You are on page 1of 6

ALAMAT NG KUTSILYO

Ni Jeffrey F. Ranoy

Sa bayan ng Raway may binatang nag ngangalang Kulyo.


Siya ay ulilang anak dahil bata pa lang siya ay nasa pangangalaga
na siya ng kanyang mapanakit na tiyuhin at tiyahain. Namana nya
mula rito ang pagiging inggitin at mapanakit sa kapwa.

Isang araw may taong-grasa na matandang babae na


humihingi ng limos at pagkain at sa di inaasang pagkakataon nakita
ito ni Kulyo, “Wala ka bang makain? Kawawa ka naman..”
panunuya ni Kulyo habang inaabot ang kamay ng kaawa-awang
matanda, sabay tulak at tawa ni Kulyo . Nadapa ang matanda sa
putikan at nagwika, “Pagsisihan mo lahat ng ginawa mo!”, sigaw ng
matanda. Umalis si Kulyo at iniwang nakagulapay ang abang
matanda. Sa pag alis ni Kulyo, nagbago ng anyo ang matanda,
ang kanyang punit at damit na may bahid ng grasa ay naging
isang lina at naging isang magandang dilag. Makinang ang
kanyang balat at nakasuot ng magarbong kasuotan tangan ang
kanyang mahiwang patpat.

Nagpakita ang mahiwagang dilag kay Kulyo, nagulat at


natakot siya sa kanyang nakita. Lumuhod si Kulyo sa kanyang
nasaksihan ngunit iwinagayway lang ng dilag ang kanyang patpat
at naging kakaibang metal si Kulyo. “Sa pagkakaroon mo ng
matalim na dila, iyan ang dapat sa iyo.” Kalaunan, ang kapirasong
metal na binansagang Kulyo ay naging Kutsilyo.
ALAMAT NG PAMINTA

Ni ZJ Nazreth Navarro

Narinig ninyo na ba ang alamat ng paminta? Kung hindi pa


halina kayo at ating tukasin.

Noong unang panahon sa isang nayon sa Angono may isang


dalagitang nagngangalang Aminta. Siya ang ng-iisang anak ni
Aling Maria. Si Aminta ay isang anghel para sa mata ng kanyang ina
ngunit si Aminta ay may tinatagong ugali. Ang pamimintas sa
kanyang kapwa ang isa sa mga paborito niyang gawain. Isang
araw si Aminta ay papasok ng paaralan, may isang matandang
babae na nanlilimos ng makakain ngunit naiinis lamang sa Aminta
sa kaawa-awang matanda. “Ayoko nga ang itim-itim mo tapos ang
baho-baho mo pa!”, wika ni Aminta.

Ngunit pinalampas ito ng matanda. Sa mga sumunod na araw


hindi na napapansin ni Aminta ang matanda sa dati niyang
puwesto malapit sa paaralan. Nagtaka siya ngunit hinayaan niya na
lang ito. Isang araw, namasyal si Aminta at ang kanyang ina sa
isang magandang parke. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na ito
na ang huling araw na makakasama niya ang kanyang mahal na
ina dahil sa iniinda nitong karamdaman.

Kinabukasan sa pag-uwi ni Aminta galing sa paaralan nakita


niya ang kanyang ina na nakahiga sa kama na tila wala ng buhay.
Natanaw niya mula sa hindi kalayuan ang matanda na madalas
niyang makita sa kanilang paaralan, waring nakangiti at natutuwa
sa nangyayari kay Aminta. Sa araw ng libing muli niyang nakita ang
matanda na nakatayo sa likuran ng mga nagdadalamhati, naka
ngisi ito at nanunuya. Nilapitan ni Aminta ang matanda at itinulak
ng buong lakas hanggang sa mauntog ito sa isang malaking bato.
Nasaktan ang matanda at sinabing, “Ikaw, Aminta na may
masamang ugali ay gagawin kong isang bagay na ayaw maamoy
ng mga tao at ikaw ay iiwasan nila. Ito ay repleksyong ng iyong
masamang pag-uugali. Nagkatotoo ang sinabi ng matanda at siya
ay naging isang itim na mala-buhangin na bagay. Tinawag na
Aminta ito ng mga taong nakasaksi sa pangyayari, kalaunan ito ay
naging PAMINTA.
ALAMAT NG LIPSTICK

Ni Angellica Ross C. Anievas

May isang babae na ubod ng ganda ngunit siya ay maarte at


matapobre sa kanyang kapwa. Siya ay nagngangalang Liptika. Ang
kanyang magulang ay nasa ibang bansa kung kaya walang
sinuman ang gumagabay sa kanoya patungo sa matinong landas
ng buhay. Dahil sa hindi kagandahan ang kanyang ugali, maraming
tao ang namumuhi sa kanya.

Minsan naanyayahan si Liptika sa isang salu-salo, pagdating


niya sa kanyang paroroonan agad siyang uminom ng alak.
Matapos malasing naisipan niya nang umuwi. Nagmaneho siya ng
kanyang sasakyan sa kabila ng kanyang kalasingan. May isang
matandang babae ang tumatawid sa kalsada na kanyang
nasagasaan. Agad-agad na bumaba si Liptika upang tignan ang
matanda, buhay ito at tila may mga galos lamang. Sa halip na
tulungan ni Liptika pinagsalitaan pa niya ito at akmang sasaktan.

Walang kaalam alam si Liptika na ang kanyang nabangga ay


isang Diyosa sa mundo ng mga immortal. Laging minamasdan ng
nasabing diyosa ang kilos at asal ni Liptika. Isinumpa ng diyosa si
Liptika, tuwing siya ay magsasalita ng masama mula sa kanyang
labi, ito ay magsisimulang magdugo at mag-iiwan ng marking pula.

Nang magbago ang kanyang ugali ay nawala ang markang


pula sa kanyang labi. Dahil sa maganda ang markang pula sa
kanyang labi, naiisip ng mga tao na gayahin ito kung kaya’t
gumawa sila ng alternatibong sangkap na mula sa mga dagta ng
halaman upang magkaroon ng pulang likido na tulad ng dugo.
Tinawag ang pamahid na ito na liptika na sa kalaunan ay naging
“lipstick”.
ALAMAT NG KANDILA

Ni Iseiah Alexandra Hernandez

Noong unang panahon, mayroong isang bayan na puro


kababaihan lamang ang nakatira. Ang pangalan ng nayon na ito
ay Dila, maraming magaganda at matatalinong dilag ang nakatira
ditto. Ang kanilang pinuno ay nagngangalang Ila at ang anak nito
ay si Inda. Dito sa bayan ng Dila ang mga babae ay may apoy sa
dulo ng kanilang mga daliri, kung kaya’t lahat ng mahawakan nila
ay nasusunog at nagiging abo. Ito ang dahilang kung bakit sila
umiiwas na mapunta sa kabilang bayan.

Samantalang ang bayan ng Kan ay puno naman ng mga


malalakas at matatapang na kalalakihan. Mayroon din silang
pinuno na nagngangalang Ali at ang anak nito ay si Kadi. Ang mga
kamay naman ng kalalakihan sa bayan na ito ay may maliliit na tali
ang dulo ng kanilang daliri. Ipinagbabawal ni Bathala na maglapit
at maghawak ng kamay ang mga tao sa bayan ng Dila at bayan
ng Kan. Upang mapigilan ito gumawa si Bathala ng harang na
magsisilbing pader sa dalawang bayan, ito ay tinawag na Puno ni
Bathala.

Isang araw, habang nasa hardin si Ila at pinagmamasdan ang


kalangitan, mayroon siyang narinig sa di kalayuan. Dahil sa
pagtataka, agad niya itong nilapitan sa Puno ng Bathala. Nakita
niya si Kadi na nakaupo sa sanga ng Puno ni Bathala, nadapa si Ila
at nakita ito ni Kadi , tinulungan siya ng binata at sa hindi
inaasahang pagkakataon nagdikit ang kanilang mga kamay at
hindi mapaghiwalay. Pareho silang nakaramdam ng pagkatunaw
ng kanilang mga katawan, hanggang sa sila ay maging “wax” at
ang kamay nila ay nagliliyab.

Dahil sa hindi pagsunod sa batas na ginawa ni Bathala ang


parusa sa dalawang bayan. Dito nagsimula ang kwento ng kalapit-
bayan tungkol sa byan ng Kan at Dilan a kalaunan ay naging ng
KANDILA.
ALAMAT NG KOTSE

Ni Paula Nicole Tuazon


Sa isang tahimik na bayan, malayung-malayo sa lungsod, isang lalaki ang
naninirahan kasama ang itinuturing niyang anak na siyang natagpuan niya sa may
tabing-ilog, labing-walong taon na ang nakakalipas. Sa pagtanda ng batang iyon ay
pilit niyang pinaliliwanagan ito na ang tunay niyang pamilya ay maaring malayo o
malapit sa kanila. Ang alam niya ay iniwan na siya ng kanyang ina at ama.

Carmela. Carmela ang pangalan ng batang iyon.

Ang dalawa ay masaya sa tahimik nilang pamumuhay hanggang sa isang araw ay


mayroong dumating na hindi nila inaasahan na gumimbal sa buhay nila.

“Ama, Ama! Mayroon dumating na sulat!”, masiglang sigaw ni Carmela habang


papasok sa kanilang tahanan.

“Aba’y sino naman ang magsusulat para sa atin?” tanong ng ama ni Carmela na
isang mekaniko habang pinupunas ang malangis na mga kamay sa isang basahan.

Ngumiti lamang si Carmela bago buklatin ang papel na hawak niya at inabot ito sa
ama. Nagsimulang basahin ng ama ito, “ Carmela, anak, alam naming malaki ang
pagkakasala naming sa’yo, ngunit ngayon ay handa na kaming harapin ang
responsibilidad. Nagsisisi kaming iniwan ka naming diyan sa bayan. Hindi ko alam kung
kailan mo ito matatanggap ngunit kung hand aka nang makita kami, pumunta ka
lamang sa syudad.”

“Ama, makikilala ko na sila! Samahan mo ako papuntang syudad!” Ipinagdikit ni


Carmela ang kaniyang mga kamay, inaabangan ang sagot ng ama.

“Carmela, masyadong malayoo ang syudad mula rito, ikinalulungkot kong sabihin na
di kita masasamahan.” Malungkot na pahayag ng ama.

“Ngayon ko na sila makikita ngunit hindi mo pa ako masasamahan?” disymayadong


tugon ni Carmela.

“Pasensya na talaga, Carmela.” Nakayukong humingi ng tawad ang ama.

“Bahala ka! pupunta akong syudad!” at bago pa makasagot ang ama ay tumakbo na
si Carmela papunta sa kanyang kwarto.

Ilanga raw na ang lumipas at unti-unti nang naliligpit ni Carmela ang kanyang mga
gamit habang patuloy na hindi pinapansin ang kaniyang ama. Dumating ang araw na
paglisan ni Carmela at pinili niyang magpaalam sa kanyang ama sa huling
pagkakataon ngunit hindi niya ito nakita. Naisipan ni Carmela na pumunta sa likod ng
kanilang bahay kung saan ginagawa ng kanyang ama ang pagmemekaniko. Doon
ay nakita niya ang isang bagay na noon lamang niya nakita. Sa ibabaw nito ay
nakadikit ang isang papel. Kinuha niya ito at binasa ang nakasulat doon.

“Carmela, sana ay maging masaya ka sa piling ng iyong tunay na pamilya.. Gamitin


mo ang bagay na ito sa pagpunta sa syudad nang makapunta ka roon ng walang
hirap at mabilis. Nabuo koi to gamit ang mga materyales na naipon ko ngunit
kailangan koi tong bigyan ng buhay ito at ang tanging naisip ko na paraan ay
kausapin ang Diyos at hayaang buhay ko na lang ang gamitin para sa nilikha kong ito.
Pasensya na Carmela at hindi na ako nakapagpaalam sa’yo. Ituring ka sanang
prinsesa ng tunay mong pamilya gaya ng ginawa ko sa’yo. Mahal na mahal kita!”
Isang hikbi lamang ang napakawalan ni Carmela matapos basahin ang sulat ng ama.
Napagtanto niyang mali ang ginawa niyang hindi pagpansin sa ama sapagkat para
bang kinalimutan niya ang pagmamahal ng ama sa ipinaramdam nito sa kanya sa
labing-walong taong nakasama niya ito.

“Ama, pangako ko sa’yo mahahanap ko sila at ikukuwento ko ang pagiging ama mo


sa akin at sa pagpaparamdam mo sa akin na hindi ako nag-iisa, ako ang iyong
prinsesa.”

Pumasok siya sa nilikha ng kanyang ama at tinahak ang daan papunta sa syudad na
walang kasiguraduhan kung ano ang nag-iintay sa kanya doon.

Marami ang namangha sa nilikha ng ama ni Carmela at marami ang sinubukang


gayahin ang bawat parte nito. Lumaganap sa buong mundo ang paraan ng
paggawa ng ganitong sasakyan. Tinawag itong “kotse”, sunod sa pangalan ng ilog
kung saan nahanap si Carmela noong sanggol pa lamang – ang Ilog Kotse.

You might also like