainin ng mga
kasapi ng particular na relihiyon. Hindi ba?
Sa ganitong paraan, ang pwersa sa labas
(ang mga estudyante ay magbibigay ng
nagkokontrol sa kagustuhan ng isang tao.
mga halimbawa na maaring maisip nila)
Ngunit maaari ring ang mekanismo sa
pagkontrol ay galing sa isang tao. Dito, ang
tao mismo ang magbibigay halaga sa mga
pangangailangan at hilig nya. Opo sir tama po kayo jan
May alam po akong ganyang relihiyon
E.) Paglalahat
Sa kabuuan, ating natukoy ang pagkakaiba
ng kagustuhan sa pangangailangan.

Ano nga ulit ang ibig sabihin ng


Pangangailangan?
Ano pa?
Tama! Tulad ng ano?

Magaling!
Ano naman ang ibig sabihin ng kagustuhan?
Tama!

Pwede ba kayong magbigay ng halimbawa?


Tama na naman! ang agling nyo! Sir, pangangailangan ang mga bagay na
dapat ay mayroon tayo.

Atin ring natalakay ang tatlong teoryang Sir, ang pangangailangan ay ang mga
batayan ng pangangailangan. pangunahing kaylangan ng tao.

Ano-anu ang mga ito? Tulad ng bahay, pagkain at damit.


At ano ang sinasabi sa teorya?
Sir, kagustuhan naman ang mga bagay
na nakapagbibigay sa atin ng kasiyahan
na kadalasan sya ring nagpapahamak sa
atin.
Ito yung mga bagay na nagpapagaan sa
ating buhay.
Tama, ano ang pangalawa? Hal. Cellphones, mga gamit sa bahay,
sasakyan.

Teoryang Baitang ng Pangangailangan


ni Abraham Harold Maslow

Ayon sa teoryang ito, ang ating


At ang huli? pangangailangan ay nauuri. May mga
pangunahin at hindi pangunahin. Ayon
din dito na kapag lubos ng matugunan
Ang galing! ang pangunahing pangangailagan ng
tao ay may uusbong na namang
pangalawa hanggang sa maabot ang
pinakamataas na nito.

Batayang Kaunlarang Panlipunan. Ayon


dito, ang pangangailangan ng mga tao
sa lipunan ay uusbong para makamit
ang tatlong kanais-nais na katangian ng
F) Paglalapat isang bansa.

Bago tayo magtapos, sa tingin nyo papaano


nyo matugunan ang mga pangunahing Batayang Empirical. Ito naman ay
pangangailangan kng kumikita lng kayo ng nagpapaliwanag sa mga
sapat? pangangailangan at hilig ng tao ayon sa
pagsuri ng mga katangian at
palatandaang maaring sumukat ng
Magaling! kagalingan at kalidad ng pamumuhay.

Bakit kailangang matugunan ang


pangunahing pangangailangan ng tao?

Tumpak!

papaano ba nakakaapekto ang kita sa


pagtugon ng pangangailangan at kagustuhan Matutugunan ito sa pamamagitan ng
ng isang tao? paggawa ng pamantayan kung saan ay
ang mga pangunahing pangangailangan
Tama kayo dyan! ang gawing prayoridad at hindi ang
luho.
Maliwanag naba ang lahat?
Kung wala na kayong tanong ay sagutin ang
maikling pagsusulit na ito sa loob ng
sampung minuto: Dahil ito lamang ang magpapanatili sa
atin para mabuhay at makapag patuloy
Paano maapektuhan ng sumusunod ang sa paggawa bilang isang myembro sa
pangangailangan at kagustuhan ng tao: pagpapaunlad ng ating lipunan.
1) kita
2) kapaligiran
3) katayuan sa buhay Ang kita ay isa sa mga dahilan na nag
4) hanap buhay sasabi kung ano lang ang kaya nating
mabiling pangangailangan o
G) Takdang Aralin kagustuhan o serbisyo man.
Sagutin ang tanung batay sa sariling Kung kaya’t mahalaga na maingat tayo
pagpapahalaga: sa pagpili ng bibilhin. Dapat ay talagang
ito ay kapakipa-kinabang sa atin.
Bilang myembro ng inyong pamilya,
paano ka makakatulong sa paglutas ng
inyong pampamilyang suliranin sa
kakapusan?
(Ang mga estudyante ay sasagot sa
maikling pagsusulit sa loob ng oras na
inilaan)

Inihanda ni:
Recaña, Quir Jun J.
BSEd 2-2 Social Studies Major

You might also like