You are on page 1of 1

Ambisyon

Karla May Vidal

Isang mahirap na bata si Mia na nangangarap na maging abogado balang araw. Pero sadyang kay
lupit ng tadhana dahil pagkatapos niya ng highschool ay wala silang kakayahan na makapag-aral siya ng
kolehiyo. Kahit ganun ang nangyari, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na makapag-aral ng kolehiyo.

Lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran sa buhay. Naghanap siya ng trabaho para maypang-
bayad siya sa kolehiyo at matustusan ang kanyang mga pangangailangan. Nakahanap naman ng trabaho
si Mia. Nagtatrabaho siya sa umaga at paggabi naman ay pumapasok siya sa pampublikong paaralan sa
kursong gustong-gusto niya, ang pag-aabogado. Kahit nasa pampublikong paaralan siya ay may
malaking bayarin at hindi na niya kinaya ang mga gastos, hindi na kasya ang kanyang pang-araw-araw
na pangangailangan sa kanyang sahod. Kaya huminto muna siya sa pag-aaral, at nagdesisyong mag-
iipon muna siya.

Para kay Mia, hindi hadlang ang kahirapan sap ag-abot ng kanyang mga pangarap. Kaya naghanap ng
ibang trabaho si Mia na mas maganda at malaki ang sahod. Namasukan siyang katulong sa mag-
asawang pilipina at amerikano na si Mrs.Lea at Mr.Nathan.

Mia:Hi po,nandito po ako para mamasukan,sana po matanggap nyo ako para matustusan ko ang aking
pag-aaral.

Mrs.Lea:Oo naman,kasi nangangailangan din naman kami katulad mo..

Mr.Nathan:Yes of course,I think your good as I know.

Maayos naman ang trabaho ni Mia sa mag-asawa, mababait ang kanyang amo. Nang napag-usapan nila
ang buhay ni Mia, nasabi din niya sa kanyang amo tungkol sa kanyang pangarap na makapag-kolehiyo
at makapagtapos ng abogasya. Mapalad naman si Mia dahil naghandog naman ang kanyang amo na
pag-aralin siya ng kolehiyo kapalit ng pagsisilbi niya sa kanila. Sobrang saya ni Mia sa nangyari kaya
nagpapasalamat si Mia sa kanila dahil matutupad na rin ang kanyang pangarap.

Mia:Maramming-maraming salamat po sa lahat Mrs.Lea at Mr.Nathan,malaking tulong po ito para


saakin at sa pag-aaral ko.

Mrs.Lea:Walang yun Mia ang amin lang naman ay makatulong kami sa iyong kalagayan at sa mga
pangangailangan mo.

Mr.Nathan:I’m so happy we have you Mia.

Nagsipag at minabuti ni Mia ang kanyang pag-aaral para makatapos na siya ng kolehiyo sa pag-
aabogasya. Nag-aral siya ng mabuti, hindi niya sinayang ang oportunidad na binigay ng tadhana sa
kanya. May mga pagsubok din siyang dinaanan pero hindi iyon hadlang sa kanyang pag-aaral.

Nakatapos si Mia sa pag-aaral bilang Cum Laude, dahil sa sipag at tiyaga niya. Laking pasasalamat niya
sa kanyang amo dahil pinag-aral siya ng kolehiyo. Ngayon, isa na siyang sikat na abogado sa kanilang
lugar. Sinabi ni Mia sa kanyang sarili na kahit gaano kahirap ang buhay, basta’t guto moa ng isang
bagay, magagawa at makukuha mo iyon kung pagsisikapan mga ng mga ito.

You might also like