You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 3

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng araling ito, ang mga bata ay inaasahang:


a. natutukoy ang mga kakayahan ng tao;
b. naipapahayag ang kahalagahan ng pagbahagi ng kakayahan; at
c. naisusulat ang mga mabuting gawain ng tao sa kapwa nito.

II. PAKSANG ARALIN: Pag-unawa sa Binasa tungkol sa “Natatanging Regalo)


Sanggunian: Batang Pinoy Ako 3 (Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino) pp
132-135
Kagamitan: Larawan, tsarts, kahon
III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Paghahanda

1. Pagbati
- Magandang hapon mga bata! - Magandang hapon rin po, Teacher Barbie.
- Kumusta kayo sa araw na ito? - Mabuti naman at kayo po?
- Mabuti rin naman.
- May liban ba ngayon sa klase? - Wala po, ma’am.
- Magaling. Tatlong palakpak para sa mga
naririto ngayon. - Clap, clap, clap.

2.
- Bago tayo tumungo sa ating bagong
aralin, ay mayroon muna tayong gagawin.
- Bawat grupo ay dapat may 3
representante. Ang inyong representante
ay bubunot ng papel sa kahon na may
salita at ipakitang-kilos ito. Ang grupo na
sasagot ay yun lang grupo ng
representante.

- Naunawaan po ba? - Naunawaan po.

Tumakbo, lumakad, nagwalis, tumalon,


sumayaw, kumanta, nagsulat, naglaba,
umakyat

3. Pagbalik-aral
- Naalala niyo pa ba ang pinagusapan natin - Tungkol sa Talento.
noong nakaraang tagpo sa Filipino?

- Diba may binasa tayong maikling storya? - Opo, titser.


- Ano nga ang pamagat noon? - Si Thea
- Tama. Sinu-sino ang mga tauhan? - Si Nerry at Thea
- Ano ang pinagkakaabalahan ng lahat? - May palabas sa paaralan.
- Ano ang naging suliranin sa estorya? - Hindi nakapunta si Nerry sa palabas.
- Ano naman ang ginawa ni Thea ukol dito? - Si Thea ang gumanap ng parte ni Nerry at
malugod naman tinanggap ni Thea kaya
siya nalang ang kumanta.
- Sa tingin niyo klas, mabuti ba ang ginawa - Opo.
ni Thea?
- Bakit niyo naman nasabi? - Kasi malugod niyang ibinahagi ang
kanyang talento saiba na walang pag-
aalinlangan

- Magaling! Tama ba ang ginawa ni Thea? - Tama po.

- Kung maaari, kailangan talaga nating


ibahagi sa iba ang ating talent para
makatulong sa iba at hindi natin alam na
ito pala ay naging inspirasyon ng lahat.

- Naunawaan ba? - Naunawaan po.

4. Pagganyak

- Mga bata, may ipapakita ako sa inyo na


larawan.

- Ano ang inyong nakita? Ito ay isang? - Kariton, po.


- Mahusay! Paano naman gamitin ang - Dapat itulak ito para gumana.
kariton?
- Tama! Para saan ba ang Kariton klas? - Lagayan ng mga inimpok na tubig at
marami pang iba.
- Magaling! Alam niyo ba klas na maliban sa
inyong mga sagot ay mayroon pang
magandang gamit ang kariton? Sa tingin - Lagayan ng mga bata.
niyo ano?

B. Paglinang ng Gawain

1. Paglalahad

- Ngayong hapon ay may babasahin tayong


kwento tungkol sa napakahusay na
paggamit ng Kariton na nagbigay pag-asa
sa nakakarami.
a. Pagbuo ng Pamantayan

- Grade 3, bago tayo tumungo sa kwento


mayroon ako ditong Trabaho Tsart na may
kulay ng inyong mga upuan. Kapag kayo
ay hindi nakikinig sa akin ay lalagyan ko
ng trabaho ang grupo niyo kahit hindi kayo
ang cleaners.

- Gusto niyo ba ‘yon mga bata? - Hindi po.


- Ano ang dapat niyong gawin? - Huwag maingay at dapat making.

2. Pagbasa ng Kwento

- Lahat ay magbasa at unawain ang binasa.

- Ano ang pamagat ng inyong binasa? - Natatanging Regalo


- Sino ang bida sa tekso. - Efren Penaflorida Jr.
- Nakita niyo na ba ang mukha niya klas? - Hindi pa po.

- Ano ba ang ginawa ni Efren bakit siya - Gumawa siya ng Klasrom Kariton.
nakilala?
- Anong mayroon sa Klasrom Kariton? - Mga aklat po.
- Para saan ang Klasrom Kariton? - Para sa mga bata na hindi nakapag-aral.
- Isa ba itong magandang gawain? - Opo.
- Kung oo, pwede ba siyang tawaging
buhay na bayani? - Opo.

- Paano siya naging bayani? - Gumawa siya ng klasrom kariton para sa


mga bata na hindi nakapag-aral at siya ay
naging mabuting Pilipino at isang
inspirasyon sa lahat na dapat tularan.

- Binahagi rin niya ang kanyang natatanging


kakayahan sa pagtutro sa mga bata.

- Binabalewala rin niya ang hirap ng pagtulak


ng kariton.
- Klas, hindi lang sa Pilipinas kilala si Efren
kundi sa buong mundo. Dahil sa kanyang
ginawa marami ang natuwa kaya siya ay
napabilang sa world class

- Bakit kaya Natatanging Regalo ang - Kasi po ginamit niya ng maayos ang talento
pamagat? na ibinigay ng Diyos sa kanya at hindi siya
naging maramot sa iba.
- Gusto niyo bang maging katulad ni Efren - Opo.
Penaflorida, klas?

- Bakit naman? - Kasi po tumutulong siya sa kapwa.

- Tama! Pero klas, hindi kailangan na


gumawa ng malaking bagay para tayo ay
makatulong sa kapwa. Sa simpleng
mabuting gawain lang tiyak ay matutuwa na
ang Diyos sa atin.

- Ngayon, sinong makapagbibigay ng


simpleng gawain na nagpapakita ng - Nagwawalis.
pagbabahagi ng kakayahan o kabutihan sa
ibang tao?

- Bakit naman kayo nagwawalis? - Para maging masaya si nanay


- Ano pa? - Tulungan ang guro sa pagdala ng bag niya.
- Bakit niyo naman tutulungan? - Kasi po nahihirapan siya at para naman
- Mabuti naman. maging magaan nalang ‘yong dala niya.

- Laging tandaan na marami pa kayong


mabuting gawin para makatulong sa
kapwa natin.

3. Pagpapahalaga
- Sa palagay niyo nagdulot ba ng
mga mabuting epekto ang - Opo.
pagbabahagi ng kakayahan sa iba?

- Ano naman ang mga mabuting - Maraming nagmamahal sa iyo.


epekto na iyon? - Matutuwa ang tao at lalo na ang Diyos.
- Maraming biyaya ang matatanggap.

C. Pangwakas na Gawain

1. Pagpapahayag muli ng Kabuung Ideya

- Ano ang natutunan mo sa ating - Dapat ibahagi ang kakayahan sa iba at


aralin ngayon? gumawa ng kabutihan

- Bakit kayo gagawa ng mga - Para maging mabait na bata.


mabuting gawain?

2. Aplikasyon

- Kulayan ang kakayahan ng mga


batang kagaya niyo
IV. PAGKIKILATIS

Sagutan: Anu-ano ang kakayahan mo na dapat mo ring ibahagi sa iba?


Magbigay ng LIMA(5) at paano mo ito ipapakita?

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Isulat sa papel ang mga mabuting gawain sa kapwa. Magbigay ng sampu (10).

Ipinasa ni:
MERCY BARBIE B. SABANDAL
Mag-aaral ng BMSEE

Ipinasa kay:
GERLIE N. REANBONANZA
Guro

You might also like