You are on page 1of 2

ANG BUHAY NI ALING BEBANG

Si Genoveva Edroza-Matute ay isang premyado at kilalang manunulat. Siya ay nagtapos sa


University of Santo Tomas kung saan din siya nagkamit ng Ph. D. Nagturo siya ng 46 na taon sa
mga paaralang bayan at nagretiro bilang dekana ng pagtuturo sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Kontrobersiyal ang buhay ni Aling Bebang dahil malinaw ang kaniyang paninindigan sa
pagsusulong wikang pambansa. Ang ganitong tindig ay maaaring sanhi ng kaniyang masaklap
nakaranasan noong nasa elementarya, mabuti naman at mababait ang mga guro sa mga paaralang
pinasukan ni Bebang, bagaman ang guro niya sa Unang Baitang ay may kakatuwang pamamalakad.
Bawal na bawal noon ang pagsasalita ng Tagalog. Ang kanyang guro ay may malalim na bulsa sa
saya (baro’t saya pa ang kasuotan ng mga gurong babae noon), na may lamang siling labuyo.
Kapag may nahuli siyangmag-aaral na nagsasalita ng Tagalog ay dumudukot siya ng sili at pilit na
ipinangunguya sa pobreng “nagkasala.” Sinasabitan din ng kartong may ganitong nakasulat: I was
caught speaking the dialect.
Ang palakad na ito ay laganap noon sa buong Pilipinas. Hindi lamang Tagalog kundi lahat ng
wikang pansarili ng iba’t ibang rehiyon ay ipinagbawal. Ito ay nanatili hanggang maging Malaya na
ang Pilipinas. Mabuti ang hangarin—upang matulungan ang mga mag-aaral na madaling matuto ng
Ingles—subalit masama ang naging epekto sa damdaming makabansa ng mga Pilipino. Maliit pa
siya’y naiisip na: “Biglang naipit sa desk ang paa ko. Siyempre, masasabi ko ang Aray! Ang lagay
ba, iisipin ko muna ang tawag doon sa Ingles, at pagkatapos ngmahahabang sandali ay saka pa ako
dadaing ng Ouch!”
Hindi rin batid ng nakararami na may mga pinaaral na iskolar si Aling Bebang (na ginagawa yaon
bilang pagpupugay sa kaniyang inang si Maria Magdalena), at ang dalawa sa mga ito ay
nagpasalamat sa kaniya noong kaniyang burol. Malimit sabihin ni Aling Bebang sa kaniyang mga
iskolar: “Mag-aral kayo at magsumikap. At kapag kayo’y nakatapos ay tumulong din kayo sa ibang
tao upang mabawasan ang kanilang paghihirap.” Akala ng iba’y sadyang masungit at mahigpit si
Aling Bebang, yamang walang anak at maagang nabalo nang yumao ang manunulat na si Epifanio
G. Matute. Malambot din pala ang kaniyang puso sa mga kabataang masikap ngunit dukkha.
Sa karera niya bilang manunulat, nakatanggap siya ng maraming parangal mula sa Palanca,
PNS/PNC, City of Manila, Quezon City, University of Santo Tomas College of Education at marami
pang iba. Natamo niya ang unang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino noong
1951, para sa kwentong Kwento ni Mabuti. Nagwagi rin ng Gawad Palanca ang kanyang kwentong
Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961. Nagtamo siya ng
Gawad CCP para sa Sining/Panitikan noong taong 1992.

Pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento ni Genoveva Edroza Matute,
karaniwang magtutuon siya sa isa o dalawang tauhan, at sa mga tauhang ito ay lalaruinniya ang
banghay at gusot ng kuwento. Ang pingas o puntos ng tauhan ay maaaring nasakapasiyahan nito, at
hindi dahil sa taglay na personal at panlabas na anyo. Sa mga matagumpayniyang kuwento, ang
mga tauhan ay pumupukol ng mabibilis na salitaan, o nagsasalita saguniguni, at ang mga kataga ay
waring makapaglalagos sa kalooban ng mambabasa. Sumasabay din ang mga kuwento ni Aling
Bebang, palayaw ni Matute, sa mga kasalukuyang pangyayari nakung minsan ay nakalulugod at
kung minsan ay nakaiinis, at kung ano man ang epekto nito samambabasa’y mauugat sa lalim ng
pagkaunawa ng manunulat sa kaniyang pinapaksa.

Ang ilan sa mga naging aklat niya na nailimbag ay ang "Mga Piling Maikling Kuwento" ng Ateneo
University Press, "Ang Tinig ng Damdamin" ng De La Salle University Press at ang "Sa Anino ng
Edsa", na mga maikling kuwentong isinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng
U.P. Press.

Noong 2005, ginawaran ng pagkilala ang kanyang mga kontribusyon sa panitikang Pilipino ng
dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Namatay siya noong Marso 21, 2009 sa edad na 94.

You might also like